Naalimpungatan ako noong mga alas tres na ng umaga, lumipat ako sa kwarto para makatulog pa dahil inaantok pa ako. Nakatulugan ko si Zac kagabi at hindi ko alam kung anong oras niya pinatay ang tawag.Nagising ako ulit noong alas cinco na. Napabalikwas pa ako ng bangon dahil alas kwatro kami umaalis ni mama para magpunta sa bayan pero nung tingnan ko siya ay mahimbing pa din siyang natutulog. Maybe we need some rest today.Nagsimula na akong mag-ayos ng sarili, naghilamos at toothbrush na ako atsaka sinimulan ang gawaing bahay. Ganito ang ginagawa ni mama kada umaga noong kaya pa ng katawan niya, sobrang hirap pero tuwing naiisip ko na si mama ay ginagawa ito para sa amin, alam kong kaya ko ding gawin to para sa kanila.Nagluto muna ako ng agahan namin, matapos magluto ay nagwalis na ako sa palibot ng bahay. Mapuno kasi sa amin, kapag umiihip ang hangin ay nagsisilaglagan ang mga tuyong dahon kaya kinabukasan ay nakakalat na ito sa
Last Updated : 2020-11-03 Read more