Home / Romance / Undying Memories / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Undying Memories: Kabanata 11 - Kabanata 20

27 Kabanata

Chapter 11

"Mukang masaya ka, ah." Pang-aasar nito. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagdarasal. Siguro kahit suicidal person talagang gugustuhin pang mabuhay, dahil sa klase ng pagmamaneho ng Grim reaper na ito. Malamang hindi siya takot mamatay, matagal na kasi siyang patay.Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, ang alam ko lang ay patuloy pa rin siya sa pagmamaneho. Wala na akong ibang naiisip, wala ng mission o maging si Chelsea, ang naiisip ko na lang ngayon ay ang buhay ko. Ganito siguro kapag malapit na mamatay ano? Bumabalik lahat ng alaala mo sa buhay. Lahat ng mga nangyari sa 'yo noong bata ka pa. Ito na ba iyon Lord? Kukunin mo na ba ako?"Hindi ka pa ba bibitaw?" Natatawang tanong nito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nakahinto na pala kami ngayon, ilang sandali pa bago muling bumalik ang ulirat ko at agad akong kumawala ng yakap sa kaniya."Buhay pa ba ako?" Tanong ko habang tinatanggal ang helme
Magbasa pa

Chapter 12

"Nakita ko na." Agad akong napatingin kay Keir at itinuro ang shop, dahil mahina ang pag-andar ng kalesa ay hindi kami dinala sa kalayuan, agad namin itong pinahinto. Matapos ko magbayad ay agad kaming nagtungo rito. Bitbit ko ang palda ko para lang mabilis magtungo roon, agad siyang napatigil ng makapasok kami. Tumayo ito at lumapit.Magada siya, maging ang kutis nito kahit pa man may bahid ng pintura ang katawan at damit, hindi ko maikakaila ang ganda nito. Tumagos ang tingin ko sa lalaking kaluluwa na nakasunod sa kaniya. Halata sa mukha nito ang katagalan na. Bitak-bitak na ang tuyong labi nito. Kulay violet ang kulay ng balat at maging ang mga itim na ugat sa kaniyang mukha. Parang pagod na pagod itong nakasunod sa babae, malamang sad'yang dugtong ang kanilang kaluluwa at ganoon na lang ang pagmamahalan nila, kaya maging kamatayan ayaw pa siyang pakawalan."Anong kailangan niyo?" Mahinahong tanong n
Magbasa pa

Chapter 13

Matapos naming masundo si Chelsea ay tumambay muna kami sa Jollibee, hindi pa raw kasi siya lumalabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari."Gutom na gutom ka talaga," saad ni Keir habang kaharap namin ito. Kumain na rin ako dahil mamaya ay wala akong pagkain sa hotel, magpapasama na rin ako mamaya bumili sa grocery para kung mag-stay man ako sa hotel, hindi ako magugutom. Hindi naman kasi kumakain ang mga ando'n, isa pa wala naman pakialam sa akin ang may-ari, kaya wala siyang pakialam kung magutom ako."Hindi na muna sigiro ako titira doon ate, sa tinutuyan ko munang hotel ako mag-stay. Hindi ako lalabas ng kwarto ko, ayaw na po kasi akong pabalikin doon ni sir Florence. Noong pagkalabas mo ang dami niyang sinabi na masasakit sa akin." Napatigil ako sa pagkain para hagurin ang likod nito."Wala talagang puso ang tao–demonyong multo na iyon," saad ko pa rito. Wala naman kasing ibang iniisip iyon kung hindi ang sarili niya at si Val
Magbasa pa

Chapter 14

"Saan naman kumuha ng kapal ng mukha si Blake at nagawa ka pa niyang kusapin?" Sagot ni ate Jade mula sa kabilang linya."True, ang kapal ng mukha niya matapos umalis ng walang paalam?" Gigil na saad ni Finley.Magkaka-video call kami sa GC ngayon at silang tatlo ang kausap ko. Si ate Jade, Finley at kuya Denis."Wag mong sabihin na naging marupok ka sa kaniya?" Tanong ni kuya Denis na ikinatawa ko."Hindi no, naka-move on na po ako," sagot ko at dumapa."Siguraduhin mo lang, o baka naman may iba ng nagpapasaya? Kaya ganiyan kaaliwalas ang mukha mo?" Intriga ni kuya Denis na ginatungan pa ng dalawa."Kaya nga, sino naman ang lalaking kasama mo sa painting? Nakita ko sa story mo." Napatikom pa ako ng bibig sa tanong ni Finley. Kahit talaga kailan maintriga ang babaeng ito."Friend?" Sabay tawa ko."Friend? Tapos binigyan ka ng locket? Friend mo lalen
Magbasa pa

Chapter 15

"Andito na tayo." Bumalik lang ako sa sarili ng bigla niyang hininto ang sasakyan. "Anong ginagawa natin sa peryahan?" Napakibit-balikat lang ito sa tanong ko. Mariin akong napapikit at napahilamos sa mukha. Ngayon niya pa talaga naisipan maggala? "Mukhang hindi ka nakikinig ng balita, halos linggo-linggo may namamatay rito at ang mukha nila pare-parehas." Napabuntong hininga na pa ako matapos niya itong sabihin. Agad kong kinuha ang phone ko at nag-umpisang magsearch tungkol dito sa Bella Perya.Napaayos pa ako ng upo ng makita ang itsyura ng mga taong tinutukoy niya. Itim ang mga mata at labi. Para silang nga taong hinigupan ng kalukuwa, marahil ganito ang itsyura ng nasa hotel kanina."Kita mo na? Magsasara na sila ngayong araw. Hanggat may oras tayo subukan nating maghanap ng sagot." Napatingin ako kay Keir. "Okay." Tipid kong sagot bago tinanggal ang seatbelt. Palabas na sana
Magbasa pa

Chapter 16

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, sapo ang ulong umupo. Ano bang nangyari at ganito kasakit ang ulo ko? "Ayos ka na ba?" Halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat. "Bakit ka ba nanggugulat?" Singhal ko rito.Tumaas pa ang kilay ko at inayos ang kumot na nasa binti ko."Nawalan ka ng malay, malamang mag-aalala ako sa 'yo. Mamaya isipin mong wala akong puso." Napangisi pa ako sa sinabi nito. Napatingin ako sa kaniya habang isinasara nito ang kurtina ng bintana."Oh? Meron ka pala?" Natatawang tanong ko.Ngayon ko lang nalaman na may puso rin pala siya, ang akala ko kasi wala siyang pakialam kung anong mangyayari sa akin. Basta maibalik ko lang ang babae niya."Ikaw bahala kung anong gusto mong isipin, hindi ko kasi magawang maging sobrang bait sa 'yo. Dahil baka biglang mahulog ang loob mo sa akin, ako pa maging masama." Sery
Magbasa pa

Chapter 17

Malamig na simoy na hangin at mapayapang kapaligiran. Malapit na ang paglubog ng araw at nakasilong kami sa ilalim ng puno, sa gilid ng ilog. Hindi ko alam kung saang lugar ito, pero maganda ang tanawin, maging ang kalangitan ay maaliwalas at ang unti-unting paglubog ng araw."Palagi ka bang andito?" Nakangiting tanong ko at tumingin sa kaniya."Hindi, ngayon nga lang ako nakapunta rito," sagot nito matapos ibato sa ilog ang batong hawak niya. "Totoo? Pero bakit dito tayo pumunta?" Tanong kong muli at kumuha ng bato, ginaya ko ang ginawa niya kanina.Masaya rin pa lang gawin ang bagay na ito. Ang akala ko dati keme lang ng mga nasa ilog ang pagbato. Magaan pala sa pakiramdam."Ay teka, magpatutog tayo." Masigla kong saad at kinuha ang phone sa bag. Gusto ko sanang magpicture kasama siya, pero sayang lang. Hindi kasi pwede, hindi siya makikita sa camera.
Magbasa pa

Chapter 18

"Seryoso? Grim reaper ka?" Gulat na gulat si Finley habang tutok sa mukha ni Keir.Narito pa rin kami sa loob ng kaniyang kwarto, bumalik na rin kahit papaano ang lakas ni Keir.Pero ang kwarto ni Finley sobrang makalat, dahil nga sa ingkwentro kanina. May mga basag na frame, ang sabi niya siya na ang bahala maglinis ng kwarto niya."Oo nga, hindi rin ako makapaniwala noon," sambit ko na tumabi ng upo kay Keir."Pero wala na sanang iba pang makaalam nito, hahanapin lang namin ang tatlo pang mga kalukuwa na nawawala," paliwanag ko sa kaniya.Nakatitig ito kay Keir na tila sinusuri ang mukha nito. Napalunok pa ako ng maalalang pinakita ko pala sa kaniya ang picture ni Keir at nasabi kong jowa ko na ito."OMG! Ikaw?" Sabay takip nito ng kaniyang bibig at tumingin sa akin. Mababakas ang pagtataka sa mukha ni Keir."Anong ako?" Napakamot pa ako sa ulo ko ng itanong ito n
Magbasa pa

Chapter 19

Nakarating kami ng La Berta Miranda boutique. Nagpababa na lang ako sa tapat habang siya susunod na lang daw, agad akong tumawag kay Blake pagpasok ko sa loob."Good day ma'am." Bati ng isang babae matapos kong makapasok. Magsasalita na sana ako ng may tumawag sa akin, agad akong napatingin dito, pero hindi nagpahalata ng ilang na ngiti. Pero mas lalong kinagulat ko ang pagsulpot ni Keir mula sa likod nito. Ghad! Mediyo kinabahan ako dahil sa seryosong mukha nito na akala mo ay susunduin na si Blake, anytime."H-hello." Naiilang kong bati. Lumingon pa ito sa paligid at mukhang natuwa pa nang hindi makita si Keir."Mukhang wala ang asungot." Nakangisi nitong saad at agad lumapit sa akin. Yayakap pa sana ito ng lumakad na ako palapit sa mga manikin.Pero saan dito ang sinasabi niya? Lahat naman ng nandito, mga normal na manikin. Pero hindi ko mapigilan ang ngumiti habang hawak ang mga wedding go
Magbasa pa

Chapter 20

"Lalabas rin ako matapos nito." Paalam ko kay Keir habang tinatanggal ang seatbelt."Magpahinga ka na muna, baka napagod ka." Matapos nito ay agad niyang hinigit ang batok ko palapit sa kaniya para halikan ako. Napapikit ako ng saglit at bumawi."Sige na, may nanonood sa likod." Natatawa kong biro at itinuro ang kaluluwa na tulala."Hindi naman niya 'yan maaalala," dagdag nito at muli akong hinalikan."Sige na." Muli kong paalam at agad bumaba. Baka mamaya magkaroon pa ng live action dito sa sasakyan niya.Ibinaba ko na rin ang kaluluwa at isinama sa loob ng hotel. Pagtapak pa lang namin sa loob, parang may kung anong nangyari sa kaniya. Nagulat pa nga ako dahil bigla itong nagsalita."Naibalik mo siya!" Masayang sambit ni Cora habang palapit ito sa amin. "Ano ang nangyari?" Pagtatakang tanong nito. "Ang naaalala k
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status