((( ZHIA POV’s )))Natatawa ako sa sarili. Simula ng makilala ko si Sean, lagi na lang ako umiiyak. Nasasaktan ng ganito. Ang bigat sa pakiramdam. Na ang asawa mo nabuntis ang bestfriend mo!Gusto ko sumigaw. Pero walang mangyayari. Iiyak mo lang yan Zhia. Kalma lang.Sinalubong ako ni Butler Nazi ng payong, dahil sa lakas ng ulan. Naramdaman ko muli ang takot sa kulog at kidlat. Nanindig ang balahibo ko. Saka nga ng makapasok ako, agad akong umakyat.Bumungad sa akin ang larawan namin ni Sean. Ang saya niyong dalawa. Kaya ayan, marami ang naiingit. Gustong sirain ang pamilya niyong ginagawa. Sniwitch off ko ang ilaw saka naupo ako sa sulok. Di humuhupa ang iyak kong walang humpay.Nagagalit ako kay Rymalene. Naiinis ako kay Sean. Bakit nila ito ginawa sa akin?! Wala kang magagawa Zhia… Kund tangapin ang lahat ng ito. Matagal man, pero kailangang tangapin. Para sa pangako na binitiwan mo kay Sean. Napatiti
Last Updated : 2021-07-07 Read more