((( Leon POV’s ))) Dahil sa nalaman ni Master Sean sa pagkatao ni Miss Zhia. Halos kagaya noon sa akin, di rin ako makapaniwala. Hinigpitan ang securidad dahil nga sa pagtatangka ni Master Luis na may gawing masama kay Miss Zhia. Alam kong ang priority niya ngayon ay ang pinagbubuntis nito. Syempre, kung ako rin ang nasa katayuan ni Master Sean, uunahin kong iisipin ang tungkol sa dinadalang bata na hindi pa nga nakakalabas sa mundo. Ga-mungo pa lamang ang laki mayroon nang death threat.Sa totoo lang, matapos ko ibunyag ang tungkol kay Zhia, lumuwag yung pakiramdam ko.Matagal ko nang pinutol ang koneksyon at pagbibigay impormation sa Madrid matapos bigyang protektion ni Master Sean ang pamilya ko.Nakatitig ako ngayon sa anak ko na nakikipaglaro sa pamangkin ni Miss Zhia. Ngiti niya na noon halos di ko makita dahil nagpapaka-abala ako. Heto. Kahit sa dulo ng lupain na ito… nagtataasan ang bakod. Kulungan
Huling Na-update : 2021-03-10 Magbasa pa