(Missamy Charm POV) Naalala ko yung phone ko. Pero napakagat labi na lang ako kasi suot ko ngayon, di akin. Lalo na ang mga pan-ilalim. Sa natatandaan ko nasa bulsa yun ng jeans ko. Kaya wala. Di ko naman maaring storbohin ang lalaking katabi ko. Hitsura talaga niya, para siyang may tatlong dosenang anak. Dinaig pa yung pangulo ng bansa. Dinaig pa yung mga kalaban ni Adolf Hitler. Napangiti na lang ako. Hindi lang pala sungay niya ang puputulin ko, kundi turuan siya na bitiwan ang ilang bagay para mapayapa siyang mabuhay. Napatanaw ako sa labas. Mahinang umuulan, kaya naman pumapatak sa salamin ang tubig. Parang luhang iniiyak sa pisngi. Simple lang maging masaya sa mundong to. Maging kontento ka lang sa nakikita mong mga determination ng mga tao. Parang tangkay na sumisibol ang panibagong dahon matapos ang hamon ng buhay. Katulad ng mga nasasaktan, na sinusubukan makatayo.
Last Updated : 2020-09-03 Read more