PUTING-PUTI ang paligid at mabilis na naramdaman ni Ara ang isang klase ng kaligayahan na kahit kailan at sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman. Napakagaan ng feeling at parang walang kahit anong dahilan para maging malungkot siya. Iyon ang klase ng emosyon na agad sa kaniya ay sumapuso nang tumapak ang paa niya sa lugar na iyon. "Nasa heaven na ba ako?" iyon ang anas niyang tanong habang patuloy na nililinga ang paligid. Nasa ganoong tagpo siya nang mapuna ang isang bulto na tila ba pamilyar sa kaniya.
ILANG sandali pa ang pinalipas ni Bella at tumayo narin siya. Mula sa funeral parlor ay umuwi muna siya. Inutusan kasi siya ng nanay niyang si Susan na ayusin na ang mga gamit na dadalhin nila bukas sa pag-uwi ng San Ricardo kung saan nakatakdang ilibing si Ara. Sinabihan narin siya nito na maghanap ng gamit na pwede nilang isama bukas sa kapatid niya.Noon niya sinimulang maghanap sa mga gamit ng kapatid niya.Binuksan niya mataas na kabinet nito sa loob ng kwarto.Napangiti si Bella. Maganda ang pagkakaayos ng mga gamit ni Ara. Noon pa man kasi ay masinop at maingat n
KATULAD ng inaasahan ni Ara, isang linggo matapos ang kaniyang high school graduation ay lumabas na ang resulta para sa kaniyang application for student assistant sa unibersidad na papasukan niya. At laking tuwa ng dalaga nang malaman niyang kasama siya sa mga estudyante na nakapasa."Nay! Tay!" nasa may tarangkahan pa lamang si Ara ng bahay nila ay iyon na ang masayang tawag niya sa kaniyang mga magulang.Alam niyang matutuwa ang mga ito at hindi nga siya nagkamalai. Masaya siyang niyakap ng kaniyang ina at ganoon rin ang ama niyang si Anselmo."Matatalino talaga ang m
IYON ang unang araw ng klase para sa unang semestre ng school year na iyon. At dahil nga trasferee ay automatic na ang pagiging irregular student ni Daniel sa nilipatan niyang unibersidad na iyon sa Maynila."Mag-iingat ka sa pagda-drive, good luck on your first day!" ang masayang pahabol sa kaniya ng ate niyang si Danica.Tumawa lang ng mahina si Daniel saka hinalikan sa pisngi ang kapatid niyang nang mga sandaling iyon ay kumakain parin ng almusal. "Sige ate, mag-iingat ka rin sa paglalakad mo ng mga papeles mo. Mas
MAAGA ang dismissal sa kanila ng huling professor nila bago ang lunch break kaya naman minabuti ni Ara na puntahan nalang sa classroom nito si Jason para sa kainan na sila tutuloy paglabas nito.Katulad ng sinabi niya kanina sa kaibigan niya, malayo ang college building ng mga engineering sa kanila kaya medyo malayo ang lalakarin niya. Pero okay lang naman iyon kay Ara lalo na at mabait sa kanya si Jason at sa lahat ng mga taong nakasama niya mula nang pumasok siya sa kilalang unibersidad na iyon ay hindi na ito umalis sa tabi niya.Inasahan na ni Ara na hihingalin siya sa halos kinse minutes niyang paglalakad sa loob lang ng university kaya naman lihim niyang pinagtawanan ang
NANG gabing iyon ay hindi naging madali para kay Daniel ang matulog. Hindi kasi mawala-wala sa isipan niya ang magandang mukha ni Ara. Maging ang paraan kung paano ito nag-blush nang kindatan at ngitian niya ang dalaga. Sa huling naisip ay hindi napigilan ng binata ang mapangiti.Hindi na niya mahintay ang mag-umaga at pumasok sa eskwela. Gusto niya itong makita at gusto niya itong pormal na makilala sa kahit papaanong paraan na pwede niyang gawin.Well, alam naman niyang si Jason ang pwedeng maging susi sa problema niya. Pero hindi sila close ng kaklase niyang iyon b
KINABUKASAN ay masiglang pumasok sa eskwela si Daniel. Alam naman kasi niya kung bakit, excited siyang makita si Ara. Pero dahil nga sa masyado siyang maaga ay naisipan niyang mag-stay muna sa library para doon magbasa-basa.
SA paglipas ng mga araw ay napansin ni Ara ang pagiging close nina Jason at Daniel. Wala namang problema iyon sa kanya dahil kung tutuusin wala rin namang nagbago sa pagiging mabait sa kaniya ng una. Pero dahil nga sa pirming inis na nararamdaman niya para sa huli ay siya na mismo ang umiiwas sa mga ito.Ayaw rin naman kasi niyang mapikon kapag inasar na naman siya ni Daniel, although after nang naging pag-uusap nila noon sa baggage counter ng library ay hindi na iyon nasundan kahit mahigit isang buwan na ang nakalilipas.
MABIBIGAT ang mga paa kong binagtas ang mabatong kalsada ng lugar na iyon. Hindi ako pamilyar at hindi ko alam kung saan iyon o sa madaling salita, kung nasaan ako. Pero masakit na ang mga paa ko at tinitiis ko nalang ang nararamdaman kong pagtusok sa talampakan ko ng maliliit at matutulis na bato. Sa kabila ng katotohanan na estranghero sa akin ang nasabing lugar ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hangaan iyon. Maganda kasi ang tanawin at mabango ang sariwang hangin na tila ba nahaluan ng amoy ng mga damo na nabasa ng hamog at talutlot ng mga ligaw na bulaklak. Napakaganda ng lugar na iyon at kahit kung tutuusin ay wala akong ideya kung nasaan talaga ako ay parang hindi narin naging importante ang kaisipang iyon sa akin. Hanggang sa kalaunan ay tila ba hindi ko narin alintana ang mabatong kalsada na tinatahak ko, dahil ang mas mahalaga sa akin nang mga sandaling iyon, ang masarap na pakiramdam na ibinibigay sa akin nang tila paraisong lugar na iyon. Kung tutuusin ay luma
Present Day... Mabilis na pinahid ni Bella ang mga luhang labis na bumasa sa kaniyang mukha. Hindi niya kilala si Daniel, pero sapat na ang lahat ng nabasa niya upang bigyan ng justification ang lahat ng nangyari. Muli niyang binuklat ang kasunod na pahina. At sa pagkakataong iyon hindi na ang karaniwang Dear Diary ang nabasa niyang nakasulat sa kaliwa at itaas na bahagi ng papel, kundi ang mga salitang Dearest Daniel. Oo, dito pala sinimulan nang sulatan ng kapatid niya ang yumao nitong asawa at iyon ang dumurog ng husto sa puso niya. Dearest Daniel, Nandito ako sa kwarto natin, at habang isinusulat ko ito ay yakap ko ang naka-frame na litrato mo. Napakagwapo mo talaga, alam mo ba? At para sa akin ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Totoo iyon. Miss na miss na kita. Kinabukasan nang gabi pagkatapos nating ma
"ANO bang sinasabi mo?" ang umiiyak kong sambit."Iyong totoo," aniyang tumawa pa ng mahina saka ako tinitigan. "Look at me," ilang sandali nang umiwas ako ng tingin sa asawa ko ay iyon ang narinig kong sinabi niya.Kahit ayoko ay kusa akong napasunod sa kaniya. Ganoon naman palagi si Daniel. Mayroon siyang sariling paraan kung papaano niya akong pahihinuhurin at hindi niya kailangang magtaas ng boses o maging awtorisado ang tono ng kaniyang pananalita para gawin iyon."Kapag wala na ako magmahal kang muli, ituloy mo parin ang buhay mo," mabilis akong nakaramdam ng matinding palalamig sa buo kong katawan dahil sa sinabing iyon ni Daniel.Magkakasunod akong napailing. "No, alam mong hindi ko magagawa iyan. Alam mo kung gaano kita kamahal at kapag ginawa ko iyon alam mo rin na kahit may ibang tao sa tabi ko ikaw parin ang hahanapin ko, ikaw parin ang makikita ko," umiiyak kong giit.
Dear Diary,NANG magsimula ang treatment ni Daniel ay pinuno ko ang puso ko ng pag-asa na gagaling ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya at gusto ko pa siyang makasama. Mahirap sa akin ang pakawalan siya dahil binuo ko na ang buhay ko kasama siya, at nagsimula iyon nang araw na sagutin ko siya at tanggapin siya sa buhay ko bilang aking nobyo. At hindi lang iyon nadoble nang araw na pumayag akong magpakasal kami.Pinipilit kong isipin na gagaling siya, dahil mahal na mahal ko siya.Gusto kong isipin na siya parin ang makakasama ko hanggang sa aking pagtanda. Pero iba ang sinasabi ng mga doktor. Iba narin ang sinasabi ni Daniel.Siguro ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Pipilitin mong kumapit kahit wala ka nang pwedeng kapitan. Kasi ayaw mo siyang pakawalan.Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Malaki ang ipinagbago ng itsura ng asawa ko. Sa
"HINDI ba makakasama sa iyo ang pinaggagagawa nating ito?" nang pareho na silang nakahiga ng asawa niya ay iyon ang naitanong ni Ara rito.Narinig ni Ara ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ni Daniel. "Sa tingin ko hindi naman," sagot nito saka siya kinabig at saka dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo."Kung ganoon pala eh samantalahin na natin ang pagkakataon," aniyang kumilos saka umibabaw sa asawa niya."Ara!" saway ni Daniel sa kaniya.Kinikilig na natawa lang siya ng mahina at saka sinimulan ang muling paghuhubad ng ngayon ay manipis na pantulog na kaniyang ng suot."Hindi mo naman kailangang bumangon, huwag kang mag-alala kasi ako ang magtatrabaho this time," aniya pang inihagis kung saan ang hinubad niyang damit saka isinunod ang suot niyang panloob na yari naman sa manipis na lace.Madilim ang kwarto nila nang mga sandaling iyo
KATULAD ng gustong mangyari ni Daniel, tinitigan niya ito. Kaya naman kitang-kita niya kung sa papaanong paraan nagbago ang damdamin sa maiitim nitong mga mata habang inaangkin siya.Pareho naman silang basang-basa ng umaagos na malamig na tubig mula sa shower kung saan sila nakatapat.Pero walang sinabi iyon sa init ng pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ng paglalabas-masok ng pagkalalaki ng kaniyang asawa. At talagang hindi kayang hugasan kahit ng malamig na tubig na inilalabas ng dutsa."B-Baka mapagod ka, ohhhhh!" ang nasambit niya saka muling napapikit nang maramdaman niya ang isang malalim na ulos na nagmula kay Daniel."Kaya ko pa huwag kang mag-alala," ang asawa niyang umangat pa ang sulok ng labi bago siya hinalikan. "I love you," anas muli ni Daniel nang pakawalan nito ang kaniyang bibig saka siya binuhat upang iupo sa mahabang counter sa loob ng banyo nito.Lalong nagtumind
NAUNA na silang tinanong ni Marielle kung ano ang plano nila para sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Sa simula ay nagbiro si Daniel, gusto raw nito ng trip to Europe, pero dahil nga sa kalagayan nito ay pareho-pareho naman nilang alam na imposibleng mangyari iyon.Si Ara ang nag-suggest na sa mismong mansyon nalang sila mag-stay. Masaya na siyang kasal na sila ng lalaking pinakamamahal niya. Ngayon mas importante higit sa kahit ano pang pwedeng mabili at mabayaran ng salapi ay ang pagsisimula ng treatment nito."Bakit hindi ka pumayag nung nag-suggest si Mama na mag-check in tayo sa isang five-star hotel?" katulad ng napagkasunduan nila noon pa mang lumipat siya sa masyon ay sa kwarto na siya nito matutulog simula sa gabing iyon.Nasa veranda sila noon at nagpapahangin. Katatapos lang nilang kumain ng masarap na hapunan na si Aling Salyn at ang biyenan mismo niya ang naghanda. Bukod pa iyon sa masarap rin n
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Ara at ganoon narin ang kaniyang nobyo na si Daniel.Hindi iyon ang tipo ng kasal na pinangarap niya, kailangan niyang aminin iyon sa kaniyang sarili. Pero kahit na ganoon, kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pangarap niya noon pa mang bata siya ay wala siyang maramdaman na kahit katiting na kalungkutan o panghihinayang. Dahil ang totoo, napakasaya niya.Labis ang pagmamahal niya sa lalaking mapapangasawa niya at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. At iyon ang dahilan kaya punong-puno parin ng kaligayahan ang puso niya.Sa huling pagkakataon ay hinagod niya ng tingin ang kaniyang sarili sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kaniyang silid.Kahapon ng gabi, sa halip na si Daniel ay si Danica na ang kasama niyang bumili ng damit na iyon. Hindi naging madali para sa kanilang tatlo ang kumbinsihin ang binata na mag-stay
SA nakalipas na mga araw ay naging abala na nga ang magkasintahan katulong ang ina ni Daniel sa pag-aasikaso ng kasal nila na gagawin sa mismong opisina ni Judge Arcega. Ang hukom na kaibigan ng ama at ina ni Daniel na siyang magkakasal sa kanilang dalawa."Saan tayo pupunta?" tanong ni Ara isang araw bago ang kasal nila.Sabado iyon at walang pasok sa eskwela habang gaganapin naman kinabukasan ang kasal nila."Bibili tayo ng damit na isusuot mo para bukas. Gusto ko iyong maganda," ang binata pinakatitigan siya saka hinaplos ang kaniyang pisngi."Kaya mo pa bang mag-drive?" tanong niya sa nobyo sa nag-aalalang tono."Oo naman, sinasamantala ko nga ang pagkakataon na malakas pa ako kasi alam ko hindi magtatagal hindi ko na magagawa ang lahat ng ito lalo na kapag nag-start na ang treatment ko," ang binata sa kaniya nang palabas na sila ng garahe.