Home / Romance / What's Wrong With Mr. CEO? / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of What's Wrong With Mr. CEO?: Chapter 21 - Chapter 30

37 Chapters

Chapter Nineteen

                            HINDI pa man ako nakakalayo sa bahay ay nagdesisyon na akong tawagan si Nanay Meding upang ipaalam sa kanya ang biglaan kong pagdating.Hindi naman ako nabigo dahil kaagad niyang sinagot ang aking tawag at mabilis naman itong  sumang-ayon saaking kagustuhan.Ilang oras din ang lumipas. Pinaghalong gutom, pagod at sama ng loob na ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Gusto kong ihinto ang sasakyan upang pansamantalang mgpahinga at kumain subalit mas  nanaig ang hangarin kong makarating agad sa aking paroroonan.Alas tres na ng madaling araw nang marating ko ang Sorsogon. Tahimik pa ang buong paligid. Marahil ay mahimbing pang natutulog ang mga tao. Tanging mga kuliglig at tilaok ng mga manok lamang ang bumabasag sa katahimikan ng buong paligid.Hindi muna ako dumiretso sa bahay namin. Sa halip ay tinu
Read more

Chapter Twenty

                           HAPON na ng magising ako. Nagulat pa ako ng wala na sa tabi ko si Paul, kaya naman dali-dali akong lumabas ng kuwarto.Eksaktong pagbukas ko ng pinto ay si Nanay Meding ang una kong nabungaran. Bitbit niya ang tray na puno ng pagkain."Uhm, naku! Nag-abala pa ho kayo 'nay! Lalabas naman po ako eh." Nakangiti kong saad habang kinukuha dito ang tray."Nak!" Pagtawag niya sa'kin."Hmm?""Eh kasi 'nak-" Nagtaka ako kung bakit bigla na lang nag-iba ang timpla ng mukha ni 'Nay Meding. Ang kaninang ngiti ay napalitan ng tila pagkabahala."Ma-may problema ho ba? Nasa'n nga pala si Paul?"Napakamot muna ito sa kanyang ulo bago muling sinagot ang mga katanungan ko."Uhm, umalis kasi 'nak si Paul eh.""Saan ho nagpunta ang asawa ko?" Usisa kong mu
Read more

Chapter Twenty One

One year later..........                        "HAPPY first birthday baby Zoe!" Nakangiti at sabay-sabay na pagbati ng mga kabataang dumalo sa celebrasyon ng pinakaunang kaarawan ng aking munting anghel.Gaya ng dati, si Yaya Meding lang din ang kapamilya ko na naroon. Sina mommy at daddy, maging ang Ate Czyrah at Kuya Andrew na nangakong dadalo ay hindi naman sumipot.Si Paul naman ay hanggang ngayon sa messenger ko pa rin nakakausap. Sa loob ng isang taon ay hindi man lang ito nagpakita o tumawag man lang saakin. Panay chat lang ang aming naging sistema ng komunikasyon. Oo nga't tuloy-tuloy ang kanyang pagbibigay ng sustento, subalit hindi pa rin iyon sapat na batayan upang mapatunayan ang lintik na pagmamahal niya para saakin.Ang daming katanungan na nabuo sa aking isip
Read more

Chapter Twenty Two

                    SIMULA pa kahapon ay hindi na ako lumabas ng kuwarto. Ilang beses na rin  sinubukan ni Nay Meding na katukin ako. Subalit hindi ko ito pinapansin. Maging si ate ay sumubok rin na maghatid sa'kin ng pagkain kagabi ngunit hindi ko rin ito pinagbuksan ng pinto. Hindi ko pa talaga kayang harapin ang kahit na sino sa kanila. Wala pa akong sapat na lakas ng loob para kausapin sila. Pakiramdam ko ay napaka sama' kong tao para ganituhin nila ako. Wala na akong kakampi! Dahil ang kaisa-isang 'Nay Meding na pinagkatiwalaan ko ay kinasabwat rin nila.Hindi ko pa rin kasi lubos maisip na nagkaisa silang lahat para lang itago saakin ang tungkol kina Daisy at Paul. Thanks to Andrei. Dahil sa kadaldalan niya ay nalaman ko ang totoo.Mugtong-mugto na ang mga mata ko dahil sa maghapon at magdamag kong pag-iyak. Ngunit, kahit paano ay naibsan naman ang bigat ng aking kalooban. Gusto kong matawa sa saril
Read more

Chapter Twenty Three

                      HININTAY ko lang na makaalis sina ate. At pagkatapos ay nag-impake na rin ako ng gamit namin ni Zoe.Makalipas ang ilang minuto ay bigla na lang sumulpot sa kuwarto si 'Nay Meding. Hindi agad ako nakakibo lalo pa't nakapamaywang ito habang  nakasandal sa hamba ng pintuan at mariing nakamasid sa ginagawa ko."Anong ibig sabihin nito Czarina?" Wika niya na halata ang pagkadisgusto sa kanyang tinig."We're leaving 'nay!" Mapakla kong tugon."Ilang beses mong pinag-isipan ang plano mong ito?" Dagdag pa ni nanay."Maraming beses 'nay!" "Tsk! Kawawa naman ang anak mo kung madadamay lang sa mga padalus-dalos mong desisyon.""Ako ho ang ina niya. Kaya sa tingin ko ay ako ang nararapat na magdesisyon para sa kanya." Sa totoo lang ay kahapon pa talaga akong napipikon sa mga salita ni nanay. Hindi ko alam kung may malasakit pa ba siya saakin o tuluyan na nga siyang
Read more

Chapter Twenty Four

                           KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Matapos ang masinsinang pag-uusap namin ni mommy ay napagdesisyunan kong bumalik na sa kompanya. Kailangan ko ng magsimula ulit ng panibagong pagkakaabalahan upang matuon sa ibang bagay ang aking isip nang sa gayo'n ay hindi ako ma-stress ng walang kuwentang dahilan.Mommy told me na siya na lang ang mag-aalaga kay baby Zoe. Thanks to my beautiful daughter dahil kahit paano ay mapapadalas na ang pagkikita ng kanyang lolo't lola. Pumayag kasi si mom na bumalik sa mansiyon upang maalagaan niya ng maayos ang kanyang apo. Maging si dad ay napansin kong natuwa rin sa desisyon ni mommy. Kaya naman muling umusbong ang pag-asa kong magkabalikan pa sila ni daddy.Sinubukan kong magluto ng almusal. These past few months kasi ay nagpursigi na akong matuto kung paano ba magluto. Kaya naman si 'Nay Meding ay hindi magkanda
Read more

Chapter Twenty Five

                                NANG sumunod na mga linggo ay mag-isa na lang akong pumapasok sa opisina. Ang trabaho ni dad ay ako na ang gumagawa dahil gaya ng dati ay ako pa rin ang naatasan niyang mag mana ng kompanya. Nitong mga nakaraang araw ay bihira na rin pumasok si dad. Madalas na kasi itong sumpungin ng kanyang arthritis kaya naman mas gusto na lang nitong mamalagi sa bahay.Ngayon ay abala ako sa pagrereview ng ilang mga kontratang kailangan kong pirmahan ng biglang tumunog ang aking cellphone. Sinulyapan ko lang ito. Subalit sadya ngang makulit ang caller. Kaya naman napipilitan na dinampot ko ito."Hello!""Nak, pasensiya na sa pang-iistorbo huh! Eh paano kasi wala na  pa lang gatas si Zoe nakalimutan kong ibilin sa'yo kanina. Hindi ko naman mautusan ang daddy mo at nasa kuwarto mahimbing ng natutulog.Hindi rin ako makaalis at walang magbabantay rito.""Gan
Read more

Chapter Twenty Six

                           ALAS dos na ng madaling araw ay gising pa rin ako. Pabiling-biling sa higaan at sa katunayan ay naubos ko na rin lagukin ang dalawang bote ng delight. Ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi pa kasi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ay naging palaisipan pa rin sa'kin ang muli naming pagkikita nina Daisy at Paul.Naisipan kong tawagan si Mr. Ledesma. Baka sakaling gising pa ito at may makuha akong kaunting impormasyon.Tatlong beses ko itong tinawagan subalit tila wala itong balak na sumagot. Kaya naman hinayaan ko na lang ito.Muli akong nahiga at sinubukan ko ulit matulog.Ngunit wala pa rin nangyari. Nanatiling dilat ang aking mga mata hanggang sa namalayan kong alas singko na pala ng umaga.Tinatamad na bumangon na lang ako at matamlay na lumabas ng kuwarto. Para akong zombie dahil sa
Read more

Chapter Twenty Seven

                          KINAGABIHAN ay ihinatid ako ni Mr. Ledesma pauwi. Pagkababa ko pa lang ng kotse ay nanlilisik na mata ni mommy ang kaagad na sumalubong saakin."What's with that look mom?" Naiinis kong sabi. "Ano, siya na ba ang ipinalit mo kay Paul?""Mom, masyado kang judgemental." Reklamo ko. Nilagpasan ko ito subalit mabilis niya akong napigilan. Hinatak niya ang aking braso at mariing pinaharap ako sa kanya."Nahihibang ka na ba?" Ani mom na bakas ang galit sa mukha niya."Mom, wala kaming ginagawang masama! Nag-usap lang ho kmi ng masinsinan."Liar!" "Bahala ho kayo mom.""Mag-isip ka nga! May asawa kang tao pero nakikipagdate ka sa iba!" Singhal niya dahilan upang marinig ni dad ang aming usapan.Patakbong tinungo ko ang hagdan ng matanaw kong pababa si daddy."Daddy!" Parang bata na yumakap ako rito."Sige, kunsin
Read more

Chapter Twenty Eight

                       PAULIT-ulit na umaalingawngaw sa dalawa kong tainga ang tanong na iyon ni Paul. Natulos na rin ako sa aking kinatatayuan at pakiramdam ko ay pingsakluban na ako ng langit at lupa."Bulag na siya Czarina!" Bigla akong nahimasmasan ng tuluyan ng makalapit sa'kin si Daisy at banggitin nito ang kalagayan ni Paul."What!?"Gulat kong tanong."Pa-paanong nangyari 'yon?" Gumagaralgal ang tinig na muli kong tanong sa kanya."Tutal ay naririto ka na at nalaman mo na rin ang kalagayan ni Paul, mabuti pa siguro ay pumasok na muna tayo sa loob." Ani Daisy sa mahinahon na pananalita. Napansin kong napangiwi pa ito matapos igalaw ang kanan niyang kamay. Bahagya naman akong nakonsensiya subalit bandang huli ay nanaig pa rin ang kabaliwan ko. Naisip ko rin kaagad na kung hindi ko pinilipit ang kamay niya ay baka nasampal niya na ang maganda kong mukha. Marahil rin ay hindi siya aamin kung nasaa
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status