Nanglalata akong lumalakad papalapit sa hospital habang pinipigil ang antok ko, hindi pwedeng manalo ang antok saakin lalo na at nalipat ako sa night shift Natatanaw ko na ang matayog na building ng hospital at ang mga tao sa waiting are, ang ambulance na nasa bukana ng ER at ang mga pamilya na umiiyak at inaasikaso ang papeles para sa morgue "Yhra, shift mo na?" biro saakin ng gwardya na nasa table habang papalapit ako para sa time card ko "Oo, unang araw ko sa night shift. Biglaan nga eh" sagot ko saka naman nya chineck ang bag ko at sinenyasan na okay na "Kaya nga, bakit ka nilipat?" saka naman ako napasimangot "Hindi ko din alam, pero hayaan mo na. Wala akong magagawa, ako namamasukan." ngumiti ako bago nanakbong pumunta sa locker room ng mga janitor Hindi ko alam kung saan floor at ward ako naka-assign ngayon. Kapag sa umaga kase ay sa grond
Last Updated : 2021-03-07 Read more