SPENCER "Mot, hindi ka pa ba maghahanda? Sasama ka naman sa akin sa victory party 'diba?" pagtatanong ko sa kasama kong kanina pa malayo ang tingin. Tila may iniisip ata ang kababata ko, subalit kung tatanongin ko nama'y hindi niya rin sinasabi. "Mot, siguro dapat wala na'kong sayanging oras." sambit nito na ipinagtaka ko. Tinignan ko ito sa repleksyon ng salamin na nasa harapan ko, nakaupo ito sa aking kama at nakatulala. Nilingon ko siya ng may pagtataka sa mukha at nagtanong. "Anong ibig mong sabihin Mot? Pansin ko rin kanina ka pa tulala d'yan." Tumingin ito sa akin, ngunit sa pagkakataong ito ay puno ng sigla ang kanyang mga mata. Ngumiti ito at nagsalita. "Mot, siguro dapat ko nang sundan si Edward sa America." sambit nito.
Last Updated : 2021-07-14 Read more