All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 6021 - Chapter 6030

7044 Chapters

Kabanata 6025

Bago pa man matapos si Veron sa kaniyang sinasabi, agad na sumigaw si Tuji ng, “Manahimik ka! Si Beka na ang magiging asawa ng iyong tiyahin sa loob ng ilang araw. Ang lakas naman ng loob mong bastusin siya sa harapan ko ah?”‘Unti unti nang tumitindi ang katigasan ng ulo ng batang ito matapos nitong sumagot sa mga nakatatanda sa kaniya. Napakabastos.”Agad nan amula si Veron sa mga sinabi ni Tuji habang sumisigaw ito pabalik ng, “Hindi karapat dapat na makuha ng hayop na iyon ang karangalan sa pagpapakasal kay Aunti Circe! Nililinlang ka lang niya kaya gumising ka na sa katotohanan!”Hindi na nagaksaya ng oras si Tuji kaya agad itong kumaway habang sumisigaw ng, “Itali ninyo ang dalawang iyan!”Habang nagsasalita, galit an sumigaw si Tuji kay Bowen. “Huwag na huwag mong iisipin na makukuha mo ang aking apo sa akin, maruming tagalabas.”Tuluyan ng nawala sa kaniyang sarili si Tuji noong mga sandaling iyon. Kasalukuyan siyang nasa ilalim ng kontrol ni Antigonus kaya hindi niya naga
Read more

Kabanata 6026

Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, sumabog at gumawa ng itim na liwanag ang katawan ni Tuji habang umaatake ito papunta kay Veron.“Lolo…” nanginginig na iyak ni Veron, nabalot ng takot ang kaniyang puso noong mga sandaling iyon. Hindi niya inasahan na aatakihin siya nang ganito ng pinakamamahal niyang lolo.Mas naging kumplikado pa ang nararamdaman ni Veron nang maisip niya ang pagkontrol ni Beka sa kaniyang lolo.Whew…Sa loob ng isang iglap ay nagawa nang makarating ni Tuji sa kaniya, naglagablab ang kaniyang mga mata sa tindi ng kaniyang galit at kawalan sa sarili. “Hayop kang bata ka. Nagawa mong sumama sa isang tagalabas kaya sinisiguro ko sa iyo na pagdurusahan mo ang lahat ng ito.”Habang naririnig ang mga salitang ito sa ere, sumabog ang internal energy sa katawan ni Tuji habang umaatake ito papunta sa dibdib ni Veron.Namutla naman ang mukha ni Veron nang maramdaman niya ang puwersa sa pagatakeng iyon. Hindi na siya makakailag o makakapagtago pa rito kaya wal
Read more

Kabanata 6027

Dapat nating malaman na kalahating taon na ang nakalilipas mula noong mapuno si Veron nang dahil sa paglayo sa kaniya ng pinakamamahal niyang si Ambrose Darby kaya agad niya itong inakusahan na nakikiapid sa Empress ng Sea Dragon Clan na nagresulta sa pagkakaroon nila ng anak.Kumalat ang balitang ito sa buong mundo na sumira sa reputasyon ni Ambrose at sa pinamumunuan nitong Elysium Gate. Kaya hindi nagkaroon ng magandang impresyon si Eira kay Veron na namuhi rito ng husto.Pero isa pa ring mabuting babae si Eira kaya hindi niya magagawang panoorin na mamatay si Veron nang ganoon ganoon na lang.Siya?Ang kapatid ni Ambrose na si Eira?Nanginig si Veron nang mapagtanto niya kung sino ang babaeng iyon habang kumikislap ang kumplikado niyang mga mata. Kalahating taon pa lang ang nakalilipas mula noong akusahan niya ang kuya nito na nakikiapid kaya paano siya nito magagawang tulungan?Whoa…Agad namang napanganga ang mga disipulo nang makita nila si Eira.Na… napakaganda.Para i
Read more

Kabanata 6028

Whew!Huminga ng malalim si Eira sa nangyayari habang nagiisip ito ng malalim.Nagawa itong sabihin maging ng lalaking raksasa na ito… siguradong nagsasabi sila ng totoo.“Hayop ka!”Dito na naging pumapatay ang itsura ni Tuji habang sumisigaw ito kay Veron ng, “Ang lakas naman ng loob mong idamay ang pangalan ng mga mas nakakatanda sa iyo. Papatayin kita!”Habang naririnig ang mga salitang iyon sa ere, itinaas ni Tuji ang kanan niyang kamay bago nito ipanghampas ang kaniyang kamay sa ulo ni Veron.Whoosh!Hindi na nagdalawang isip pa si Eira noong mga sandaling iyon kaya agad itong umabante. Itinaas nito ang kaniyang kamay para salagin ang pagatake ni Tuji na siyang humantong sa paggawa ni Tuji ng isang mababang tunog bago ito mapaatras ng ilang hakbang.Mahahalatang patas lang ang naging kinalabasan ng sagupaang iyon.Dito na nagmamadaling pinigilan ni Tuji ang kaniyang sarili. Tinitigan nito si Eira gamit ang nanlalamig niyang mga mata, hindi na nito naitago pa ang kaniyang
Read more

Kabanata 6029

Whew…Dito na nakaramdam ng matinding panlalamig ang lahat sa paligid nang gumapang ang takot sa kanilang mga dibdib habang tinititigan ng mga ito ang kulay yelong dragon.“Ito… ito ba ang pinakaiingatang technique ng Emei Sect na Icy Dragon Punch?”“Napakalakas nga talaga nito…”Naiinis na tiningnan ng lahat si Eira sa sobrang gulat.Anak nga talaga ito ni Darryl—masyadong nakakatakot ang kaniyang kakayahan sa pakikipaglaban.Mayroon pang pagasa…Habang nagpapanic ang lahat, tinitigan ni Veron si Eira habang hindi maitago ang pagkasabik sa kaniyang sarili.Hindi niya inasahan na magiging ganito kalakas ang ate niyang si Eira at nagawa rin nitong mamaster ang pinakaiingatang mga technique ng buong sekta ng Emei. Mukhang may pagasa na sila ng kaniyang kuya Bowen matapos nitong lumaban para sa kanila! Pero agad pa rin siyang pumasok sa isang dilemma nang maisip niya na lolo pa rin niya si Tuji.“Ang Icy Dragon Punch?”Agad na nawala ang ngiti sa mukha ni Tuji nang makita niya a
Read more

Kabanata 6030

Malinaw niyang nabasa ang nakasulat sa kapalaran: Masamang pangitain.At ang nagiisang bagay na nagbigay kay Darryl ng kaunting pagasa ay ang simbulo ng isang napakahinang lifeline sa gitna ng masamang pangitaing iyon. Nangangahulugan ito na malalagay sa panganib si Chester at ang kaniyang mga kasama pero hindi pa rin sila mamamatay nang dahil dito.Ito ay kung masusunod nang tuluyan ang kapalaran ng mga ito.Bumulong si Darryl sa kaniyang sarili nang mahulaan niya ang mga ito, hinanda na niyang alisin ang mga shell ng tortoise na kaniyang kinuha.“Hoy!”Dito na niya narinig ang boses ni Kimi mula sa kaniyang likuran.Napatingin sa kaniyang likuran si Darryl hanggang sa matigilan siya sa kaniyang nakita.Ang tangi niyang nakita ay ang nakasuot ng kulay green na athletic outfit na si Kimi na naglabas ng sariwa at puno ng siglang aura sa kaniyang katawan.Agad na natulala si Darryl nang makita niya iyon.Namula ang mukha ni Kimi nang maramdaman niya ang pagtingin na ginagawa ni
Read more

Kabanata 6031

Nang nagsalita siya, hindi maitago ni Kimi ang pandidiri niya.Sa katotohanan, hindi gusto ni Kimi si Darryl kahit kaunti. Pinayagan niya lang manatili si Darry dahil kay Emily, at susubukan niyang paalisin si Darryl sa bawat pagkakataon na makuha niya. Uhh…Mapait na ngumiti si Darryl sa mga sinabi. Hindi niya kailanman akalain na kakamuhian siya ng sobra ni Kimi.Sinubukan na niyang ipaliwanag ang sarili niya ng ilang beses na si Emily at siya ay magkaibigan, pero hindi rin siya pinapaniwalaan ni Kimi.Hindi siya binigo ni Darryl sa dulo, ngumiti siya habang tumatango. “Sige!”Ang katotohanan ay gumaling na ang mga sugat ni Darryl, pero ang kapangyarihan niya ay hindi pa talaga nababalik. Kaya kahit na, hindi niya talagang kailangang manatili. Kahit na hindi siya subukang paalisin ni Kimi, hindi rin magtatagal si Darryl. Pinag-isipan na ni Darryl ito mabuti. Unang gagawin niya sa umaga ay ang umalis dalawang araw ang lilipas, at tutungo sa Donghai City para magtanong ng bali
Read more

Kabanata 6032

Uh... Nang maramdaman ang galit ni Kimi, hindi alam ni Darryl kung iiyak ba siya o tatawa. Pinapaliwanag niya lang ang nakita niya sa mga kabibe! Paano mangyayari na gumagawa siya ng paraan para linlangin si Kimi?Habang nag-iisip, nagpakawala ng buntonghininga si Darryl, "Binabasa ko lang ang kapalaran mo, ikaw ay..." Halos hindi na siya matapos magsalita nang pinutol siya ni Kimi. "Huwag mo na sabihin," malamig na sabi ni Kimi. "Sabi mo 'di ba pagkatapos ng isang oras? Kung gano'n, kapag walang nangyari sa isang oras, aalis ka ng Tai Healing Center. Naiintindihan mo ba?"Nang nagsalita siya, saktong lumingon si Kimi. "At habang nandito ka pa, magtrabaho ka muna sa kwarto ng mga herbal."Nang umalingawngaw ang huling salita sa hangin, mabilis na lumabas si Kimi sa bakuran. Mapait na ngumiti si Darryl sa sarili niya, sinusunod ang utos. Ang kwarto ng mga herbal ay may malawak na espasyo na nasa kalahating sukat ng basketball court, na may hanay at hanay ng kahoy na istante
Read more

Kabanata 6033

Ang maramdaman ito ang nagpagalit pa lalo kay Kimi sabay ng pagsigaw niya, "Ano 'yang nasa mukha mo?"Kinamot ni Darryl ang ulo niya nang may ngisi. "Iniisip ko yung hula na binasa ko para sayo na magkakaroon ka ng problema sa pag-ibig sa loob ng susunod na oras. Inisip ko na may kinalaman ito kay Wilfred, pero ako pala 'yon."Nang nagsalita siya, naging mainit at romantiko ang tingin ni Darryl. Mas lalong namula ang mukha ni Kimi sa narinig. Oo, lahat ng sinabi niya ay naging totoo. Mukhang alam niya talaga kung paano magbasa ng kapalaran. Sa isipan na iyon, naalala ni Kimi ang nangyari ngayon lang at mas lalong lumala ang kahihiyan niya. Sabay sabay, naging triple ang tensyon ng hangin. Ilang segundo ang lumipas, sinira ni Darryl ang nakakailang na katahimikan. "Alam mo, ako na gagawa." Nang nagsalita, umakyat siya ng hagdan at nilagay ang balat ng python sa taas ng istante. Tumayo sa baba si Kimi, nakatitig kay Darryl nang may hindi mabasang ekspresyon sa mukha niya.
Read more

Kabanata 6034

Whoa, talagang may dating ang matandang lalaking 'to. Habang nag-iisip, sinabi ni Kimi sa magalang na tono, "Hina...Hinahanap mo ba ang lolo ko?" Sinulyapan niya ang Divine Farmer nang nagsalita siya, kuryuso at nagtataka. Hindi pamilyar sa kanya ang matandang lalaki. Paano niya makikilala ang lolo ni Kimi?Importante na itala na ang lolo niya ay ginagamot ang mga tao sa bayan ng ilang dekada na, at hindi na siya masyadong lumalabas. Paano nangyari na may kilala siyang hindi mula rito?Lolo?Napatigil saglit ang Divine Farmer sa salitang ginamit niya, bago napagtanto ang kung ano at nagpakawala ng isang halakhak. Ilang dekada na pala ang nakalipas. Syempre ang binata na nakilala niya ay matanda na ngayon. Habang nag-iisip, ang Divine Farmer ay nagpakawala ng mabait na ngiti kasabay ng pagtango niya. "Oo, siya nga!""Nagpapahinga si Lolo sa bakuran ngayon. Dadalhin kita 'ron!" Hindi na nag-isip masyado si Kimi, ginagabayan ang Divine Farmer sa bakuran. Gayon lang, nakaupo
Read more
PREV
1
...
601602603604605
...
705
DMCA.com Protection Status