Isang buwan na ang nakakaraan, and as usual, palaging wala si Nathan, ibinalik na kasi siya ni papa Nante sa trabaho. Kung dati, ay umuuwi siya sa bahay parati tuwing gabi, ngayon ay minsan na lang. Hindi niya na kailangan magpaalam pa dahil alam ko namang sa poder ni Janelle siya pumupunta at natutulog kadalasan.. Masakit parin. Tanggap kona, oo. Pero 'di ko maiwasang umiyak minsan dahil sa sakit, lungkot at pangungulila sa kanya. At kung uuwi naman siya, titignan niya lang ako at hindi kakausapin. Kahit ang sabayan sa pagkain ay hindi niya na magawa. Every time na naiisip ko 'to ay nasasaktan talaga ako. Pinipilit ko lang ang sarili kong ngumiti parin dahil pinili ko'to. Just like what I've a said, I have to get used to this pain thing.
Magbasa pa