Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1711 - Chapter 1720

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1711 - Chapter 1720

2505 Chapters

Kabanata 1711

"Diyos ko, tiyak na nasa third-grade ultimate god level ang matandang to!" Nang nagsimula ang laban, napasigaw sa takot ang isa sa mga nanonood sa laban at sobra siyang nagulat. "Magaling! May dalawang masters na nasa third-grade ultimate god-level mula sa Woods at Cabello family. Tiyak na mananalo tayo ngayon. Basta't mamatay ang mga elder na nasa first-grade ultimate god-level at si Angus Moseley na nasa second-grade ultimate god-level mula sa Hall of Divine Royal, mawawalan ng intensyong lumaban ang mga tao nila!" Nagsimulang magliyab uli ang pag-asa sa puso ni Harry nang nakita niya kung paanong isa-isang pinatay ni Kenneth ang mga master na iyon na nasa first-grade ultimate god-level gamit ng suntok niya. Siya, na kanina ay nawalan ng pag-asa, ay ngayo'y may maligayang ekspresyon sa mukha niya. "Oo, pavilion master. Nailigtas tayo. Patayin, patayin natin silang lahat! Haha… Talagang ang lakas nila Fane at hindi nila tayo kailanman dinismaya!" Sobrang nasabik ang matandang baba
Read more

Kabanata 1712

Si Angus, na nasa second-grade ultimate god-level, ay napatay ni Fane gamit lang ng isang suntok. Talagang nagulat ang lahat ng naroon sa eksenang ito. Lalo na't nagawa ito ni Fane nang hindi gumagamit ng Chi. Napatunayan nito kung gaano nakakatakot ang lakas ng lalaking ito. "Hindi ba nasa third-grade ultimate god-level ang lalaking to? Mukhang maikukumpara sa fifth-grade o sixth-grade ultimate god-level ang lakas niya!" Lumingon si Alejandro kay Fane at tumingin ulit sa kamao niya. Lumagpas sa inaasahan niya ang lakas ni Fane. Hula niya ay mas mataas ang lebel ng martial art technique na sinasanay ni Fane kumpara sa kanila. "Takbo! Patay na maski si Elder Angus!" Natakot ang mga miyembro ng Hall of Divine Royal. Nataranta sila at nagsitakbuhan para makatakas. Boom! Boom! Boom!Gayunpaman, napakalakas nina Fane at ng iba pa niyang kasama. Isa-isang lumapag ang mga atake diretso sa grupo ng mga taong nagtatangkang tumakas. Kasabay ng katotohanang may ilang mga master na nasa
Read more

Kabanata 1713

Masayang sinabi ni Harry, “Nagtataka lang ako kung bakit masyadong mayabong sa Chi ang lugar na ito. Higit pa rito, may ilang mga martial art technique dito at tingin ko isa itong magandang lugar para maghanap ng mahahalagang gamit. Ang pinakainaalala ko ay ang mga taong pumasok sa lugar na ito dati. Kahit namatay sila, siguradong may ilang mga master na may mga kaapu-apuhan na ngayon diba? Aatakihin ba nila tayo kapag nakasalubong natin sila? Higit sa lahat, hindi tayo mula dito!” Ngumiti nang nalulungkot si Nash at sinabi, “May kailangan akong sabihin sa’yo tungkol sa lugar na ito…” Hindi nagtagal, pinaalam ni Nash sa kanila Harry ang tungkol sa sitwasyon. Nagdilim ang mukha nila Harry nang marinig nila ang sinabi ni Nash. Hindi nila inakalang magkakaroon ng pwersa ang lugar na ito na tulad ng Alliance Guard, na naatasang magbantay sa lugar at ayaw magpapasok ng mga tagalabas. Sa hindi inaasahan, hindi masyadong nakapagbantay ang mga miyembro ng Alliance Guard dahil wala pang
Read more

Kabanata 1714

Hindi kaagad nangako si Nash nang marinig niya ito. Sa halip, sinabi niya, “Pasensya na Master Yeager, kailangan ko itong sabihin sa anak ko. Alam mo rin na siya ang may pinakamalakas sa ngayon. Hindi lamang ang mga miyembro ng Woods family ang sumusunod sa kanya, pati ang mga miyembro ng Cabello family!”“Tama… tama. Ikaw na ang bahala, salamat!” kaagad na nagbigay-galang si Harry habang sinasabi niya ito. Kaagad na lumapit si Nash para kausapin si Fane bago lumipad pabalik. “Master Yeager, napag-usapan na namin ito at pumayag ang anak ko!” Hindi nagtagal, magkakasama nilang kinuha ang mga gamit. Tulad ng nangyari nitong naakaraan, hinayaan ng lahat na si Fane ang maunang pumili. Kahit anong mangyari, kailangan niyang piliin ang ilang spirited grass o mga sangkap sa paggawa ng mga pill. Hindi nahiya si Fane dahil marami siyang napatay. Marami silang nakuhang spirited grass. Kahit na isa lamang ang fourth-grade spirited grass, masaya pa rin si Fane. Hinayaan ni Fane ang mga
Read more

Kabanata 1715

Kumunot ang noo ni Ella nang marinig niya ang tunog ng labanan sa gubat sa likuran niya. “Nangako ako sa kanila na hindi ko sasabihin sa iba ang tungkol sa pagpasok nila sa gubat. Pero, hindi pa naging ganito kaingay ang gubat na ito noon. Kapag nagpunta dito ang mga miyembro ng ibang fortress ng Nine Armies para maghanap ng mga gamit, siguradong maghihinala silang may kakaiba kapag narinig nila ang labanan sa gubat!” Kahit anong mangyari, niligtas ni Fane ang buhay niya at malinaw na nag-aalala si Ella sa kanila sa sandaling ito. “Bahala na… bahala na. Kailangan ko lang magpanggap na wala akong alam at hindi ko pa nakikita ang mga taong ito!” sa huli, umiling si Ella at naghandang lumipad patungo sa base. Subalit, nakasalubong niya ang pito hanggang walong tao mula sa ibang base pagkatapos lumipad sandali. “Hala, si Ella ba ‘yan? Kanina ka pa ba kumukuha ng spirited grass sa gubat? Kumusta?” isang binatang nakaputi ang nagtanong nang nakangiti nang makita nito si Ella. Kumun
Read more

Kabanata 1716

Hindi makapagsalita si Skye Lanson kahit na naiinis siya kay Ella, basta na lang niyang sinabi kay Arthur nang nakangiti, “Young Master Arthur, alis na ba tayo? Pabalik na siya mula sa paghahanap niya ng gamit, at wala pa tayong nakukuha.” Ngunit nagpanggap si Arthur na hindi niya narinig ang sinabi nito. Sa halip, nakangiti nitong sinabi kay Ella, “Tara, Miss Ella. Bakit hindi ka sumama sa amin sa loob ng ilang araw? Wala ka namang ibang gagawin pagbalik mo diba? Diba mas ligtas ka kung sasama ka sa amin? Pantay-pantay nating paghahatian ang mga gamit na makukuha natin!” Ang mataba na nakatayo sa isang tabi, ay nainis sa ideyang ito at kaagad na pinaalala kay Arthur, “Mukhang hindi ito isang magandang ideya, Young Master Arthur. Kahit anong mangyari, hindi natin siya kasapi. Higit pa rito, nasa fourth-grade ultimate god level ka. Kahit na malakas naman siya, paanong nangyaring pwede siyang makihati sa atin nang patas kahit nasa second-grade ultimate god level lang naman siya?” N
Read more

Kabanata 1717

“Haha… tingnan natin. Kahit ano pa ang sitwasyon, malalaman natin kung anong nangyayari pagdating natin doon. Tinuturing tayong mga henyo sa kabataan, at lahat tayo ay nasa ultimate god level. Anong dapat nating ikatakot?” tumawa si Arthur nang walang-bahala para bang wala siyang pakialam.Kahit anong mangyari, nasa ultimate god level sila at ang tingin sa kanila ay mga henyo na kayang tumalo sa maraming tao. Kahit na medyo huli sila kumpara sa mga tunay na henyo ng mga kabataan, kaya pa rin nilang talunin ang halos 80-90% ng mga mas batang henerasyon. Nag-alala si Ella nang marinig niya ang usapan ng mga ito. Pagkatapos niya itong pag-isipan, tumalikod siya at hinabol sila Arthur. “Napag-isipan ko na ito, Young Master Arthur, at wala akong importanteng gagawin pag-uwi. Tingin ko sasama ako sa inyo sa gubat.” Natuwa si Arthur sa sagot niya, na kampante sa loob nito dahil akala nito umiral dito ang alindog niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi na ito nahiya at nagtapang. “Wala
Read more

Kabanata 1718

Nainis si Skye. Sa kanyang fighting prowess, gusto niyang tumungo sa gubat nang mag-isa dahil sa galit. Kahit anong mangyari, nasa third-grade ultimate god level na siya, at mas mataas kay Ella ang fighting prowess niya. Dahil naglakas-loob na pumasok nang mag-isa si Ella, naglakas-loob rin siyang gawin ito. Pagkatapos ay naalala niya kung paanong aakitin ni Ella si Arthur kapag talagang pumasok siya ng gubat. Gustong-gusto ni Arthur si Ella noong nandito pa si Skye, paano pa kaya kung wala siya? Tinikom niya ang kanyang mukha at sinabi, “Sige, sumama na tayo kay Ella!” Subalit, hindi inasahan nila Arthur na nakiusap si Ella sa tatlong tao ng kanyang pamilya na sundan siya sa gubat pagkatapos iabot ang mga gamit na nakuha niya sa gubat, kaya nainis si Arthur. Medyo hindi maganda para sa kanya na galawin si Ella kung nandoon ang ibang miyembro ng Lavinge family. Higit pa rito, kapag sumama sa kanila ang nakatatandang kapatid ni Ella, na si Hendrick Lavinge ay nasa Fourth-grade u
Read more

Kabanata 1719

Kaagad na pinaalala ni Ella kay Hendrick dahil natatakot siyang mapapansin ng iba ang pagkatulala niya. “Hendrick, hinaan mo boses mo para hindi tayo marinig ng iba. Ano nang gagawin natin? Hindi ko rin alam. Natatakot ako na baka makasalubong nila Arthur ang mga taong ito, kaya sinadya kong magpatagal para sa kanila. Nakiusap ako sa inyo na samahan ako para dito… nangako pa ako sa kanilang hindi ko sasabihin sa ibang nakapasok na sila sa lugar na ito, pero wala na akong ibang magagawa sa ngayon!” Pagkatapos ng sandaling katahimikan, nagsalita si Hendrick, “Diyos ko, nagbibiro ka ba? Naloko ka ba nila? Bakit hindi mo ito pag-isipan? Ang mga tao mula sa mundong ito ay hindi naman mataas ang fighting prowess diba? Sigurado akong wala pang nakarating sa ultimate god level, diba? Kung ganoon, paano ka nila nasagip, isang taong nasa second-grade ultimate level?” “Paanong nangyari ‘yun? Nakita kong hindi naman mataas ang fighting prowess ng mga taong ‘yun!” sumimangot si Ella. Pinag-isip
Read more

Kabanata 1720

Kaagad na napansin ni Hendrick kung gaano kabigat ang isyu at sobra siyang kinabahan. Sa gulat kung paano sinigaw ni Hendrick ang mga sagot niya, mabilis siyang pinatahimik ni Ella, "Hinaan mo ang boses mo, Kuya!"Sa sandaling iyon, sina Arthur at ang iba pa na naunang naglakad ay napahinto. Dahan-dahang lumingon si Arthur at nakakunot ang noong nagtanong, "Hendrick, anong sabi mo? Anong malaking isyu ang nangyari?"!Kaagad na hinawakan ni Hendrick ang ulo niya sa hiya. "Wala… Wala yun!" "Hindi, base sa ekspresyon mo, halatang nagsisinungaling ka." Kumunot ang noo ni Arthur at dahan-dahang naglakad papunta sa kanila. "Hendrick, mas mabuti kung sasabihin mo sa'kin ang totoo. Malalaman din namin to sa susunod!" Tinignan ni Hendrick si Ella at halatang nag-alangan. Kumunot rin ang noo ni Ella, hindi niya alam kung anong susunod na gagawin. Ngunit habang pinagngitngit niya ang ngipin niya, pinilit niyang ngumiti nang nahihiya. "Wala lang talaga yun. Sinabi ko sa kuya ko na para
Read more
PREV
1
...
170171172173174
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status