MULING bumangon si Hannah, pumasok ito sa banyo para mag sipilyo. Sa pagbalik nito sa kama ay agad din naman nakatulog ang dalaga.
MAGAAN ang pakiramdam ni Hannah ng magising ng umagang iyon. Alas kuwatro palang ng umaga pero maliwanag na sa labas, natanaw niya iyon sa bintana.
"Good morning!" Nakangiting bati ni Hannah sa dalawang kasambahay. Abala ang mga ito sa kusina, inihahanda ang mga lulutuin para sa almusal.
"Ang aga mo naman nagising ineng," nakangiting sabi ng isang kasambahay na nakilala niyang si Aling Lilia, edad kuwarenta. "Gusto mo ba mag kape o gatas nang kalabaw?"
"Coffee na lang po," sagot niya. "Pero ako na po ang mag titimpla."
Binigyan siya ng isang tasa ni Aling Lilia, itinuro din nito sa kanya kung saan naroon ang kape at asukal. pagkatapos niyang mag timpla ng kape ay lumapit siya sa mesa, humugot ng isang silya at naupo.
"Ano po ang lulutuin n'yo?" tanong niya habang nag simula ng humigop ng kape.
"Sop
"ANG suwerte talaga saiyo ng apo ko. Napakabait muna, masayahin ka pa." Wika ni Senyora Candeda.Hindi nakasagot si Hannah. Pero nginitian naman niya ang Senyora. Sinulyapan niya si Duwayne, tahimik lang ito habang tinitikman ang niluto niyang sopas. Naupo na din siya sa isang silya at nag salin ng sinangag sa kanyang plato."Hmmmm, masarap ka palang mag luto ng sopas." Narinig niyang papuri sa kanya ni Duwayne."Salamat," ngiting sagot niya at nagsimula na din siyang kumain."Naku hija, hahanap-hanapin ko itong sopas mo kapag nakabalik na kayo ng manila." Anang Senyora na panay higop ng sabaw ng sopas.Hindi sinasadyang nag katinginan sila ni Duwayne. Ibinaling niya ang tingin sa senyora."Hayaan mo po La, ituturo ko kina Aling Tere at Aling Lilia ang sekreto ko sa pagluluto ng sopas.""Anong sekreto naman iyon hija?""Kapag nag luluto, dapat masaya ang mukha. Sinasamahan nang pagkanta, kapag nagluluto dapat with l
"HERE, hold it." Natutuwang inabot naman niya iyon. First time niyang mag fishing at sa isang napakagandang pangpang pa.Naupo na din sa malapad na bato si Duwayne, malapit sa kinauupuan niya. Pareho silang tahimik habang nag hihintay ng isdang mahuhuli nila. Bigla siyang napatayo nang maramdaman niyang parang may humihila sa hawak niyang pamingwit."Duwayne, tignan mo. May nahuli yata ako!" Bakas ang tuwa sa mukha ni Hannah.Mabilis na tumayo si Duwayne. "Hilahin mo dali!""P-paano?""Akin na ang pamingwit mo, manood ka."Pinanood nga niya ang binata. Sa pag angat nito ng pamingwit ay nakita niya ang isang malaking isda na kumakawag-kawag pa. Agad naman na kinuha ng binata ang nahuling isda at inilagay sa dala nilang maliit na timba."Bangus ba 'yan?""Hindi yan bangus. Ang tawag sa isdang 'yan dito ay 'buhay' ""Buhay nga ang isda." Turan niya. Nakita niya ang pag ngiti ng binata."Buhay - ang pangalan n
HINDI naman niya puwedeng aminin sa Senyora ang totoong dahilan nang pananamlay ng binata. "La, mag bibihis na po muna ako.""Sige iha, pero maya-maya lang bumaba ka na para sa pananghalian.""Opo La," yumuko pa siya bilang pag galang na sagot.HINDI sumabay sa kanila mananghalian si Duwayne, siguro ayaw siyang makita. Nag pasalamat na lang siya dahil hindi siya inusisa ng lola nito.Pagkatapos kumain ay nag tungo sila ni Senyora Candeda sa terasa. Nang maupo siya sa rocking chair sa teresa, dinala ni Aling Lilia ang naiwanan niyang mainit na kape sa kusina, coffee lover siya kaya kahit tirik ang araw ay nag kakape siya."Kakahiya naman sayo Aling Lilia, babalikan ko naman sana itong kape ko nakalimutan ko lang." Anya pagkaabot niya ng kanyang kape."Wala iyon ineng," pagkasabi niyon ay muli itong bumaba para tulungan ang kasama nitong si Aling Teresa na nasa kusina.Humihigop siya ng kape nang biglang mag salita ang senyora."Alam mo
MAGILIW ang pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Duwayne sa mother side nito. Panay pa nga ang tukso ng mga ito sa kanilang dalawa ni Duwayne kung kailan daw ang kasal nila na sinasagot naman ng binata na malapit na daw."Ayos ka lang ba diyan?"Hindi niya namalayan na nakalapit na pala sa kanya si Duwayne, abala siya sa paglilipat ng mga naluto niyang cupcakes sa malaking glass bowl."Ayos lang naman ako," nakangiti niyang sagot ng lingunin ang binata.Napatikhim pa siya ng tila may bumara sa lalamunan niya ng makita ang binata na walang suot na pang-itaas. Mula sa mukha ng binata ay pinasibad niya ang kanyang paningin pababa sa leeg nito, hanggang sa mapipintog nitong dibdib. Bumaba pa ang paningin niya hanggang sa sikmura nito.Oh la,la, hiyaw ng utak niya. May six pack pa ang binata na nangingintab dahil sa pawis nito sa katawan."Baka kung saan makarating ang paningin mo," pahapyaw na sabi ni Duwayne.Napakurap si Hannah nahihiyang
MAY ilan na din na nakaupo doon. "Makakasama natin sa table ang Mayor ng baryong ito."Tumango-tango si Duwayne. Samantalang si Hannah hindi maalis-alis ang paningin sa isang batang lalaki na sa tingin niya ay edad limang taon, todo sayaw ito sa gitna ng bulwagan kahit na mag - isa lang ito. Ang cute sumayaw ng bata parang ang sarap pang-gigilan."Hannah?" tawag pansin ni Duwayne sa dalaga."Hmm?""Baka madapa ka kung saan-saan ka nakatingin.""Ang cute kasi ng bata," sagot niya.Nang marating nila ang table na itinuro ng Senyora, biglang tumayo ang isang lalaki na sa tingin ni Hannah ay nasa middle age ito. Kung ilalarawan ang lalaki, may hitsura ito at matikas ang pangagatawan."Magandang gabi, Senyora Candeda!" Masayang bati ng lalaki, nakipag-kamay ito sa Senyora."Magandang gabi din iho," ngiting tugon ng Senyora. "Nasaan ang iyong ama?"
SINUBUKAN ni Hannah mag salita pero lalo lang nitong pinagdiinan ang dalawang daliri sa labi niya."Sige pa, mag salita ka pa. Hahalikan kita sa labi para manahimik ka!" tila pananakot pa nito sa kanya.Inis na inalis naman niya ang mga daliri nito pero hindi siya nag salita. "Nanahimik kana diyan? natakot ka bigla na baka halikan kita ano?"Alam naman niyang hindi iyon gagawin ng binata. Lalo na at maraming tao sa bulwagan."Akala ko ba ayaw mo akong isayaw?""Ayoko nga!"Nairita siya sa sagot ni Duwayne."Oh, e ano ito'ng drama mo at may pa change parter ka pa diyan?!" Kanda haba ang nguso niya sa inis dahil sa pagka-insulto."Ang alam nila ako ang boyfriend mo, kaya hindi ka puwedeng sumayaw ng sweet sa ibang lalaki!" Pabulong na sabi nito pero dinig niya ang pagkiskisan ng mga ngipin nito. Hindi sinasadyang napasulyap siya kay Alex na nahuli din niyang nakatingin sa kanya. Ngumiti pa nga ito sa kanya.
HINDI naman tumanggi si Duwayne. Bigay todo ito sa pagkanta, kahit na nga kanda piyuk-piyok ito.Masaya nilang ipinag patuloy ang kantahan. Awitin naman ni Jerry lee lewis ang binanatan nito ang 'Great Ball Fire,' talaga naman mapapaindak sa simula pa lang ng kanta.Tawa siya ng tawa habang pinapanood sa pagkanta ang binata, kanda piyok ulit ito at kita na niya ang mga litid nito sa leeg. Tapos ang table ginawa pa nitong piano habang kumakanta.Kuwela naman palang kasama ang binata. Panay pa nga ang tawanan nila na para ba'y sarili nila ang mundo, basta ang gusto lang nila ay mag saya.Hindi niya maiwasan na ikumpara ito sa dating nobyo. Kung si Froilan ang kasama niya sa sing-along tiyak na panay na ang reklamo nito, walang mahalaga dito kundi ang career nito.Marahil ay hindi kasing saya nang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon, kapag si Froilan ang kasama niya limitado bawat galaw nila, 'yong walang kalayaan para magpakasaya.Nakali
INIS na muling dinampot ni Hannah ang isa pa niyang tsenilas at ibinato iyon nakasarado nang pinto.HINDI naman mapigil ni Duwayne ang sarili na mapangiti habang binabaybay ang hagdan pababa. Nakasalubong pa niya ang lola niya na paakyat naman ng hagdan."Mukhang ang saya-saya ng aking apo?" puna nito sa kanya. "Nagustuhan ba ni Hannah ang tinimpla mo na kape?""Opo La, sobrang nagustuhan niya!" Nakangiting sagot naman ni Duwayne na mabilis na humalik sa noo ng abuela. "Pahinga ka na po, goodnight La!"Pasipol-sipol pa si Duwayne nang ipagpatuloy ang pagbaba ng hagdan. Nasundan naman ito nang tingin ni Senyora Candeda na napapangiti na din dahil sa nakikitang sigla ng apo.Hindi pa din mawala ang inis na nadama ni Hannah para kay Duwayne. Bawat higop nito ng kape ay sumasagi sa isip nito ang tagpong naganap sa kuwarto na iyon. Sa totoo lang, dinaan niya lang sa inis ang nadarama niyang hiya para sa binata.Ayos lang sana kung naki
NAGING engrande ang kasal ng maganda Enchanted Girl at ng milyonaryong si Duwayne Fuentez na naging kapareha nito sa commercial ng Destiny Perfume. Maraming dumalo sa kasalang iyon, mga kilalang artista, ramp model, commercial model at mga empleyado ng Echanted Beauty Essensial, Inc.Naroon din sa selebrasyon ang buong angkan ng pamilya Fuentez. At maging pamilya ni Hannah Lindsey at mga kaibigan niya.Invited din si Maricar Asuncio na kanina pa umiiyak sa tabi ng kanyang talent manager. Sobrang nagsisisi ang actress dahil sa nagawa niyang panloloko kay Duwayne Fuentez na hinamak niya noon dahil sa kakarampot lang na kinikita nito, iyon pala isa itong milyonaryo. Pera na naging bato pa!SA halip na mag round the world ang mga bagong kasal, pinili ng mga bagong kasal na mag bakasyon sa probinsiya ng Samar. Kung saan nagsimulang mabuo ang pag-iibigan nilang mag-asawa.Nakalubog ang kalahati nilang katawan sa malamig na tubig ng Serpent Water, pinakikinggan nila
BUMENTA ng napakalakas ang Destiny perfume sa market. Nagkaroon ng malaking victory party sa magarang mansyon ng mga Fuentez. Masaya ang lahat sa tagumpay ng bagong produkto.Naluluha naman si Senyora Candeda habang pinagmamasdan ang Mansyon na pinamana niya sa kanyang namayapang nag-iisang anak, ang ina ni Duwayne."Umiiyak kana naman, Senyora," puna ni Aling Tere habang akay ito sa isang braso."Naalala ko lang ang anak ko, Tere.""Huwag kana malungkot, Senyora, kung nasaan man ngayon ang ina ni Duwayne, sigurado akong masayang-masaya siya sa natamong tagumpay ng anak niya." Pagpapalubag loob ni Aling Tere. "Senyora, ang ganda ng Mansyon na pag-aari ng iyong apo, parang palasyo. Tapos ang dami pang bisita, parang mas madami pa sa mga naninirahan sa probinsya."Napangiti naman si Senyora Candeda sa pagiging inosente ni Aling Tere. Ngayon lang kasi ito nakarating sa Maynila.Masayang-masaya si Duwayne at siya mismo ang nag aasikaso sa kanilang bag
DAHIL kukulangin na sila sa oras at para hindi maaksaya ang budget, pumayag na din si Duwayne. Pinalitan niya ang male commercial model. Nag palit siya ng kasuotan at nilagyan siya ng make-up.Ayaw man aminin ni Duwayne pero kinakabahan siya, hindi dahil sa gagawing pilot commercial kundi dahil sa muli nilang paghaharap ni Hannah ang babaeng iniibig niya.Ilang sandali, ready na ang shooting."Miss Lindsey, lumabas na po kayo sa tent, pinapatawag kana ng direktor at magsisimula na ang shooting." Narinig ni Hannah mula sa isang crew na nasa labas ng tent.Napabuga ng hangin si Hannah. Kailangan niyang mag pokus sa shooting na gagawin niya. Lumabas siya ng tent, nakita niyang handa na ang mga crew."Walang babaguhin sa eksena. This time, gawin mo ang best mo Hannah," sabi sa kanyan ni Steffie ng lapitan niya ito.Tumango siya.Nagsimulang maglakad si Hannah patungong ilog, ramdam niya ang malamig na tubig ng lumubog ang kalahati ng katawan niy
THE shooting deadline arrived. The crews were also amazed at the beautiful view of that farm where the river and the waterfalls are located.Napangiti si Hannah. Muling sumariwa sa kanyang alaala ang araw na nakasama niya si Duwayne na namimingwit sa ilog. Ang waterfalls na peping saksi sa nakakatuksong tagpo sa pagitan nilang dalawa ng binata.Napasulyap siya sa male commercial model na makakapareha niya. Guwapo ito at attractive. Nahuli pa nga niya ito na pasimple siyang pinagmamasdan.Nakasuot ng simpleng baby pink na bestida si Hannah na hanggang sakong niya ang haba. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na kinulot ng make-up artist na kasama nila.Maliwanag ang instruction. Maglalakad si Hannah patungo sa ilog na nasa tapat ng waterfalls. Hanggang bewang lang ang lalim ng tubig. Mula sa ilalim ng waterfalls ay sasahudin ng mga kamay ni Hannah ang tubig na bumabagsak mula sa tuktok nito.Mula sa isang malaking puno ay lalabas naman ang male com
"I'll do my best, Miss Carion," tugon ni Hannah."Tama. Kailangang gawin mo alang-alang sa career mo. Dahil sa ngayon, alam kong kailangan mo ng bagong trabaho."She nodded. "When will the shooting start?""Next week,""Hindi ko nabasa sa kontrata ang lugar kung saan gaganapin ang shooting,""Oh, i'm sorry about that. Ang shooting ay gaganapin sa probinsiya ng Samar. Mayroon isang magandang tanawin doon na nababagay sa commercial shoot. Ang water falls at sa serpent water,"Napahumindig siya."Sa samar?""Yes, is there a problem?"Naalala niya si Duwayne. Wala siyang balita sa binata mula nang bumalik siya sa Manila. Sa tinatawag niyang paraiso gaganapin ang commercial shooting, nakaramdam siya ng tuwa sa isipin na may posibilidad na magkita silang muli ni Duwayne. Ngunit naroon din ang agam-agam sa nalilito niyang puso. Alam niya na umiibig na siya kay Duwayne, ngunit saan siya dadalhin ng pag-ibig niya sa binata kung alam naman
NAPAHINGA ng malalim si Hannah. Kinakabahan siya nang pumasok sa lobby ng Fantasy Tower kung saan naroon ang tanggapan ng Enchanted Beauty Essentials.Pinagmasdan niya ang silver gold na nasa may pintuan ng gusali.Humanga si Hannah ng makita ang magarang lobby ng gusali. Halatang mayaman ang may-ari ng kumpanya, may fountain sa gitna at elagante ang apperance nito, ang disenyo ng binabagsakan ng tubig ay kawangis ng Serpent Water na pinakita sa kanya ni Duwayne sa kuweba, sa probinsiya ng Samar.Malungkot na napangiti si Hannah ng maalala ang binata. Nasasabik na siyang muli itong makita at makausap.Tumingin siya sa suot niyang relong pambisig, maaga siya ng limang minuto sa takdang appointment time kaya may panahon pa siyang mag freshen up. Mabilis niyang tinungo ang lady's room at pinagmasdan niya ang sarili sa salamin, nag pahid lang siya ng lipstick sa labi at lumabas na.Hindi naman siya nahirapan na makita ang elavator sa palapag kung saan naroo
"Makakaalis kana Froi, at kahit kailan huwag ka ng magbabalik dahil paulit-ulit ko na isasagot saiyo na hindi na ako babalik sa pag-aartista." Pagtatapos ni Hannah sa usapan.INILISTA ni Hannah ang mga top promotion agencies sa Manila. Tinawagan niya ang mga ito at oo, gusto nila siyang mapabilang sa kanilang top commercial models sa kondisyong ayusin daw muna niya ang eskandalong kinasasangkutan niya kasama ang dating nobyo.Maaaring naugnay ang success niya sa dating nobyo niya, sa naging love team nila. Ngunit magkaiba naman ang pag momodelo sa paggiging artista. Ayaw na ni Hannah ipagpatuloy ang imahe na nilikha ng showbiz na kasama si Froilan.Medyo aburido na si Hannah nang tila wala siyang makitang promotion agency na kukuha sa kanya na hindi na kailangang ungkatin ang eskandalo nila ng dating nobyo.Madalas din niyang naiisip si Duwayne, ano nga kaya kung hindi siya umalis sa probinsiya ng Samar? Kung posibleng bumalik kaya siya doon,
"Apo, ano ba ang ibig sabihin ng kaibigan mo?" Tukoy ng Senyora kay Maricar.Naupo si Duwayne sa tapat ng kanyang abuela. Hinawakan niya ang ugatin na nitong mga kamay."La," umpisa ni Duwayne. "Biglaan ang uwi ni Hannah kaya hindi na siya nakapagpaalam saiyo.""Apo, magsabi ka nga saakin ng totoo, ano mo nga ba si Hannah?"Hindi nakasagot si Duwayne."Noong araw na dumating dito sa Hacienda ang kaibigan mo na si Maricar, nakita ko kayo sa kuwarto na hinalikan ka niya. Walang magkaibigan ang gumagawa ng kalaswahan."Napahiya si Duwayne sa sinabi ng kanyang abuela. "La, Hannah is not my girlfriend. Si Hannah ang nobya nang lalaking kinamumuhian ko, ang lalaking umagaw sa nobya ko na si Maricar.""Si Maricar ang totoong nobya mo?" Kunot-noong tanong ng Senyora. "Pero bakit si Hannah ang isinama mo dito sa probinsiya at ang ipinakilala mo saakin na iyong nobya?""Mahabang kuwento La," sagot ni Duwayne."Ka
NAPAHIGPIT ang yakap ni Hannah sa bewang ni Duwayne. Hindi niya maipaliwanag, pero hindi mawala ang gumuhit na kaba sa kanyang dibdib.Anong ginagawa niya dito?Sino nga kaya saamin dalawa ni Maricar ang sadya niya? Tanong ni Hannah sa kanyang isipan.MABILIS na bumaba ng kalesa si Maricar. Malalaki ang hakbang na nilapitan nito ang sport car no Froilan. Kinalampag nito ang car window."Lumabas ka diyan Froilan," humalukipkip si Maricar.Natigil naman sa pagsindi ng kanyang sigarilyo ang male actor ng makilala nito ang babae na nakita niya sa side mirror ng sasakyan.Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?Lumabas ng kanyang sasakyan si Froilan."Anong ginagawa mo dito?" Panabay na tanong ng dalawa."Sinusundan mo ba ako, ha?" Mahina, pero mariin na tanong ni Maricar sa kaharap."Hindi ikaw ang pinunta ko dito. Hindi ko nga alam na narito ka pala sa probinsiya ng samar." Sagot ni Froilan.Hindi naman nakakibo si