The Dubious Caretaker
SYNOPSIS
Mahirap pa sa daga ang pamilya ni Martinne. Desperada na siya kaya napilitang magpanggap.
Ngunit paano kapag natuklasan ng among pinagsisilbihan ang kanyang panloloko? Papalayasin kaya siya ni Elan? O paparusahan?
Anong parusa kaya ang dapat na ipataw sa isang impostor na katulad niya?
* * *
The Dubious Caretaker - Chapter 1
Madilim-dilim pa kung bumangon si Martinne para simulan na ang paggampan sa naiwang gawain ng kanyang ama. Dinidilig niya ang kalakhan ng hardin na nasa loob ng malawak na bakuran ng lumang mansiyon.
Walang nakatira sa mansiyon, sa kasalukuyan. Ang mag-asawang amo nila ay nagtungo sa America upang manirahan doon, kapiling ang nag-iisang anak na babae. Mayroong anak na lalaki ang mag-asawang Madriaga, ngunit hindi malimit maikuwento ng mga amo nila ang tungkol sa anak na may pagka-bagamundo.
Napa-buntonghininga si Mart
The Dubious Caretaker - Chapter2Matuling lumipas ang isang linggong palugit ng abogado.Ibinuhos ni Martinne ang buong panahon sa paglilinis sa lahat ng sulok ng mansiyon. Sinasadya niyang pagurin ang sarili para hindi siya mangulila.Sa umaga lang siya kumakain. Dahil sa gabi ay nakakatulog na agad siya.Kaya naman lalo pa siyang nangayayat. Nagmistula isang binatilyo na lang, imbis na isang babaeng edad-disinuwebe.Nasunod niya ang lahat ng mga instruksiyon na nakalista sa papel na ibinigay ng abogado.Ang pambili lang ng mga pagkaing i-i-imbak sa malalaking freezer at refrigerator ang kanyang inumit. Ang plano niyang ipamili ay ang natitirang kalahati ng sahod niya sa paglilinis.Ngunit kahit na ubusin niya iyon, malaki pa rin ang kakulangan sa halagang kinupit niya. A, saka na lang niya iisipin ang tungkol doon...Ang mahalaga ay ang magandang balita na tinanggap sa pamamagi
The Dubious Caretaker - Chapter3Tumalon na sa tubig si Elan matapos magsalita kaya hindi na nakita ang pagsenyas ng mga kamay ni Martinne na wala ang mga pagkaing hiniling nito para sa almusal.Mabigat ang mga paa niya na nagtungo sa kusina. Maghahanap na lang siya ng kung ano ang puwedeng iluto doon.Bahala na, aniya sa sarili.Ilang minuto lamang na nag-ehersisyo sa tubig ang lalaki. Halos katatapos lang niyang magpatay ng kalan nang bumungad ito sa backdoor. Hindi pa nakabihis. Nakasuot lang ng maikli at itim na roba. Hindi pa nga nagpupunas dahil basa-basa pa ang maikling buhok na medyo kulot din."Hmm, mukhang masarap kang magtimpla ng kape, a," puri ng lalaki habang sinasamyo ang amoy ng kapeng isinasalin niya sa isang puswelo. "Dito na ako sa kusina, ha? Parang malungkot d'on sa kumedor, e. Sobrang laki kasi para sa iisang tao."Alanganing napatango na lang si Martinne. Isa-is
The Dubious Caretaker - Chapter4Natural, walang naisagot si Martinne.Ngunit hindi naman naghihintay ng tugon si Elan. Nagpatuloy ito sa pagmamaneho.Nagpatuloy rin sa paglago ang munting butil ng pag-asang itinanim ng ipinakitang interes nito sa kapansanan niya. Kahit na hindi dapat, hindi napigil ni Martinne ang sarili na mangarap sa pagdating ng araw na makakapagsalita siya nang normal..."Sino ba sa mga 'yan ang tipo mo?" tanong ni Elan, nang nakaupo na sila sa kanilang lamesa. Nasa harapan nila ang isang entablado na puno ng mga babaeng umiindak sa maharot na tugtugin.Umiling lang si Martinne. Magkahalong simpatiya at pagkailang ang nadarama niya habang nakatingin sa mga babaeng halos wala ng saplot ang mapuputing katawan, pero sobrang kapal naman ng meyk-ap na nakapahid sa mukha. Para bang iyon ang nagsisilbing maskara laban sa kahihiyan.Sumagi agad sa isip niya ang mga kapatid na nak
The Dubious Caretaker - Chapter 5Kakaba-kaba si Martinne nang sumunod sa gusto ni Elan.Sandali lang namang ibalot ang mga gamit niya. Kasya lang sa isang kahon ng gatas kahit na idinagdag pa ang ilang pirasong libro."'Yan lang ba?" tanong ng lalaki nang lumingon uli sa kanya.Tumango siya.Madilim na sa loob ng barung-barong kaya hindi niya gaanong maaninaw ang mukha nito."Akina," anito, tila pa-buntonghininga. "Ako na ang magdadala niyan."Hindi siya nakatanggi dahil kinuha na ng lalaki ang kahon. Nagpauna na ito sa paglabas.Unti-unti nang humulas ang pagkabigla niya kaya nagkaroon na naman ng lakas ang mga tuhod. Nagawa na niyang lumakad kahit na medyo pasuray."Dito ka na titira magmula ngayon." Nagsalita lang uli si Elan nang nasa tapat na sila ng pinto ng isa sa mga guestroom sa ikalawang palapag ng mansiyon.Nangungunti si Martinne dahil hindi bagay sa kanya ang ganito karangyang kuwarto.Nabasa
The Dubious Caretaker - Chapter 6Napuna ng isang bahagi ng litong diwa ang matatag na paghakbang ni Elan sa pag-akyat sa hagdan. Parang hindi ito lasing.Ngunit namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. At tila nalango na rin siya sa alak na nakahalo sa mga halik na ipinatikim sa kanya."Ngayon lang ako nagkaganito sa babae, Martinne," bulong nito. Magaspang ang tinig dahil sa pagkukontrol sa sarili. Inilapag na siya nito sa isang malambot na kama. Nakadagan na ang matigas na katawan nito sa kanya."Pinipilit kong ibaling sa iba ang pagnanasang ginising mo, pero bigo ako. Para sa 'yo lang ito. Para sa 'yo lang..."Hindi makapaniwala si Martinne sa narinig. Atraktibo rin pala siya sa lalaking ito?Napapikit siya nang magsimulang gumapang ang mga munting halik sa kanyang leeg, papababa sa dibdib."Sa unang pagkikita pa lang natin, gusto ko ng gawin sa 'yo ang ganito," anas nito. Pinaliguan ng basang init ang mamula-mulang
The Dubious Caretaker - Chapter 7 Sumunod ang mahahabang sandali ng katahimikan. Tila hinayaan munang makapag-isip siya. Maya-maya'y muli na namang nagsalita si Elan. Naramdaman na marahil nito ang unti-unting panghihina ng kanyang loob. Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki. Alam na napukaw na nito ang interes ni Martinne. "Bilang regalo ko sa 'yo sa ating kasal, ipapagamot ko ang iyong kapansanan. Tiyak na gagaling ka. Walang imposible kapag maraming salapi, Martinne," dagdag pa nito. Puno ng panunukso ang baritonong tinig. Ang pangakong iyon ang higit na nagpabuway sa pagtutol niya. Habang tumatagal, lumalabo na nang lumalabo ang mga dahilan kung bakit dapat siyang tumanggi. Bakit? Iyon ang hiyaw ng natitirang katinuan niya. Sinapo ng maiinit na palad ni Elan ang mga pisngi niya. Upang magkausap nang masinsinan ang kanilang mga mata. "Tanggapin mo na ako, Martinne," sambit nito. Mababa at masuyo ang tono nito.
The Dubious Caretaker - Chapter 8 Naging matagumpay ang kanyang operasyon. Sa ikapitong araw lang ay pinayagan na siyang umuwi. Ngunit habang nasa ospital siya, palaging dumadalaw si Elan tuwing umaga at gabi. Sa tanghali ay nagpapadala ito ng mga pulang rosas at mga sariwang prutas. Pinilit niyang huwag maapektuhan. Kinumbinsi niya ang sarili na pawang pakitang-tao lamang ang mga ginagawa ng lalaki. Bagong kasal sila kaya inaasahan ng mga taong nakapaligid ang kaunting romansa. "Uuwi na tayo, Martinne," pahayag ng lalaki. Masuyo ang tono. Magiliw ang tono. Iniangat nito ang isang overnight case. "Tutulungan ka na ni Nurse Daisy sa pagbibihis." "S-salamat," tugon niya. Kapag ang espesyalista ang kaharap, nakakapagsalita na siya ng tuwid. Sa una ay paunti-unti lang na dumarami at humahaba habang tumatagal. Pero kapag si Elan na ang kausap, naglalaho ang kumpiyansa niya. Dalawang bestida ang laman ng overnight cas
The Dubious Caretaker - Chapter 9 "Martinne?" Muntik nang mapatalon sa sobrang pagkabigla si Martinne. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala siya sa bench na nasa tabi ng fish pond. Wala sa loob na pinapanood ang mga bagong gold fish na naglalaro sa malinis na tubig. Si Elan ang nalingaan niyang nakatitig sa kanya. "B-bakit?" tanong niya. Dali-dali siyang tumindig upang mapagtakpan ang kalungkutang nasaksihan nito. "Umiiyak ka," panghuhula nito. "May problema ba?" Umiling siya. Pilit na nagkibit ng mga balikat. "Uhm, wala. Wala akong problema. Naaalala ko lang ang pamilya ko," pagdadahilan niya. Hindi niya sinabi ang tutoo dahil baka lumabas na sinisiraan niya si Erica Romales. Bilib na bilib sa dalagang tutor ang kanyang asawa. "Kahapon ay may dumating na sulat mula sa kanila. Natanggap mo ba?" Humakbang palapit ang lalaki habang nagsasalita. "Oo," tugon niya. Pulos pasasalamat mula sa kanyang ama at mga kapatid ang
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter6HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales."May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve..."Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael."Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya."Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter5NAKABAWI rin agad si Marie sa pagkabigla niya. Maraming Pilipino ang may apelyidong Morales."G-goodbye, sir," sambit niya bago minadaling pihitin ang ignition key."Bye." Kinawayan niya ng isa ni Mr. Reyes bago tumalikod para bumalik sa opisina.Malayu-layo na ang natakbo ng sasakyan nang ihinto ni Marie para tuluyan siyang makabawi ng sarili. Nanginginig siya na di niya mawari. Para bang ninenerbiyos. Ganitung-ganito ang naramdaman niya nung gabing iyon...Pero wala siyang dapat na ikatakot. Ayon kay Brenda, may ilang taon na ang nakakaraan, wala daw sa Pilipinas ang mag-anak ni Rafael Morales. Nagtungo raw sa Amerika dahil may itatayong bagong negosyo.Ngunit matagal na matagal na iyon. Atsaka, tsismis lang daw. Nasagap lang ng kaibigan mula sa mga sosyalan na hilig nitong daluhan.Pitong taon na ang nakakaraan--pero hindi ko pa rin sila makalimu
The Girl in His Dreams - Chapter4"Welcome to our humble company, Miss Marie Santos," ang masiglang bati ng may edad na general manager ng kumpanyang kumuha sa serbisyo niya bilang senior financial analyst.Pormal ang ngiti ni Alona, alyas Marie Santos.C.P.A. na si Alona pero mas nagustuhan niyang mamasukan sa mga pribadong kumpanya dahil mas challenging ang trabaho. Bukod sa malaki ang susuwelduhin niya."Thank you, sir," ang magalang na tugon niya. Prupesyonal ang matipid na ngiting isinabay niya. "I'm very much honored to be able to work for you," dagdag pa niya."Ho! ho! With your work track record, kami ang dapat na nagsabi n'yan, iha. I won't ever forget na kinailangan ka pa naming suyuin nang husto para mapapayag na magtrabaho ka sa amin.Bahagyang namula ang mga pisngi niya sa tinuran ng kaharap. "I applied for the job, sir," pagtatama niya."Only because I advised you to do so
The Girl in His Dreams - Chapter3Maliban sa ilang mga panloob, pantulog at pambahay na pawang mga pambuntis, wala siyang naiwang bakas upang matunton siya sa kinaroroonan.Ngunit ang mga bagay na iyon ay nabigyan lamang niya ng sapat na pansin nung makalipas ang isang mahabang buwan. Hindi lang ang sugat ng operasyon ang ginamot at pinagaling niya. Pati ang depresyon na gustong umalipin sa katinuan niya ay pinilit rin niyang palisin."Talagang ganyan lang sa umpisa, Alona," pang-aalo naman palagi ni Brenda. "Masasanay ka rin kapag tumagal-tagal.""Hindi ko inisip na mangungulila ako sa baby ko, Brenda," pag-amin niya. "Ang akala ko. Puwede kong ikondisyon ang sarili ko na trabaho lang ang lahat."Masyado mo naman kasing pinag-ukulan yata ng pansin, e," paninisi ni Brenda, pero magaan ang tono. "Ang rule number one sa pagiging babymaker: 'Be detached'. Kunwari hindi sa 'yo ang katawan mo habang nagbu
The Girl in His Dreams - Chapter2MULA sa ospital, nagtuloy si Alona sa bahay ng kaibigan na pinanggalingan ng ideyang lulutas sa mga problema niya."O, bakit hindi ka naman nagpasundo?" Nag-alala agad si Brenda, pagkakita sa maputlang mukha niya. "Grabe namang si Mrs. M na 'yon! Hindi ka man lang ba tinulungan umuwi? Basta na lang umalis pagkatapos kunin ang kailangan sa 'yo?" Patuloy ito sa pagbubusa habang tinutulungan siyang pumasok sa loob ng two-storey apartment."Gan'on ang usapan namin, Brenda, " paliwanag niya sa nanghihinang tinig. "M-malakas naman ang pakiramdam ko...""P'ano'ng magiging malakas? Ayan at sapo mo na ang sugat mo? Kelan ka pa ba nasa ospital? Bakit 'di mo man lang ako pinadalaw d'on? Para naman may nag-asikaso sa 'yo do'n," pang-uusig nito habang tinutulungan siya sa pag-upo sa malambot na sopa. "A, oo nga pala, 'yon ang usapan n'yo," bawi nito matapos balikan ang dalawang bag niya