Share

Chapter 2

Author: jhowrites12
last update Huling Na-update: 2020-10-03 01:41:53

Well yeah! Last semester for school year at gra-graduate na ako ng College!

I'm with the gang.

On my left is Martha. Pero sa totoong buhay siya si Mart, gay siya. Siya yung kaibigan kong matalino pero nasobrahan sa diet, mayaman naman pero parang walang kinakain. Napakapayat kasi. Sa tabi niya si Eula, sexy at sobrang hot. Pero isa siyang shrimp. Tapon ulo. Kahit sa studies tapon ulo rin. Mayaman lang ito kaya nakakapasa. Alam 'nyo na 'yun.

On my right is Mahinhin.

Mahinhin talaga pangalan niya, pero kabaliktaran ang ugali niya.

Mahinhindutin at kung sino-sino ang nagiging boyfriend.

Para lang siyang nagpapalit ng panty 'pag nagpapalit ng boyfie.

Well don't get me wrong huh! Sigurado kasi ako na kapag kuwento na nila ganito rin nila ako i-describe. Nauna lang ang kuwento ko... put my evil laugh on the background!

At ako, ang Diyosa sa kanilang lahat!

I'm confident na naglalakad sa gitna ng corridor kasama ang aking mga barkada nang biglang may bumangga sa akin.

"Hoy taba, huwag mo sarilinin 'tong corridor. Magdiet ka nga, sinarili mo na tong daanan e. Baka di ka na kumasya sa pinto!" Panunuya ng isang lalaki sa akin, isa siya sa mga bully sa school. Nakangisi pa, labas na labas tuloy ang nagyeyellow nitong ngipin.

Pwede na sana ibenta kaya lang baka walang bibili, parang imburnal kasi ang amoy. Gold nga amoy putik kalye naman.

Nagtawanan ang mga nakarinig.

Taas noo pa rin akong nagpatuloy sa paglalakad.

Wala akong narinig at nakita!

"Tang-ina ang lakas ng apog a!" Muling pang-aasar nito sa akin.

Taas kilay, mataray na irap at isang middle finger.For you Mr. Bully.

Ito naman ang tinawanan ng mga nakapaligid.

"Ano?" Mataray na tanong ni Martha rito. Mas mataas pa sa taas ng kilay ko kanina ang kilay niya. Isa pa, natuto na kaming lumaban sa pambubully ng iba. Lalo na kung wala naman kaming ginagawang masama.

Kami na sanay na sa pang-aasar nila. Wa na kami pakels.

Pumasok kami sa aming klase. Nagtungo kami sa aming spot which is sa likod. I'm munching my chitchiria while waiting for our professor.

Busying-busy ako at tutok na tutok sa kinakain.

"Ay pogi!" Sigaw ni Martha na halos ikabingi ko.

Makasigaw wagas!

Eh di lingon ako sa pogi.

Oh no!My earth is slowly revolving!

SUPER DUPER SLOW MOTION!

Habang si pogi lingon-lingon naghahanap ng chair.

"My Adonis,"sigaw ko sabay tayo at tumakbo in slow motion para salubungin siya.

Malapit na ako sa kanya at payakap na nang bigla siyang lumihis.

Pakipot si koya eh...

Tawanan mga kaklase ko.

"Ano'ng ginagawa ko rito?" Ika ko habang maarteng palinga-linga. Nilagay ko pa ang kamay sa aking noo.

Ang tangabels lang ng tanong ko.

Hindi niya ako pinansin. Lumapit siya sa bakanteng mauupuan.Sinundan ko siya.

"Lumipat ka rito?" As in ang tanga talaga ng tanong ko..

Hindi ba obvious? Tsk!

Nakaupo na siya at ako ay nanatiling nakatayo sa harap niya kaya tiningala niya ako.

"Sit down!" Seryoso niyang utos.

Napangisi ako. Sit down lang pala e.

Akma akong kakalong sa kanya nang sumigaw si Kalbo...ay Este Mr Albo.

"Ms. Gonzales!"

At itong si pogi, huli kong napangiti.

Masaya akong umupo kahit napahiya.

At least napangiti ko si pogi.

Dati boring yung mga subject. Now super duper exciting. May pogi ba naman sa harap ko.

Kaya lang lagi akong natatawag ng mga guro namin.

Concentrate daw! E nakaconcentrate naman ako a.

Concentrate kay pogi!

Habang naghihintay sa susunod na professor namin, tinext ko si Cresh.

"Lucrazy, bakit nandito si Adonis ko?"

Nagreply naman siya agad.

"Istorbo ka Pet!...tanungin mo kaya",

Ay ang sungit ni ate...

Imbes na tigilan siya, lalo ko nalang ininis.

"Nakainom ka ba ng gamot mo? Parang wala ka sa ayos a!"text back ko at muling binaba ang cellphone. Baka mahuli ako ni Mr. Kalbo...oopss erase the K please.

"Tse,tigilan mo ako. Istorbo ka kasi!" Reply back niya.

"Bakit? May kababalaghan ka bang ginagawa na naudlot?"

Napahagikgik ako ng malakas sa tinext ko.Kaya siniko ako ni Mahinhin.

Nilagay ko sa bag ko yung cp ko dahil hindi na nagreply si Cresh. Itinuloy na ata niya yung kababalaghan..

Nang mapadako ang tingin ko kay pogi.Nginitian ko siya at kinindatan. Nahuli ko kasi siyang nakatingin.

Yay! Kinikilig ako mga besh. Yung parang naiihi sa kilig.

Wait, naihi yata ako ah,basa ata..

Ayan kasi pantasya pa! Hahahhaha.

Break time magkakasabay kaming kumain sa canteen. Nagpalinga-linga ako para hanapin si Adonis. Bigla kasi itong nawala kanina. Aayain ko pa naman, libre ko sana siya. Kasi nga di ba, The way to a man's heart is through his stomach. Kaya nga ililibre ko, bubusugin ko ng pagkain. Yung ngunguyain ko na lang, ibibigay ko na lang para sa kanya. Mga ganoong eksena mga bhe!

"Paano mo nakilala si pogi ?"Malanding tanong ni Mahinhin. Nagtwitwinkle pa ang mga mata.

Naningkit ang aking mga mata. Gusto ko siyang bigyan din ng star na makikita sa ulo.

"Akin siya ah! Grrrr!" sabi ko.

Napataas ang dalawang kamay niya.

"Hindi ko siya aagawin, okay? natanong lang e!" Mataray niyang sagot sa akin. With matching taas kilay to me.

Nagtawanan ang tatlo.

"Hinay-hinay kasi sa paglalandi,baka lapain ka ng aso!" sabi ni Mart sabay tawa din ng malandi. May papitik pa ng daliri.

Si Eula na hindi yata na gets ang joke ay nagtatakang lumingon sa amin habang kumakain.

"Sinong lalapa? " tanong niya kaya ininguso ako ni Martha."Bakit siya lalapa, Hindi naman siya aso. Baboy kaya siya!"

Binatukan ko si Eula.

Lalong humagalpak sa tawa si Martha at Mahinhin. Nag apir pa silang dalawa.

Mga walang hiya tong mga barkada kong ito e.

Okay, makapunta na nga lamang sa washroom.Nagpaalam ako sa kanila. May tatlumpot minuto pa naman kami bago ang klase.

Bago pa man ako makapasok sa washroom ay may narinig akong tila nag aaway.

Nasa dulo kasi ang washroom at may corridor na medyo tago na papunta naman sa gym.Wala naman akong pakialam, pero na curious ako kaya ako sumilip.

To my surprise! Yes nanlaki talaga ang mga mata ko.

Nakita ko kasi si Adonis kasama ang isang magandang babae. Yes, super ganda nung babae, maliit ang mukha nito,parang Kathryn Bernardo na pinaputi. Seksi at medyo may kaliitan. Hanggang sa baba lamang ito ni Adonis.

"Talk to me Crystal, please," Pagmamakaawa nito sa babae. Siguro iyon ang ex na sinasabi ni Cresh.

"Ayoko na nga! Please layuan mo na ako. Baka makita pa tayo ng iba dito."

Napatiim bagang si Adonis at halatang nagtitimpi ng galit. Mga besh yung mata niya parang nagbabaga. Mas ako ang kinakabahan sa galit niya. Nanindig tuloy ang balahibo ko sa buong katawan.

"Anong meron siya na wala ako ha? Pera? Alam mo naman kung ano ang sitwasyon ko. Hindi mo ako puwedeng pilitin sa ayaw ko. Magtatrabaho na lang okay, doble kayod para maibigay ko ang kapritso mo."

Isang sampal sa pisngi ni Adonis ang pinakawalan noong babae.

"Wala ka na ngang masyadong time sa akin, magtatrabaho ka pa. 'Di mas lalong wala ka ng time! And look Adonis. Ikaw at ako magkaiba. Maybe, We really are not meant to be!" Garalgal ang boses ng babae. Parang maiiyak na rin yata.

Napapaluha ako habang pinapanood ang eksena. Napayuko si Adonis at parang naiiyak. Nakakuyom ang kamao nito na parang gustong manuntok.

Mahal na Mahal niya talaga ang kanyang ex. Swerte naman nung girl...sana ako na lang!

"Pagsisisihan mong ipinagpalit mo ako Crystal. I swear, ikaw ang maghahabol sa akin sa bandang huli. And when it happens, papahirapan din kita kahit pa mahal na mahal kita!"

Dali-dali akong kumaripas ng takbo papuntang washroom. Papalapit kasi ang nagwalk out na si Adonis.

Ewan ko kung nakita niya ako. Ang hirap kasi tumakbo...

Sa bigat ba naman kasi ng sapatos ko...

Tulala akong bumalik sa aking barkada. As in lutang ang isip ko.

Kaya hindi ko namalayan na makabangga ko ang isang babae.

Sa liit ng katawan niya ay tumilansik ito.

"Aray!" Napasalampak siya sa sahig.

"Hey, pwede ba tumingin ka sa daan. Sa laki ng katawan mo makakadisgrasya ka niyan eh" Sigaw ng isang baritonong boses na nagpabalik sa diwa ko.

Gulat akong tumingin sa babaeng ngayon ay inaalalayan na ng isang gwapong lalaki. Mestizo ito at matangkad.

Nagkatinginan kami sa mata ng babae.

Halos hindi ako makatagal ng tingin.

Siya yung babaeng kausap kanina ni Adonis.At sino itong kasama niya?

"Sorry miss, Hindi ko sinasadya."paumanhin ko.

"It's Okay, okay lang naman ako," nginitian niya ako.

"Anong okay? Look at you, sorry is not enough piggy!"

Nagpanting ang teynga ko. Guwapo nga, basura naman ang bunganga nito. Sayang ang mala Dingdong Dantes nitong kagwapuhan!

Pagtatanggol ko sana ang aking sarili pero biglang naumid ang aking dila ng mamataan kong palapit na rin si Adonis. Siyempre, pagtatanggol niya ang maganda niyang ex jowa.

Pagkakaisahan ako dahil na injure ko tata yung babaeng mahal nila.

"Anong nangyari?"

Feel ko ang init ng tension. Para akong magiging lechon sa titigan ng dalawang manoy.

"Kamuntikan nang mabalian itong girlfriend ko because of this fatty ugly woman!"

Tinaasan ko siya ng kilay. Namumuro na ito sa akin ah. Susugurin ko na talaga ang barumbadong syokoy na ito ngunit may pumigil sa akin.

"Muntik lang naman pala, Hindi naman siya na ano, so anong ipinagpuputok ng butse mo?"

It was Adonis who held me back.

Kinikilig akong sinulyapan ang kanyang mga kamay na hawak ang aking braso. Pero yung kilig eh napalitan ng di ko maintindihan na feeling, lalo na noong makita ko ang gesture ng mga mata ni Crystal.

Nakatingin siya sa kamay na nakahawak sa akin.

"Let's go Bryan, Hindi naman ako nasaktan, kaya tara nalang," Hinila nito ang siguro'y boyfriend niya para makalayo na sa amin.

Pagkaalis nila ay binitawan ako bigla ni Adonis

"Next time, huwag kang maglakad ng lutang... makadisgrasya ka pa!" He said as he walks out too.

Napalabi na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin.

Nagkibit balikat ang mga kaibigan kong nasa malapit lang pala.

Nilapitan nila ako at kinamusta. Inaya ko na lamang silang umalis doon at pumasok na sa susunod na klase.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Che Acala Paragas
mga taong mapanghusga at mapanglait
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Confidently Beautiful    Chapter 3

    Wala akong pakialam sa pangungutya ng iba sa akin. O kaya ang pag-usapan ako harapan man o sa aking likuran.Pero I'm so down sa pagkakataong ito.Masyado akong apektado sa pangyayari kanina na halos hindi ko maubos-ubos ang aking pagkain."Naku Anak, okay ka lang ba? May sakit ka ba?" tanong ni mama na imbes magmukhang nag-aalala ay parang natutuwa pa.Napailing na lang ako."Wala Ma, wala lang po talaga akong gana," matamlay kong sagot. Ibinaba ko ang kutsara't tinidor."Tsk, okay na rin yan. Pangatlong sandok mo naman na iyan. Okay lang kahit hindi limang pinggan ng pagkain ang kainin mo para kahit papaano anak madiet ka naman." Suhestiyon ni mama na ikinainis ko."Ma!" Saway ko sa kanya."Anak iniisip ko lang ang kalagayan mo. Hindi na normal ang size mo. Okay sana kahit kumain ka nang kumain basta healthy at nag-eexercise ka!

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • Confidently Beautiful    Chapter 4

    Buti nalang at Friday nangyari ang kagagahan ko. May weekends pa ako para mag-isip ng alibi o paano lusutan ang problemang pinasok ko.Pero Lunes na wala pa rin akong maisip na solusyon. Naisip kong huwag pumasok, pero hanggang kailan naman ako magtatago?Parang weird lahat ng estudyanteng makasalubong ko.Nakatingin silang lahat sa akin. Halos lahat tumatawa o kaya ay napapailing. Yung corridor papuntang classroom ko parang ang haba-haba. Kanina pa ako naglalakad pero bakit hindi ko marating-rating.Taas noo pa rin akong naglakad kahit na nangangatog ang tuhod ko.Ang lakas din nang kabog ng dibdib ko dahil alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon makatingin sa akin ang lahat."Diozza!" lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa dagundong na boses ni Adonis. Ayaw kong lumingon sa aking likod kaya tumakbo ako.Tumakbo ako pero bakit 'yung mga hakbang mas lalo

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • Confidently Beautiful    Chapter 5

    "Kaya mong sumakay?" Tanong sa akin ni Adonis. Nasa harap kami ng isang motor. Luma na ito pero halatang alaga."Hindi kaya ma-flat iyan kapag sumakay ako?" Tanong ko. Hindi dahil mataba ako mga besh ha! Siyempre ang lola ninyo first time sumakay ng motor. Tapos 'yung gulong ng motor niya, ang papayat. Nainggit tuloy ako sa gulong.Tinaasan ko siya ng kilay nang bigla itong humagalpak ng tawa."Hindi," he said as he still laughing hard. Ginawa na akong katatawanan ng gago."Sakay na. Ihahatid na kita."Alangan pa rin muli kong sinipat ang motor."Nandidiri ka ba? Sanay ka kasi sa kotse eh!" biglang naging seryoso ang lalaking ito! Mukhang nagtatampo."Hindi ako nandidiri! Eto nga sasakay na. Siguruhin mo lang na maiuuwi mo ako. Baka 'di pa tayo nakakalayo, pumutok na ang gulong mo!" pagalit kong sabi bago sumakay. Lu

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • Confidently Beautiful    Chapter 6

    Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa school. Wala nang nambubully sa amin. Paano naman kasi, para naming bodyguard si Adonis dahil sa lahat ng lakad ng barkada nandoon siya.Ipinagtataka ko lang na ilag sa kanya ang mga lalaking estudyante. Kahit ang mga bully noon at sanggano, parang ilag sa kanya. Maliban na lang kila Bryan na sa tuwina ay pinagkakatuwaan ang grupo namin, kaya nga iwas kami sa kanila.Kahit bagong lipat lang si Adonis ay naging kilala siya agad sa school. And I'm part of it kasi nga GIRLFRIEND niya ang diyosang tulad ko."Si Adonis?" tanong ko kila Martha. Paupo dala ang pagkaing inorder. Gutom na gutom ako kaya hindi ko siya napansin. Iyong kakainin ko kasi ang inuna ko. Mahirap na baka mangayayat ako. Sayang naman ang inipon kong taba ng labing siyam na taon kung pababayaan ko lang."Hindi ba nagpaalam sa iyo?" tanong ni Mahinhin na hanggang ngayon ay duda sa relasyon namin ni Adonis.

    Huling Na-update : 2020-10-03
  • Confidently Beautiful    Chapter 7

    Kahit kailan ay hindi nagbago si Adonis.Maglilimang buwan na kaming nagprepretend pero hindi ko siya nakitaan ng anumang pagbabago. 'Yun lang naging busy ito sa pagtatrabaho. Kaya minsan ay walang oras sa akin. Pero naiintindihan ko siya. Minsan gusto ko na nga bigyan ng pera dahil naaawa ako.Pero as a man's pride, ayaw kong tapakan iyon. Ang tanging nagagawa ko na lamang ay ang ipagluto siya ng pagkain at dalhin sa boarding house niya.O 'di ba, asawang-asawa ang peg ng jowang Diozza niya. Napapangiti nga ako kapag naiisip kong tumagal kami ng ganito at tatagal pa siguro habang hindi narerealize ni Crystal ang kahalagahan ni Adonis.Thinking of it, parang ayaw kong dumating ang araw na iyon. Ngayon pa nga lamang may kirot na sa puso ko. Ano pa kaya kapag nagkatotoo.Minsan natutulala ako habang kinukwestiyon ang sarili ko kung bakit hinahayaan ko ang sarili kong mahulog ng husto but, can I question

    Huling Na-update : 2020-10-04
  • Confidently Beautiful    Chapter 8

    Naghalf day lang ako sa school at umuwi nang hindi nagpapaalam.Ayaw kong makita ako nila Martha lalo na si Adonis na mugto ang aking mga mata. It sucks! Kahit ano pa lang tatag ko, hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak.Walang humpay ang text at tawag sa akin lalo na si Adonis. Binagsak ko ang aking katawan sa kama. I close my eyes when my cellphone start to ring again.Nagdalawang-isip akong sagutin iyon.Si Adonis kasi ang tumatawag.Pero kung 'di ko sagutin baka akala niya iniiwasan ko siya."Hello." pilit kong pinasaya ang boses ko."Where are you? You cut class? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong. Nahihimigan ko ng pag-alala ang kanyang boses na lalong nagpakirot sa puso ko."I'm okay. Umuwi na ako. Masakit lang ang ulo ko,"sagot ko sa kanya. Muling tumulo ang luha."Sinabihan mo sana ako para naihatid kita. Nag-aalala kami dito. You didn't come back at 'di ka

    Huling Na-update : 2020-10-04
  • Confidently Beautiful    Chpater 9

    Near to our so called Five monthsarry marami kaming pinagtatalunan ni Adonis. Isa na roon ang pananamit ko na dati naman nang ganoon.Sobra siyang iritado kapag nakadress ako. Kaya kahit mainit ay lagi itong may dalang jacket para gamiting pantakip sa katawan ko kapag hindi ko siya pinapansin.Last tampuhan namin sabi niya kumot na raw ang dadalhin niya next time para ibalabal sa akin ng buo.Pero ang pinakamatindi naming away ay noong makita ko silang nag-uusap ni Crystal. I dont want to be jealous, I dont want to feel it, ilang beses ko nang pinapaalalahanan ang sarili ko na huwag! Still I'm fucking jealous!Iniwanan ko si Adonis nang hindi nagpapaalam. Hindi naman ako umuwi agad. Nagpagala-gala lang ako sa mall. I know I become bad influence na sa inyo mga beh, lagi na lang akong absent o kaya nagka-cut ng class. Sorry, I just really need distraction. Para makalimot kahit papaano. Rarampa na lang ako sa mall.Nagtaga

    Huling Na-update : 2020-10-04
  • Confidently Beautiful    Chapter 10

    As days goes by, laging nag-uusap si Adonis at Crystal. Pinigilan ko ang aking sarili na magreact at magselos. Kahit deep inside ay talagang masakit na masakit."Bruha, is Adonis cheating on you?" tanong ni Mahinhin na nakataas ang isang kilay at mataray ang hilatsa ng mukha."Hindi kayang gawin iyan ni papa Adonis a!" asik ni Eula na number one tagapagtanggol ni Adonis.Umiling ako."Loyal si Adonis sa akin,"sagot ko sa nag-aalalang kaibigan. Ano pa nga ba ang dapat kong sabihin."O, eh bakit sila magka-usap na naman ng ex niya!" Mataray na saad ni Martha.Nagkumpulan kaming apat sa likod. May thesis na pinapagawa ang teacher namin, kami ang magkakagrupo as usual.Pero imbes na thesis, chismis ang inatupag namin."They are catching up as a good friends. Matagal ang pinagsamahan nila!" I sound being tanga and martir habang nagpapaliwanag.Tinaasan ako n

    Huling Na-update : 2020-10-04

Pinakabagong kabanata

  • Confidently Beautiful    Chapter 37 End

    It's been three months simula noong tinakbuhan ko ang lahat at nagtago. Mag-aapat na buwan na rin ang tiyan ko at medyo halata na ang umbok nito. Dahil nga mataba ako, ang nakaraang buwan ay para lamang baby fat iyon.Nasa parke ako ngayon at nagpapahangin. Malamig ang hangin dahil tagsibol dito ngayon sa Canada, kung saan ako napadpad. Nakapamasyal na kami dito noon ni mama, sa kanyang kapatid. Noong nagpaalam ako kay mama at papa ay agad nila akong pinayagan. Walang tanong-tanong. Binigyan ako ng pera at umalis ako na hindi sinasabi kung saan ako tutungo. I always contact them at sinasabing okay lang ako. Naki-usap ako sa kapatid ni mama na huwag sabihing naroon ako.Kaya lamang ay alam na nila na buntis ako. Kaya halos walang araw-araw akong kinukumbinsi bi maa na umuwi na. Paano nila nalaman? Iyon daw ay noong sumugod si Adonis makaraan ng isang linggo na pagkakawala ko. Sinabi ni Joseph sa kanya ang kalagayan ko.Akala ko pagtatakpan ni Joseph iyon, a

  • Confidently Beautiful    Chapter 36

    "I'm sorry, baby."Hindi ko alam kung para saan ang sorry na iyon. Hindi ko na alam kung ano ang inihingi niya ng sorry, o ayaw ko lang talaga alamin dahil alam kong masasaktan ako. Pero ayaw ko na talagang tumakbo. Kailangan ko harapin kung ano man ang nasa isipan ko.Humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita."Kaya ba pinahihintay mo ako noon dahil sa kondisiyon ni Crystal?" gumaralgal ang boses ko dahil naiiyak na naman ako.Lumapit pa siya sa akin. Pagkatapos ay niyakap niya ako. Ang aking pisngi ay nakasubsob sa kanyang dibdib. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso."I'm sorry dahil nasaktan na naman kita. Wala na akong ginawa kundi ang paiyakin ka," napapaos niyang saad habang hinahalikan ang aking ulo. "I told you to wait kasi gusto kong maging maayos muna ang lahat. Para hindi ka masaktan at para na rin hindi masaktan si Crystal. But then, I was a

  • Confidently Beautiful    Chapter 35

    Naglakad ako palayo. Pilit nagpapakatatag at pinipilit na huwag maiyak at huwag lumuha. Pero hindi ko iyon napigilan lalo na dahil wala man lamang Adonis na pumipigil sa akin. Hindi man lamang niya ako hinabol.Naririnig ko si Eula na sinasabihan si Adonis na habulin ako pero wala, hindi niya ginawa.Masakit! Napakapit ako sa aking dibdib dahil sa sobrang sakit. Napatigil ako sa paglalakad nang alam kong medyo malayo na ako sa kanila. Napakapit ako sa pader. Doon na lumabas ang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.Hindi ako makahinga, ang sikip ng dibdib ko, lalo na noong maalala ko ang itsura ni Adonis nang makita ako. At ang imahe ng singsing na suot ni Crystal.Oo, bago ako tumalikod ay napukaw ng pansin ko ang daliri nitong mahigpit na nakakapit sa braso ni Adonis.I'm about to collapse nang may biglang umalalay sa akin. Napatingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang abong mga mata ng pinsan ni Adonis. Doon na tuluyang nagdilim an

  • Confidently Beautiful    Chapter 34

    On the job training is coming. From March to May ang training namin then ga-graduate na kami. Business Administration ang kurso namin dahil wala lang, trip lang naming mangbabarkada!Charotera! balak talaga naming magtayo ng restaurant na magca-cater ng healthy eating, healthy living. You know naman, sa side namin ni Mart na payatot at ako na Diozzang sexy fat mama!Sa loob ng restuarant ay may part naman na beauty products, peg naman iyon ni Mahinhin at sa taas naman ay Gym na peg ni Eula, kaya alam n'yo na kung bakit siya sexy!Sana lang talaga makagraduate kami, kasi naman panay absent ang inatupag namin sa nakaraang buwan.Katatapos lamang naming magfill-up ng mga forms for applying. Iniwan ako ng barkada dahil may mga lakad. As usual magkasama na naman si Mahinhin at Mart. Si Eula, kasama ni Bryan na mukhang may something din sa buhay.Inamin sa akin ni Bryan na ginamit niya lang ako

  • Confidently Beautiful    Chapter 33

    "Don't scare her!"Dumagundong ang boses ni Adonis habang pahigpit ang hawak niya sa kamay ko. May butil-butil na pawis ang namuo sa noo ko. Nararamdaman ko rin na namamawis ang aking kamay, kili-kili maging ang singit ko dahil sa tensiyon na namumuo sa aming apat.Tumahimik kasi bigla. Nakakabingi, na tanging ang malakas lang na kabog ng puso ko ang naririnig. Hindi ko na kaya, para akong matatae sa kaba. Hindi na rin maipinta ang mukha ko dahil sa pagkakalukot nito."A-"gusto kong magsalita pero wala ni isang kataga ang lumabas doon. Muli, naiiyak ako dahil kinakabahan. Suminghot pa ako para pigilan.Bigla na lamang silang humagalpak ng tawa. Silang tatlo na ikinagulat ko at ikinakunot noo.Napalabi ako nang mapagtantong pinagti-tripan nila ako. Like! si Diozza ay kanilang biktima sa kadramahan!Padarag kong hinila ang kamay kong hawak ni Adonis habang namumula ako

  • Confidently Beautiful    Chapter 32

    Nagmukmok ako maghapon sa kuwarto. Mugto na ang mga mata ko at mahapdi na rin. Alam kong kanina pa umalis ang lalaking hindi ko man lamang nalaman ang pangalan. Basta pinsan siya ni Adonis. Pinsan niyang hindi boto sa akin.Hindi ko tuloy alam kung ano na ang paniniwalaan ko. Yesterday, I was very happy, may kapalit pala lahat ng iyon. Napupuno tuloy ng agam-agam ang ang utak ko. Mga tanong na ayaw ko sanang i-entertain pero pilit na nagsusumiksik sa isip ko.Alam ko sa sarili ko kung sino si Adonis. Kilalang-kilala ko na siya at alam kong totoo siya sa akin. Walang halong kaplastikan ang ipinapakita niyang ugali at pagmamahal.Ang problema ay ang pamilyang nakapalibot sa kanya. Kung sino ba sila? Kung anong magiging papel nila sa buhay naming dalawa ni Adonis.Si Crystal pa lang at ang nalaman ko ay problema na, ano pa kaya ang pamilya ni Adonis. Kung makikilala ko sila, paano ko sila haharapin, paano nila ako itururing.Naimagine ko tuloy, baka s

  • Confidently Beautiful    Chapter 31

    Naghintay ako sa sala. Hindi ako mapakali na parang may uod sa puwet, tatayo ako pagtapos ay muling uupo. Pabalik-balik din ang mata ko sa cellphone kasi baka magtext siya.Nang tumunog muli ang doorbell. Alumpihit akong buksan ang pinto dahil baka iba na naman ang bumungad sa akin. Kaya naman sinilip ko muna kung sino ang nasa labas. Napakunot noo ako nang mapagmasdan ang isang makisig, matangkad at higit sa lahat guwapong nilalang na nakatayo sa harap ng pinto. Mukha nga lamang istrikto dahil salubong ang kilay nito habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell ng bahay.Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto.Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki nang makita niya ang magandang dilag na nagngangalang Diozza."Hi, sinong hanap nila?" Nakangiti kong bati at tanong. Napatingin ako sa likod ko nang hindi niya ako pansinin bagkus ang tingin ay lumagpas sa akin na para bang may hinahanap.

  • Confidently Beautiful    Chapter 30

    Nagising ako sa isang magandang umaga. Nag-inat ako habang nakapikit pa rin ang mga mata. Nang magmulat ako napangiti ako sa kwartong bumungad sa akin. Sky blue ang kulay ng dingding. Walang masyadong kagamit-gamit kundi isang side table nakapatong doon ang lampshade. Isang pandalawahang sofa. May mounted na TV sa dingding. At may masarap na Adonis sa tabi ko.Napahagikgik ako at pinagmasdan siyang natutulog sa tabi ko.Hmmm..huwag green minded, walang nangyari sa amin. Kahit balak niya akong rape-in, hindi ako pumayag. Kailangan magpakipot muna ng lola ninyo para hindi naman masyadong maibaba ang bandera ng pagkababae nating mga babae at binabae!Nagtitigan lang kami kagabi hanggang makatulugan ang isa't isa.Ooppss naniwala ba kayo? Muli akong napahagikgik nang maalala ang mga kaganapang kasabik-sabik kagabi.Paano ba naman kasi, napagod yata ako sa kakatawa sa pangingiliti niya sa akin.

  • Confidently Beautiful    Chapter 29

    Nasa isang lomihan at gotohan kami na bukas ng 24 oras. Lomihan iyon ni Aling Susan at suki kami roon. Malapit ito sa paradahan ng mga bus na papunta sa ibat ibang lugar.Kasama ko sina Adonis, Eula at siyempre ang maarteng si Bryan. Suwerte niya talaga at hindi ako naging girlfriend niya. Kung hindi araw araw kong makikita ang tila nandidiring mukha niya, dahil araw araw kong dadalhin sa isawan o lomihan.Wala siyang choice kundi sumama sa amin dahil ayaw pang umuwi ni Eula. Sina Mahinhin ay tuluyan na talaga kaming iniwanan.Napilit din namin kumain si Bryan ng Lomi ni aling Susan. Nasa dulo kaming parte ng maliit na pwestong iyon. May iilang upuan at mesa. Sa mga mesa ay may patis at toyo na nakalagay na. May mangilan ngilan ding taong nagkakainan.Pinasadahan ko ng tingin si Bryan at Eula na magkatabi. Napangisi ako dahil kita mo nga naman, mukhang may something sa kanila talaga.Sa totoo lang natutuwa ako. Parang nagbabago kasi itong si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status