Wala pang nakikita si Fane na kahiy sino, kahiy pa halimaw sa buong paglalakbay niya. Ito ang unang pagkakataong nakakita siya ng isang buhay na tao. Sa kanilang tatlo, si Isaiah lamang ang nakilala niya. Nang pakinggan niya ang usapan ng mga ito, nalaman ni Fane na si Hayden ay mula sa Thousand Leaves Pavilion habang si Samson ay mula sa Muddled Origin Clan. Ang dahilan kung bakit kilala ni Fane si Isaiah ay dahil pareho silang mula sa Dual Sovereign Pavilion. Tatlo ang napiling disipulo ng Dual Sovereign Pavilion para sa Secret Place for Resources. Bukod kay Nelson at Griffin, ang ikatlong napili ay si Isaiah. Ang mga napiling disipulo ng Dual Sovereign Pavilion ay may matataas na posisyon, at kaya nilang gawin ang kahit anong gusto nila nang walang kabayaran. Mula nang makarating sa Secret Place for Resources, ang mga disipulo na may mataas na posisyon ay nagkalat, at ang mga chosen disciple ay hindi nagkaroon ng pagkakataong ipamalas ang kanilang posisyon. Kaunti lamang ang a
Tumango nang bahagya si Fane; wala siyang balak na makipagtalo sa mga ito. Paglingon niya para umiwas sa gulo, isang mabangong amoy ang dumaan sa kanyang ilong. Ang mabangong amoy ay dumaan sa kanya na parang mga bulaklak na namumukadkad, at napahinto si Fane. Mula noong pumasok siya sa blood world, ang lahat ng nakikita niya ay puro karumal-dumal at sira-sira. Hindi siya nakaamoy ng damo at kahoy, lalo na ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Ang patay na puno at mga nabubulok na sangang nakita niya ay napakatagal nang patay. Ang nabubulok at mabaho nitong amoy ay laging nandoon. Saan nanggaling ang matamis na amoy na iyon? Muling lumingon si Fane, hinarap ang tatlong lalaki. Mukhang naamoy rin ng tatlo ang amoy na ito, kumunot ang noo nila, dahil naramdaman nila ang biglang pagbabago ng ihip ng hangin. Mas lumakas ang halimuyak, at isang ihip ng hangin ang biglang dumaan sa kanila habang sumasayaw ito sa ere. "Na—Naamoy niyo ba 'yun?" sinabi ni Samson habang naninigas ang mu
Nahimasmasan ang lahat sa mga sinabi ni Fane, at agad na tumakbo palabas ang tatlo.Umuulan ng mga talulot sa paligid, at hindi nila alam kung saan sila pupunta. Nawalan silang tatlo ng sense of direction noong mga sandaling iyon at nagtatakbo sila sa paligid.Para bang nararamdaman ng hangin ang kagustuhan nilang tumakas, biglang lumakas ang hangin na umiihip sa kanila, at di-kalaunan ay naging isang napakalakas na hangin ito.Naririnig ni Fane ang tunog ng pagbangga at paghagupit ng hangin na gaya ng isang buhawi. Sa sobrang dami ng mga talulot na nalalaglag sa paligid ay naharangan nito ang kanyang paningin, at naaamoy niya ang halimuyak ng bulaklak sa buong paligid.Hindi nag-abalang huminto at tumingin sa kagandahan ng paligid si Fane at ang kanyang mga kasama. Ginamit niya lamang ang laws of space at agad siyang lumayo ng sampung metro sa isang kisapmata, naiwasan niya ang atake ng makakpal na mga talulot.Hindi madaling sumuko ang mga talulot. Pagsigaw ni Fane sa tatlong ta
Hindi na maganda ang sitwasyon at nahirapan si Samson na lumaban. Natuklasan niya na may sariling isip ang mga fiend. Inatake siya ng mas matindi ng mga talulot nang maramdaman ng mga ito na nanghihina na siya.Bumuntong hininga si Hayden, tumulo ang malamig na pawis sa kanyang noo. Nanatili siyang tahimik at pinakinggan niya ang mga sigaw ng dalawa pa niyang kasamahan. Ngayong nalagay sila sa isang napakahirap na sitwasyon, tanging kamatayan lamang ang naghihintay sa kanila kapag wala silang ginawa.May magandang kinabukasan na naghihintay kay Hayden, at ang huling bagay na gusto niyang mangyari ay ang mamatay sa loob ng Secret Place for Resources.“Hanapin niyo ang mga fiend! Alam natin na nagtatago sila sa dilim!” Sumigaw ng malakas si Hayden, “Magiging ligtas lang tayo kapag napatay natin ang mga fiend!”Tama siya. Dahil napapaligiran sila ng mga talulot, hindi nila alam kung saang direksyon sila tatakas. Kapag nabigo silang makatakas, hindi magtatagal ay uubusin ng mga talulot
Biglang may naalala si Fane. Pakiramdam niya ay pamilyar ang atakeng ito na para bang nakita na niya ito kung saab dati!Habang iniisip niya ang tungkol dito, lalo lamang itong nagiging pamilyar. Huminga siya ng malalim, at biglang sumagi sa isip niya ang isang alaala. Medyo malabo ang alaalang ito, ngunit natatandaan pa rin niya ito.“Ang ganitong klaseng Illusory Wind Demon ang pinakamahirap kalaban. Madali natin ‘tong mahahanap kung nasa tuyong lupa ‘to. Pero mahihirapan tayo kung nasa loob ‘to ng gubat.”“Pero natatandaan ko na ang Illusory Wind Demon ay isa lang maliit na fiend na kakapasok lang sa early stage ng innate level…”“Hindi man malakas ang atake nito, may kakayahan naman ito na kumuha ng true energy mula sa Langit at Lupa anumang oras upang mapunan ang kakulangan nito sa lakas. Kapag nahuli ka nito, kailangan may sapat kang lakas at malinaw na paningin upang matalo ito. Kung hindi, malaking problema ito!”Sumagi sa isip ni Fane ang usapang ito. Hindi kay Fane ang a
”Nasaan ang pisikal nilang katawan?” Nagtanong ang ninuno ni Fane, kaunti pa lang ang kaalaman niya noong panahon na iyon.“Nasa tabi mo! Magpapanggap silang mga halaman,” Tinaas ng kaibigan niya ang kanyang baba noong sinagot niya ang kanyang tanong, “Sa oras na maging halaman sila, hindi nila kayang gumalaw. Ito ang pinakamalaki nilang kahinaan. Tsaka, mahina ang depensa nila. Kapag nahanap mo ang pisikal nilang katawan, atakihin mo sila! Kahit na nasa early stage sila ng innate level, madali mo silang matatalo!”Paulit-ulit na sumusulpot sa isip ni Fane ang mga salitang ito. Magpapanggap na halaman ang Illusory Wind Demon, at limitado ang abot ng atake nila. Nasa malapit lang ang mga pisikal nilang katawan habang umaatake sila.Malinaw na natatandaan ni Fane na wala siyang nakitang mga halaman noong una silang dumating sa lugar. Puro tuyo, at kulay pulang lupa lang ang nasa paligid nila. Ang pinakamalapit sa kanya ay isang patay na puno lang, at walang kahit isang damo dito.Big
Nararamdaman ni Samson ang aura ng kamatayan na bumabalot sa kanyang lalamunan. Nakapikit na ang kanyang mga mata habang hinihintay niya ang kanyang katapusan.Minsan, kapag alam ng isang tao na malapit na siyang mamatay, kumakalma sila. Ganoon ang pakiramdam ni Samson ngayon, kahit na gusto pa talaga niyang mabuhay. Kung sabagay, maganda ang kinabukasang naghihintay sa kanya.Isa siyang internal disciple ng Thousand Leaves Pavilion. Hangga’t hindi siya sumusuko, maaari siyang maging isang deacon sa Thousand Leaves Pavilion o maging isang informal elder. Marami siyang posibilidad.Ngunit, ang lahat ng iyon ay malapit nang maglaho. Sa sobrang lakas ng amoy ay natulala siya, at bigla niyang narinig na, “Nahanap ko na!”Sa mga sumunod na sandali, maraming sigawan ang umalingawngaw sa mga tainga ni Samson. Bigla niyang minulat ang kanyang mga mata, at para bang may humigop sa buhay ng mga bulaklak na nasa harap niya, at bigla itong nalanta.Para bang ilang dekada ang lumipas para sa m
Matagal na tinitigan ni Fane ang nanginginig na demonyo, at sa wakas ay namatay na ang Illusory Wind Demon! Habang gulat na gulat na nakatingin ang iba, biglang sumabog ang demonyo, at naging kulay pink na liwanag ito.Palakas ng palakas ang liwanag, sa sobrang liwanag nito at nagsimulang sumakit ang kanilang mga mata. Paglipas ng ilang oras, naglaho ang kulay pink na liwanag. Isang bilog na pill ang lumitaw sa harap nilang tatlo! Mayroong malakas na amoy ang pill, at halatang hindi ito isang pangkaraniwang pill!Tinaas ni Fane ang kanyang kilay, ginamit niya ang kanyang divine senses. Pagkatapos nito, nalaman niya na ang pill ay isang seventh-grade na pill. Ang tanging bagay na hindi niya alam ay kung ano ang pangalan o epekto ng pill na ito.Subalit, anuman ang nangyari, siya ang nakapatay sa demonyo, at sa kanya dapat mapunta ang pill. Hindi na niya gaanong inisip ang tungkol dito at nilabas niya ang isang kahon mula sa Mustard Seed, nilagay niya ang pill sa loob at tinabi niya a