All Chapters of FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION): Chapter 51 - Chapter 53

53 Chapters

CHAPTER 50 "ARA'S DIARY 2"

"ANO bang sinasabi mo?" ang umiiyak kong sambit."Iyong totoo," aniyang tumawa pa ng mahina saka ako tinitigan. "Look at me," ilang sandali nang umiwas ako ng tingin sa asawa ko ay iyon ang narinig kong sinabi niya. Kahit ayoko ay kusa akong napasunod sa kaniya. Ganoon naman palagi si Daniel. Mayroon siyang sariling paraan kung papaano niya akong pahihinuhurin at hindi niya kailangang magtaas ng boses o maging awtorisado ang tono ng kaniyang pananalita para gawin iyon."Kapag wala na ako magmahal kang muli, ituloy mo parin ang buhay mo," mabilis akong nakaramdam ng matinding palalamig sa buo kong katawan dahil sa sinabing iyon ni Daniel.Magkakasunod akong napailing. "No, alam mong hindi ko magagawa iyan. Alam mo kung gaano kita kamahal at kapag ginawa ko iyon alam mo rin na kahit may ibang tao sa tabi ko ikaw parin ang hahanapin ko, ikaw parin ang makikita ko," umiiyak kong giit. 
Read more

CHAPTER 51 "ARA'S DIARY 3"

Present Day... Mabilis na pinahid ni Bella ang mga luhang labis na bumasa sa kaniyang mukha. Hindi niya kilala si Daniel, pero sapat na ang lahat ng nabasa niya upang bigyan ng justification ang lahat ng nangyari. Muli niyang binuklat ang kasunod na pahina. At sa pagkakataong iyon hindi na ang karaniwang Dear Diary ang nabasa niyang nakasulat sa kaliwa at itaas na bahagi ng papel, kundi ang mga salitang Dearest Daniel.  Oo, dito pala sinimulan nang sulatan ng kapatid niya ang yumao nitong asawa at iyon ang dumurog ng husto sa puso niya. Dearest Daniel, Nandito ako sa kwarto natin, at habang isinusulat ko ito ay yakap ko ang naka-frame na litrato mo. Napakagwapo mo talaga, alam mo ba? At para sa akin ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Totoo iyon. Miss na miss na kita.  Kinabukasan nang gabi pagkatapos nating ma
Read more

EPILOGUE

MABIBIGAT ang mga paa kong binagtas ang mabatong kalsada ng lugar na iyon. Hindi ako pamilyar at hindi ko alam kung saan iyon o sa madaling salita, kung nasaan ako. Pero masakit na ang mga paa ko at tinitiis ko nalang ang nararamdaman kong pagtusok sa talampakan ko ng maliliit at matutulis na bato. Sa kabila ng katotohanan na estranghero sa akin ang nasabing lugar ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hangaan iyon. Maganda kasi ang tanawin at mabango ang sariwang hangin na tila ba nahaluan ng amoy ng mga damo na nabasa ng hamog at talutlot ng mga ligaw na bulaklak. Napakaganda ng lugar na iyon at kahit kung tutuusin ay wala akong ideya kung nasaan talaga ako ay parang hindi narin naging importante ang kaisipang iyon sa akin. Hanggang sa kalaunan ay tila ba hindi ko narin alintana ang mabatong kalsada na tinatahak ko, dahil ang mas mahalaga sa akin nang mga sandaling iyon, ang masarap na pakiramdam na ibinibigay sa akin nang tila paraisong lugar na iyon. Kung tutuusin ay luma
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status