Home / Lahat / The Crazy Tease (tagalog) / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng The Crazy Tease (tagalog) : Kabanata 11 - Kabanata 20

44 Kabanata

Chapter 11

SA BAHAY NGA nila Gab sila nag pahatid ng tricycle. Wala ang mommy at kapatid niya ng dumating sila. Sabi nito nag punta daw sa kabilang bayan dahil may pinsang siyang ikinasal baka bukas pa raw ang uwi ng mga yon. 2pm palang ng hapon pero parang mag aalas singko na ng gabi dahil makulimlim gawa ng malakas ang ulan."Oh mag gugo ka muna ng ulo saka mag palit ng damit baka sipunin ka" sabi ni Gab saka inabot sa kanya ang tuwalya at Tshirt nito at isang cotton short na pang bahay nito. Mabilis naman siyang pumunta sa banyo saka nag palit ng damit at nag banlaw din ng ulo gaya ng utos nito. Ipinulupot niya sa buhok ang tuwalya saka lumabas.  Wala si Gab pag labas  niya ng banyo kaya pumunta muna siya sa sala at sumungaw sa bintana. Malakas parin ang buhos ng ulan at parang walang balak tumigil. Ang malas naman ng first date nila as mag jowa. "May bagyo talaga siguro" sabi niya kay Gab ng makita niya itong kakalabas lang sa kwarto nit
last updateHuling Na-update : 2020-11-18
Magbasa pa

Chapter 12

Nagising si Sabrina na may malamig na hangin na humahampas sa mukha niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya na nakabukas pala ang bintana. Malakas ang ulan na sinasabayan ng malakas na hangin. Tatayo sana siya pero may kamay na nakadagan sa baywang niya. Marahan niya 'yong inalis pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap no'n sa kanya at ayaw siyang pakawalan."Gab, uuwi na ko..." bulong niya dito dahil parang walang balak ito na bitawan siya. Umungol lang ito saka isinubsob ang mukha sa leeg niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito. "Late na baka hinahanap na ko sa bahay."Hindi niya alam kung ilang oras ba silang nakatulog pero madilim na madilim na sa labas. Tinignan niya ang alarm clock na nasa bedside table. Nanlaki ang mata niya nang makitang alas onse na. Paniguradong na sa bahay na sina daddy at baka tumatawag na sa kanya. Agad niyang inalis ang kamay ni Gab kahit pa tumututol ito. Dinampot niya ang damit at underwear niya saka nagmamadaling nagbihis. Hinanap niya
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 13

Marahang katok ang nagpagising kay Sabrina. Hindi siya nag-abalang bumangon man lang sa pagkakahiga sa kama. Gusto niyang mapag-isa at sana maintindihan 'yon ng kung sino mang kumakatatok sa pintuan ng kwarto niya. Mayamaya pa huminto na ang kumakatok, siguro na pagod na. Dumapa siya at isinubsob niya na lang ang mukha niya sa unan.Nag-ring ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa side table at tinignan ang caller. Si Gab. Nagtatalo ang kalooban niya kung ia-acept niya ba ang tawag o ide-decline. Wala siyang ganang makipag-usap ngayon kahit kanino, kahit nga ang tumayo sa kama niya ayaw niyang gawin. Ang gusto niya mapag-isa. Kung pwede nga lang na maglaho na lang siyang bigla gagawin niya. Inilagay niya ang cellphone sa ilalim ng unan niya saka tumihaya at tumitig sa kisame sinusubukan niyang bilangin ang mga nakapilang langgam na naglalakad pababa sa pader. Napabuntong-hininga siya.She feel lost. Hindi niya alam kung saan tamang mag-umpisa. Parang biglang nawalan ng direksyon ang
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 14

Akala niya makakapaglandian talaga sila. Pero hindi puwede dahil n asa bahay din ang kapatid at mama ni Gabino."Hi, Jas," bati niya sa kapatid ni Gabin na nasa sala at nanonood habang nagtutupi ng damit."Hi po, Ate Sab," nakangiting bati din nito saka nagpatuloy sa ginagawa.Ang mama naman ni Gabin ay na sa kusina at nagluluto. Kinawayan niya lang ito bago dumiretso sila sa kwarto ni Gabin. Hinayaan lang ni Gabin na bukas ang pinto na ikinataas ng kilay niya.Napatingin siya sa kama ni Gabin. Naalala niya yung nangyari sa kanila. Hindi pa nga pala nila napag-uusapan ang tungkol do'n. Pero kailangan pa bang pag-usapan 'yon? Parang ang awkward kasi kung io-open niya ang topic na 'yon. Hindi niya pa rin napag-iisipan kung dapat bang pagdiskusyunan nila 'yon o dedmahin na lang. Hindi niya kasi alam kung ano ang mga dapat gawin. Bata pa siya, sila. Pero nagawa na nila 'yon. Hindi naman siya conservative at alam naman niya sa sarili niya na ginusto niya 'yon. Hindi rin naman siya nagsisis
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 15

"You need to participate for the upcoming school event para naman mahatak ang grades mo at makapagmartsa ka sa March."Lihim na lang niyang naipakot ang nga mata. Gusto kasi ni Mrs. Alvaro na sumali siya sa mga magpa-participate for special performance para sa event na gaganapin sa february 28. Anniversary kasi ng St. Catherine Academy. Yun daw ang magsisilbing special project niya para mahila ang lahat ng palakol sa class card niya."Okay ba sa'yo?" tanong sa kanya ni Mrs. Alvaro.Tumango na lang siya. As if naman na may choice siya. Binanggit na nito ang magic word; Martsa sa march.At dahil kailangan niyang magmartsa para matupad ang pangarap nila ni Gabin na makapag-college ng sabay, buong puso siyang sasali sa event."Pumunta ka sa student council, and look for Millet Inocencio, siya ang maga-asign kung saang grupo ka kabilang."Ay bongga! Of all people si Millet pa talaga? Baka mamaya paglakarin ako sa bubog ng gaga na 'yon!' - Nakalimutan niyang si Millet nga pala ang vice pres
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 16

Pagkatapos nilang pumirma ng form sabay-sabay na silang naglakad pauwi. Namiss niya ang kuya niya. Kuya niya ang lagi niyang kasabay sa paglalakad dati pero ngayon si Gab na.Napakunot ang noo niya ng malingunan ang pinsan niyang si Erika at si Manolo na sabay na naglalakad sa likuran nila. Tinaasan niya ng kilay ang pinsan nang magkatinginan sila. Kinindatan lang siya ng luka-luka. Napangiti siya. Mukhang may something na sa dalawa.Naramdaman niya ang pag-akbay ni Gabin sa kanya kaya tiningala niya ito. Nakangiti ito sa kanya."Ganda mo," anito saka siya kinindatan.Sinimangutan niya ito para itago ang kilig na nararamdaman. "I know, di ka pa ba sanay," aniya dito.Tumawa ito, at para iyong musika sa pandinig niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kung pati ito mawala pa sa kanya. Si Gab kasi yung isa sa mga taong humila sa kanya pataas nung down na down siya, at syempre isa na doon ang pinsan niyang si Erika. Malaki ang utang na loob niya sa dalawang ito. Kung hindi kasi d
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 17

"Salamat po, Tito Miguel, " aniya sa daddy ni Erika saka bineso ito ng maihatid siya ng mga ito sa bahay nila."'Wag ka ng gumala, Sabrina," bilin pa ni Tito Miguel sa kanya."Opo," magalang na tugon niya saka bumaba na ng sasakyan."Call me!" sigaw ni Erika ng umandar na ang sasakyan ng mga ito. Tumango naman siya at kinawayan ang mga ito.Pumasok na siya sa gate nila. Napansin niya ang kotse ng daddy niya sa garahe. Pagpasok niya pinto dinig na agad niya ang mga boses na nagkakasiyahan galing sa may kusina. Lumakad siya papunta roon. Nakita niya ang isang babaeng sa tingin niya ay kaidad ng mommy niya. Makapal ang make-up nito at straight na straight ang buhok na may highlights pa. Naka-velvet short ito at manipis na spaghetti strap sando. Na sa kabisera ang daddy niya at ang babae ay na sa kanan ng daddy niya, ang dating pwesto ng mommy niya. Sa kaliwa naman ng daddy niya at isang payat na dalagita. Sa tingin niya ay hindi nagkakalayo ang idad nila. Maputla ito. Mahaba at straight
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 18

Maaga siyang nagising dahil sa mga kaluskos sa loob ng kwarto niya. Bumangon siya at nakita niya ang dalagita na kasamang kumakain ng daddy niya sa komedor kagabi na may kinakalkal sa closet niya."Anong ginagawa mo dito?" galit na sita niya dito. Hindi siya nito nilingon at nagpatuloy lang sa pagkakalkal sa gamit niya. Galit na bumangon siya at nilapitan ito saka marahas na hinila niya ang braso nito. Nagulat naman siya ng bigla itong sumigaw at naglupasay. "Anong problema mo?!" inis na sigaw niya dito. Sumubsob ito sa mga kamay nito at humagulgol."What's happening here?!" dumagundong ang galit na boses ng daddy niya na nasa pintuan ng kwarto niya."Daddy!" Mabilis na tumayo ang hitad sa paanan niya at tumakbo papunta sa daddy niya at parang aping-api na humagulgol ng iyak.Ano bang problema ng gaga na to? - Inis na bulong niya sa isip habang nakakunot ang noo na pinagmamasdan ito habang inaalo ng daddy niya."Ano yan lipas gutom?" nakataas ang kilay na tanong niya sa daddy niya. Ti
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 19

Malakas siyang napadighay pagkatapos niyang maubos lahat ng inorder niyang pagkain. Pero feeling niya kulang pa yung kinain niya. Parang di siya nabusog."Ano busog ka na?" tanongi ni Gab.Nakangiti siyang tumango, kahit gusto niyang umiling. Gusto niyang humirit ng isa pang order ng spagetti."Tara na?" aya nito saka kinuha ang bag niya at ito na ang nagbuhat. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na rin at sumama dito.Nakasabay pa nila si Arjhay at Mateo sa hallway. Bigla ang pagkainis na naramdaman niya nang makita ang dalawa. "Ang papanget niyo!" inis na pagsusungit niya sa dalawa na nagulat sa biglaang pagtataray niya."Luh? Problema mo?" ani ni Mateo na nakasimangot."'Yang mga mukha niyo. Nakakaalibadbad!" aniya saka inirapan ang mga ito at nauna nang maglakad. Kumukulo ang dugo niya at hindi niya alam kung bakit inis na inis siya sa mukha ni Mateo at Arjhay. Parang ayaw niya ni marinig man lang ang paghinga ng mga ito."Huy, anong problema mo? Bakit mo naman ginano'n sila Ma
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa

Chapter 20

She was stunned sa nakitang inabot ng nurse sa anak ng bagong asawa ng daddy niya. Ibig bang sabihin may posibilidad na buntis din si Mickey? Malamang!Pagagamitin ba iyon ng pregnancy test kung hindi buntis? At Mickey pala ang pangalan ng hitad! Hindi niya akalain na ka-school mate niya pala ito. Sabagay si Erika at Jannah lang naman ang kaibigan niyang babae sa school na ito. Kung hindi kasi inis sa kanya ay ilag namang mapalapit sa kanya ang ibang estudiyante dahil sa reputasyon niya bilang patapon."Would you be fine here? Magmemeryenda lang ako sa canteen," paalam ng nurse sa kanya.Nakangiti siyang tumango dito. Nang makalabas ang nurse ay agad siyang tumayo at sinilip ito sa pintuan kung nakalayo na ito, saka siya mabilis na lumapit sa lamesa nito at hinalungkat ang box na kinuhanan nito ng pregnancy test kanina. Agad naman niyang nakita iyon kaya kumuha siya ng isa.Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ito ang sagot sa mga tanong niya. Isinuksok niya sa bulsa ang pregnancy test
last updateHuling Na-update : 2025-03-27
Magbasa pa
PREV
12345
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status