Share

Chapter 18

Author: Raw Ra Quinn
last update Last Updated: 2025-03-27 15:19:57

Maaga siyang nagising dahil sa mga kaluskos sa loob ng kwarto niya. Bumangon siya at nakita niya ang dalagita na kasamang kumakain ng daddy niya sa komedor kagabi na may kinakalkal sa closet niya.

"Anong ginagawa mo dito?" galit na sita niya dito. Hindi siya nito nilingon at nagpatuloy lang sa pagkakalkal sa gamit niya. Galit na bumangon siya at nilapitan ito saka marahas na hinila niya ang braso nito. Nagulat naman siya ng bigla itong sumigaw at naglupasay. "Anong problema mo?!" inis na sigaw niya dito. Sumubsob ito sa mga kamay nito at humagulgol.

"What's happening here?!" dumagundong ang galit na boses ng daddy niya na nasa pintuan ng kwarto niya.

"Daddy!" Mabilis na tumayo ang hitad sa paanan niya at tumakbo papunta sa daddy niya at parang aping-api na humagulgol ng iyak.

Ano bang problema ng gaga na to? - Inis na bulong niya sa isip habang nakakunot ang noo na pinagmamasdan ito habang inaalo ng daddy niya.

"Ano yan lipas gutom?" nakataas ang kilay na tanong niya sa daddy niya. Ti
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 19

    Malakas siyang napadighay pagkatapos niyang maubos lahat ng inorder niyang pagkain. Pero feeling niya kulang pa yung kinain niya. Parang di siya nabusog."Ano busog ka na?" tanongi ni Gab.Nakangiti siyang tumango, kahit gusto niyang umiling. Gusto niyang humirit ng isa pang order ng spagetti."Tara na?" aya nito saka kinuha ang bag niya at ito na ang nagbuhat. Wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na rin at sumama dito.Nakasabay pa nila si Arjhay at Mateo sa hallway. Bigla ang pagkainis na naramdaman niya nang makita ang dalawa. "Ang papanget niyo!" inis na pagsusungit niya sa dalawa na nagulat sa biglaang pagtataray niya."Luh? Problema mo?" ani ni Mateo na nakasimangot."'Yang mga mukha niyo. Nakakaalibadbad!" aniya saka inirapan ang mga ito at nauna nang maglakad. Kumukulo ang dugo niya at hindi niya alam kung bakit inis na inis siya sa mukha ni Mateo at Arjhay. Parang ayaw niya ni marinig man lang ang paghinga ng mga ito."Huy, anong problema mo? Bakit mo naman ginano'n sila Ma

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 20

    She was stunned sa nakitang inabot ng nurse sa anak ng bagong asawa ng daddy niya. Ibig bang sabihin may posibilidad na buntis din si Mickey? Malamang!Pagagamitin ba iyon ng pregnancy test kung hindi buntis? At Mickey pala ang pangalan ng hitad! Hindi niya akalain na ka-school mate niya pala ito. Sabagay si Erika at Jannah lang naman ang kaibigan niyang babae sa school na ito. Kung hindi kasi inis sa kanya ay ilag namang mapalapit sa kanya ang ibang estudiyante dahil sa reputasyon niya bilang patapon."Would you be fine here? Magmemeryenda lang ako sa canteen," paalam ng nurse sa kanya.Nakangiti siyang tumango dito. Nang makalabas ang nurse ay agad siyang tumayo at sinilip ito sa pintuan kung nakalayo na ito, saka siya mabilis na lumapit sa lamesa nito at hinalungkat ang box na kinuhanan nito ng pregnancy test kanina. Agad naman niyang nakita iyon kaya kumuha siya ng isa.Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ito ang sagot sa mga tanong niya. Isinuksok niya sa bulsa ang pregnancy test

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 21

    Mahigpit na hawak-hawak ni Sabrina ang pregnancy test sa kamay niya, habang inaantay sa harap ng entrance ng school si Gabin. Balak niyang ayain itong mag-cutting. Gusto niya itong makausap tungkol sa problema nila, para kasing sasabog na siya sa dami ng mga dala-dala niyang problema. Gusto niyang mabawasan iyon kahit papaano. Gusto niyang may mapaghingahan ng lahat ng na sa loob niya.Halos wala nga siyang tulog kagabi, nakaupo lang siya sa kama habang nakatulala sa kawalan. Ang gulo-gulo ang isip niya. Gusto niyang umiyak sa lahat ng nangyayari pero walang luha na pumapatak sa mga mata niya, kaya naman mas lalo siyang nafu-frustrate.Napangiti siya nang matanawan si Gabin pero agad ding nawala ang ngiti niya ng makitang kasama ito ni Millet. Masayang nagkukuwentuhan ang dalawa. Tawa nnag tawa ang mga ito habang si Millet naman ay may pahampas-hampas pa sa balikat ni Gabin. Napasimangot siya. Gusto niyang sugudin ang mga ito pero nagpigil siya.Tumalikod na lang siya at pumasok na sa

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 22

    Napitigil si Erika sa paglalakad nang makita niya si Manolo at ang pinsan niyang si Sabrina na seryosong nag-uusap. May kirot siyang nadama sa puso niya lalo na ng masuyong ngitian ni Manolo si Sabrina at nang i-abot nito ang brownies na binigay niya dito kanina. Gano'n din ang nadarama niyang kirot kapag nahuhuli niyang nakatingin si Manolo kay Sabrina at no'ng makita niya ang mga ito na magkasabay na pumasok nung isang linggo. Selos na selos siya, pero mahal niya si Manolo at ang pinsan niya kaya kinimkim niya yung sakit. Nagbulag-bulagan siya at pilit na pinaniwala ang sarili na siya ang mahal ni Manolo. At ngayon, gusto niya ulit magbulagbulagan pero... pero ng yakapin ni Sabrina si Manolo at gumanti si Manolo ng yakap dito alam niya, talo siya.Agad na siyang tumalikod. Hindi niya kayang makita si Manolo at Sabrina sa ganoong tagpo. Parang pinipiga ang puso niya at naninikip ang lalamunan niya. Gusto niyang bumulalas ng iyak.Isang buwan. Sa loob ng isang buwan naging masaya nama

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 23

    HINDI niya gustong masaktan si Erika ng dahil sa kanya. Mas lalong hindi niya gustong magkagalit si Erika at Manolo. Pero nagkagulo ang mga ito ng dahil sa kanya.Hindi pa rin siya pinapansin ni Gabin. Nasasaktan siya pero tinitiis niya. Siguro tama na rin na ngayon pa lang lumayo na ang loob ni Gabin sa kanya. Idinistansiya niya na rin ang sarili sa mga kaibigan. Hindi na siya tumatabi sa mga ito kapag breaktime, Hindi na rin siya sumasabay sa mga ito pag-uwi. Miski si Manolo ay iniwasan niya na rin.Naging mag-isa na lang siya. Dumagdag pa na tumitindi ang morning sickness niya. Kagaya ngayon. Pakiramdam niya'y umiikot ang paligid niya kaya nakasubsob lang siya sa desk niya. Lumayo na rin siya ng upuan kina Gabin. Nakipagpalit siya sa classmate niya na nasa kabilang side ng room. Mas okay na 'yon kaysa mapansin nila Gabin ang sitwasyon niya.Sa ngayon wala pa siyang solidong plano. Pero buo na ang desisyon niya. Hindi niya hahayaang masira ang kinabukasan ni Gabin. Mas maganda ang f

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 24

    Five years later..."Oh Sab, Marilyn Monroe ka daw ngayon sabi ni Mamu!" sigaw ni Julie sa kanya pagpasok niya ng dressing room. Binato din nito sa kanya ang costume niya ngayong gabi. Isang white cocktail dress na halter-like bodice at may plunging neckline. Katulad na katulad iyon ng sinoot ni Marilyn Monroe sa pelikula nito. Friday kasi ngayon at maraming parokyano kapag ganitong araw sa bar na pinagtatrabahuhan niya.Tuwing byernes obligado silang mag-costume. Pakulo iyon ng bagong manager nila sa bar - panghatak daw ng mga costumer.Nagbihis na lang siya at nagsimulang magmake up. Nag-search muna siya sa cellphone niya ng picgure ni Manrilyn Monroe saka niya ginaya ang pagkaka-make up nito. Sa paglipas ng panahon napag-alaman niya na may talent pala siya sa pagma-make up. Kumuha siya ng cosmetology sa tesda at nakapagtrabaho sa mga saloon hanggang sa naging on call make up artist siya ng magsara ang salon na pinapasukan niya noon, kaya siya nag-apply dito sa bar.Napangiti siya n

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 25

    Gabino's POVHe did not know why the woman next to him was familiar to him. Or is he just delusional again? Ilang beses na ba siyang nalasing sa isang bar at nauuwi sa kandungan ng ibang babae, thinking that it's Sabrina he's with.Sabrina... Nasaan na kaya ito? Limang taon na ng basta na lang itong nawala.Dapat galit siya dito. Pero hindi niya magawa, gusto niyang magalit pero mas lamang ang kagustuhang makita niya ito. He needs closure. He deserves it.Nag-init ang sulok ng mata niya. At para itago iyon, isinubsob niya ang mukha sa leeg ng babaeng katabi niya. Even her scent smell like Sabrina. The warmth of her body... Mas lalo niya itong hinila papalapit sa kanya. Hinayaan niya ang sarili na isiping si Sabrina ang yakap-yakap niya.Natigilan siya ng maramdaman ang palad ng babae na humahaplos sa buhok niya."Sab...""Hmmm?""Can I... can I call you Sab?" aniya dito. 'Wag sana itong magalit dahil ayaw niya pa itong malayo sa kanya. Gusto niya ang familiarity na hatid nito. Somehow

    Last Updated : 2025-03-27
  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 26

    Sabrina's POVMasakit ang buong katawan niya pero masaya siya nang magising.Agad niyang hinanap si Gabin ng magising siya. Tumayo siya kipkip ang kumot para i-check sa banyo kung nandoon si Gabin. Pero wala ang binata.Hanggang sa nakita niya ang perang na sa ibabaw ng kama. Nilapitan niya iyon. Napaupo siya sa tabi ng mga pera.Bayad. Para sa bayarang katulad niya. Napaiyak siya. Akala niya makakausap niya si Gabin ngayon. Balak niya na sanang magpakilala dahil for sure naman makikilala at makikilala siya nito kapag nawala ang kalasingan nito. Pero mukhang wala itong pakialam sa isang katulad niya. Isang waitress sa bar na nagpapa-table sa mga costumer.Umiyak siya nang umiyak hanggang sa makontento siya. Saka siya nag-ayos ng sarili. Naligo siya at nagbihis. Bumaba siya sa dressing room nila at kinuha ang mga damit niya at isinuot muli."Uy, Sab. Nagpa-take out ka kay pogi ka gabi?" tudyo ni Sasha - isa sa mga katrabaho niya at nakasama niya kagabi sa VIP room.Hindi niya ito pinan

    Last Updated : 2025-03-27

Latest chapter

  • The Crazy Tease (tagalog)    Final Chapter

    Sabrina's POV"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito."Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.Maluha-luha siy

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 43

    Gabino's POVNagising siya sa marahang haplos sa noo niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakita niya si Sabrina na nakatunghay sa kanya."Sab..."Hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Ilang araw na rin kasi siyang hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa sitwasyon nila ni Sabrina."Puwede na ba tayong mag-usap?" malambing ang boses ni Sabrina. Nakangiti din ang mga mata nito.Tumango siya at bumangon. Bumuntong hininga naman si Sabrina at nagsimulang magsalita."Sorry... Dahil iniwan kita no'n ng hindi man lang pinapaalam sa'yo na magkaka-anak na tayo. Magulo ang buhay ko no'n. Umalis si Mommy at Kuya, nagdala ng babae si Daddy sa bahay. Pakiramdam ko hindi na ako parte ng kahit kaninong pamilya. I don't see any future for me that time. I feel lost. Then I found out that the girl my father brings home is my real mother."Napatingin siya kay Sab. Malungkot ang mga mata nito. Ngayon niya lang nalaman na ang bagong asawa ng Daddy nito ang tunay nitong ina."Hindi ako nagdadahilan kaya

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 42

    Gabino's POVAraw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Vil

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 41

    Sabrina's POVParang bumalik sila ten years ago. Naging maasikaso na uli si Gabino sa kanya. Bawat galaw at bawat kibot niya naka-alalay ito. Para siyang babasagin kung ituring nito.Masaya siya na bumabalik na uli sila sa dati. Bumalik na ang Gabino na minahal niya.Agad siyang napangiti nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan niya. Ngayon na ang discharge niya. Ngumiti rin ito sa kanya saka iwinagayway ang mga papel na hawak nito."Uwi na tayo," anito saka nilapitan siya.Agad na niyakap niya ito. Gustong-gusto niya kapag niyayakap niya ito at nararamdaman ang init nito. Gumanti ito ng yakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya."Tara na?" anito ng humiwalay sa kanya.Tiningala niya ito at hinaplos ang pisngi. "I love you, Gab," aniya saka inabot ang labi nito at pinatakan ng halik.Pumikit ito at idinikit ang noo sa noo niya, saglit silang na sa ganoong puwesto hanggang umayos ito ng tayo. Muli nitong hinalikan ang ulo niya saka tumalikod para kuhanin ang wheelchair na nasa

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 40

    Sabrina's POVPumasok siya sa masters bedroom pero wala doon si Gabin. Nilapitan niya ang anak na mahimbing na natutulog sa kama. Niyakap niya ito at tahimik na napaiyak.Mali ba siya nang magdesisyon siyang umalis noon? Ang iniisip niya lang naman noon ay ang kapakanan ni Gab pero... Ano nga kaya kung nanatili siya? Anong naging buhay nila Gabin? Siguro'y mas masaya kahit mahirap.Halos manikip na ang dibdib niya sa kakaiyak ng biglang kumirot ang puson niya. Napahawak siya doon dahil namilipit na siya sa sakit, napahigpit tuloy ang yakap niya sa anak kaya ito nagising."Aahhh..." ungol niya dahil mas lalong tumindi ang sakit."Nay... Bakit po?" tanong ni Leticia na nakaupo na sa tabi niya at hinihimas ang buhok niya. "Nay?" kita niya ang takot sa mata ng anak sa nakikitang paghihirap niya.Naramdaman niya ang mainit na likidong gumagapang sa hita niya. Hinawakan niya iyon at halos mawalan siya ng kulay ng makitang dugo ang na sa hita niya."Sugat ka, Nay?" ani ni Leticia saka nag-um

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 39

    Sabrina's POVHalos araw-araw kasabay ni Gab umuuwi si Maria sa bahay. Laging nag-uusap ang mga ito sa opisina ni Gabin sa ibaba pagkatapos ay sasabay maghapunan sa kanila si Maria bago ihatid ni Gabin.Hindi niya itinago ang inis sa pinsan niya. Harap-harapan kasi nitong nilalandi si Gab at parang okay lang iyon kay Gabin. Nakakapanggigil! Pati mga bituka niya nanggigil sa pinsan niya.Madalas pa siyang ngisihan ni Maria na mas lalong kinaiinis niya. Katulad na lang ngayon na sa kusina siya habang umiinom ng kape. Lihim niyang binabantayan ang dalawa. Ngayon lang kasi inabot ng gabi ang mga iyon na nag-uusap. Na sa taas na ang mga anak niya at tulog na. Hinihintay niya na lang matapos mag-usap ang dalawa dahil gusto niyang makipaglinawan kay Gabin. Hindi uubra na harap-harapan siya nitong binabalewala lalo na sa harap ng pinsan niyang mahadera."Gusto ko ng kape," anito sa kanya. Nag-uutos at hindi nakikiusap."Di magkape ka," inis na aniya kay Maria.Ipinaikot nito ang mga mata sa k

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 38

    Sabrina's POVAkala niya okay na sila ni Gab pagkatapos nang namagitan sa kanila, pero balik na naman uli ito sa dati. Kibuin-dili siya. Doon na sila natutulog ni Leticia sa masters bedroom pero hindi na uli siya hinawakan ni Gab. Minsan gabing-gabi na ito umuuwi at napaka-aga kung umalis. Kpag naman na sa bahay ito laging kasama ang mga anak nila. Parang gusto niya tuloy mainggit sa mga anak.Katulad na lang ngayon na sa kusina ang mag-aama niya habang tinutulungan si Gab na magluto ng pananghalian nila. Samantalang siya nandito sa sala at nanonood ng talk show sa korean channel kahit di naman niya maintindihan ang mga sinasabi. Hindi niya rin binabasa ang subtitle basta nakatunganga lang siya sa T.V.gusto niya sanang makisali sa mag-aama kaya lang out of place naman siya. Naiinis na siya sa mga anak dahil parang kinalimutan na siya ng mga ito. Dati naman parang Hindi mabubuhay ang mga ito ng wala siya pero ngayon ni hindi na ata siya naaalala.Mga balimbing! - Maktol niya. Tamad na

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 37

    Sabrina's POVKaya pala parang hindi sure si Gabin kung Mommy niya nga ba o hindi ang na sa ibaba dahil si Tita Clarice ang kasama ng Daddy niya. Ang biological mother niya.Mabilis itong napatayo nang makita silang pababa ng hagdan at sinalubong ng yakap. Gumanti rin siya ng yakap dito. Matagal naman na niyang natanggap na ito ang tunay niyang ina. Base na rin sa kwento ni Mickey, sapilitan daw siyang kinuha ng Lolo Damian niya dito. Siya ang nakuha dahil siya ang hawak noon ni Tita Clarice. Hindi raw alam ng Lolo niya na kambal sila ni Mickey. Nagdamdam siya sa Lolo niya. Lalo na nang malaman kung ano-ano ang mga kinailangan ni Tita Clarice para lang mahanap siya. Napabayaan nito si Mickey. Siya ang nawala pero parang si Mickey ang nawalan. Nawalan si Mickey ng kapatid at Ina."S-Si Mickey?" umiiyak na tanong nito. "Hindi ba siya uuwi?""Susunod sila ni Jude," aniya."Ang mga apo ko kasama ba?" Kita niya ang pananabik nito kay Mickey.Napatingin siya sa Daddy niya na nakamasid lang

  • The Crazy Tease (tagalog)    Chapter 36

    Sabrina's POVBumiyahe sila pabalik sa San Ignacio kinabukasan. May bahagi niya na masaya at excited, may bahagi din na malungkot at kinakabahan at the same time.Masaya siya dahil sa wakas may chance na mabuo ang pamilya nila. Inalok siya ng kasal kahit galit sa kanya si Gab. Okay na siya do'n. Sapat na 'yon. Beggars cannot be chooser.Kaya lang malungkot dahil ang lapit ni Gab pero parang ang layo. Nakikita pero di mahawakan. Nakangiti pero hindi para sa kanya.Nakakapanibago.At wala siyang choice kundi magtiis at magpakumbaba dahil siya naman ang may kasalanan. Siya ang nagtago at lumayo e. Siya yung natakot humarap sa problema, sabi nga ni Gab.Pero duwag nga ba siya? Gusto niya lang namang mapabuti ito. Minahal niya lang ito ng sobra. Masama ba yung ginawa niya?Siguro nga masama, kasi nagalit si Gab e. Nanumnumbat, nagtatampo, hindi nang-iimik. Ayaw niya no'n. Kaya gagawa siya ng paraan para mapalapit uli ito sa kanya. Kasehodang maghubad siya sa harapan nito suot at ang bagong

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status