All Chapters of The Obsession Of A Dominant Billionaire: Chapter 381 - Chapter 390

426 Chapters

Kabanata 9 - Boxing Gloves

Deritso siyang nagtungo sa island kung saan ang pribadong quarter nila. Pagmamay-ari ito ni Yx at hindi hamak ang kayamanan meron ang lalaki. Secured ang buong isla at lahat ng mga nakikitang gamit at nakatayo sa isla na iyon ay high technology. Wala basta-bastang makakapasok na kahit sino."Hey?" Kunot ang noong napatingin sa kaniya si Maccabi. "You're here?"Napakunot naman siya ng noo. Naabutan niya itong nakahiga sa isang hammock at nagbabasa ng isang libro. Tumigil lang ito saglit nang makita siya at tiningnan siya na parang nagulat sa kaniyang presinsya."Am I not allowed to step my ass here?" asik niya kay Maccabi na pa-chill lang sa duyan.Umiling naman ito at nagkibit ng balikat. "I'm busy reading this. Sorry, who you?"Tiningnan niya ng masama si Maccabi at dumeritso na sa loob ng opisina ni Yx. Maaga pa naman pero mag-rereport lang siya sa lalaki at baka makakatikim na naman siya ng masakit na sipa nito. Mapanakit si Yx pero minsan lang at mapanakit lang pagdating sa kanila
last updateLast Updated : 2022-12-02
Read more

Kabanata 10 - On Leave

"Fight back Gal!" Nakangising saad ni Magnar.Ngumisi naman siya at mabilis din itong inundayan ng suntok sa mukha. Magpapatayan sila nito!"Ouch! Come on dude, fight back!" malakas na sigaw ni Tiverius kay Magnar.Napatingin siya kay Tiverius na ngayon ay dala-dala pa rin ang dark chocolate nitong tinempla. Dalawa na ang nanonood sa kanila at mas maganda iyon para kung magpatayan sila ng tuluyan magkaibigan, kaniya-kaniyang libing na libing na lang ang mga 'to sa kanila.Para silang batang nagsuntukan ni Magnar sa buhanginan, madaling araw at parang tangang nagtatagisan kung sino ang matapang. Habang ang dalawang kaibigan nila ay kaniya-kaniyang pustahan at pinagkikitaan sila. Sa bawat suntok na matatamo nila, nagpupustahan ang mga ito ng limang piso."Tangina! Tatlong tama kay Gallagher. Kinse pesos, Tiverius. Bigay mo na agad.""Utangin ko muna, pre. Nasa alkansya ko kasi.""Gagawin kong alkansya 'yang katawan mo 'pag 'di ka agad nagbayad sa 'kin.""Tangina mo talaga." Agad naglaba
last updateLast Updated : 2022-12-02
Read more

Kabanata 11 - Marie

Napatingin si Gallagher sa kaniyang suot na pang-magsasaka. Hindi siya nagmukhang magsasakang tingnan kaya ginulo niya ang kaniyang buhok. Hanggang balikat ito at minsan tinatali lang niya.Inabot niya ang kaniyang round hat at nilagay sa ulo. Inayos din niya ang pagkakatupi ng mahabang manggas na damit. Ang suot niyang pantalon ay isang kupasin na matagal ng pinaglumaan ng panahon. Walang pwedeng makahalata na isa lamang siyang nagpapanggap na magsasaka sa lugar na ito. Mawawalan ng excitement ang kaniyang gagawin kapag nangyari iyon.Gamit ang besikleta ng kompanya, deretso niyang tinungo ang Village farm para magsimula sa araw na ito. Hindi niya ramdam ang antok. Nasanay na rin ang kaniyang katawan na paminsan-minsan lang natutulog. Sa daming gagawin sa organisasyon at sa Silver Garden, ang matulog ang isa sa pinakaimposibleng gawin."Hi, Gheron!""Good morning handsome!""Gheron, may pandesal ka ba?"Simpatikong ngumiti siya sa mga kababaehan na nagsimulang magpa-cute sa kaniya ng
last updateLast Updated : 2022-12-07
Read more

Kabanata 12 - Hate My Presence

MADILIM ang anyo ni Marie habang sakay siya sa truck papuntang City. Iniwasan niya si Gheron dahil sa kakulitan nito, pero heto at naging kasama pa niya sa loob ng isang oras papuntang Furano."Anong gagawin mo pala sa Furano?" tanong nito habang nagmamaneho. Saglit itong sumulyap sa kaniya.Hindi siya nagsalita. Wala siyang pakialam sa presinsya ng lalaki. Ang gusto lang niya ay ma-withdraw ang pera at makapagpadala sa pamilya sa probinsya. Hindi nga siya nakapagpalit ng kasuotan. Hindi naman ito mahalaga. Minsan nga, inaasar na siya ni Judith na papunta na siya sa pagiging manang. Maliban sa wala na siyang ka-choice-choice paano manamit, hindi rin siya marunong mag-ayos ng sarili. Kaya nakakapagtaka kung bakit maraming gustong pumorma sa kaniya kung alam naman ng mga ito na hindi siya maganda."Mabuti na lang at ako ang natukang magmaneho ngayon. Absent kasi ang isa sa driver, may sakit daw kaya ako muna ang inassign ng Team Leader. I'm glad, kasama kita papuntang Furano. Masaya ang
last updateLast Updated : 2022-12-07
Read more

Kabanata 13 - Magbilang ng Dalawa

Ibaba mo nga ako!" Nagpipigil siyang gumawa ng eksina. Kaya kahit umusok na ang kaniyang ilong at gusto niyang magwala sa nakakahiyang eksenang ginawa ni Gheron, wala siyang magawa kundi ang hinaan ang boses para hindi sila masyadong makatawag-pansin sa mga taong nando'n."I won't," kkangising saad nito at balewala rito ang kaniyang bigat. "You will go with me instead of taking that taxi."Mas lalong napanting ang kaniyang teynga. Kulang na lang ay hampasin niya ang ulo nito gamit ang kaniyang kamay pero hindi niya magawa. "Gheron. Ibaba. Mo. Ako.""My name sound so sexy. Do it again." Ngumiti ito at kinindatan siya.Kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya makuha ang ibig sabihin nitong sexy."Say, 'Gheron ibaba mo ako please,' again." Ang lawak nang ngiti nito. Pwede na siyang lunukin."Isa!""Alam mo nung nag-aral ako sa primary school, ang teacher namin ang takot 'pag ako ang nagbilang." Nagsimulang humakbang si Gheron na pangko-pangko siya at balewala rito ang paninilat niya ng mata.
last updateLast Updated : 2022-12-07
Read more

Kabanata 14 - Hamak na Magsasaka

"Shh... Pinagtitinginan na tayo sa kaingayan mo." Nakakalokong saad nito habang humakbang papasok sa loob ng pastry house."Gago ka talaga!" asik niya rito at nagpipigil na gumawa ng eksena. Siya ang nahihiya! "Ibaba mo ako o hindi?" Ginamitan niya ito ng warning tone at imbes na matakot ito, ningitian lang siya nito ng nakakalaglag panty."Ito na. Kalma ka lang d'yan."Hindi siya nakaimik nang makitang nasa loob ng sila ng Pastry house at binaba siya nito sa upuan nando'n malapit sa may salamin dingding. Halos lumubog siya sa hiya nang makitang sa kanila halos nakatingin ang mga customer."Bwesit ka talaga!"Ngumiti lang ito at nagkibit ng balikat. "Gusto ko lang tikman ang cookies nila dito."Hindi siya nag-abalang tumugon. Kalalaking tao nito tapos mahilig sa matatamis? Nagkukot ang kaniyang kalooban at napahalukipkip. Nakadalawa na ang lalaki sa kaniya sa pagbuhat at sa susunod na uulitin pa nito ang pagbuhat sa kaniya, mag-asawang sampal na ang aabutin nito sa kaniya."Alam kong
last updateLast Updated : 2022-12-14
Read more

Kabanata 15 - Marie Babes

Inis na napabangon si Marie. Hindi siya makatulog. Kanina pa siya paikot-ikot sa kaniyang kinahihigaan at halos siya na lang yata ang gising. Kanina pa umikot ang orasan na hatinggabi na at dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga na siya para bukas.Magtimpla na lang ako ng gatas.Nagpasya siyang tumayo at nagtimpla ng gatas. Bitbit niya ang mug at lumabas siya sandali, doon siya sa may balcony tumambay habang pinagmamasdan ang malungkot na buhay ng Hokkaido. Malungkot para sa mga tulad nilang mas piniling mangibang bansa at lumayo sa pamilya.Marahan niyang iniinom ang gatas nang matanaw niya si Gheron na lumabas din at may bitbit na isang mug na alam niyang kape ang laman. Tumambay ito sa balcony at matiim siyang tinitigan. Kung nung una ay lagi siya nitong ningingitian, ngayon hindi. Parang binabasa siya nito mula sa malayo at isang nakakamatay na tingin lang din ang kaniyang binigay rito.Hindi siya papasok sa loob dahil nabibwesit siya sa mukha ng lalaki. Siya ang naunang lumaba
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more

Kabanata 16 - Mango Juice

"OH, saan ka pupunta?"Napatingin siya kay Judith nang harangan siya nito sa kaniyang daraanan. Nakataas ang kilay nito at sinuri ang kaniyang suot mula paa hanggaang ulo."Sa suot mo, mukhang pupunta ka ng farm at mukhang pupunta ka sa city. Masyadong ah— old fashion ka naman, Marie!"Blangkong tumango lang siya sa sinabi ni Judith at tinalikuran ito, pupunta siya sa City na hindi kasama ito. Hindi siya mamasyal. Pupunta siya sa City para mag-sideline bilang dishwasher."Huwag mong sabihin—""Tama ka," putol niya rito nang balingan niya ito ng tingin.Napanganga na lamang ito at hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Parang kabaliwan ang gagawin niya sa tingin nito. "Day off natin ngayon, oh! It means, pahinga-hinga muna at picture-picture para pang-post natin sa facebook mong puro larawan ng mga kapatid mo. Kung hindi shared post, puro naman mga tags tapos ang dull pa tingnan ng facebook mo. Walang ka dating-dating!" Nagpakumpas-kumpas pa ito ng kamay na parang nagsasagawa ng choir.
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more

Kabanata 17 - Multo

angalay ang balikat ni Marie nang magpahinga siya. Maraming customer at hindi dahil sa masasarap ang mga pagkain, kundi dahil sa presinsya ni Gheron na walang pinipiling babaeng lalandiin. Ito kasi ang personal na naglalagay sa mga mesa ng mga customer na nando'n at tuwang-tuwa naman ang mga turista sa presinsya ng binata. Lalo na rin ang matandang Manager nang makitang dumoble ang mga customer nito."Arigatugozaimasu!" Thank you so much. Tipid ang ngiting tinanggap niya ang sahod sa araw na iyon. Bahagya siyang yumuko bilang paggalang dito.Tumango lang ang matandang Manager at sinabihan siyang bumalik tuwing day-off niya. Ngumiti lang siya. Talagang babalik siya lalo na at malaki ang binigay nitong pera. Dinaig ang dalawang araw na kita niya sa ibang sideline."Heading home?"Naglinya ang kaniyang kilay nang marinig niya ang boses ni Gheron. Minsan inisip niya rin, kabute ito. Kung saan-saan ito lumalabas. Agad niyang nilagay sa bag ang pera at inayos ang kaniyang suot na damit na o
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more

Kabanata 18 - Manhid

ANG lawak ng ngiti ni Gallagher habang yakap-yakap niya si Marie. Mabango ang buhok nito. Natawa siya. Huhulaan niya, Palmolive shampoo ang gamit nito na kulay pink. Babaeng-babae ang dating at nagustuhan niya sa pang-amoy."A-andiyan pa b-ba 'yong bata?""Shh... Stop talking, pancakes. Nakatingin pa rin sa 'yo ang bata. Isipin mong mabuti kung hindi mo ba ito kapatid." Gusto niyang humagalpak ng tawa. Kailan pa siya naging mapagsamantala para lang mapalapit sa babaeng ito na parang tigre at maamong tupa?"W-wala ba siyang balak umalis?""Wala."Natahimik ang babae at gustong-gusto niya kapag ganito sila lagi ng dalaga. Wala lang, gusto niya lang. Maliban sa ang bango ng buhok nitong hinaluan ng pawis at kusina, okay lang.Pinipigil niya rin ang sariling huwag matawa at baka mahalata siya ni Marie. Paniguradong hindi lang sampal ang makukuha niya sa babae."Paalisin mo siya—""Shh! Nasa tabi mo na siya ngayon. Humihingi yata ng barya. Ramdam mo ang kalabit niya? Ate, barya raw?" Mas l
last updateLast Updated : 2022-12-15
Read more
PREV
1
...
3738394041
...
43
DMCA.com Protection Status