All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 6011 - Chapter 6020

7044 Chapters

Kabanata 6015

Kakaibang sabi ni Darryl, "Wala, gusto ko lang mag-muni muni."Hindi mapigilan ni Wilfred ang sarili niya na sawayin si Darryl. "Tangina mo..."Nagsimulang tumulo ang luha niya nang walang tigil sa kalagitnaan nito, at suminok ang boses niya. "Ikaw..." Nagsimula siyang humikbi. Nataranta siya. 'Anong nangyayari? Bakit ako umiiyak? Nakakahiya.' Isip niya."Umiiyak?" Pinasok ni Darryl ang kanyang pagtawa at sinabi, "Kaya't pinaplano mong humingi ng tawad sa akin? Gayunpaman, ang saloobin na ito ay hindi epektibo.""Ikaw —" Halos sumabog si Wilfred sa galit matapos na panunukso ni Darryl. Nais niyang sumpain si Darryl nang higit pa, ngunit ang kanyang ilong ay sobrang puno, at ang kanyang luha ay nahulog tulad ng tubig mula sa isang bukas na gripo.Ang mga residente ay hindi naglakas loob na pumasok sa kakahuyan sa oras na iyon. Tumayo sila sa labas ng kakahuyan, nakikinig."Naglalaban ba sila?""Oh hindi. Sa palagay ko ang bagong tao ay hindi magkakaroon ng magandang pagtatapos.
Read more

Kabanata 6016

Noong mga sandaling iyon, naglakad paabante si Darryl para nakangiting tulungan si Wilfred na tumayo. “Palalampasin ko ito ngayong nakita kong sincere si Wilfred.”Hininaan niya ang kaniyang boses habang sinasabi na, “Alam ko na ayaw mong yumuko sa harapan ko. Pero hindi na importante ang lahat ng ito. Hahayaan kitang maghiganti kung kailan mo man gustuhin. Pero binabalaan kita ngayon pa lang—hindi lang pagiyak ang mangyayari sa iyo.”Masyadong naging mahina ang kaniyang boses kaya si Wilfred lang ang nakarinig nito.Umangat nang husto ang dibdib ni Wilfred habang umiiyak ito ng malakas. Inisip niya ang kasalukuyang niyang sitwasyon kaya hindi na niya nagawa pang maging arogante habang malakas siyang tumatango sa harapan ni Darryl.Umamin na rin si Wilfred sa kaniyang pagkatalo kaya hindi na nagaksaya pa ng oras si Darryl, agad niyang tinanggal ang selyo sa mga acupoint ni Wilfred nang pasimple habang hinahawakan niya ang katawan nito.Tumingin naman ng maigi si Wilfred kay Darryl
Read more

Kabanata 6017

Malakas namang tumango rito si Veron, hindi nagawa pang mapigilan ang kaniyang pagkasabik. Agad niyang kinuha sa kaniyang bag ang Nine Revival Herb. “Tingnan niyo po ito, Senior. Ito po ba ang Nine Revival Herb? Nakuha ko po ito sa gilid ng isang bangin. Masyado po itong mapanganib kaya halos ikamatay ko po ang pagkuha rito.”Nagmukha siyang relaxed nang ikuwento niya kay Divine Farmer ang pinasimpleng bersyon ng nangyari sa kaniya. Handa siyang mamatay kung ang kapalit nito ay ang pagkabuhay ni Bowen.Kinuha ni Divine Farmer ang Nine Revival Herb. At pagkatapos nitong suriin ang herb, agad na nanginig ang kaniyang boses sa sobrang pagkasabik. “Oo, ito nga ang Nine Revival Herb. Hindi ko inaasahan na makikita kong muli ang kayamanang ito pagkatapos ng napakaraming taon.”Tumingin siya kay Veron habang naaantig siya rito. “Isa kang tao na nagpapahalaga sa pagmamahal at katapatan ng ibang tao sa iyo. Sinasabi ko sa iyo na magiging maganda ang kinabukasan mo.”Hindi naman gaanong pina
Read more

Kabanata 6018

‘Ang hayop na Bekang iyon! Nagawa niyang makipagalyansa kay Graham ng Wudang Sect para patayin ako. Paano ko makakalimutan ang bagay na iyon?’Nang umalis si Veron sa Elysium Gate, nakasalubong nito sina Prince Auten at Archfiend Antigonus habang pabalik sa pamilya Lange. Agad siyang hinabol ni Prince Auten para patayin. At sa huli ay nawalan siya ng memorya hanggang sa mapadpad siya sa ama ni Bowen sa tribo ng Raksasa.Paano ito magagawang makalimutan ni Veron?‘Ang hayop na iyon!’ Napahawak siya sa kaniyang noo habang umaangat ang apoy sa kaniyang dibdib. ‘Napakahayop ng Beka na iyon! Isa siyang hipokritong nilalang! Ang lakas naman ng loob nito para isipin na mapapakasalan niya ang auntie ko ah? Muntik ko na siyang makalimutan sa sobrang abala ko sa paghahanap ng Nine Revival Herb para kay Bowen pero huli na ang lahat ngayon.’ Isip niya.Itinapon niya ang gown sa sahig habang nagpapakita ng galit at pandidiri ang maganda niyang mukha. “Bakit ko susukatin ang gown na ito? Ilabas
Read more

Kabanata 6019

Tumalikod si Circe at hindi nito pinansin si Veron.Hind naman nakapagsalita at nainis nang husto si Veron nang mapasok siya sa sitwasyong iyon. Naramdaman niya na isa lang siyang outsider kaya agad siyang pumadyak at umalis.Namula ang kaniyang mga mata nang makalabas siya sa kuwarto. Mas tumindi ang galit na kanyiang nararamdaman habang mas iniisip niya ang tungkol sa nangyari. Dito na biglang napakurap ang kaniyang mga mata habang papunta siya sa lobby. ‘Kay lolo na lang ako magsasabi kung ayaw akong paniwalaan ni Auntie. Siya ang pinuno ng pamilya at gustong gusto niya ako kaya siguradong maniniwala siya sa akin.’“Miss!” Bago pa man siya makarating sa lobby, isang nagpapatrolyang disipulo ang lumapit sa kaniya. Nagmukha itong sabik habang sinasabi na, “Hinahanap po kayo ni Senior Divine Farmer. Sinabi niya po na gumising na raw ang lalaking taga Raksasa.”“Oh, talaga? Magaling kung ganoon!” Natuwa nang husto si Veron nang marinig niya iyon. Dito na nawala sa kaniyang isip ang
Read more

Kabanata 6020

Namula ang magandang mukha ni Veron sa sobrang hiya habang nilalayo nito ang kaniyang sarili mula sa mga bisig ni Bowen.Pinakalma niya ang kaniyang sarili bago niya sabihin kay Bowen na, “Bowen, malaki na ang utang na loob mo kay Senior Divine Farmer. Siguradong pinaghiwalay na tayo ng kamatayan kung hindi dahil sa kaniya.”Dito na niya sinabi kay Bowen ang lahat.Nagpasalamat naman ng husto si Bowen nang mapagtanto niya ang nangyari. Dito na siya lumuhod habang sinasabi na, “Maraming salamat po sa inyong tulong, Senior Divine Farmer. Isa po itong bagay na hinding hindi ko po malilimutan. Sabihin niyo lang po sa akin kung may maipaglilingkod po ako sa inyo. Buong puso ko po itong gagawin para sa inyo.”“Hindi mo na kailangang magpakumbaba ng ganiyan.” Ngiti ni Divine Farmer habang itinataas nito ang kaniyang kamay.Napatayo naman si Bowen nang maramdaman niya ang lakas na nagpapaangat sa kaniyang mga paa.Dito na tumingin si Divine Farmer kay Veron. “Gusto may gusto ka mang pasa
Read more

Kabanata 6021

‘Ano?’Dito na namutla ang mukha ng gulat na gulat na si Veron.Maging ang kaniyang lolo…Bahagyang kumalma si Bowen habang hindi nito maiwasang sabihin kay Divine Farmer na, “Kung ganoon, ano na po ang dapat nating gawin, Elder?”Hinawakan niya ang kamay ni Veron habang nagsasalita.Marami nang nagawa si Veron para kay Bowen kaya susuportahan niya ito ng todo todo ngayong nasa loob ng isang malaking problema ang pamilya Lange.Whew…Huminga ng malalim si Divine Farmer, hindi ito sumagot habang nagiisip siya ng plano nang biglang bumukas ang pinto na nagpakita sa isang imahe.Nakasuot ito ng robe habang naglalabas ng isang nakakatakot at nakakasuffocate na aura.Ito ay walang iba kundi si Antigonus.Yare!Nagulat ang lahat nang makita nila ito.Tiningnan ni Bowen si Antigonus gamit ang mga mata niyang nagpapakita ng matinding pagkagulat.‘Napakalakas ng aurang ito…’Tumingin si Antigonus kay Veron bago nito nakangiting sabihin na, “Bata! Nagising na ba ang kaibigan mo? Bi
Read more

Kabanata 6022

Hindi na napigilan pa ni Veron ang kaniyang galit nang makita niya ang pagsugod ng mga elite kaya agad siyang sumigaw ng, “Sinusubukan ba ninyong magrebelde sa pamilya Lange matapos ninyong tulungan ang isang tagalabas na damputin ako?!”Pero mukhang hindi manlang nagdalawang isip ang mga elite sa mga sinabi ni Veron. Mabilis na umabante ang mga ito habang nagpapakita ng nanlalamig at determinadong mga mukha.Wala na sila sa kanilang sarili—silang lahat.Nagalit at natakot si Veron nang maramdaman niya iyon.Wala siyang kaalam alam na kontrolado ni Antigonus ang mga ito kaya hindi makikinig ang mga ito sa kaniya.Dito na huminga ng malalim si Divine Farmer habang sinasabi na, “Iha! Kontrolado niya na rin ang mga disipulong iyan kaya hindi na sila makikinig sa iyo. Wala ka nang magagawa kundi tumakas hangga’t may oras pa.”Habang nagsasalita, nilabas ni Divine Farmer ang dalawang mga pill na kaniyang ibinigay kina Bowen at Veron.“Inumin ninyo ang mga ito.”Walang duda na maglal
Read more

Kabanata 6023

At higit sa lahat, si Divine Farmer din ang pinakanirerespetong tao sa buong mundo pagdating sa medisina. Masyado itong malakas kaya siguradong magagawa nitong harapin si Beka nang walang kaprobleproblema.“Sinusubukan ninyong umalis?”Napangisi si Antigonus sa kaniyang nakita, agad siyang sumabo sa ere para pigilan ang dalawa. Dito na nasira ang daloy ng hangin sa kaniyang dinaraaanan habang nababalot ng matinding pressure ang loob ng kuwarto.Nagulat ng husto sina Veron at Bowen nang maramdaman nila ang aura ni Antigonus. Lalo na si Veron na napatitig kay Antigonus gamit ang nagugulat at takot na takot nitong mga mata.Paano niya nagawang maging gainto kalakas sa loob ng isang gabi? Wala talagang kasing sama ang lalaking ito para itago ang tunay niyang lakas.“Mamamatay muna ako bago mo sila mahawakan.”Sugod ni Divine Farmer habang pumapasok sa isang matinding sagupaan laban kay Antigonus. Habang nasa gitna ng laban, malakas itong sumigaw ng, “Umalis na kayo rito! Sige na…”“
Read more

Kabanata 6024

Siguradong ito na ang katapusan ni Divine Farmer. Naisip nito na ibinuhos niya ang buo niyang buhay para magligtas ng ibang tao pero sa huli ay hindi pa rin niya nagawang mailigtas ang kaniyang sarili.Masyado itong unfair.Habang nasa gitna ng desperasyon, isang bagay ang pumasok sa isipan ni Divine Farmer. Dito na siya naglabas ng isang agimat na kaniyang nilagyan ng natitira niyang internal energy.Nakilala ang agimat na ito sa tawag na, Shapeshift Amulet. Nasa higit isang daang taong gulang na ang agamat na ito na nakuha ni Divine Farmer habang naglalakbay siya sa mundo.Nagawang iligtas ni Divine Farmer ang isang sugatang elite habang naglalakbay sa paligid ng Mistloren higit isang daang taon na ang nakalilipas na naging dahilan kung bakit siya nakatanggap ng Shapeshift Amulet bilang kapalit ng ginawa niyang pagtulong. Sinabi sa kaniya na sa oras ng kagipitan lamang niya ito dapat na gamitin.Pero hindi pa siya napapasok kailanman sa oras ng kagipitan at masyado rin siyang ma
Read more
PREV
1
...
600601602603604
...
705
DMCA.com Protection Status