Hindi makapagsalita si Skye Lanson kahit na naiinis siya kay Ella, basta na lang niyang sinabi kay Arthur nang nakangiti, “Young Master Arthur, alis na ba tayo? Pabalik na siya mula sa paghahanap niya ng gamit, at wala pa tayong nakukuha.” Ngunit nagpanggap si Arthur na hindi niya narinig ang sinabi nito. Sa halip, nakangiti nitong sinabi kay Ella, “Tara, Miss Ella. Bakit hindi ka sumama sa amin sa loob ng ilang araw? Wala ka namang ibang gagawin pagbalik mo diba? Diba mas ligtas ka kung sasama ka sa amin? Pantay-pantay nating paghahatian ang mga gamit na makukuha natin!” Ang mataba na nakatayo sa isang tabi, ay nainis sa ideyang ito at kaagad na pinaalala kay Arthur, “Mukhang hindi ito isang magandang ideya, Young Master Arthur. Kahit anong mangyari, hindi natin siya kasapi. Higit pa rito, nasa fourth-grade ultimate god level ka. Kahit na malakas naman siya, paanong nangyaring pwede siyang makihati sa atin nang patas kahit nasa second-grade ultimate god level lang naman siya?” N
“Haha… tingnan natin. Kahit ano pa ang sitwasyon, malalaman natin kung anong nangyayari pagdating natin doon. Tinuturing tayong mga henyo sa kabataan, at lahat tayo ay nasa ultimate god level. Anong dapat nating ikatakot?” tumawa si Arthur nang walang-bahala para bang wala siyang pakialam.Kahit anong mangyari, nasa ultimate god level sila at ang tingin sa kanila ay mga henyo na kayang tumalo sa maraming tao. Kahit na medyo huli sila kumpara sa mga tunay na henyo ng mga kabataan, kaya pa rin nilang talunin ang halos 80-90% ng mga mas batang henerasyon. Nag-alala si Ella nang marinig niya ang usapan ng mga ito. Pagkatapos niya itong pag-isipan, tumalikod siya at hinabol sila Arthur. “Napag-isipan ko na ito, Young Master Arthur, at wala akong importanteng gagawin pag-uwi. Tingin ko sasama ako sa inyo sa gubat.” Natuwa si Arthur sa sagot niya, na kampante sa loob nito dahil akala nito umiral dito ang alindog niya. Ito ang dahilan kung bakit hindi na ito nahiya at nagtapang. “Wala
Nainis si Skye. Sa kanyang fighting prowess, gusto niyang tumungo sa gubat nang mag-isa dahil sa galit. Kahit anong mangyari, nasa third-grade ultimate god level na siya, at mas mataas kay Ella ang fighting prowess niya. Dahil naglakas-loob na pumasok nang mag-isa si Ella, naglakas-loob rin siyang gawin ito. Pagkatapos ay naalala niya kung paanong aakitin ni Ella si Arthur kapag talagang pumasok siya ng gubat. Gustong-gusto ni Arthur si Ella noong nandito pa si Skye, paano pa kaya kung wala siya? Tinikom niya ang kanyang mukha at sinabi, “Sige, sumama na tayo kay Ella!” Subalit, hindi inasahan nila Arthur na nakiusap si Ella sa tatlong tao ng kanyang pamilya na sundan siya sa gubat pagkatapos iabot ang mga gamit na nakuha niya sa gubat, kaya nainis si Arthur. Medyo hindi maganda para sa kanya na galawin si Ella kung nandoon ang ibang miyembro ng Lavinge family. Higit pa rito, kapag sumama sa kanila ang nakatatandang kapatid ni Ella, na si Hendrick Lavinge ay nasa Fourth-grade u
Kaagad na pinaalala ni Ella kay Hendrick dahil natatakot siyang mapapansin ng iba ang pagkatulala niya. “Hendrick, hinaan mo boses mo para hindi tayo marinig ng iba. Ano nang gagawin natin? Hindi ko rin alam. Natatakot ako na baka makasalubong nila Arthur ang mga taong ito, kaya sinadya kong magpatagal para sa kanila. Nakiusap ako sa inyo na samahan ako para dito… nangako pa ako sa kanilang hindi ko sasabihin sa ibang nakapasok na sila sa lugar na ito, pero wala na akong ibang magagawa sa ngayon!” Pagkatapos ng sandaling katahimikan, nagsalita si Hendrick, “Diyos ko, nagbibiro ka ba? Naloko ka ba nila? Bakit hindi mo ito pag-isipan? Ang mga tao mula sa mundong ito ay hindi naman mataas ang fighting prowess diba? Sigurado akong wala pang nakarating sa ultimate god level, diba? Kung ganoon, paano ka nila nasagip, isang taong nasa second-grade ultimate level?” “Paanong nangyari ‘yun? Nakita kong hindi naman mataas ang fighting prowess ng mga taong ‘yun!” sumimangot si Ella. Pinag-isip
Kaagad na napansin ni Hendrick kung gaano kabigat ang isyu at sobra siyang kinabahan. Sa gulat kung paano sinigaw ni Hendrick ang mga sagot niya, mabilis siyang pinatahimik ni Ella, "Hinaan mo ang boses mo, Kuya!"Sa sandaling iyon, sina Arthur at ang iba pa na naunang naglakad ay napahinto. Dahan-dahang lumingon si Arthur at nakakunot ang noong nagtanong, "Hendrick, anong sabi mo? Anong malaking isyu ang nangyari?"!Kaagad na hinawakan ni Hendrick ang ulo niya sa hiya. "Wala… Wala yun!" "Hindi, base sa ekspresyon mo, halatang nagsisinungaling ka." Kumunot ang noo ni Arthur at dahan-dahang naglakad papunta sa kanila. "Hendrick, mas mabuti kung sasabihin mo sa'kin ang totoo. Malalaman din namin to sa susunod!" Tinignan ni Hendrick si Ella at halatang nag-alangan. Kumunot rin ang noo ni Ella, hindi niya alam kung anong susunod na gagawin. Ngunit habang pinagngitngit niya ang ngipin niya, pinilit niyang ngumiti nang nahihiya. "Wala lang talaga yun. Sinabi ko sa kuya ko na para
"Young Master Arthur, sa tingin ko dapat dahan-dahan tayong maghanap ng mahahalagang gamit. Kagaya nga ng sabi nila, 'delikado ang magpadala sa kuryosidad.' Wala tayong mapapala rito!" Nagsalita si Hendrick para kay Ella para subukang palihisin ang direksyon ni Arthur mula sa lugar na iyon. "Haha! Mas lalo lang lumaki ang interes ko na makita ang nangyayari roon pagkatapos ng sinabi mo, Young Master Hendrick. Kayong lahat, tara na! Maghahanap tayo ng kayamanan ba ang lumilipad tayo papunta roon. Maghiwa-hiwalay tayo nang kaunti; baka mag makuha tayong spirited grass sa daan pag ginawa natin yun!" Tumawa si Arthur at lumipad papalayo kasabay ng isang kaway. Pagkatapos ay lumipad ang iba at naghiwa-hiwalay. Pumila sila sa isang diretsong linya at dahan-dahang lumipad paharap. Nagkamot ng ulo ang isang binata na kasama nina Ella at ng iba pa habang nagsalita siya kay Hendrick, "Nagtataka rin ako, Brother Hendrick. Parang iba talaga ang gubat kumpara noon!" "Hay… Iba nga… Talagang
"Haha… Masyado pang maaga! Mag-usap pa tayo pagkatapos nating patayin ang mga taong to!" Malakas na tawa ni Tom at tinuro si Helena habang nagsalita siya. "Pero sayang naman kung mamamatay nang ganito ang babaeng yun. Ibigay mo siya sa'kin. Talagang pinapahirapan tayo ng babaeng to!" "Haha! Oo… naiintindihan ko ang ibig mong sabihin!" Tumawa ang matandang lalaki sa komento ni Tom. Sayang naman kung mamamatay nang ganito ang isang napakagandang babae.Maski siya ay ganoon rin ang iniisip tungkol kay Helena; hindi lang si Tom. Whoosh!Mula rito, lumitaw si Tom sa harapan ni Helena habang hiniwa niya ang ilang tao sa loob lang ng ilang hiwa. "Tsk, tsk! Sinong mag-aakalang may ganito kagandang babae sa mainland. Base sa itsura mo, mukhang nasa trenta ka na. Haha… Gusto ko ang mga babaeng kagaya mo!"Malamig na ngumiti si Helena nang napansin niya ang mainit na ekspresyon ni Tom. "Hindi ba ginagawa ninyo dahil mas marami ang tao mo? Kahit na mamatay ako ngayon, hihilahin kita sa impy
"Hindi sila mga tao mula sa kahit na anong panig?" Kumunot ang noo ng mataba, pagkatapos ay ngumiti siya. "Imposible—tiyak mula sila sa dalawang panig! Baka ang isa ay miyembro ng Alliance Guard, habang ang iba naman ay miyembro ng Anti-Alliance Guard. Inaasahan lang na magkaroon ng gulo sa panahong to!" Naisip rin ni Arthur na posible ito. Tumango siya at nagsabing, "May punto ka. Lalo na't marami ang mga grupo mula sa Alliance Guard at sa Anti-Alliance Guard, at hindi maiiwasan na makalimutan natin ang itsura ng tokens nila. Pero, sigurado ako na ang isang partido ay sa Alliance Guard habang ang iba ay miyembro ng Anti-Alliance Guard. Inaasahan ang ganito kalaking gulo sa ilalim ng ganitong sitwasyon." "Oo, oo, oo… Sa tingin ko ganun na nga!" Matapat na sumang-ayon si Ella at kaagad na tumango na parang sisiw na na tumutuka ng bigas. Natatakot siya na baka mapansin nina Arthur at ng iba pa na nagmula sa inabandonang mundo ang mga taong ito. "Magaling, Young Master Arthur. Sigur
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin