Kabanata 33 MAINIT na yakap mula kay Tatay Abner ang sumalubong kay Lucy. Halos mabuwal pa ang matanda sa sobrang saya na sa wakas ay nagkita silang muli, siya hindi na lamang bilang si Lucy kung hindi ang dating musmos na paboritong bigyan ni Tatay Abner ng mumurahing kendi. "Andeng..." His voice trembled. "Patawarin mo si Tatang. Hindi kita natulungan noong bumabagyo." Napatingala si Alec, todo ang pigil sa sarili na maluha dahil sa kaganapan. Napasinghot naman si Lucy at piniga ang kamay ni Alec na nakahawak sa kanyang balikat. She can feel how hard Alec is trying to not let his emotions show, and somehow, Lucy is thankful that he's holding on to her as if telling her that no matter what they were and who she may be, he's still going to be there. "Ano ka ba, Tang. Hindi ko man ho maalala ang mga nangyari noon, hindi niyo dapat sisihin ang sarili ninyo. Kalamidad ho ang dahilan ng lahat. Wala kayong kasalanan." Nagpunas siya ng
Last Updated : 2021-06-03 Read more