"Nalinisan na namin ang mga galos at sugat niya sa likod ngunit kinatatakot kong may malaki siyang natamong pasa malapit sa kaniyang batok. Maaari nitong maapektuhan ang kaniyang utak. Ang magagawa lamang natin sa ngayon ay hintayin ang kaniyang paggising at paghilom."
Ang doktor dito sa paggamutan ay may pusturang pang sundalo. Lahat ng kaniyang ginagawa ay tumpak at may layunin. Napangiti siya matapos niyang sambitin iyon sa malamig at malapropesyonal na pamamaraan bago umalis sa m
"Ayang! Sabay na tayo pumunta sa plaza." Nasasabik na aya ni Marisol sa akin.Katatapos lang namin maglinis ng bodega gaya ng iniutos ni Clemente bago umalis muli ng mansion. Nagpapahinga kami ngayon sa aking kwarto. Ang natanggap kong liham mula sa kaniya kahapon ay ang tanging ugnayan namin sa loob ng halos isang buwan kaya hindi ko batid kung anong balak niya mamaya. Baka may mahalagang iaanunsyo sa mga taumbayan.
"Bakit hindi niya sinabi sa akin na hindi siya makakapunta?" Muling lumingon si Elena sa gilid at sumilaw mula sa kaniyang mata ang makintab na susow ng mga luha. Pagpikit niya, tumulo mula sa kaniyang talukip ang namumuong luha at dumusdos sa kaniyang namumulang pisngi."B-bakit?" Kinagat niya ng mahigpit ang kaniyang labi sa pagtatangkang itago ang anumang uri ng tunog na nais kumawala sa kaniyang bibig.
Mabagal akong umikot paharap kina Marisol at Elena. Napakabagal hanggang sa makita kong kinakagat ni Marisol ang kaniyang mga kuko buhat ng pagkabalisa at pagkabahala.Napalunok ako at muling hinimas ang likod ng batang humihikbi. Hindi pa rin ako makapaniwala. Sa Hunyo pa dapat siya babalik sa Pilipinas.
Dumapo ang isang malakas na sampal sa mukha ni Clemente. Namumulang hinawakan niya iyon kaakibat ng sugat sa kaniyang pisngi dahil sa daplis ng singsing ni Don.Sinilid ni Don Felipe ang kaniyang espada at tumalikod sa amin saka umakyat sa kaniyang kwarto. Kasabay ng pagpasok ni Don ay ang malakas na pagkalabog ng pangunahing pinto.
Naririnig ko sila mula sa kusina, sumisigaw ng kagalakan at mga paa'y walang tigil sa kalalakad. Nang hindi tumitingin, nararamdaman ko ang malawak na ngiti nina Don Miguel at Don Felipe habang umiinom ng serbesa at bumubungisngis sa pag-anunsyo ng nalalapit na pag-iisang dibdib ng kanilang mga anak."Ngayong ika-bente ng Abril, malugod naming ipinapahayag nina Don Miguel at Doña Julia ang engrandeng kasal nina Jacinto Montemayor at Elena Espera
"Magandang umaga Aling Vaneng, nandiyan po ba si Clemente Montemayor?"Binaba ni Aling Vaneng ang iniinom niyang tsaa at marahan na tumingin sa akin. "Tahakin mo ang pasilyo pakanan, naroon siya sa pangalawang kwarto. Katatapos pa lang ng serbisyo sa kaniya ngayon."
"Mag-iingat ka," Bilin ko kay Marisol bago siya umalis ng mansion. Mayroon siyang isang oras para kunin ang lason kay Elena, kung hindi niya iyon magagawa baka madawit kami.Sabi ni Jacinto kagabi, alas dose ng hatinggabi raw babalik si Don dahil makikihapunan raw ito kina Don Miguel. Parte rin ito ng plano, pinilit ni Elena ang kaniyang ama na dumaos ng hapunan kasama sina Don Felipe at Jacinto upang maisagawa ng maayos ang plano.
Ang nakakaduwal na amoy ng lason mula sa katawan ni Don Felipe na kumukumot sa ere ng silid na ito ay nakakasakal na samyo. Bahagyang naningkit ang aking mga talukap at napatakip ng ilong."Sorry Don Felipe, sumalangit ka nawa," mahinang sambit ko at nilagpasan siya.
Magandang araw!Ako si Shadelza, pwede niyo akong tawaging ate Sha. Maaari kayong mag-iwan ng mga katanungan ukol sa Vintage Melody sa bahaging ito. Maaari niyo rin iderekta ang mga katanungan niyo sa akin sa aking account.
Unti-unti akong nagising sa maingay na paulit-ulit na pugak (beep) ng isang bagay sa aking tabi at ang pamilyar na amoy ng mga gamot. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at tanging puting kisame lang ang nakikita ko.Marahan akong napatingin sa kanan. May malaking bintana na gawa sa salamin na siyang nagbibigay liwanag sa silid na ito. Sa kaliwa ko naman ay may mga kawad (wires) na nakakonekta sa malaking monitor kung saan ko naririnig an
Ang makitang patay si Jacinto ay parang kamatayan ko na rin.Hinawakan ko ang pala-pulsuhan niya. Wala nang pintig. Pinadaan ko ang isa pang kamay malapit sa kaniyang dibdib kung saan nakasaksak ang itak. Wala na siya.
Pananaw ni Elena"Panandaliang mauudlot ang plano ngunit sinisiguro ko na akin ang huling halakhak!" sambit ko sa aking sarili habang tinitignan a
Pananaw ni JacintoDahan-dahan akong napatingin sa tali sa aking pala-pulsuhan. Maging sa tagiliran ko ay nakatali sa puno.
Pananaw ni ElenaAng kayumangging kape ay lumikha ng isang kaikaibang samyo sa baso na nakapatong sa maliit na mesa sa aking harapan. Ang marikit
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang nakitira kami kina nay Neng. Sinubukang kausapin ni Jacinto ang kaniyang ama sa hindi pagpapatuloy ng kasal, ngunit lubos na ang pagkamuhui ni Don Felipe sa kaniya.Sa sobrang pagkamuhi, pinag-empake pa siya at hindi na pinabalik pa. Hindi na rin siya nagpasyang pumunta kina Elena. Doon ko na siya naramdamang gumuho ang mundo niya at wala siyang magawa kundi titigan ang pagbulusok pababa ng buhay niya.
Kumawala ako mula sa halik.Naalala ko na lahat."Jacinto..." mahina kong bulong at lumayo ng kaunti sa kaniya. Nakakapit pa rin ang kaniyang mg
Tumayo kami sa harap ng libingan. Nakayuko ang lahat.Marahil ay dahil sa pagpapakita nila ng respeto o baka dahil sa labis na takot. Ang kabaong ay hinugot ng anim na malalakas na kalalakihan mula sa kotse, lahat ay may suot na itim na mano.