Nagsumikap siya sa pakikipaglaban at halos naubos niya ang kanyang true energy para patayin ang mga corpse puppet. Ganito rin ang problemang nakaharap ng iba.Si Benjamin ay mula sa iisang pavilion ni Graham, at tinanong rin siya ni Graham kung paano niya ginugol ang huling sandali pagkatapos nilang makabalik ng Divine Void Slope. Kahit anong mangyari, naubos ang kanilang true energy sa pakikipaglaban sa mga corpse puppet at nanghina sila. Pagkatapos tanungin si Benjamin sa naging proseso, napagtanto ni Graham na kahit gaano pa sila kalakas, hanggat nasa intermediate level sila, mauubos pa rin ang kanilang true energy. Higit sa lahat, ang bilis ng pagpatay nila dito ay sumasalamin sa kanilang lakas. Kung mas mabilis nila itong pinatay, mas maraming enerhiya ang nauubos dito. Ang mga mas mahina ay mas matatagalan sa pagpatay sa mga kalaban, at hihina ang mga atake ng mga corpse puppet.Ang eldest disciple ng Corpse Pavilion ang walang-dudang pinakamalakassa kanilang lahat doon. Sila
Biglang sumama si Benjamin sa usapan.Lumingon si Graham at nakita niyang malalim rin ang iniisip ni Benjamin habang nakatingin ito kay Fane. Alam niyang pareho sila ng iniisip ni Benjamin. Naranasan rin niya ang labanan ang 120 corpse puppet at muntik rin siyang mabigo sa huli. Ang mga sugat ni Benjamin ay mas malala, kaya nagtaka rin siya lalo sa kalagayan ni Fane ngayon.“Alam ko na!” sa sandaling ito, ang lalaking nakamaskara, na nasa malayo, ay biglang nagsalita. Mukhang seryoso ang mata nito, at para bang nalutas na nito ang pinakamalaking problema sa buhay niya. Nagsalita siya nang malakas, at dahil kitang-kita ang pwesto niya, kaagad siyang napansin ng lahat. Maging si Fane ay napatingin, at ngumisi ang lalaking nakamaskara bago maningkit ang mata nito. “Soul attribute ang sinasanay mo ano?!” tanong ng lalaking nakamaskara, habang parang sigurado sa kanyang sarili.Marami sa kanila, sa sandaling iyon, ang napagtanto na talagang gumamit si Fane ng martial skill na may soul at
”Tama; maswerte siya! Kung hindi gumamit si Fane ng martial skill na may soul attribute, sigurado akong mabibigo siya sa misyong ito at matatanggal!”“Hindi siya karapat-dapat na makausad kasabay ng apat!” “Tama! Sadyang maswerte lang ang taong ito. Paano siya makakausad kung hindi kayang pigilan ng kanyang skill ang mga corpse puppet?!”Marami ang hindi kumbinsido, ang tingin nila kay Fane ay isang taong maswerte lamang. Humanga sila sa ibang mga master na nagtagumpay gamit ng tunay nilang lakas, ngunit kinamuhian nila si Fane. Bakit siya nakausad kasama ng apat na master? Higit pa rito, ang taong ito ay nasa intermediate stage lamang ng innate level. Bakit siya nagtagumpay, habang silang nasa final stage ng innate level, ay nabigong makausad?Sumama ang pakiramdam ni Griffin na para bang kumain siya ng tae. Bago pa ipaliwanag ng lalaking nakamaskara ang mga bagay, pinahirapan siya ng kaisipan na mas malakas talaga sa kanya si Fane. Ngunit mas sumama ang pakiramdam niya nang mari
Tumalikod si Fane at hindi sumagot. Anuman ang sabihin ng lalaking nakamaskara, para bang wala siyang naririnig. Hindi mahalaga anuman ang sabihin niya.Higit pa dito, inaabangan ni Fane ang huling pagsubok. Kung nangyari ito bago pa niya nakuha ang Scattered Soul Crystal sa blood world, posibleng wala siyang laban sa lalaking nakamaskara. Subalit, iba na ang sitwasyon ngayon. Nagawa ni Fane na bumuo ng 20 mga soul sword sa tulong ng Scattered Soul Crystal. Kasama ang 15 mga soul sword na nabuo niya noon, mayroon siyang kabuuang bilang na 35 mga soul sword, na dahilan upang hindi siya matakot.Ang palatandaan na na-master na niya ang Destroying the Void ay kapag nagawa na niyang bumuo ng 50 mga soul sword. Sa kasalukuyan, 15 mga soul sword na lang ang kulang niya para maabot niya ang layunin niya na 50 mga soul sword. Kapag nagawa niyang bumuo ng 50 mga soul sword, wala nang sinuman sa innate level ang kayang lumaban sa kanya. Kung sabagay, ang Destroying the Void ay nasa ultimate go
Bukod sa sumulpot ang isang Divine Void Warrior sa harap nila, sumulpot ang parehong Divine Void Warrior sa kaliwa nila pagkatapos dumaan sa kanila ang pulang liwanag. “Diyos ko… Tatlong Divine Void Warrior? Anong nangyayari?” Bago makapagsalita ang lima, nagsimula nang mataranta ang mga taong nakatayo sa baba ng dalisdis.Totoo nga na pahirap ng pahirap ang mga pagsubok, at ngayong sabay-sabay na lumitaw ang tatlong Divine Void Warrior, kailangan bang labanan ng bawat isa sa kanila ang tatlong mandirigma?Habang nagsisimula silang makaramdam ng kaba, muling sumulpot ang matandang boses sa tabi ng kanilang mga tainga. “Ang bawat isa sa inyo ay lalaban sa tatlong Divine Void Warrior, na bahagyang mas malakas kaysa sa mga mandirigma na nakalaban niyo sa ikalawang pagsubok. Subalit, gamit ng mga mandirigmang ito ang parehong martial skill, ang Dream Soul Swordsmanship. Katumbas ng pagtalo sa tatlong Divine Void Warrior na ito ang pagpasa sa ika-anim, ika-pito, at ika-walong pagsubok!"
”Pwede bang manahimik ka na?” Ang sabi ni Fane. Anuman ang mangyari, nakasama ng relasyon nila, at walang mangyayaring maganda kahit na makipag-usap pa siya ng maayos. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ni Fane na masanay ang lalaking ito na gawin ito.Nagdilim ang mukha ng lalaking nakamaskara noong sinagot siya ni Fane. Sa sobrang galit niya ay halos ubuhin siya. “H*yop ka! Hintayin mo lang! Huwag mong isipin na ligtas ka na dahil lang hindi kita naaabot ngayon!”Tumawa si Fane at sumagot, “Kung ganun hihintayin ko kung anuman ang gagawin mo. Sana lang hindi ka magmakaawa sa’kin na patawarin kita habang umiiyak kapag umabot tayo sa puntong ‘yun.”Sa sobrang galit ng lalaking nakamaskara ay nanginig ang mga kamay niya noong narinig niya ito. Napatingin din si Graham at ang iba pa kay Fane sa gulat, maging siya ay hindi nangangahas na magsalita ng ganito sa lalaking nakamaskara. Kung sabagay, may ilang mga bagay siyang kailangang gawin upang mapanatili ang kanilang relasyon. Hindi ba n
Pinagdikit ni Fane ang kanyang mga kamay, at agad na nagsama-sama at naging tatlo ang 35 na mga soul sword na lumulutang sa kanyang mga palad. Tatlong malalaking mga soul sword ang lumulutang sa harap ni Fane, at naging matalim ang kanyang mga mata. Nabanggit ng matandang announcer na ang mga Divine Void Warrior na ito ay mas malakas kaysa sa mga mandirigma na nakalaban niya sa ikalawang pagsubok. Kahit na kaunti lang ang pinagkaiba ng lakas nila, hindi na niya maaaring gamitin sa anim na ito ang parehong istratehiyang ginamit niya noong una. Kailangan niya munang talunin ang tatlo sa kanila! Muli, ginawa niya ang mga seal gamit ng kanyang mga kamay, at agad na sumanib ang mga itim na seal sa malaking soul sword sa harap niya. Ang soul sword ang parang isang kanyon na nakahandang pumutok. Sa isang kumpas niya, sumugod ang dambuhalang soul sword papunta sa mga Divine Void Warrior. Mabilis na kumilos ang magkabilang partido at sumalpok ito sa isa't isa bago muling makahinga si Fane.
Masama ang loob ni Griffin dahil nagawa ni Fane na iwasan ang atake at nagalit siya dahil nagawa ni Fane na magpatuloy sa pakikipaglaban.Muling sumulpot si Fane pagkatapos ng sinabi ni Griffin, ngunit wala na siya sa orihinal niyang kinatatayuan. Sa halip, nakalayo siya ng sampung metro sa isang iglap lang at sumulpot siya sa likod ng tatlong Divine Void Warrior na umatake sa kanya.Whoosh!Tuluyang nilamon ng dambuhalang soul sword na nakikipaglaban sa tatlong Divine Void Warrior ang pulang liwanag. Para bang nagmula sa kawalan ang matalas na kulay itim na espada nang wasakin nito ang atake at depensa ng naunang tatlong Divine Void Warrior. Sa isang kisapmata, tumagos sa mga katawan ng tatlong Divine Void Warrior ang espada. Pagbaon ng tatlong dambuhalang soul sword sa mga katawan nila, agad na naging mga kulay pulang piraso ng liwanag ang naunang tatlong Divine Void Warrior at lumutang ang mga ito sa ere.Bumuntong hininga si Fane habang pinagmamasdan niya ang mga kulay pulang b