KUNG mahirap ang buhay OFW, mas mahirap pala 'pag nasa sariling bayan at tingin ng pamilya niya sa kaniya ay isang walking atm. Kung wala siyang pera, hindi siya importante. Wala siyang halaga.At sa gabing iyon, imbes na magtampo sa kaniyang pamilya... Mas pinili niyang matulog at kalimutan saglit ang lahat. Pero kahit sa pagtulog niya, paulit-ulit niyang nararamdaman ang marahas at masakit na halik ni Gheron sa kaniya. Ang parusang binigay nito na hindi lang mundo ang napunit sa kaniya, kundi pati na rin puso.Kinabukasan, para siyang walang pakiramdam na bumangon para paglutuan ang pamilyang lahat ay gagawin niya. tulad nung nakagawian niya noon, siya lagi ang naghahanda sa bawat almusal ng lahat. Nagluto siya ng hotdog at scrambled eggs. Nagsangag din siya ng kanin at eksaktong pagkababa ng mga kapatid niya, deritso na ang mga ito sa mesa."Saan si Mama? Hindi ba tayo sabay-sabay kumain?""Hindi iyon sasabay. Galit si mama sa'yo, ate. Bakit kasi umuwi ka?" tinatamad na tanong ng k
Last Updated : 2022-12-15 Read more