Home / History / Vintage Melody / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng Vintage Melody: Kabanata 11 - Kabanata 20

38 Kabanata

Saknong 10

Naalimpungatan ako sa kakaibang tinig na aking naririnig sa malaking espasyo. Ang koro ng simbahan ay naiiba kumpara sa ibang mga kumakanta ng mga kantang wala sa hymnario. Ang kanilang tinig ay halos katulad ng mga anghel, mga matataas na nota na sumisilaw sa mga ulap at umaawit sa Dios.Dahan-dahan akong tumayo rito sa masikip na pasilyo at sumilip sa kaganapan sa baba. Naroroon nakapila sa pinakaharap ang grupo ng mga mangaawit na nakasuot ng puti h
Magbasa pa

Saknong 11

 Ang ilog ay kalmado na pumapagitna sa mga verdeng bangko. Kulay na makikita lang tuwing tag-init. Ngayong umaga, hindi gaano kumikintab ang tubig tulad nang nakikita tuwing tanghali. Sa unahan ay ang tulay na lagi kong dinadaanan tuwing pumupunta sa kubo. "Ang husay mo naman
Magbasa pa

Saknong 12

Ilang linggo na ang nakalipas, nagpatuloy ang usapan ng pamilya Esperanza at Montemayor tungkol sa kasal nina Elena at Jacinto. Nang dahil sa labis na pagpunta rito ni Elena sa mansion, mas napalapit kami ni Marisol sa kaniya at higit pa roon naging magkakaibigan kami."Nasasabik na ako sa tipanan namin ni Jacinto bukas." Magiliw na usal ni Elena habang pumapaypay sa berdeng abaniko.
Magbasa pa

Saknong 13

"Nalinisan na namin ang mga galos at sugat niya sa likod ngunit kinatatakot kong may malaki siyang natamong pasa malapit sa kaniyang batok. Maaari nitong maapektuhan ang kaniyang utak. Ang magagawa lamang natin sa ngayon ay hintayin ang kaniyang paggising at paghilom." Ang doktor dito sa paggamutan ay may pusturang pang sundalo. Lahat ng kaniyang ginagawa ay tumpak at may layunin. Napangiti siya matapos niyang sambitin iyon sa malamig at malapropesyonal na pamamaraan bago umalis sa m
Magbasa pa

Saknong 14

"Ayang! Sabay na tayo pumunta sa plaza." Nasasabik na aya ni Marisol sa akin.Katatapos lang namin maglinis ng bodega gaya ng iniutos ni Clemente bago umalis muli ng mansion. Nagpapahinga kami ngayon sa aking kwarto. Ang natanggap kong liham mula sa kaniya kahapon ay ang tanging ugnayan namin sa loob ng halos isang buwan kaya hindi ko batid kung anong balak niya mamaya. Baka may mahalagang iaanunsyo sa mga taumbayan.
Magbasa pa

Saknong 15

"Bakit hindi niya sinabi sa akin na hindi siya makakapunta?" Muling lumingon si Elena sa gilid at sumilaw mula sa kaniyang mata ang makintab na susow ng mga luha. Pagpikit niya, tumulo mula sa kaniyang talukip ang namumuong luha at dumusdos sa kaniyang namumulang pisngi. "B-bakit?" Kinagat niya ng mahigpit ang kaniyang labi sa pagtatangkang itago ang anumang uri ng tunog na nais kumawala sa kaniyang bibig. 
Magbasa pa

Saknong 16

Mabagal akong umikot paharap kina Marisol at Elena. Napakabagal hanggang sa makita kong kinakagat ni Marisol ang kaniyang mga kuko buhat ng pagkabalisa at pagkabahala.Napalunok ako at muling hinimas ang likod ng batang humihikbi. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa Hunyo pa dapat siya babalik sa Pilipinas.
Magbasa pa

Saknong 17

Dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha ni Clemente. Namumulang hinawakan niya iyon kaakibat ng sugat sa kaniyang pisngi dahil sa daplis ng singsing ni Don.Sinilid ni Don Felipe ang kaniyang espada at tumalikod sa amin saka umakyat sa kaniyang kwarto. Kasabay ng pagpasok ni Don ay ang malakas na pagkalabog ng pangunahing pinto.
Magbasa pa

Saknong 18

Naririnig ko sila mula sa kusina, sumisigaw ng kagalakan at mga paa'y walang tigil sa kalalakad. Nang hindi tumitingin, nararamdaman ko ang malawak na ngiti nina Don Miguel at Don Felipe habang umiinom ng serbesa at bumubungisngis sa pag-anunsyo ng nalalapit na pag-iisang dibdib ng kanilang mga anak."Ngayong ika-bente ng Abril, malugod naming ipinapahayag nina Don Miguel at Doña Julia ang engrandeng kasal nina Jacinto Montemayor at Elena Espera
Magbasa pa

Saknong 19

"Magandang umaga Aling Vaneng, nandiyan po ba si Clemente Montemayor?" Binaba ni Aling Vaneng ang iniinom niyang tsaa at marahan na tumingin sa akin. "Tahakin mo ang pasilyo pakanan, naroon siya sa pangalawang kwarto. Katatapos pa lang ng serbisyo sa kaniya ngayon."
Magbasa pa
PREV
1234
DMCA.com Protection Status