Home / All / I Have Her Heart (BL) / KABANATA 25.1 — LEGALIZATION

Share

KABANATA 25.1 — LEGALIZATION

Author: Alnaja❤
last update Last Updated: 2021-07-19 20:42:27

Tila napako si Eilana sa kinatatayuan matapos magulantang sa nasaksihan.

"Oh my Gosh—!" tanging nasabi nito bago pulutin ang kumpol ng nabitawan niyang susi sa sahig. Matapos nito ay kaagad siyang pumunta sa sala upang maupo at maiproseso ng kanyang utak ang lahat.

Kinakabahan at gulat na gulat sina Aaron at Spencer dahil sa pagkakahuli sa kanila. Ngunit Kahit hindi pa alam ni Spencer kung paano ipapaliwanag ang nasaksihan nito'y sinundan pa rin niya ang nakakatandang kapatid sa sala upang kausapin.

Sumunod naman kaagad si Aaron sa nobyo, sa isip nito'y kung meron man dapat magpaliwanag ay siya 'yun. Gusto niyang ipakita sa ate ni Spencer kung gaano niya kamahal ang binata.

Sa sala ay nakaupong naghihintay si Eilana sa dalawa. Gusto niyang marinig ang paliwanag ng mga ito. Hindi ito galit o mayroong ano mang negatibong impresiyon sa nakita ngunit gusto lamang niyang malaman ang tungkol sa relasyon nila.

"A-ate?!"
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 25.2 — LEGALIZATION

    Pagkatapos ng tatlong maghapunan, nagboluntaryo si Aaron na maghugas ng mga pinagkainan nila, at dahil hindi maawat ni Spencer ay tinulungan na lamang nito ang nobyo at magkasabay silang naghugas ng pinggan. Sa sala nama'y masayang nanonood si Eilana sa dalawa. Mayamaya pa'y tumingin ito sa relo niya at nakitang malapit nang mag alas otsyo ng gabi. Naisip nitong kailangan na niyang Sabihin sa kapatid ang kaniyang pakay sa pagpunta rito. Marahan itong tumayo at pumunta sa kusina upang lapitan ang dalawa na ngayon ay naglalaro ng bula at ipinapahid sa mga mukha nila. Kitang-kita ang kasiyahan sa dalawa na parang mga naglalarong paslit. Ayaw man niyang putulin ang kasiyahan ng dalawa ngunit kinakailangan na talaga ni Eilanang sabihin kay Spencer ang pagpapauwi ng mga magulang nila rito. Sa paglapit ni Eilana napansin kaagad ito ng kapatid kaya nagkusa itong lumapit upang tanongin ang ate niya kung may kailangan ito. Kaagad namang sinabi ni Eilana ang

    Last Updated : 2021-07-20
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 26.1 — ARMANDO'S ANGER

    SPENCER Nagising ako sa malakas na ingay na nanggagaling sa telepono. Kahit labis ang antok ko'y kinapa ko pa rin ang telepono na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Dahan-dahan kong tinignan ang telepono ngunit ang liwanag nito ay nagdulot ng hapdi sa kakamulat kong mga mata. Ilang sandali pa'y nasanay na ang mga mata ko sa liwanag na dulot nito. Nakita ko ang pangalan ni Aaron, tumatawag ito. Bago ko sinagot ay tinignan ko muna ang oras sa taas ng screen, Alas quatro imponto! "Hello Wolf?" Mamalat-malat kong pagbati. "Good morning Buns! Tinawagan na kita. Baka kasi nakalimutan mo na namang mag set ng alarm. Baka ma-late ka malayo-layo pa naman 'yang inyo!" saad ni Aaron sa kabilang linya. "Good morning din. Nag set ako, 5AM. Mas napaaga lang tawag mo." wika ko kasabay ng mahinang pagtawa. "Ay sorry, masyado bang napaaga

    Last Updated : 2021-07-20
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 26.2 — ARMANDO'S ANGER

    SPENCER"I'm Alvin, Aaron's bother! I need to talk to you about him."Kaya pala parang nakikita ko sa kanya si Aaron dahil magkapatid sila. Actually buhok lang ang pagkakaiba nila at ang kaunting detalye sa mukha.Medyo kinabahan ako ng kunti, pero napawi rin nang naisip kong hindi ako dapat matakot dahil wala naman akong ginagawang masama. Wala nga ba?Pumunta kami sa isang malapit na coffee shop. Nakaupo lang ako sa isang upuan habang hawak-hawak ang nanlalamig kong mga kamay. Hindi ko kasi maiwasang matakot, hindi kasi ibang tao lang ang kaharap ko ngayon, nakakatandang kapatid ito ng boyfriend ko."Excuse me, here's you order please." pagbasag ng waiter sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Inilagay nito ang inorder sa akin ni kuya Alvin na Coffe Caramel at Isang sliced vanilla cake.

    Last Updated : 2021-07-21
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 27.1 — INVITATION

    Nasa bungad na ng Vicente Mendoza Memorial Hospital si Eilana upang bisitahin ang boyfriend niyang si Bryell. Mag-iisang buwan na rin nang huli silang magkita sa personal. Isinama kasi ang nobyo niya ng mga magulang nito sa Amerika upang asikasuhin ang isang importanteng negosyo. Ngayon, ay ang paguwi nila sa bansa, gusto sanang salubungin ni Eilana ang nobyo pati na ang mga magulang nito ngunit hindi niya pwede iwanan ang trabaho na pinagawa sa kanya ng director ng kompanya nila. Kakatapos nga lang ng babae sa kanyang trabaho pero agad itong nagmaneho patungong hospital upang bisitahin ang kinasasabikan niyang nobyo. Alam niyang nasa opisina ito ngayon dahil lagi nilang inaa-update ag isa't-isa, pero sa pagkakataong ito ay hindi niya pinaalam ang kanyang pagbisita upang supresahin ang boyfriend niya. Pagpasok niya sa hospital ay kaagad siyang nagtungo sa elevator upang puntahan ang opisina ni Bryell sa ika-walong palapag. Pagkarating sa palapag ni

    Last Updated : 2021-07-22
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 27.2 — INVITATION (SPG)

    Ramdam na ramdam ng babae ang pananabik nito. Mayamaya pa'y naglaro na ang kanilang mga dila. Nagdikit ang kanilang mga katawan at pareho silang nakaramdam ng naglalagablab na init at pagnanasa sa isa't-isa. Dahan-dahang ibinaba ni Bryell ang kanya halik pababa sa baba, pisngi, at leeg ni Eilana. Hindi nila maiwasang mapahalinghing pareho dahil sa sarap ng kanilang ginagawa.Ibinalik ni Bryell ang paghalik sa mga labi ng babae bago niya nilakbay ang kanyang dila mula sa leeg pataas sa tenga nito at bumulong, "Gawin natin dito ang pang second time, my darling?""Kung 'yan ang gusto mo." mahinang sambit ni Eilana na tila nang-aakit.Wala na silang sinayang na oras pa at hinalikan muli ang isa't-isa. Ilang sandali pa ay pumunta si Eilana sa malaking kulay grey na sofa, habang si Bryell naman ay nilock ang pintuan at siniguradong nakababa lahat ang mga kortina.Umupo ang babae at tinanggal ang kanyang takong pati na rin ang pangitaas n

    Last Updated : 2021-07-22
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 27.3 — INVITATION (THE DONOR)

    Nag-aagaw na ang dilim at liwanag, hudyat na malapit nang magtakip-silim. Ang buong pamilya Dela Cruz ay naghahanda na sa pag-alis patungo sa mansyon ng mga Mendoza. Tinignan ni tatay Alberto ang kanyang relo upang tignan ang oras, ala-sais na ng hapon. Bumaba na ito sa garahe upang ihanda ang kanyang sasakyan na gagamitin nilang pamilya sa pagpunta sa mansyon. Sa silid ng magkapatid ay naglalagay na ng make-up si Eilana habang si Spencer ay nasa kama pa rin at tila malalim ang iniisip. Kanina pa ito sinabihan ng nakakatandang kapatid na mag-ayos na dahil ilang minuto na lang at aalis na sila. Napapansin ni Eilana ang pagkabalisa ng kapatid kaya tinanong niya ito kung anong problema. "Bunso, may sakit ka ba? Mukhang matamlay ka ata? Ano bang problema?" nag-aalalang pagtatanong nito. Biglang bumalik si Spencer sa reyalidad at kaagad na sumagot. "Ha? A-te? W-wala, wala! Okay lang ako." nauutal at natatarantang sagot nito. Tin

    Last Updated : 2021-07-23
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 28.1 — COOL OFF

    AARON "Bro, Can you please calm down." Kevin said to me. "How could I calm myself? Dalawang araw ko na siyang hindi nakakausap. I'm worried Kevin, hindi gano'n si Spencer!" I worriedly said. I can't help myself for continuously shaking my legs while sitting on my condo's couch. Here with me is my Bestfriend Kevin. Sobra na akong nagaalala kay Spencer because I can't contact him for almost two days. I know that he was with his family and he will stay there for one week, but, I already missed him and now that we didn't able to talk to each other—it made me felt agitated. "Wait, let me try to contact him." ani Kevin. Tinawagan na nga ni Kevin si Spencer at sandali pa'y nag-ring ito. My eyes suddenly just glitter and my heartbeat accelerates while waiting him to pick-up the phone. "Buns, sagutin mo naman." sambit ko habang patuloy na umaasa. "Sasagot 'yan! Baka may ginagawa lang kani—" "The n

    Last Updated : 2021-07-26
  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 28.2 — COOL OFF

    SPENCER Kahit sa harapan ng salamin kitang-kita ko ang kalungkutan sa 'king mga mata. Ewan ko ba kahit anong panglolokong gawin ko sa sarili ko ngayon, nahihirapan talaga akong itago ang tunay kong nararamdaman. Dati expert na ako rito eh, no'ng may sakit ako kahit sobra akong nalulungkot lagi ko namang naloloko ang sarili ko, dahil ayaw ko rin ipakita kina nanay, tatay, at ate na malungkot ako't nasasaktan. Ganito ba talaga ang epekto ng pag-ibig? Ang hirap itago, ang hirap kalimutan na lang! Habang tinititigan kong maigi ang sarili ko sa salamin ng banyo ay biglang kumatok si ate Eilana. "Bunso, malapit ka na bang matapos? Kung hindi pa, sa banyo sa kusina na lang ako maliligo." wika nito sa labas. Agad akong napabalik sa reyalidad at kaagad na sumagot sa kapatid ko. "Hindi ate,

    Last Updated : 2021-07-27

Latest chapter

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    “Buns?!” wika ng lalaki.Kita ko ang kasiyahan sa kaniyang mukha. Isa lamang ang pumasok sa utak ko na kakilala ko ang taong 'to ngunit hindi ko maalala ang pangalan niya pati ang dati naming pinagsamahan.“I—I'm very glad to see you.” masaya niyang wika.Tanging ngiti lang din ang naitugon ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung anong dapat na ikilos ko. Ngunit parang may kakaiba sa kaniya na hindi ko maintindihan. Para kasing may mabigat akong nararamdaman sa taong 'to. Hindi ko alam kung positibo ba o negatibo ang bigat na nararamdaman ko dahil hindi ko namn alam kung kaibigan ko ba siya sa nakaraan o hindi.Bigla siyang lumapit at aaktong yayakap ngunit may biglang malabong ala-ala na nagbabalik sa akin. Kasabay ng ala-ala ang pagsakit naman ng ulo ko, napahawak ako sa sintido matapos mag flash ang kaunti at malabong alala sa amin ng lalaki. Magkasama kami at tinawag niya akong Buns at mayroon rin akong tawag sa kaniya at 'yun ay Wolf. At sa pamamagitan no'n napagtanto kong kaibigan

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    SPENCER“Hi ganda, san ka na ngayon?” text ko kay Joan.“Papunta na ako babe. Sure ba 'to? Ipapakilala mo na ba talaga ako?” reply nito sa akin.“Syempre, 'wag kang mag-alala mabait naman sila.” pagpapagaan ko sa loob niya.Si Joan Madrigal ay ang girlfriend na ipapakilala ko na kina nanay, tatay, at ate Eilana. Medyo kinakabahan nga ako dahil siguro first time ko itong gagawin pero ayaw ko namang magtago sa mga magulang ko dahil 'yun rin ang bilin nila sa akin, na huwag kailan man mag sekreto.Makalipas ang ilang minutong paghihintay sa labas ng gate ay sa wakas ay nakarating na ang girlfriend ko. Alas 6 na at halos 30mins din akong naghihintay sa labas ng gate, galing kasi ako sa restaurant na paborito naming puntahan ni Joan para bumili ng paborito niyang crispy-pata. Matapos ko kasing bumili ay hinintay ko nalang siya sa gate upang sabay na kaming pumasok sa loob. Baka magtanong kasi sila nanay tungkol sa crispy-pata at wala akong maisagot, susupresahin ko kasi sila nanay sa pagpap

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    MATHEW"Oras? Hala?" tinignan ko ang aking lumang relo at nakitang late na ako ng 20 minutes. Kaagad akong tumakbo papunta sa Senior high building at nagtanong kung asaan ang classroom ng Humanities and Social Sciences strand. "HUMSS?! HUMSS ka pala? Oh, me too. We're classmate! Don't worry I'll take you there. Come with me." masiglang wika ng babaeng napagtanungan ko. Napakamasiyahin niya tignan at halatang palakaibigan, at nang tinanong ko siya ay napakagalang din. Halata rin sa kutis nito na mayaman, may kalakihan din ang kaniyang pangangatawan dahil sigurado akong laging masarap ang kinakain niya.Habang nasa paglalakad kami ay kwento ng kwento siya. Doon ko nalaman ang kaniyang pangalan, siya si Thea Emmanuel. Siguro ay nahalata niya ang pagmamadali ko, kaya sinabi niya sa akin na walang dapat na ipag-alala dahil tuwing first day of class ay hindi naman gaanong pinapahalagahan ng mga teacher dito kung late ka o hindi, dahil hindi pa magsisimula ang lesson sa unang araw ng klase.

  • I Have Her Heart (BL)   SPECIAL EPISODE — BOOK 2 PREVIEW

    Aligaga sa pamamalantsa si Mathew sa kaniyang uniporme, at kahit makikitang may kaunting mga gusot pa ay pinabayaan na lamang niya sa pag-iisip na hindi na naman ito mapapansin. Nagmadali siyang naligo at kumain dahil kalahating oras na lamang ang natitira sa kaniya upang hindi ma late sa unang araw ng klase. Labis siyang kinakabahan sa unang araw niya bilang mag-aaral sa regular na eskwela ngunit labis din ang kaniyang excitement dahil sa wakas ay mararanasan na niyang mag-aral kasama ang kaniyang mga ka-edad. Kaka graduate lamang ni Mathew sa isang Alternative Learning System (ALS) nang nakaraang taon, at sa totoo lang ay pakiramdam niya'y hindi pa sapat ang kaniyang mga nalalaman kumpara sa mga bago niyang magiging kaklase. Hindi tulad ng ibang bata, si Mathew ay hindi nakapag-aral ng elementary at junior high school dahil, gayunpaman ay natuto ang binata sa kaniyang sariling pamamaraan. Noong nasa kalsada palamang siya at nagpapalaboylaboy ay palagi siyang sumisilip sa bintana ng

  • I Have Her Heart (BL)   Bagong Kabanata : Memories of My Heart — Prologue

    Taong 2012, ang kahabaan ng kalsada ay tila nagmimistulang isang paradahan dahil sa mga sasakyang tila hindi umuusad sa trapiko. Ang ingay ng mga busina ay tila nag-uunahan at hindi na matigil pa. Magulo, mainit, maalikabok, 'yan ang buhay na kinalakhan ni Mathew. Sa murang edad na walong taon ay natuto na itong makipagsapalaran sa buhay kalsada upang makakain at mabuhay. Ulilang lubos, walang bahay, walang makain, at walang pumapansin. Dala-dala ang isang plastic tray na naglalaman ng limang pirasong nakaboteng tubig at sari-saring mga kending kaniyang pilit na ibinibenta sa mga dumadaang sasakyan at tao. Paminsan-minsan ay may bumibili, ngunit kadalasan ay wala. Hindi maiwasan ng paslit na tignan ang kaniyang naging kita sa loob ng apat na oras. Medyo nakaramdam ito ng lungkot habang hawak-hawak ang sampung pisong barya. Hindi naman siya naliliitan sa pera, sa katunayan ay maari na itong makabili ng tigdodos na tinapay upang siya'y makakain at makapagumagahan na. Alas nuwebe na ng u

  • I Have Her Heart (BL)   BOOK 1 FINALE

    AARON"Sa tingin ko may amnesia si Spencer.""What? S-seryoso ka ba? If it's a joke bro, well it's not funny." sagot ko kay Kevin. "No bro, I'm serious. I also thought that Spencer is just making fun of us, but..." paghinto niya sa gustong sabihin. "But, what? Sabihin mo Kevin.""But, we talk to Nathalie's brother. Kuya Bryell, and he confirmed it." saad nito.Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa nalaman. I don't know what to react and what to do because hindi pa ako nakakasalamuha ng taong may amnesia, hindi ako nakaimik at pilit na pinapasok saking isipan ang mga nangyayari. At nang ma realize ko na pupwedeng hindi ako maalala ni Spencer at maaring pati ang pagmamahal niya sa akin ay biglang umagos ang mga luha saking mata kasabay ng pagsikip ng aking dibdib. Ayokong hindi na ako maalala ng mahal ko, ayokong mawala ang pagnamahal sa akin ni Spencer. Siguro'y hindi ko kayang mangyari 'yun."Bro? Aaron? Are you okay?" paulit-ulit na tanong ni Kevin sa kabilang linya. Habang ako nama'

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.4 — BOOK 1 FINALE

    AARONDalawang linggo ang nakakalipas nang pinagamot ko sa Australia si dad. Araw araw naman akong nagpapadala ng mensahe kay Spencer sa pamamagitan ng sulat dahil na pupwede niyang basahin kapag gumaling na siya sa pagkaka-comatose. Lagi rin akong nagti-text kina ate Eilana ngunit ang sabi lang nila'y hindi pa rin gumigising si Spencer at babalitaan nalang daw nila ako kung gising at nakarecover na ang mahal ko.Lumipas ang tatlong buwan ay nagaalala na ako dahil hindi pa rin ako nakakatanggap ng mensahe patungkol sa kalagayan ni Spencer habang si daddy naman ay malaki ang improvement dahil sa magagaling na doctor at mga advance na gamutan dito sa Australia. Ngunit gustuhin man naming umuwi ni dad ay hindi maaari dahil sa kumakalat na pandemyang covid-19. Tumataas kasi ang paglaganap ng sakit at sa katunayan ay nagpositive ako. Palagi kong pinapadalhan ng mensahe sina ate Eilana at maging si kuya Bryell ngunit ni isa sa kanila ay walang sumasagot kahit sa tawag. Si Kevin nalang sana a

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.3 — BOOK 1 FINALE

    “Bunso?! Nay, tay! Gising na si bunso.” malakas na sigaw ni Eilana nang makita ang nakamulat niyang kapatid.Kaagad na lumapit sina nanay Rosa at tatay Alberto sa anak. Kita ang masayang mukha ng mag-anak. “Ipapaalam ko po muna ito sa nurse station para makatawag ng doctor." ani Eilana at nagmadaling lumabas ng kwarto."Anak, may masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo? Tumawag na si ate ng doctor anak. Salamat sa dyos at gising kana. Sobrang kaming nag-aalala sayo." Iyak ni nanay Rosa.“'Wag kang mag-alala anak magiging maayos ka. Magiging maayos din ang lahat ” dagdag ni tatay Alberto.Hindi sumasagot si Spencer at napansin ng mga magulang nito na tila nalilito ang binata sa mga nangyayari.“A-anak? Bakit? S-sino ho kayo?” naguguluhang wika nito.'Di makapaniwala ang mag-asawa sa sinabi ng anak. Tanging pagtitinginan na lamang ang kanilang naitugon kasabay ng labis na pag-aalala. “Nak, Spencer. Si nanay at tatay 'to.” ani nanay Rosa.“Di mo ba kami nakikilala anak? Malabo ba ang pan

  • I Have Her Heart (BL)   KABANATA 45.2 — BOOK 1 FINALE

    ***AARON"Malaki ang progress niya and we hope na anytime soon magigising na si Spencer. Pero hindi pa natin tiyak dahil ano mang oras pwedeng mangyari. Maaaring bukas, sa susunod na araw o sa susunod na linggo. Pero ang importante ay nagpakita na siya ng palatandaan." Pagpapaliwanag ni kuya Bryell sa kalagayan ni Spencer. Maya-maya pa ay dumating na rin sina Kevin, Raffy at Larah. Nadadtnan nila akong nakatayo lamang sa labas ng ICU habang tinitignan sa nakaharang na salamin ang maamong mukha na natutulog kong nobyo kasama sa loob ang pamilya niya.“Hey bro. Kumusta? May balita ba?” kaagad na bungad ni Kevin.“Hey guys. Kuya Bryell said na anytime pupwede nang magising si Spencer. Sana mas mapabilis ang paggising niya. I really miss him.” saad ko.“I'm sure, Spencer is doing his best to recover fast para sa atin. Because he knew that here we are, waiting for him.” ani Larah.Nabalot ng ngiti ang ngiti ang aming mga labi sa magandang progress ni Spencer sa bawat araw. Ngunit 'di rin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status