Tatlong araw na ibinurol si Eliza sa bahay.Alas otso pa lang ng umaga ay nag-aayos na ang lahat dahil 10am dadalhin sa simbahan si Eliza para misahan bago dalhin ng memorial.Nagdatingan ang iba’t-ibang kaibigan ng magulang namin at dumating din ang mga kaklase ko at iba pang estudyanteng nakikiramay sa pagkawala ni Eliza.Pagkadating namin sa simbahan, nasimula an ang misa. Ang huling bilin ni Eliza, ako ang magsalita sa oras na tawagin ang kapamilya ng namatayan.May ianabot sila sa aking script kung ano ang sasabihin ko ngunit hindi ko kinuha.Pumunta na ako sa harap ng lahat at nakita ko ang daming nakiramay.Huminga muna ako ng malalim.“Marami ang nakakakilala sa akin dahil sa aming dalawa ni Eliza, ako daw ang black sheep ng pamilya,” natawa naman yung iba lalo na ang mga estudyante ng Winston na nandito ngayon dahil sa sinabi kong panimula. Tumukhim ako para magseryoso.“Ako yung matapang sa mata ng lahat pero ang totoo, ako yung mahina at si Eliza ang palaging nasasabing ate
Read more