Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 2261 - Chapter 2270

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 2261 - Chapter 2270

2505 Chapters

Kabanata 2261

Pagkatapos pag-isipan ang tungkol dito, nagsalita siya. “Dahil hindi malubhang nasugatan si Senior Brother Nelson, dapat kang maglaan ng oras para magmeditate at magpagaling. Bakit ka nakatayo ngayon? Kung kailangan mo ng tulong namin sa anumang bagay, hindi ka namin tatanggihan."Hindi nakakapagtaka ang sinabi niya. Tumawa ng mahina si Nelson at tumango kay Griffin. Dahil mabuti ang ibig niyang sabihin, hindi kinontra ni Nelson ang kanyang sinabi. "May isang maliit na bagay lang ako na hindi maintindihan. Nagpadala kami ng 20 disipulo dito at bakit 19 lang tayo dito?” Natahimik ang lahat pagkatapos nilang marinig ang tanong ni Nelson. Nagkatinginan sila at may kakaibang tingin sa mga mata nila.Ang orihinal na mapayapang ekspresyon ni Griffin ay agad na naging malungkot na para bang nakalunok siya ng mga patay na langaw. Laking gulat ni Nelson nang makita niya ang kakaibang ekspresyon sa mukha ng lahat. Lumingon siya at tumingin sa mga tao. Sa sandaling ito, bigla niyang napagtanto
last updateLast Updated : 2023-06-10
Read more

Kabanata 2262

Maliban kay Fane, ilang sandali na lang bago mapatay ng apat pang natitira ang huling 30 corpse puppet. Subalit, higit na mas malakas si Fane sa 90% ng mga tao doon kahit na dalawang Divine Void Warrior pa lang ang natatalo niya.Sa sobrang halata ng pagkagulat sa mukha ni Nelson ay napuno ng pagdududa ang puso ni Griffin pagkatapos niya itong makita. Hindi niya napigilang magsalita. “Maswerte lang yung lalaking ‘yun. Anong malay natin kung anong ginawa niya?”Walang sinuman ang sumang-ayon sa sinabi niya. Alam ng lahat na naiinggit lang siya at nagseselos kay Fane. Habang mas lumalakas si Fane, lalo lang sumasama ang loob niya dahil hindi maganda ang relasyon nila. Naiintindihan ng lahat ang pag-iisip niya at hindi na sila nagsalita dahil dito.Subalit, nagsalita si Riv ng may kaunting panginginig sa kanyang boses sa sandaling iyon. “90! 90 corpse puppet na ang napatay ni Fane! Tingnan niyo siya! Naglaho na ang ikatlong Divine Void Warrior sa harap niya!”Nakuha ng mga sinabi niya
last updateLast Updated : 2023-06-11
Read more

Kabanata 2263

Gaya ng sinabi ng disipulo ng Dual Sovereign Pavilion, dapat niyang tanggalin ang mga salitang 'baka' dahil tiyak na tatapusin ni Fane ang hamon. Higit pa rito, matatapos niya ang hamon nang mas mabilis kaysa sa lahat! Ang pagkawala ng pang-apat na Divine Void Warrior ay nangangahulugan na si Fane ay matagumpay na nakapatay ng 120 na corpse puppet! Napakalaking tagumpay nito! Kahit na ang pinakamatandang disipulo ng Corpse Pavilion ay hindi nagawang kumpletuhin ang misyon dahil hindi nawala ang pang-apat na Divine Void Warrior sa harap niya.“Diyos ko! Ang pinakamahalaga dito ay ang taong ito ay nasa intermediate stage lamang ng innate level. Kailan pa naging ganito kalakas ang isang tao sa intermediate stage ng innate level? Napakarami natin, na nasa final stage ng innate level, na nabigo! Higit pa riyan, naipit kami sa isang sulok at hindi na kami makalaban!" Bahagyang nanginginig ang labi niya habang nagsasalita siya. Hindi siya makapaniwala na totoo ang lahat ng ito. Isa itong nap
last updateLast Updated : 2023-06-11
Read more

Kabanata 2264

Tinitigan nang masama ni Fane ang Divine Void Warrior sa harapan niya. Walang emosyon ang Divine Void Warrior habang inuunat nito ang palad nito. Isang bugso ng maitim na enerhiya na parang hamog ang naipon sa palad nito. Pamilyar si Fane sa enerhiyang ito. Naranasan na niya ito noon maraming beses na at napagtanto niyang ito ang enerhiyang inilalabas ng mga corpse puppet tuwing mamamatay ang mga ito.Naalala niya nang malinaw na nagutom nang sobra ang kanyang katawan nang maramdaman niya ang bugso ng enerhiya at pakiramdam niya ang enerhiyang ito ang pinakamasarap na pagkain sa mundo. Sa ngayon, bugso-bugso ng enerhiya ang naipon sa palad ng Divine Void Warrior at mayroon nang kabuuang 120 bugso ng enerhiya. Bumilis ang tibok nang puso ni Dane nang isipin niya kung anong iniisip ng warrior.Nagpatuloy sa pagtitipon ang enerhiya na parang alon na dumadaloy sa ilog sa palad ng Divine Void Warrior. Pagkatapos ng limang hinga, isang mapulang kristal ang lumitaw sa harapan ni Fane. Hindi
last updateLast Updated : 2023-06-12
Read more

Kabanata 2265

Sa sandaling ito, biglang narinig ang isang malutong na tunog mula sa Shattered Soul Crystal, at nagkaroon ng bitak sa mga kristal na ito. Lumaki nang lumaki ang mga lamat na ito at hindi nagtagal ay nabalot na ang buong kristal. Ang mga kristal na ito ay mukhang mababasag anumang oras at ang enerhiyang nasa loob nito ay muling mapapakawalan. Parehong inihanda ng lalaking nakamaskara at ni Lennon ang kanilang isipan. Umatras silang dalawa at muling hinigpitan ang kanilang hawak sa kanilang sandata upang makakibo sa biglaang pagbabago. Para sa kanila, ang mga kristal ay gantimpala sa mga nakapasa sa Divine Void Slope. Ngunit hula lamang nila ito at walang sigurado sa kanila. Kumpara sa mga natatakot na disipulo ng Corpse pavilion, mas kalmado ang naging reaksyon ni Graham at Benjamin. Kahit na nakatitig sila nang maigi sa Shattered Soul Crystal habang nagkakalamat ang mga ito, hindi sila nagtago dito. Si Fane lamang ang tumingin sa Shattered Soul Crystal nang mukhang nababahala. Pagka
last updateLast Updated : 2023-06-12
Read more

Kabanata 2266

Hindi inakala ni Fane na mangyayari ito. Akala niya noong una isa lamang itong normal na paraan ng pagpapalakas at hindi niya inakalang makikinabang siya nang husto dito.Ngunit ang katawan niya ay napwersa dahil nakahigop siya ng malaking spirit power. Dahil dito, namutla siya at sumuka siya ng dugo at napuruhan ang laman-loob niya. Ngunit para kay Fane, wala lang ito dahil hindi ito maikukumpara sa nakuha niya.Isang disipulo ng Thousand Leaves Pavilion ang tumitig nang diretso sa Divine Void Slope at nagkomento, “Bakit hindi pa sila lumalabas? Napunta ba sila sa ibang mundo pagkatapos nila sa pagsubok? Dahil natanggal tayo, hindi natin nakikita kung paano sila dadaan sa mga susunod na pagsubok?”Ang limang disipulong nakatapos sa misyon, at ang apat na Divine Void Warrior sa harapan nila ay naglaho. Ibig-sabihin nito nakapasa na sila sa pagsusulit. Gayunpaman, hindi sila umusad sa kung saan sila noong una sa Divine Void Slope, at nagtaka dito ang lahat.Higit sa lahat, ang mga n
last updateLast Updated : 2023-06-13
Read more

Kabanata 2267

Malakas na tanong ng lalaking nakamaskara, at tumango kaagad si Zamian. “Si Benjamin Gale at Graham Eliot ng Thousand Leaves Pavilion ay nakapasa sa pagsubok. Mas malakas si Graham at mas mabilis siyang nakatapos kumpara kay Benjamin.”Lumingon ang lalaking nakamaskara kung nasaan si Benjamin at napansin na medyo maputla ito. Uminom si Benjamin ng ilang gamot na para sa pagpapagaling at pagpapanumbalik ng true energy. Malinaw na malaki ang nagamit na true energy ng lahat noong nasa blood world sila.“Sino pa?” muling nagtanong ang lalaking nakamaskara.Umubo nang marahan si Zamian nang maging seryoso ang mukha niya. Ayaw niya itong sabihin, ngunit wala siyang magagawa. “Si… Senior Brother Lennon ng pavilion natin at… ikaw,” nautal si Zamian habang nagsasalita, at tumingin sa kanya ang lalaking nakamaskara nang gulat.Pinilit ni Zamian na ngumiti, at kumunot ang noo ng lalaking nakamaskara nang makita niya ang mukha ni Zamian. Nagtaka ito nang sobra. “Bakit mukhang maiiyak ka? Tapat
last updateLast Updated : 2023-06-13
Read more

Kabanata 2268

Nagsumikap siya sa pakikipaglaban at halos naubos niya ang kanyang true energy para patayin ang mga corpse puppet. Ganito rin ang problemang nakaharap ng iba.Si Benjamin ay mula sa iisang pavilion ni Graham, at tinanong rin siya ni Graham kung paano niya ginugol ang huling sandali pagkatapos nilang makabalik ng Divine Void Slope. Kahit anong mangyari, naubos ang kanilang true energy sa pakikipaglaban sa mga corpse puppet at nanghina sila. Pagkatapos tanungin si Benjamin sa naging proseso, napagtanto ni Graham na kahit gaano pa sila kalakas, hanggat nasa intermediate level sila, mauubos pa rin ang kanilang true energy. Higit sa lahat, ang bilis ng pagpatay nila dito ay sumasalamin sa kanilang lakas. Kung mas mabilis nila itong pinatay, mas maraming enerhiya ang nauubos dito. Ang mga mas mahina ay mas matatagalan sa pagpatay sa mga kalaban, at hihina ang mga atake ng mga corpse puppet.Ang eldest disciple ng Corpse Pavilion ang walang-dudang pinakamalakassa kanilang lahat doon. Sila
last updateLast Updated : 2023-06-14
Read more

Kabanata 2269

Biglang sumama si Benjamin sa usapan.Lumingon si Graham at nakita niyang malalim rin ang iniisip ni Benjamin habang nakatingin ito kay Fane. Alam niyang pareho sila ng iniisip ni Benjamin. Naranasan rin niya ang labanan ang 120 corpse puppet at muntik rin siyang mabigo sa huli. Ang mga sugat ni Benjamin ay mas malala, kaya nagtaka rin siya lalo sa kalagayan ni Fane ngayon.“Alam ko na!” sa sandaling ito, ang lalaking nakamaskara, na nasa malayo, ay biglang nagsalita. Mukhang seryoso ang mata nito, at para bang nalutas na nito ang pinakamalaking problema sa buhay niya. Nagsalita siya nang malakas, at dahil kitang-kita ang pwesto niya, kaagad siyang napansin ng lahat. Maging si Fane ay napatingin, at ngumisi ang lalaking nakamaskara bago maningkit ang mata nito. “Soul attribute ang sinasanay mo ano?!” tanong ng lalaking nakamaskara, habang parang sigurado sa kanyang sarili.Marami sa kanila, sa sandaling iyon, ang napagtanto na talagang gumamit si Fane ng martial skill na may soul at
last updateLast Updated : 2023-06-14
Read more

Kabanata 2270

”Tama; maswerte siya! Kung hindi gumamit si Fane ng martial skill na may soul attribute, sigurado akong mabibigo siya sa misyong ito at matatanggal!”“Hindi siya karapat-dapat na makausad kasabay ng apat!” “Tama! Sadyang maswerte lang ang taong ito. Paano siya makakausad kung hindi kayang pigilan ng kanyang skill ang mga corpse puppet?!”Marami ang hindi kumbinsido, ang tingin nila kay Fane ay isang taong maswerte lamang. Humanga sila sa ibang mga master na nagtagumpay gamit ng tunay nilang lakas, ngunit kinamuhian nila si Fane. Bakit siya nakausad kasama ng apat na master? Higit pa rito, ang taong ito ay nasa intermediate stage lamang ng innate level. Bakit siya nagtagumpay, habang silang nasa final stage ng innate level, ay nabigong makausad?Sumama ang pakiramdam ni Griffin na para bang kumain siya ng tae. Bago pa ipaliwanag ng lalaking nakamaskara ang mga bagay, pinahirapan siya ng kaisipan na mas malakas talaga sa kanya si Fane. Ngunit mas sumama ang pakiramdam niya nang mari
last updateLast Updated : 2023-06-15
Read more
PREV
1
...
225226227228229
...
251
DMCA.com Protection Status