Home / Romance / Exchanged Heart / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Exchanged Heart: Chapter 11 - Chapter 20

45 Chapters

Chapter 11

DISMAYADO si Duwayne ng tuluyan nang mawala sa kanyang paningin ang kanyang kotse na minamaneho ni Mang Roberto. Ang mga kilay nito ay tila nag isang guhit na lang ng sulyapan nito si Hannah na nakapikit ang mga mata na panay ang dasal na sana marinig ni Mang Roberto ang sigaw nila."Itigil mo na :yan," Napadilat ng isang mata si Hannah "Eh?""Wala na si Mang Roberto." "Paano 'yan? Ang bag ko naiwanan ko sa kotse mo,""Maibabalik din sa'yo ang bag mo kapag nakabalik ka na ng manila.""Ayoko pa nga bumalik ng manila." Sagot ni Hannah. Yumuko ito para muling isuot ang hinubad na sandals. "Baka naman ngayon, puwede mo na akong isama. Babayaran na lang kita kapag nakauwi na ako ng manila.""Ano pa nga ba?" yamot na sagot ni Duwayne. Nag patiuna na itong humakbang pabalik ng barko.Siya naman ay lihim na natuwa sa pag payag ng binata. Malalaki ang hakbang na sumunod siya dito. Ngunit, hindi niya inaasahan na biglang haharap sa k
Read more

Chapter 12

"MISS, De. Hindi naman natin kailangan mag sisihan pa. Nandito na, nangyari na. Hindi ba dapat mag tulungan nalang tayo?" Mahinahon na turan ni Rebecca. "Alam naman natin pareho na may kasalanan din silang dalawa, tapos hindi pa nag ingat kaya ayan, sila ngayon ang laman ng usapan ng mga tao.""Kailangan makausap n'yo na sa mas madaling panahon si Hannah Lindsey. Kausapin n'yo siya hinggil sa live video niya, na ngayon ay trending na sa buong pilipinas. Palabasin natin na edited ang video, pero kailangan makiayon din saatin si Hannah." Si Lady Z."Kilala ko si Hannah, hindi iyon papayag." Tugon ni Rebecca. "Gawin n'yo ang lahat ng paraan na alam n'yo, mapapayag lang siya na aminin sa publiko na edited ang video." Si Lady Z ulit. "Kapag hindi n'yo siya napapayag, wala tayong choice kundi ibalik si Hannah sa cast ng summer love at maging kapareha muli ni Froilan bilang bidang babae. At si Maricar naman ang papalit sa role ni Hannah bilang isang kontrabida."
Read more

Chapter 13

NASA daan na nakatutok ang paningin ng binata at mukhang bumalik ang pagiging seryoso ng mukha nito. Napangiwi siya, hindi niya maipaliwanag pero nakaramdam siya ng pagka dismaya ng hindi mangyari ang halik na inaasahan niya.Pasimpleng inamoy ni Hannah ang kanyang hininga. Kaya siguro hindi siya nagawang halikan ng binata dahil amoy kape ang hininga niya. Narinig niya ang pag tikhim ni Duwayne kaya bigla siyang napabitaw ng yakap dito."Sorry, n-nagulat kasi ako-"Hindi naman umimik si Duwayne. Nag patuloy lang ito sa pag papatakbo ng kabayo.Samantalang si Hannah, binubusog niya ang kanyang paningin sa paligid ng daan na tinatahak nila. Madaming puno ng niyog sa paligid, may malalaking puno din na hindi naman niya kilala. Maiingay ang mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno. May mga damong ligaw at ibat-ibang uri ng bulaklak na may mga paru-parong nakadapo.Sa paraiso yata sila papunta ni D
Read more

Chapter 14

ISANG bulaklakin na printed duster ang isinuot ni Hannah. Humarap siya sa salamin at sinuklay ang hanggang balikat niyang buhok, hugis puso ang maliit niyang mukha na minana daw niya sa kanyang ama.Natural na mapula ang kanyang maliit na labi na minana naman niya sa kanyang ina. Napangiti siya sa harap ng salamin, tingin niya sa kanyang sarili ay bumata siya ng tatlong taon sa edad niyang twenty five dahil siguro wala siyang make-up sa mukha.Mabilis naman niyang tinapos ang pag susuklay ng buhok ng magawi ang paningin niya sa alarm clock na nakapatong sa tokador, limang minuto na lang at mag aalas siyete na ng gabi."MAGANDANG gabi po," bati ni Hannah kay Senyora Candeda ng makapasok na siya sa kusina, tila siya nalang ang hinihintay ng mag lola. "Sorry po, napasarap po ang tulog ko.""Okay lang iyon iha, hindi talaga kita pina-istorbo sa pagpapahinga. Itong apo ko lang ang makulit, panay tanong kung gising kana." Nakangiting sabi sa kanya ng Sen
Read more

Chapter 15

MULING bumangon si Hannah, pumasok ito sa banyo para mag sipilyo. Sa pagbalik nito sa kama ay agad din naman nakatulog ang dalaga.MAGAAN ang pakiramdam ni Hannah ng magising ng umagang iyon. Alas kuwatro palang ng umaga pero maliwanag na sa labas, natanaw niya iyon sa bintana."Good morning!" Nakangiting bati ni Hannah sa dalawang kasambahay. Abala ang mga ito sa kusina, inihahanda ang mga lulutuin para sa almusal."Ang aga mo naman nagising ineng," nakangiting sabi ng isang kasambahay na nakilala niyang si Aling Lilia, edad kuwarenta. "Gusto mo ba mag kape o gatas nang kalabaw?""Coffee na lang po," sagot niya. "Pero ako na po ang mag titimpla."Binigyan siya ng isang tasa ni Aling Lilia, itinuro din nito sa kanya kung saan naroon ang kape at asukal. pagkatapos niyang mag timpla ng kape ay lumapit siya sa mesa, humugot ng isang silya at naupo."Ano po ang lulutuin n'yo?" tanong niya habang nag simula ng humigop ng kape."Sop
Read more

Chapter 16

"ANG suwerte talaga saiyo ng apo ko. Napakabait muna, masayahin ka pa." Wika ni Senyora Candeda.Hindi nakasagot si Hannah. Pero nginitian naman niya ang Senyora. Sinulyapan niya si Duwayne, tahimik lang ito habang tinitikman ang niluto niyang sopas. Naupo na din siya sa isang silya at nag salin ng sinangag sa kanyang plato."Hmmmm, masarap ka palang mag luto ng sopas." Narinig niyang papuri sa kanya ni Duwayne."Salamat," ngiting sagot niya at nagsimula na din siyang kumain."Naku hija, hahanap-hanapin ko itong sopas mo kapag nakabalik na kayo ng manila." Anang Senyora na panay higop ng sabaw ng sopas.Hindi sinasadyang nag katinginan sila ni Duwayne. Ibinaling niya ang tingin sa senyora."Hayaan mo po La, ituturo ko kina Aling Tere at Aling Lilia ang sekreto ko sa pagluluto ng sopas." "Anong sekreto naman iyon hija?" "Kapag nag luluto, dapat masaya ang mukha. Sinasamahan nang pagkanta, kapag nagluluto dapat with l
Read more

Chapter 17

"HERE, hold it." Natutuwang inabot naman niya iyon. First time niyang mag fishing at sa isang napakagandang pangpang pa. Naupo na din sa malapad na bato si Duwayne, malapit sa kinauupuan niya. Pareho silang tahimik habang nag hihintay ng isdang mahuhuli nila. Bigla siyang napatayo nang maramdaman niyang parang may humihila sa hawak niyang pamingwit."Duwayne, tignan mo. May nahuli yata ako!" Bakas ang tuwa sa mukha ni Hannah.Mabilis na tumayo si Duwayne. "Hilahin mo dali!""P-paano?""Akin na ang pamingwit mo, manood ka."Pinanood nga niya ang binata. Sa pag angat nito ng pamingwit ay nakita niya ang isang malaking isda na kumakawag-kawag pa. Agad naman na kinuha ng binata ang nahuling isda at inilagay sa dala nilang maliit na timba."Bangus ba 'yan?" "Hindi yan bangus. Ang tawag sa isdang 'yan dito ay 'buhay' ""Buhay nga ang isda." Turan niya. Nakita niya ang pag ngiti ng binata. "Buhay - ang pangalan n
Read more

Chapter 18

HINDI naman niya puwedeng aminin sa Senyora ang totoong dahilan nang pananamlay ng binata. "La, mag bibihis na po muna ako.""Sige iha, pero maya-maya lang bumaba ka na para sa pananghalian.""Opo La," yumuko pa siya bilang pag galang na sagot.HINDI sumabay sa kanila mananghalian si Duwayne, siguro ayaw siyang makita. Nag pasalamat na lang siya dahil hindi siya inusisa ng lola nito.Pagkatapos kumain ay nag tungo sila ni Senyora Candeda sa terasa. Nang maupo siya sa rocking chair sa teresa, dinala ni Aling Lilia ang naiwanan niyang mainit na kape sa kusina, coffee lover siya kaya kahit tirik ang araw ay nag kakape siya."Kakahiya naman sayo Aling Lilia, babalikan ko naman sana itong kape ko nakalimutan ko lang." Anya pagkaabot niya ng kanyang kape."Wala iyon ineng," pagkasabi niyon ay muli itong bumaba para tulungan ang kasama nitong si Aling Teresa na nasa kusina.Humihigop siya ng kape nang biglang mag salita ang senyora."Alam mo
Read more

Chapter 19

MAGILIW ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Duwayne sa mother side nito. Panay pa nga ang tukso ng mga ito sa kanilang dalawa ni Duwayne kung kailan daw ang kasal nila na sinasagot naman ng binata na malapit na daw."Ayos ka lang ba diyan?"Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Duwayne, abala siya sa paglilipat ng mga naluto niyang cupcakes sa malaking glass bowl."Ayos lang naman ako," nakangiti niyang sagot ng lingunin ang binata.Napatikhim pa siya ng tila may bumara sa lalamunan niya ng makita ang binata na walang suot na pang-itaas. Mula sa mukha ng binata ay pinasibad niya ang kanyang paningin pababa sa leeg nito, hanggang sa mapipintog nitong dibdib. Bumaba pa ang paningin niya hanggang sa sikmura nito.Oh la,la, hiyaw ng utak niya. May six pack pa ang binata na nangingintab dahil sa pawis nito sa katawan."Baka kung saan makarating ang paningin mo," pahapyaw na sabi ni Duwayne.Napakurap si Hannah nahihiyang
Read more

Chapter 20

MAY ilan na din na nakaupo doon. "Makakasama natin sa table ang Mayor ng baryong ito."Tumango-tango si Duwayne. Samantalang si Hannah hindi maalis-alis ang paningin sa isang batang lalaki na sa tingin niya ay edad limang taon, todo sayaw ito sa gitna ng bulwagan kahit na mag - isa lang ito. Ang cute sumayaw ng bata parang ang sarap pang-gigilan."Hannah?" tawag pansin ni Duwayne sa dalaga."Hmm?""Baka madapa ka kung saan-saan ka nakatingin.""Ang cute kasi ng bata," sagot niya.Nang marating nila ang table na itinuro ng Senyora, biglang tumayo ang isang lalaki na sa tingin ni Hannah ay nasa middle age ito. Kung ilalarawan ang lalaki, may hitsura ito at matikas ang pangagatawan."Magandang gabi, Senyora Candeda!" Masayang bati ng lalaki, nakipag-kamay ito sa Senyora."Magandang gabi din iho," ngiting tugon ng Senyora. "Nasaan ang iyong ama?"
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status