KINABUKASAN ay masiglang pumasok sa eskwela si Daniel. Alam naman kasi niya kung bakit, excited siyang makita si Ara. Pero dahil nga sa masyado siyang maaga ay naisipan niyang mag-stay muna sa library para doon magbasa-basa.
At iyon na lamang ang kaligayahan na naramdaman niyang biglang nanuot sa puso niya.
Pagbungad kasi niya sa baggage counter ng library ay nakita niya doon ang magandang mukha na sa buong gabi ay naging laman ng kaniyang isipan.
Awtomatiko siyang matamis na napangiti saka malalaki ang mga hakbang na nilapitan ang baggage counter kung saan naka-duty ang babae. Student assistant pala ito sa library at iyon ang palagay niyang dahilan kaya malapit ito kay Jason.
Well, lalo tuloy tumibay ang kutob niya na hindi ito nobya ng kaklase niya kaya kung sakali, pwede pala niya itong ligawan, na siya naman talagang plano niya.
Nakita niyang abala sa pag-aayos ng kung ano ang babae sa mga estante ng lagayan ng bags sa counter kaya hindi nito marahil napansin ang paglapit niya. Kung hindi pa siya tumikhim ay hindi ito haharap sa kaniya.
"Good mor---," anitong natigilan pa at nakita niyang nanlaki ang mga mata na halatang nagulat sa pagkakakita sa kaniya.
"Oh, bakit naman ganyan ang reaksyon mo at para kang nakakita ng multo?" ang natatawang tanong ni Daniel sa babae na nanatiling nakatingala sa kaniya.
"S-Sorry," ang tanging isinagot nito na ang magandang ngiti sa mga labi ay agad na napalis saka siya sinimangutan sa halip.
Lalong nakaramdam ng matinding amusement si Daniel sa nakitang naging reaksyon ng dalaga. Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil iyon nang biglang bumukas ang glass door ng library at iniluwa si Jason.
Agad na tumango sa kanya ang lalaki bilang pagbati na tinugon rin naman niya sa kaparehong paraan. Pero hindi niya maiwasan ang makaramdam ng bahagyang kurot sa kaniyang dibdib nang makitang kung gaano katindi ang pagsimangot sa kanya ni Ara ay kabaligtaran naman sa ginawa nitong matamis na pagngiti nang lapitan ito ni Jason.
Nang makaalis si Jason ay noon siya hinarap ng babae para iabot ang number tag na duplicate ng inilagay nito sa kanyang bag.
"Ah, ako nga pala si Daniel," pakilala niyang ngiting-ngiti saka pinakatitigan ang magandang mukha ng dalaga saka iniabot rito ang kaniyang kamay.
Pero iyon nalang ang pagkapahiya na naramdaman niya nang sa halip na tanggapin ang pakikipagkamay niya ay tiningnan lang iyon ng babae saka ito pormal na nagsalita. "Bawal po kaming makipagkwentuhan sa mga estudyante kapag oras ng duty," anitong inirapan siya pagkatapos.
Hindi napigilan ni Daniel ang matawa ng mahina sa katarayan ng babaeng nasa kaniyang harapan. "Ang taray mo naman, kunsabagay, alam ko naman na ang pangalan mo, formality nalang ang pakikipagkilala kong ito," ang confident niyang sagot.
Nakita niyang nagtaas-baba ang dibdib ni Ara dahil sa obvious na nararamdaman na nitong inis para sa kaniya. "Really?" ang sarkastiko nitong tanong.
Halatang ipinakikita nito ang lantarang pagkainis sa kaniya at nagtataka siya kung bakit wala siyang maramdaman na iba nang mga sandaling iyon maliban sa matinding amusement.
"Yeah, actually. Ngayong pormal na magkakilala na tayo huwag mong kakalimutan ang pangalan ko ah? Daniel is the name! Okay?" aniya pang kinindatan ito pagkatapos.
*****
LALONG nagtumindi ang inis na nararamdaman ni Ara nang sa ikalawang pagkakataon na nabiktima na naman siya ng tila ba makamandag na kindat ng lalaking ito na Daniel pala ang pangalan.
Magpasalamat ka at naka-duty ako, kung hindi baka kanina pa kita nasampal!
Ang nanggagalaiti sa inis niyang bulong sa kaniyang sarili habang pinanlalabanan ang kung tutuusin ay kilig na kaniya naman talagang nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Napakagwapo ni Daniel, at mas lalo pala itong nakaka-magnet kung tumitig sa malapitan. Hindi niya maintindihan kung gusto niyang mangalumbaba at titigan nalang ito dahil sa labis na karism na taglay nito na bentang-benta sa kaniya. Pero dahil sa may pagka-presko ang lalaki, ayaw niyang alagaan sa puso niya ang kung anumang nararamdaman niyang iyon sa simula pa lang.
Ang mga katulad nito ay alam niyang ang mga tipo ng nagbibilang ng nobya sa daliri. At alam niya na kahit sabihin pang nakikita niya sa mga mata ng binata ang matinding paghanga para sa kanya ay wala rin namang assurance na seseryosohin siya nito kung sakali.
Sa huli niyang naisip ay biglang natigilan si Ara.
Napakabilis namang tumalon ng isipan niya papunta sa ganoong parte eh nakipagkilala pa lang naman sa kaniya si Daniel at kung tutuusin ay iyon ang una nilang formal meeting.
"Paano, papasok na ako ah?" anito pang itinukod ang siko sa counter saka tila nang-aakit siyang ngitinitian.
Noon parang bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay na diwa ni Ara. Hindi na siya hinintay na sumagot ni Daniel at sa halip ay tinalikuran na siya nito at pumasok na nga sa loob ng aklatan.
Naiiling lang na sinundan ni Ara ng tingin ang binata saka pagkatapos ay kinuha ang mga gamit niya nang matanawan ang kapalitan niyang S.A na susunod na du-duty sa pwestong iyon. May klase na kasi siya in fifteen minutes kaya kailangan narin niyang kumilos para hindi siya mahuli.
"Mauuna na ako," saktong paalis na siya nang lumabas naman ng library si Jason na katulad niya ay tapos narin ang duty.
"Hatid na kita?" tanong pa nito.
Tumawa ng mahina si Ara. "Hindi na kailangan, okay lang ako," aniyang tinapik pa ng mahina ang braso ni Jason bago niya ito iniwan.
*****
MULA sa glass door ng library ay abot ng tanaw ni Daniel ang pagpapalitan ng matatamis na ngiti nina Jason at Ara.
Hindi niya maikakaila na talagang napakaganda ni Ara. Siguro may pagka-masungit lang talaga ito sa umpisa dahil kung ibabase niya sa paraan ng pakikipag-usap nito kay Jason ay mukha naman ito malambing at mabait.
Ilang sandali ang nakalipas at walang anuman niyang sinipat ang suot na relo.
Sandaling minuto nalang pala at magsisimula na ang first subject nila kaya minabuti niya ang tumayo na. Sa may baggage ay doon sila nagpang-abot ni Jason na nakita niyang dala narin ang mga gamit at halatang paalis na.
"Sabay na tayo?" anito sa kanya.
Tumango si Daniel ng nakangiti. "Sige," sang-ayon niya.
Habang naglalakad sila pabalik sa kanilang college department ay noon sila nagkaroon ng pagkakataon ni Jason na mag-usap.
Magaan itong kausap at madali silang nagkapalagayan ng loob, kaya hindi na siya nagtaka nang maging sa loob ng classroom ay sa katabi niyang silya naupo ang lalaking kaklase.
Lunch break nang yayain siya ni Jason na sumabay na ng lunch sa kaniya pero naisip niya na baka kasama nito si Ara. Noon naisip ng binata na baka chance na niya iyon para makausap ng mas maayos ang dalaga. Pero mas nanaig sa kaniya ang alalahanin na baka hindi iyon magustuhan ng dalaga kaya minabuti niyang tanggihan nalang ang alok ng kaklase niya.
Marami pang pagkakataon, at ayaw naman niyang magmukhang ginagamit lang niya si Jason para mapalapit kay Ara. Dahil kahit hindi niya aminin, alam niyang sa ikli ng oras na piangsamahan nila ng kaklase niya, parang isa lang ang magiging ending nila, at iyon ay ang pagiging magkaibigan nilang dalawa.
SA paglipas ng mga araw ay napansin ni Ara ang pagiging close nina Jason at Daniel. Wala namang problema iyon sa kanya dahil kung tutuusin wala rin namang nagbago sa pagiging mabait sa kaniya ng una. Pero dahil nga sa pirming inis na nararamdaman niya para sa huli ay siya na mismo ang umiiwas sa mga ito.Ayaw rin naman kasi niyang mapikon kapag inasar na naman siya ni Daniel, although after nang naging pag-uusap nila noon sa baggage counter ng library ay hindi na iyon nasundan kahit mahigit isang buwan na ang nakalilipas.
AGAD na nakatawag ng pansin sa ibang estudyante na naroroon ang ginawang iyon ni Ara kaya naman huli na nang mapagtanto niya ang kaniyang ginawa.“S-Sorry, ikaw naman kasi---,” hindi na nagawang ituloy pa ng dalaga ang iba pa niyang gustong sabihin dahil walang anumang salitang biglang sinaklit ni Daniel ang kaniyang baywang.
“BALIW ka na ba? Alam mo naman na hindi ko gusto ang lalaking iyon! Saka bakit naman kasi nasa iyo ang cellphone ko?” ang inis na inis na tanong ni Ara kay Jason nang magkita sila nito sa library at maikwento ang nangyari sa pagitan nila ni Daniel sa harapan ng university canteen.Tumawa si Jason saka siya pinakatitigan. “Nakalimutan mo na ba? Hindi ba naki-text ako sa’yo? Saka bakit mo naman kasi pinagbintangang magnanakaw iyong tao? Sana pinagpaliwanag mo muna para hindi---,”Naputol ang iba pang gustong sabihin ni Jason nang biglang sumilip sa pintuan ng opisina ng library si Nancy, isa sa
KINABUKASANang unang araw ng pagsisimula ng duty ni Daniel sa library bilang student assistant. Maraming ang natuwa karamihan ay mga babae, pati na ang librarian nilang si Ma’am Shiela ay hindi nakaligtas sa kamandag ng karisma ng binata.Si Jason, bilang kaibigang ni Daniel ay masayang-masaya rin.Expected naman na niya iyon, pero siya, hindi siya masaya.
PAGKATAPOS magpunas ng mga shelves ay muling naging abala si Ara sa pagbabalik ng mga libro. Dahilan kaya hindi niya ang mabilis na paglipas ng mga oras.Past six na at sarado na ang library.Kapag ganoon ay busy na sila sa paglilinis ng aklatan. At dahil nga silang dalawa ni Daniel ang naka-duty para sa oras na iyon ay hi
"ANO ba iyong sinasabi mo kanina na sa isang baranggay lang tayo nakatira?" matapos ang mahabang katahimikan ay iyon ang narinig na itinanong sa kaniya ni Ara.Hindi napigilan ni Daniel ang mapangiti.Sa kabila kasi ng obvious ng inis na nararamdaman para sa kanya ni Ara ay napakalamyos parin sa pandinig niya ang tono ng boses nito."As I have said, long story," sagot niya habang ang magandang ngiti
UNDENIABLE angkiligatkasiyahannanararamdamanniAranangmgasandalingiyonhabangmag-isasiyangnaglalakadsakalsadapauwisakanilangbahay. Hindi panamanmalayoiyonmulasabahayninaDanielnangmadaananniyaangisanggrupongmgakalalakihannanag-iinumansatapatngisangtindahan.“Wow,kapagsinuswertekanganaman,” angnarinigniyangsinabingisanglalakingsatonongpananalitaay
“BAKAgustomongbumabamunaparamaipakilalakitasamgamagulangko?” angmgasalitangkusangnanulasmulasamgalabiniAramatapositigilniDaniel saharapanngbahaynilaangkotsenito.“Talaga?Ipapakilalamoakosa parentsmo?” anghindimakapaniwalangtanongniDaniel sakaniya.NatawangmahinasiAra sanakitaniy
MABIBIGAT ang mga paa kong binagtas ang mabatong kalsada ng lugar na iyon. Hindi ako pamilyar at hindi ko alam kung saan iyon o sa madaling salita, kung nasaan ako. Pero masakit na ang mga paa ko at tinitiis ko nalang ang nararamdaman kong pagtusok sa talampakan ko ng maliliit at matutulis na bato. Sa kabila ng katotohanan na estranghero sa akin ang nasabing lugar ay hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hangaan iyon. Maganda kasi ang tanawin at mabango ang sariwang hangin na tila ba nahaluan ng amoy ng mga damo na nabasa ng hamog at talutlot ng mga ligaw na bulaklak. Napakaganda ng lugar na iyon at kahit kung tutuusin ay wala akong ideya kung nasaan talaga ako ay parang hindi narin naging importante ang kaisipang iyon sa akin. Hanggang sa kalaunan ay tila ba hindi ko narin alintana ang mabatong kalsada na tinatahak ko, dahil ang mas mahalaga sa akin nang mga sandaling iyon, ang masarap na pakiramdam na ibinibigay sa akin nang tila paraisong lugar na iyon. Kung tutuusin ay luma
Present Day... Mabilis na pinahid ni Bella ang mga luhang labis na bumasa sa kaniyang mukha. Hindi niya kilala si Daniel, pero sapat na ang lahat ng nabasa niya upang bigyan ng justification ang lahat ng nangyari. Muli niyang binuklat ang kasunod na pahina. At sa pagkakataong iyon hindi na ang karaniwang Dear Diary ang nabasa niyang nakasulat sa kaliwa at itaas na bahagi ng papel, kundi ang mga salitang Dearest Daniel. Oo, dito pala sinimulan nang sulatan ng kapatid niya ang yumao nitong asawa at iyon ang dumurog ng husto sa puso niya. Dearest Daniel, Nandito ako sa kwarto natin, at habang isinusulat ko ito ay yakap ko ang naka-frame na litrato mo. Napakagwapo mo talaga, alam mo ba? At para sa akin ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Totoo iyon. Miss na miss na kita. Kinabukasan nang gabi pagkatapos nating ma
"ANO bang sinasabi mo?" ang umiiyak kong sambit."Iyong totoo," aniyang tumawa pa ng mahina saka ako tinitigan. "Look at me," ilang sandali nang umiwas ako ng tingin sa asawa ko ay iyon ang narinig kong sinabi niya.Kahit ayoko ay kusa akong napasunod sa kaniya. Ganoon naman palagi si Daniel. Mayroon siyang sariling paraan kung papaano niya akong pahihinuhurin at hindi niya kailangang magtaas ng boses o maging awtorisado ang tono ng kaniyang pananalita para gawin iyon."Kapag wala na ako magmahal kang muli, ituloy mo parin ang buhay mo," mabilis akong nakaramdam ng matinding palalamig sa buo kong katawan dahil sa sinabing iyon ni Daniel.Magkakasunod akong napailing. "No, alam mong hindi ko magagawa iyan. Alam mo kung gaano kita kamahal at kapag ginawa ko iyon alam mo rin na kahit may ibang tao sa tabi ko ikaw parin ang hahanapin ko, ikaw parin ang makikita ko," umiiyak kong giit.
Dear Diary,NANG magsimula ang treatment ni Daniel ay pinuno ko ang puso ko ng pag-asa na gagaling ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya at gusto ko pa siyang makasama. Mahirap sa akin ang pakawalan siya dahil binuo ko na ang buhay ko kasama siya, at nagsimula iyon nang araw na sagutin ko siya at tanggapin siya sa buhay ko bilang aking nobyo. At hindi lang iyon nadoble nang araw na pumayag akong magpakasal kami.Pinipilit kong isipin na gagaling siya, dahil mahal na mahal ko siya.Gusto kong isipin na siya parin ang makakasama ko hanggang sa aking pagtanda. Pero iba ang sinasabi ng mga doktor. Iba narin ang sinasabi ni Daniel.Siguro ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao. Pipilitin mong kumapit kahit wala ka nang pwedeng kapitan. Kasi ayaw mo siyang pakawalan.Lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Malaki ang ipinagbago ng itsura ng asawa ko. Sa
"HINDI ba makakasama sa iyo ang pinaggagagawa nating ito?" nang pareho na silang nakahiga ng asawa niya ay iyon ang naitanong ni Ara rito.Narinig ni Ara ang mahinang tawa na naglandas sa lalamunan ni Daniel. "Sa tingin ko hindi naman," sagot nito saka siya kinabig at saka dinampian ng isang simpleng halik sa kaniyang noo."Kung ganoon pala eh samantalahin na natin ang pagkakataon," aniyang kumilos saka umibabaw sa asawa niya."Ara!" saway ni Daniel sa kaniya.Kinikilig na natawa lang siya ng mahina at saka sinimulan ang muling paghuhubad ng ngayon ay manipis na pantulog na kaniyang ng suot."Hindi mo naman kailangang bumangon, huwag kang mag-alala kasi ako ang magtatrabaho this time," aniya pang inihagis kung saan ang hinubad niyang damit saka isinunod ang suot niyang panloob na yari naman sa manipis na lace.Madilim ang kwarto nila nang mga sandaling iyo
KATULAD ng gustong mangyari ni Daniel, tinitigan niya ito. Kaya naman kitang-kita niya kung sa papaanong paraan nagbago ang damdamin sa maiitim nitong mga mata habang inaangkin siya.Pareho naman silang basang-basa ng umaagos na malamig na tubig mula sa shower kung saan sila nakatapat.Pero walang sinabi iyon sa init ng pakiramdam na ibinibigay sa kaniya ng paglalabas-masok ng pagkalalaki ng kaniyang asawa. At talagang hindi kayang hugasan kahit ng malamig na tubig na inilalabas ng dutsa."B-Baka mapagod ka, ohhhhh!" ang nasambit niya saka muling napapikit nang maramdaman niya ang isang malalim na ulos na nagmula kay Daniel."Kaya ko pa huwag kang mag-alala," ang asawa niyang umangat pa ang sulok ng labi bago siya hinalikan. "I love you," anas muli ni Daniel nang pakawalan nito ang kaniyang bibig saka siya binuhat upang iupo sa mahabang counter sa loob ng banyo nito.Lalong nagtumind
NAUNA na silang tinanong ni Marielle kung ano ang plano nila para sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Sa simula ay nagbiro si Daniel, gusto raw nito ng trip to Europe, pero dahil nga sa kalagayan nito ay pareho-pareho naman nilang alam na imposibleng mangyari iyon.Si Ara ang nag-suggest na sa mismong mansyon nalang sila mag-stay. Masaya na siyang kasal na sila ng lalaking pinakamamahal niya. Ngayon mas importante higit sa kahit ano pang pwedeng mabili at mabayaran ng salapi ay ang pagsisimula ng treatment nito."Bakit hindi ka pumayag nung nag-suggest si Mama na mag-check in tayo sa isang five-star hotel?" katulad ng napagkasunduan nila noon pa mang lumipat siya sa masyon ay sa kwarto na siya nito matutulog simula sa gabing iyon.Nasa veranda sila noon at nagpapahangin. Katatapos lang nilang kumain ng masarap na hapunan na si Aling Salyn at ang biyenan mismo niya ang naghanda. Bukod pa iyon sa masarap rin n
SUMAPIT ang araw na pinakahihintay ni Ara at ganoon narin ang kaniyang nobyo na si Daniel.Hindi iyon ang tipo ng kasal na pinangarap niya, kailangan niyang aminin iyon sa kaniyang sarili. Pero kahit na ganoon, kahit hindi iyon ang klase ng kasal na pangarap niya noon pa mang bata siya ay wala siyang maramdaman na kahit katiting na kalungkutan o panghihinayang. Dahil ang totoo, napakasaya niya.Labis ang pagmamahal niya sa lalaking mapapangasawa niya at iyon ang pinakamahalaga sa lahat. At iyon ang dahilan kaya punong-puno parin ng kaligayahan ang puso niya.Sa huling pagkakataon ay hinagod niya ng tingin ang kaniyang sarili sa harapan ng malaking salamin sa loob ng kaniyang silid.Kahapon ng gabi, sa halip na si Daniel ay si Danica na ang kasama niyang bumili ng damit na iyon. Hindi naging madali para sa kanilang tatlo ang kumbinsihin ang binata na mag-stay
SA nakalipas na mga araw ay naging abala na nga ang magkasintahan katulong ang ina ni Daniel sa pag-aasikaso ng kasal nila na gagawin sa mismong opisina ni Judge Arcega. Ang hukom na kaibigan ng ama at ina ni Daniel na siyang magkakasal sa kanilang dalawa."Saan tayo pupunta?" tanong ni Ara isang araw bago ang kasal nila.Sabado iyon at walang pasok sa eskwela habang gaganapin naman kinabukasan ang kasal nila."Bibili tayo ng damit na isusuot mo para bukas. Gusto ko iyong maganda," ang binata pinakatitigan siya saka hinaplos ang kaniyang pisngi."Kaya mo pa bang mag-drive?" tanong niya sa nobyo sa nag-aalalang tono."Oo naman, sinasamantala ko nga ang pagkakataon na malakas pa ako kasi alam ko hindi magtatagal hindi ko na magagawa ang lahat ng ito lalo na kapag nag-start na ang treatment ko," ang binata sa kaniya nang palabas na sila ng garahe.