All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 231 - Chapter 240

7044 Chapters

Kabanata 231

“Huwag kang magalala Lily. Tatapusin ko ang pesteng ito sa lalong madaling panahon.” Nakangiting sinabi ni Donoghue habang ikinakaway ang kaniyang kamay. “Kayong lahat, tapusin niyo na siya.”Sa loob ng isang iglap, isang dosenang mga lalaki ang bumunot ng kanikanilang mga kutsilyo at sumugod papunta kay Dax.Natakot dito si Dax kaya mabilis niyang binunot ang isang palakol para depensahan ang kaniyang sarili.Pero paano magagawang talunin ng isang lalaki ang isang dosena niyang mga kalaban!?Clash!Agad na nagkagulo ang lahat sa loob ng booth na ito.Napuno na rin ng tensyon ang magandang mukha ni Lily sa mga sandaling ito. Hindi pa siya nakakakita ng ganito kadugong eksena sa buong buhay niya.Ngumiti naman si Donoghue at agad na kinomfort si Lily. “Huwag kang magalala Lily. Tinatanggal lang nila ang pesteng iyon, magiging maayos din ang lahat maya maya.”Slice!Isang kutsilyo ang bumaon sa likuran ni Dax na sinamahan ng isang malakas na ingay. Napunit ang kaniyang balat at
Read more

Kabanata 232

Kumunot ang mga kilay ni Darryl at agad na natigilan matapos tumingin sa kaniyang paligid.Ano ang lugar na ito?Naramdaman ni Darryl ang walang tigil na pagtama ng hangin mula sa dagat sa kaniyang balat. Tumingin siya sa kaniyang paligid at napansin ang isang maliit na islang napapaligiran ng dagat. Isa itong lugar na may napakagadang tanawin.Isang dambuhalang poste na gawa sa bato na may 150 talampakang taas ang makikitang nakatayo hindi kalayuan kay Darryl. Dalawang malalaki at nakaemphasize na mga salita ang maingat na inukit sa batong ito—Elysian Island!Elysian Island!?“Grabe, ito ang Elysian Island?”Hindi maiwasang magulat dito ni Darryl.Ang Elysian Island ay isang man made na islang ginawa hindi kalayuan sa Donghai City. Aabutin ang kahit na sino ng tatlo hanggang apat na oras para makarating sa lugar na ito gamit ang bangka.Itinayo noon ang island ito para magamit ang mga marine resources sa parting ito ng kanilang bansa, pero agad na inabandona ang project na iyo
Read more

Kabanata 233

Nagpawis nang husto si Darryl habang inisiisip ang mga bagay na iyon. Mahigpit na ipinagbabawal ang lihim na pagsasanay ng mga secret manual sa mundo ng martial arts. Kaya siguradong hindi na ito matatakasan pa ni Darryl sa sandaling ito nga ang dahilan kung bakit siya dinala ng mga ito sa Elysian Island.Napaligiran si Darryl ng libolibong mga disipulo na kabilang sa pinakamahuhusay sa sektang ito kaya siguradong hindi makakatakas maging ang isang langaw sa lugar na ito.“Huwag kang magalala, hindi kita dinala rito para tanungin. Gusto ko lang iverify ang tungkol sa isang bagay. Nagawa mo bang mailigtas ang nasa isang dosenang mga kababaihan tatlong araw na ang nakalilipas?” Nakangiting sinabi ni Monica.Ano?Agad na natigilan ang itsura ni Darryl habang nacoconfuse sa mga bagay na kaniyang narinig.Dito na naalala ni Darryl ang pangingidnap ni Chester ng nasa isang dosenang kababaihan para ibigay kay Darryl para sa pansarili nitong kaligayahan pero agad na pinakawalan ni Darryl
Read more

Kabanata 234

Umupo si Monica sa kaniyang trono at nakangiting sinabi na. “Pinagdududahan niyo ba akong lahat?”Hindi naging malakas ang boses ni Monica, pero malinaw itong narinig sa buong plaza habang kumakalat ang isang napakalakas na aura mula sa kaniyang katawan!Masyado talagang malakas ang aura ng Cult Mistress.“Hindi po, Mistress. Hinding hindi ko po magagawa ito!”Nanginig ang buong katawan ni Sheldon habang nagpoprotesta at paulit ulit na idinikit ang kaniyang ulo sa sahig bago umatras sa tabi kung saan siya nakatayo kanina.Dito na dahan dahang nagsalita si Monica sa mga disipulo ng kanilang kulto, “Nagawang iligtas ni Darryl ang mga kandidato sa posisyon ng Oracle at dahil sa ginawa niyang ito, karapat dapat lang siya na maging Elder Master. Napagusapan na namin ng Cult Master ang tungkol sa bagay na ito at sabay na nagdesisyon na ibigay sa kaniya ang posisyon ng Elder Master. Isang talentadong lalaki si Darryl kaya sigurado ako na magagampanan niya ang mga tungkulin sa bago niyang
Read more

Kabanata 235

Grabe, ano ang ginagawa ng Cult Mistress sa loob ng kaniyang kuwarto?Ang mga ingay na kaniyang ginagawa…Hindi na nakapagpigil pa si Darryl at dahan dahang lumapit sa pinto.Narinig ni Monica ang ingay mula sa mga sanga ng spiritual herb na hawak ni Darryl.“Sinong naririyan? Pumasok ka… Dalian mo,” mahinang sinabi ni Monica.Agad na binuksan ni Darryl ang pinto nang walang pagaalinlangan matapos marinig ang mga sinabing ito ng Cult Mistress.Gasp.Napapigil hininga at nagulat si Darryl sa kaniyang nakita sa loob ng kuwartong iyon.Nakita niya ang nakasuot ng purple dress na si Monica habang namimulipit sa kaniyang kama sa loob ng mabango niyang kuwarto. Walang tigil na nanginig ang buo niyang katawan habang pinagpapawisan nang husto. Siguradong nakakaramdam ito ngayon ng napakatinding sakit sa kaniyang katawan!Ano… Ano ang nangyayari?Nagactivate na ba ang Heaven Cult Elixir sa Cult Mistress?Ganito rin ang itsura noon ni Skyler noong magactivate ang elixir ng kulto sa ka
Read more

Kabanata 236

Matapos ang kalahating oras.Ngumiti si Darryl at kinuha ang pill mula sa porselanang palayok.Nabalot ang buong kuwarto ng matamis na amoy mula sa ginawa niyang pill.Agad namang natigilan si Monica habang nagugulat na tinitignan ang pill na hawak ni Darryl.Nakangiting naglakad si Darryl palapit kay Monica. “Isa nanamang magandang bagay ang nagawa ko matapos kong iligtas ang buhay ng Cult Mistress. Hindi na ako makapaghintay pa na mabiyayaan ng kulto! Haha!” Isip ni Darryl. Inalis niya ang scarf sa bibig ni Monica at dahan daang nilagay ang pill sa loob ng bibig nito.Tumayo sa isang tabi ni Darryl at buong pasensyang naghintay na umepekto ang ginawa niyang pill.Dahan dahang ipinikit ni Monica ang kaniyang mga mata. Nagkaroon siya noon ng pagaalinlangan pero naramdaman niya ang dahan dahang pagkawala ng sakit na kaniyang nararamdaman sa loob lang ng ilang segundo na nakapagpasurpresa sa kaniya.“Darryl, paano mo nalaman ang paraan sa paggawa ng antidote nito?” Nasasabik na ta
Read more

Kabanata 237

“Ano po ang isang ito, Mistress?” Nacucurious na tanong ni Darryl habang hawak hawak ang berdeng ginseng.Tiningnan ito ni Monica at sumagot ng, “Tinatawag itong Jasper Ginseng. Isa itong uri ng pambihirang ginseng na magpapalakas sa katawan ng isang cultivator. Ibinigay ito ng Cult Master sa akin.”Ngumiti si Monica at nagpatuloy sa pagsasalita, “Dapat lang na ibigay ko sa iyo ang ginseng na iyan bilang kapalit sa pagligtas na ginawa mo sa aking buhay.”Napuno ng pagkasbik ang mukha ni Darryl sa mga sandaling ito. Kasalukuyan nang nasa Level Four Master ang kaniyang lakas.Kinakailangan niya munang tumungtong sa Level Five Master matapos inumin ang ginseng na ito at tumungtong sa domain ng Master General matapos uminom ng Godly Pill.“Haha, perfect!” Isip ni Darryl. Natuwa siya nang husto at agad na kinain ang buong ginseng nang walang pagaalinlangan.“Kinain mo ang buong ginseng nang ganoon ganoon na lang?”Natigilan si Monica at nagpakita ng isang nagaalalang itsura habang si
Read more

Kabanata 238

Isa si Dax sa mga kilalang tao sa Donghai City. Kaya siguradong mapapasok sa isang malaking gulo si Donoghue matapos nitong bastusin si Dax na may hindi pa ring malamang kundisyon hanggang sa mga oras na ito.Nagalala nang husto si Lily sa pangyayari kagabi.Hindi rin nakapanood si Donoghue ng ginawa niyang live stream kaninang umaga.“Maaari kayang may nangyari na ring hindi maganda sa kaniya?”Dito na napuno si Lily ng mga bagay na nagpatindi sa kaniyang pagaalala.Ding ding.Biglang nagbeep ang cellphone ni Lily sa mga sandaling ito.Kinuha niya ang kaniyang cellphone at agad na natuwa matapos makita ang isang text message mula kay Donoghue.Nagpadala lang ito ng maiksing message sa kaniya. [Lily, sana lang ay hindi ka natakot sa nangyari kagabi?] Kahit ang kaniyang paraan sa pagtetext ay masyadong gentleman.Gumaan ang loob ni Lily habang umaaliwalas ang kaniyang mood matapos mabasa ang text ni Donoghue.Naisip ni Lily na ligtas si Donoghue mula sa pangyayaring iyon kagab
Read more

Kabanata 239

Ang isang batang nurse na pumasok sa operating room nang unang beses ay naluha sa sobrang takot matapos makita ang kondisyon ni Dax.Siguradong hindi makakaligtas ang isang pangkaraniwang tao na nagtamo ng ganito katinding mga sugat sa sandaling dalhin siya sa ospital.Naguluhan dito si Shelly, pero nagawa niya pa ring humanga sa ginawang paglaban hanggang sa mga sandaling ito ni Dax.Hindi maaaring patulugin si Dax dahil sa tindi ng mga sugat na kaniyang tinamo. Pero hindi pa rin siya gumawa ng anumang ingay sa operasyong nagtagal ng 7 oras habang nararamdaman ang anumang bagay na ginagawa ng mga doktor sa kaniyang katawan. Pero hindi na rin niya kinaya at tuluyan nang nawalan ng malay pagkatapos ng kaniyang operasyon.Nagulat dito si Saul, agad na nagmula ang kaniyang mga mata matapos marinig ang mga sinabi ni Shelly.“Si Dax ang nagiisang tagapagmana ng pamilya Sanders! Sinusubukan niyo bang tapusin ang aming pamilya? Ipinapangako ko, Donoghue Dixon, na pagbabayaran ng buo mong
Read more

Kabanata 240

Agad na isinuot ni Darryl ang kaniyang mga damit, kinuha ang gunting at ginupit ang tali.Hindi naman nagsalita ng kahit na ano si Monica at mabilis na pumunta sa gilid para magbihis.Napapaatras namang tumayo si Darryl sa isang tabi na para bang isang batang nakagawa ng isang malaking pagkakamali.Sa mga sandaling ito, masyadong napuno ng tensyon at panganib ang hangin sa loob ng kuwarto.Napakagat sa kaniyang labi si Monica matapos isuot ang kaniyang mga damit. “Darryl, kikilos ako na para bang walang kahit na anong nangyari ngayong araw, pero sa sandaling sabihin mo ito sa kahit na sino… sinisiguro ko sa iyong papatayin ko ang buo mong pamilya.”Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sandaling malaman nila na nagkaroon ng isang ipinagbabawal na relasyon ang Cult Mistress at ang kaniyang tauhan?Gustong gusto na patayin ni Monica si Darryl, pero nagawa pa rin nitong iligtas ang kaniyang buhay.“Huwag po kayong magalala, Mistress. Wala po akong sasabihin na kahit ano tungkol dito
Read more
PREV
1
...
2223242526
...
705
DMCA.com Protection Status