Home / All / The Desirable Impostor / Chapter 41 - Chapter 50

All Chapters of The Desirable Impostor: Chapter 41 - Chapter 50

115 Chapters

The Pretending Heart - Chapter 9

The Pretending Heart - Chapter 9"ARMANDO? Armando? Nasaan ka? Kailangan kita!""Nagdidiliryo siya!" bulalas ni Nana Senyang habang pahangos na lumalapit sa canopied bed."Kailangan niya ng doktor," wika naman ni Armando. Kasunuran lang ng matandang babae.“Oo. Tiyak na hindi pa nakakalayo dito si Dr. Almario. Tatawagan ko siya sa kanyang celfone. Bantayan mo na lang muna si Alison." Bago natapos ang sinasabi nito, papalabas na sa pintuan."Opo, Nana.”Umungol uli ang pasyente kaya dali-daling lumapit si Armando sa marangya at maluwang na kama. Maingat siyang naupo sa tabi ni Alison. Buong pagsuyong hinagod ng mga daliri niya ang mahabang buhok na nakalatag sa putim-puting unan.Walang gaanong nagbago sa anyo ni Alison, maliban sa bahagyang panlalalim ng mga mata at sa pamumutla ng makinis na balat. Hindi pa rin nakakasawang pagmasdan. Lalo pa ring gumaganda habang tinititiga
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

The Pretending Heart - Chapter 10

The Pretending Heart - Chapter 10ANG lobby ng isang five-star hotel ay kasalukuyang bumabaha sa dami ng mga taong pulos kabilang sa alta sosyedad.Isang espesyal na okasyon ang dinayo ng mga mayayaman at kilalang personalidad, nang gabing iyon."Ladies and gentlemen! We now proudly present the much-awaited...! The much-touted about...! The much-publicized...! One-man sculpture show on earth!" Nakaka-ingganyong makinig sa pahiyaw pero nananadyang mambitin na pahayag ng prupesyonal na emcee."We humbly present to you a very talented! A very creative! And a very, very handsome sculpture! He is none other than the Armando Formilleza!"Umalingawngaw ang masigabong palakpakan sa paligid."Sweetheart, hinihintay ka na nila," pagtataboy pa ni Alison sa asawa."Honestly, I'm nervous," kumpisal naman ni Armando."You don't look a bit nervous, Mr. Handsome," wika niya. Napakasimpatiko at na
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 1

The Dubious CaretakerSYNOPSISMahirap pa sa daga ang pamilya ni Martinne. Desperada na siya kaya napilitang magpanggap.Ngunit paano kapag natuklasan ng among pinagsisilbihan ang kanyang panloloko? Papalayasin kaya siya ni Elan? O paparusahan?Anong parusa kaya ang dapat na ipataw sa isang impostor na katulad niya?*     *     *The Dubious Caretaker - Chapter 1Madilim-dilim pa kung bumangon si Martinne para simulan na ang paggampan sa naiwang gawain ng kanyang ama. Dinidilig niya ang kalakhan ng hardin na nasa loob ng malawak na bakuran ng lumang mansiyon.Walang nakatira sa mansiyon, sa kasalukuyan. Ang mag-asawang amo nila ay nagtungo sa America upang manirahan doon, kapiling ang nag-iisang anak na babae. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Madriaga, ngunit hindi malimit maikuwento ng mga amo nila ang tungkol sa anak na may pagka-bagamundo.Napa-buntonghininga si Mart
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 2

The Dubious Caretaker - Chapter 2Matuling lumipas ang isang linggong palugit ng abogado.Ibinuhos ni Martinne ang buong panahon sa paglilinis sa lahat ng sulok ng mansiyon. Sinasadya niyang pagurin ang sarili para hindi siya mangulila.Sa umaga lang siya kumakain. Dahil sa gabi ay nakakatulog na agad siya.Kaya naman lalo pa siyang nangayayat. Nagmistula isang binatilyo na lang, imbis na isang babaeng edad-disinuwebe.Nasunod niya ang lahat ng mga instruksiyon na nakalista sa papel na ibinigay ng abogado.Ang pambili lang ng mga pagkaing i-i-imbak sa malalaking freezer at refrigerator ang kanyang inumit. Ang plano niyang ipamili ay ang natitirang kalahati ng sahod niya sa paglilinis.Ngunit kahit na ubusin niya iyon, malaki pa rin ang kakulangan sa halagang kinupit niya. A, saka na lang niya iisipin ang tungkol doon...Ang mahalaga ay ang magandang balita na tinanggap sa pamamagi
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 3

The Dubious Caretaker - Chapter 3Tumalon na sa tubig si Elan matapos magsalita kaya hindi na nakita ang pagsenyas ng mga kamay ni Martinne na wala ang mga pagkaing hiniling nito para sa almusal.Mabigat ang mga paa niya na nagtungo sa kusina. Maghahanap na lang siya ng kung ano ang puwedeng iluto doon.Bahala na, aniya sa sarili.Ilang minuto lamang na nag-ehersisyo sa tubig ang lalaki. Halos katatapos lang niyang magpatay ng kalan nang bumungad ito sa backdoor. Hindi pa nakabihis. Nakasuot lang ng maikli at itim na roba. Hindi pa nga nagpupunas dahil basa-basa pa ang maikling buhok na medyo kulot din."Hmm, mukhang masarap kang magtimpla ng kape, a," puri ng lalaki habang sinasamyo ang amoy ng kapeng isinasalin niya sa isang puswelo. "Dito na ako sa kusina, ha? Parang malungkot d'on sa kumedor, e. Sobrang laki kasi para sa iisang tao."Alanganing napatango na lang si Martinne. Isa-is
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 4

The Dubious Caretaker - Chapter 4Natural, walang naisagot si Martinne.Ngunit hindi naman naghihintay ng tugon si Elan. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho.Nagpatuloy rin sa paglago ang munting butil ng pag-asang itinanim ng ipinakitang interes nito sa kapansanan niya. Kahit na hindi dapat, hindi napigil ni Martinne ang sarili na mangarap sa pagdating ng araw na makakapagsalita siya nang normal..."Sino ba sa mga 'yan ang tipo mo?" tanong ni Elan, nang nakaupo na sila sa kanilang lamesa. Nasa harapan nila ang isang entablado na puno ng mga babaeng umiindak sa maharot na tugtugin.Umiling lang si Martinne. Magkahalong simpatiya at pagkailang ang nadarama niya habang nakatingin sa mga babaeng halos wala ng saplot ang mapuputing katawan, pero sobrang kapal naman ng meyk-ap na nakapahid sa mukha. Para bang iyon ang nagsisilbing maskara laban sa kahihiyan.Sumagi agad sa isip niya ang mga kapatid na nak
last updateLast Updated : 2021-06-30
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 5

The Dubious Caretaker - Chapter 5Kakaba-kaba si Martinne nang sumunod sa gusto ni Elan.Sandali lang namang ibalot ang mga gamit niya. Kasya lang sa isang kahon ng gatas kahit na idinagdag pa ang ilang pirasong libro."'Yan lang ba?" tanong ng lalaki nang lumingon uli sa kanya.Tumango siya.Madilim na sa loob ng barung-barong kaya hindi niya gaanong maaninaw ang mukha nito."Akina," anito, tila pa-buntonghininga. "Ako na ang magdadala niyan."Hindi siya nakatanggi dahil kinuha na ng lalaki ang kahon. Nagpauna na ito sa paglabas.Unti-unti nang humulas ang pagkabigla niya kaya nagkaroon na naman ng lakas ang mga tuhod. Nagawa na niyang lumakad kahit na medyo pasuray."Dito ka na titira magmula ngayon." Nagsalita lang uli si Elan nang nasa tapat na sila ng pinto ng isa sa mga guestroom sa ikalawang palapag ng mansiyon.Nangungunti si Martinne dahil hindi bagay sa kanya ang ganito karangyang kuwarto.Nabasa
last updateLast Updated : 2021-07-01
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 6

The Dubious Caretaker - Chapter 6Napuna ng isang bahagi ng litong diwa ang matatag na paghakbang ni Elan sa pag-akyat sa hagdan. Parang hindi ito lasing.Ngunit namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. At tila nalango na rin siya sa alak na nakahalo sa mga halik na ipinatikim sa kanya."Ngayon lang ako nagkaganito sa babae, Martinne," bulong nito. Magaspang ang tinig dahil sa pagkukontrol sa sarili. Inilapag na siya nito sa isang malambot na kama. Nakadagan na ang matigas na katawan nito sa kanya."Pinipilit kong ibaling sa iba ang pagnanasang ginising mo, pero bigo ako. Para sa 'yo lang ito. Para sa 'yo lang..."Hindi makapaniwala si Martinne sa narinig. Atraktibo rin pala siya sa lalaking ito?Napapikit siya nang magsimulang gumapang ang mga munting halik sa kanyang leeg, papababa sa dibdib."Sa unang pagkikita pa lang natin, gusto ko ng gawin sa 'yo ang ganito," anas nito. Pinaliguan ng basang init ang mamula-mulang
last updateLast Updated : 2021-07-01
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 7

The Dubious Caretaker - Chapter 7 Sumunod ang mahahabang sandali ng katahimikan. Tila hinayaan munang makapag-isip siya. Maya-maya'y muli na namang nagsalita si Elan. Naramdaman na marahil nito ang unti-unting panghihina ng kanyang loob. Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki. Alam na napukaw na nito ang interes ni Martinne. "Bilang regalo ko sa 'yo sa ating kasal, ipapagamot ko ang iyong kapansanan. Tiyak na gagaling ka. Walang imposible kapag maraming salapi, Martinne," dagdag pa nito. Puno ng panunukso ang baritonong tinig. Ang pangakong iyon ang higit na nagpabuway sa pagtutol niya. Habang tumatagal, lumalabo na nang lumalabo ang mga dahilan kung bakit dapat siyang tumanggi. Bakit? Iyon ang hiyaw ng natitirang katinuan niya. Sinapo ng maiinit na palad ni Elan ang mga pisngi niya. Upang magkausap nang masinsinan ang kanilang mga mata. "Tanggapin mo na ako, Martinne," sambit nito. Mababa at masuyo ang tono nito.
last updateLast Updated : 2021-07-01
Read more

The Dubious Caretaker - Chapter 8

The Dubious Caretaker - Chapter 8 Naging matagumpay ang kanyang operasyon. Sa ikapitong araw lang ay pinayagan na siyang umuwi. Ngunit habang nasa ospital siya, palaging dumadalaw si Elan tuwing umaga at gabi. Sa tanghali ay nagpapadala ito ng mga pulang rosas at mga sariwang prutas. Pinilit niyang huwag maapektuhan. Kinumbinsi niya ang sarili na pawang pakitang-tao lamang ang mga ginagawa ng lalaki. Bagong kasal sila kaya inaasahan ng mga taong nakapaligid ang kaunting romansa. "Uuwi na tayo, Martinne," pahayag ng lalaki. Masuyo ang tono. Magiliw ang tono. Iniangat nito ang isang overnight case. "Tutulungan ka na ni Nurse Daisy sa pagbibihis." "S-salamat," tugon niya. Kapag ang espesyalista ang kaharap, nakakapagsalita na siya ng tuwid. Sa una ay paunti-unti lang na dumarami at humahaba habang tumatagal. Pero kapag si Elan na ang kausap, naglalaho ang kumpiyansa niya. Dalawang bestida ang laman ng overnight cas
last updateLast Updated : 2021-07-02
Read more
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status