100 kilos! Mabigat na raw iyon. Panghandaan na. Baboy! Pero huwag ka, 38-32-40. sexy at maganda ang kurba. Malaman lang ako pero hindi ako baboy gaya ng sinasabi ng iba riyan na inggit sa ganda ko.I am Pretty Diozza Gonzales. Call me Diozza , para diyosang-diyosa. Sabi kasi ng nanay ko na si Beauty Queen Gonzales, ako raw ang pinakamagandang sanggol noong ipinanganak ako. O, di ba! Iba rin ang nanay ko. Ang galing manghula, siyempre kanino ba naman ako magmamana, e di sa kanya.Heto ako ngayon lumalamon habang nagmu-movie marathon sa theatre room sa bahay. Nakaharap ako sa malaking screen, nakataas ang isang paa habang nilalantakan ang grilled chicken na pinaluto ko kanina. Hindi kasi ako sinipot ng mga lukaret kong friends, kaya heto mag-isa akong kumakain sa pinahanda ko para sana sa kanila.For sure, naghahanap na naman sila ng papa. Papa-tayin ko dahil hindi sila worth para pag-aksayahan ko ng oras. Ang mga lalaking iyon ay pera-pera lang naman. Ang galing pang mamintas. Buti sana
Magbasa pa