Sa muling pagwasiwas niya sa kanyang espada, tuluyang nabura ang ikalawang Divine Void Warrior at naging maliliit na pulang ilaw. Sa isang iglap, isang Divine Void Warrior na lang ang natitira sa tabi ni Fane.Sa pagkakataong ito, hindi umabot si Fane. Nagawang higupin ng Divine Void Warrior na iyon ang mga pulang liwanag mula sa mga napatay niyang Divine Void Warrior. Biglang nadagdagan ng husto ang lakas ng Divine Void Warrior.Ginamit ni Fane ang kanyang pandama at sinimulan niyang tantyahin ang lakas ng kanyang kalaban. Naging tatlong beses na mas malakas ang Divine Void Warrior na nasa harap niya. Pagkatapos ng mga pag-atake niya, muling dumepensa si James dahil sa ikatlong Divine Void Warrior. Sa pagkakataong ito, kalmado lang si Fane ng gaya ng karaniwan. Muli nanamang magsimulang masira ang epasyo sa ilalim ng kanyang mga paa at umatras siya ng 5 metro, at binigyan siya nito ng sapat na oras upang habulin ang kanyang hininga. Paghinga niya ng malalim, muli niyang ginamit an
"Mukhang napakalakas ni Fane. Kumpara sa kanya, wala akong kwenta! Kahit na isang Divine Warrior lang ang kaharap ko, kailangan kong gamitin ang true energy ko para patayin ito, pero siya, magkakasabay niyang nilabanan ang tatlo at para bang hindi niya gaanong ginamit ang lakas niya! Talagang mamamatay ako kapag kinumpara ko ang sarili ko sa iba.""Tama 'yan. Akala ko maswerte lang yung batang 'yun kaya nakaabot siya sa puntong 'to, at nasa intermediate stage pa lang siya ng innate level!" Ang katotohanan na nasa intermediate stage pa lang ng innate level si Fane ang naging dahilan ng pagkalito nila sa pag-intindi sa tunay na lakas ni Fane. Kung sabagay, lahat sila ay nasa late stage na, kaya naman ang mga nasa intermediate stage ay dapat na mas mahina kaysa sa kanila. Sa hindi inaasahan, binago ni Fane ang pananaw ng lahat. Hindi na sila nangahas na maliitin ang sinuman na nasa ganoong lebel.Sumimangot sila Griffin at Theo dahil dito. Ang lahat ng sinabi nila na dahil lamang sa
Tila naramdaman ni Lennon ang mga titig ni Fane. Agad na tumingala si Lennon, at noong nakita niya na kalmadong nakatingin sa kanya si Fane, pakiramdam ni Lennon ay ilang beses siyang nasampal sa mukha.Gusto sana niyang magsalita upang protektahan ang kanyang dignidad, ngunit walang lumabas na salita sa kanyang bibig. Ang tanging nagawa niya ay ang pigilan ang mainit na pakiramdam sa kanyang sikmura, nagdusa siya ng wala man lang masabi.Bago niya nakita ang lahat ng nangyari, may lakas pa ng loob si Lennon na sigawan pabalik si Fane. Hindi na niya ito magawa dahil kitang-kita na ng lahat ang kakayahan ni Fane.Maririnig ang tunog ng labanan, at hindi na kailangan pang lumingon ni Fane upang malaman na malapit nang matapos ang laban ng natitira pang tatlong kalahok.“Ack, ack!” Sumuka ng maraming dugo si Benjamin, namula ang kanyang mga mata dahil naabot na niya ang kanyang limitasyon. Nagamit na niya ang lahat ng lakas niya ngunit tatlong Divine Void Warrior lamang ang nagawa niy
Nanalo siya! Nakalagpas na rin dito ang lalaking nakamaskara! Ngumiti siya nang bahagya, natutuwa sa kanyang sarili. Itinuon ng lalaking nakamaskara ang kanyang atensyon sa laban kanina, kaya hindi niya talaga alam ang nangyayari sa paligid niya. Wala siyang alam kung sinong natanggal at sinong nagtagumpay. Subalit, ang lahat ng ito ay hindi na mahalaga sa lalaking nakamaskara. Hindi siya naniniwalang may ibang makakagawa ng nagawa niya nang mas mabilis. Tumawa siya, iniisip sa kanyang sarili na si Fane ay isa lamang basurang maswerte. Medyo magaling si Graham pero wala pa ito sa lebel niya. Ang dalawa ay hindi na kailangang banggitin pa, dahil halos hindi na ito makapasa sa ikatlong pagsubok. Nang maisip ito, ngumiti siya habang lumilingon. Nakita niya si Lennon at Benjamin na napapaligiran ng pulang liwanag, at kaagad niyang nalaman na natanggal na ang dalawang ito tulad ng inaasahan. Kakaiba ang itsura ng dalawa. Bakit sila nakatingin sa taas ng bundok nang mukhang galit a
Sa isang sandali, nararamdaman lamang ng lalaking nakamaskara ay ang kumukulo niyang galit. Para itong isang bulkan na pumuputok sa kanyang puso, at nilamon na nito ang lahat ng katinuan niya. Namutla si Lennon sa takot. Maraming mga paghihirap sa Corpse Pavilion mismo, at ang mga gawain nila ay mas malala sa mga karaniwang angkan. Para makarating sa taas ang lalaking nakamaskara nang ganito, paanong hindi siya magiging malupit? Siguradong marami nang disipulo ng Corpse Pavilion ang namatay sa kamay niya. Maaaring mahusay rin si Lennon, ngunit hindi siya maikukumpara sa lalaking nakamaskara. Malinaw niyang naaalala na ang lalaking nakamaskara ay nakarating na sa spring solidifying realm. Ngunit para makapasok sa Hidden Place for Resources, kinailangan niyang ibaba ang kanyang lebel. Kahit pagkatapos dumaan sa ganitong mga pagsubok, hindi siya nakalamang kahit isang beses. Talagang isa itong malaking dagok sa lalaking nakamaskara. "Ikaw… Hintayin mo lang!" Nagkikiskisan ang ng
Ngunit pagkatapos ng sinabi niya, hindi tumigil ang lalaking nakamaskara. Nagsimula itong lumapit sa ika-823 metro. Bawat hakbang niya ay napakabigat, at puno rin ito ng matinding galit. Suminghal nang bahagya si Graham. Hindi siya tanga at alam niya ang ginagawa ng lalaking nakamaskara. Kahit na ganito, nailang pa rin siya sa loob niya. Dahil kumilos na ang lalaking nakamaskara, hindi na ito inisip ni Graham at tumungo na rin siya sa ika-823 metro. Makalipas ang isang sandali, nakarating silang dalawa sa pwesto kung nasaan si Fane. Sa sandaling iyon, tatlo na lamang silang pwedeng umusad. Inaasahan na ng lahat si Graham at ang lalaking nakamaskara, ngunit si Fane ay hindi nila inaakalang mapupunta doon. Nakatingin ang lahat ng nanonood kay Fane nang gulat na gulat. Tumaas ang kilay ni Fane nang makita niya ang dalawa ngunit hindi siya nagsalita. Ito ang unang beses na hindi nagsalita ang lalaking nakamaskara. Noon, lagi itong may nasasabi tuwing makikita nito si Fane, at lagi
"Maraming mga halimaw sa blood world. Kapag pinatay mo sila, magiging spirited grass at herb, maging mga mahahalagang martial art at skill. Ito ang pagbibigay sa inyo ng Divine Void Slope," patuloy na sinabi ng matandang boses bago mahimasmasan si Fane. Nang marinig ito, ang lahat ng nagpunta sa blood world ay kaagad na bumangon. Nagtataka sila noong una kung bakit sila pinadala sa lebel na ito, at para saan ang pagpunta sa paanan ng Netherworld Mountain kasama ang tatlong iyon. Nasagot na ang mga pagdududa nila. Muling sinabi ng matandang boses, "Ngayon ay nakatayo kayo nang isang daan at dalawampung milya ang layo mula sa Netherworld Mountain. Habang palapit kayo, mas lumalakas ang mga halimaw at mas bumababa ang dami ng mga magiging kayamanan." Ang mga sinabi ng matandang boses ay parang isang droga na nagpasigla sa mga tao. Mula noong umapak sila sa Divine Void Slope, wala silang ibang nakaharap kundi kabiguan; wala silang nakamit na kahit ano. Ang mga kayamanan ay binibi
Muling narinig ang boses ng matanda habang malalim pa ang iniisip ni Fane, "Ang lebel na ito ay aabutin ng dalawang araw para matapos. Matatanggal ka kapag hindi mo narating ang paanan ng Netherworld Mountain sa loob ng dalawang araw. Ang lebel ay magsisimula—ngayon na!" Natahimik ang boses pagkatapos nito. Tumayo si Fane habang humihinga siya nang malalim. Kinailangan niya munang pakalmahin ang ugat niya at ihanda ang kanyang sarili bago siya umusad. Inisip niya ang lahat ng sinabi ng matandang boses. Ang misteryosong boses ay gumamit ng 'halimaw' upang ilarawan ang mga makakaharap nilang balakid, at alam ni Fane na isa lamang ito kabuuang salita. Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang makakaharap nila sa lebel na ito. Pagkatapos mag-isip nang matagal, kumuha ng isang bagong maskara si Fane mula sa Mustard Seed at inilagay ito sa kanyang mukha. Kahit na hindi siya makakita ng kahit sino, sigurado siyang may makakasalubong siyang tao sa kanyang paglalakbay. Ayaw niyang makila