“THANK you, Sam,” nasa byahe na kami pabalik nang marinig ko iyon kay Marius.Dahil hindi ko alam kung para saan ang pasasalamat na iyon agad akong pinamulahan. Kung para sa ginawa namin, hindi ko alam. Pero iyon ang unang rumehistro sa isipan ko kaya hindi ko na rin napigilan ang sariling kong maapektuhan.“P-Para saan? Dun ba sa---.”Agad na pinutol ni Marius ang pangungusap ko kaya hindi ko na iyon naituloy ang iba pang gusto kong sabihin.“Para sa pagsama mo sa akin, Sam,” iyon ang sinabi niya saka ako nakangiting nilingon. Pagkatapos ay ibinalik niya ang paningin sa daan.Hindi ako napagsalita at sa halip ay kinikilig na napangiti lang. Pero syempre ginawa ko ang lahat para maitago kay Marius ang totoo kong nararamdaman. Nakakatuwang isipin pero ngayon ko lang din napagtanto na ang maliliit na mga bagay katulad ng pagngiti, pagtawa, at pamumula ay pwedeng maging basehan ng tunay mong nararamdaman para sa isang tao.Sa madaling salita, ang maliliit na bagay na katulad ng mga naban
Last Updated : 2024-05-22 Read more