Home / Fantasy / HIRAETH (Tagalog) / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of HIRAETH (Tagalog): Chapter 31 - Chapter 40

46 Chapters

CHAPTER 26

CHAPTER 26 THIRD PERSON’S POV ABALA sa pagbabasa ng aklat ang panganay na si Jin habang si Kaisei naman ay hinihimas-himas ang kanyang espada. Tila wala namang pakialam si Itsoru sa mga kapatid at panay ang laro sa hawak niyang kutsilyo.“Itsoru, sinasabi ko sa’yo! Kapag nakasakit ka, ako mismo ang hahataw sa’yo ng hawak kong ‘to!” pagbabanta ni Kaisei sa nakababatang kapatid. Napanguso naman ang binatang si Itsoru at agad itinago ang armas sa mismong likuran niya.“Alam n’yo, dapat andito rin si Nisan Tsuyu. Nasaan ba ang isang ‘yon?” tanong nito sa mga kapatid pero walang sumagot. Pansin kasi nitong hindi pa ito nakikisalamuha sa kanila mula ng araw na dineklarang isa na muli siyang prinsipe.“Alam mo rin ba Itsoru, na hindi dapat hinahanap ang nawawala?” kalmadong
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 27

CHAPTER 27 CELESTE’S POV IT’S been three months since I lost here in Gokayama. Time flies so fast that I couldn’t even remember how I get here alone.  Ilang buwan na rin ang nakararaan mula nang umalis si Tsuyu para pangunahan ang digmaan  alinsunod sa inutos ng hari sa kanya. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa mokong na iyon. Hindi pa rin siya bumabalik.Kung ako naman ang kukumustahin, medyo naa-adapt ko na rin ang buhay rito sa loob ng palasyo bilang isa sa mga alipin. This life I am living now is quite different compared to my life in Tokyo. Here, I have learned to earn a living on my own. I have no choice but to continue and survive my life.Natuto akong tanggapin ang mga responsibilidad bilang alalay ng hari at reyna. Ang pag-aralan ang tamang timpla at sangkap sa paggawa ng tsaa, pagluluto ng pagkain, halos lahat.
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 28

CHAPTER 28 THIRD PERSON’S POV “NABALITAAN mo na ba? Mamaya na raw darating ang pangalawang prinsipe. Nakakahanga ang tapang niya! Biruin mong dalawang giyera ang napagtagumpayan!”“Tunay? Napakagiting talaga!”“Napakaswerte naman ng mapapangasawa niya!”“Sinabi mo pa. Lalo na kung ako ‘yon.”“Napaka-ambisyosa mo naman!”Natigil ang pag-uusap ng mga katiwala nang mapadaan si Prinsesa Takumi na tumigil pa sa kanilang harapan habang nakataas ang kilay. Napayuko ang mga ulo nito.Nagmamataray na napalingon si Takumi sa mga kasunod niyang alalay na ngayon ay malapad na ang ngisi.“Nagbago na ang isip ko. Mananatili muna ako rito sa palasyo ng ilang araw,” nakangiti niyang sambit at agad tumalikod na parang tuwang-tuwa.Mukhan
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 29

                CHAPTER 29 THIRD PERSON’S POV “MAGANDANG gabi, mahal na prinsesa. Ipinag-utos po sa akin na ako ang mag-asikaso ng susuotin mo sa pagsasalo mayamaya,” magalang na bati ni Celeste pagkapasok pa lamang sa silid ni Takumi. Dahan-dahang ibinaba ni Takumi ang tasa ng tsaa habang nakaharap sa salamin. Blanko ang ekspresyon na tumingin ito kay Celeste na hanggang ngayon ay naka
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 30

CHAPTER 30 THIRD PERSON’S POV NAGULAT ang binatang si Tsuyu sa biglaang pagyakap sa kanya ni Celeste. Mayamaya ay nakarinig na siya ng hikbi mula rito.“U-umiiyak ka ba?” Nag-aalangan niyang hinawakan ang tuktok ng ulo nito at sinipat-sipat ang mukha kung umiiyak nga.Hindi siya magaling sa ganito. Sa pagpapatahan ng umiiyak na babae ay wala siyang ideya kung ano ang gagawin.“Huwag mo akong iyakan. Hindi pa ako patay. Nakabalik ako!” natatawang sambit niya kaya kumawala sa yakap si Celeste at pinunasan ang basang-basa nang pagmumukha.“Pambihira, ang pangit mo umiyak,” nakangiwi niyang biro rito kaya halos masapak siya ng dalaga.“Siraulo ka! Masama bang umiyak kasi buhay ka! Na-miss kitang mokong ka!” bulalas ni Celeste habang natatawa kahit umiiyak pa rin. Hindi niya
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 31

CHAPTER 31 “HERA...”“Hera?”“Hera Ether Yakagami!”Pupungas-pungas na naiangat niya ang ulo matapos ang ilang minuto ng pagtulog sa gitna ng klase. Nabalik siya sa reyalidad nang makitang sa kanyang harapan ang professor niya sa History. Magkasalubong na ang kilay nito habang masama ang titig sa kanya.“Hindi ka na naman nakikinig. Ang lakas pa ng loob mo na matulog sa gitna ng diskusyon ko,” ani ng matandang guro na may pagkadismaya sa boses nito. Nakarinig siya ng hagikhikan mula sa mga kaklaseng halos lahat ay nakatingin na sa kanya.“Answer my question if you really are into my class,” masungit nitong wika.“Nababaliw na ba ang matandang ‘to? Paano ko naman sasagutin ang tanong gayong hindi nga ako nakinig at natulog lang? Ni hindi ko nga
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 32

CHAPTER 32 THIRD PERSON’S POV NAGMAMADALING pumasok sa silid ng mahal na reyna si Takumi. Hindi na nito pinansin ang ilang katiwala na nagbabantay sa labas nang magbigay-galang ito sa kanya.Napalingon si Seina sa biglaang pagbukas ng pintuan at iniluwa nito si Takumi na gusto siyang makausap. Dahan-dahan niyang ibinaba ang hawak na tasa ng tsaa at napangiti nang makahulugan sa prinsesa.“Nais mo raw ako makausap. Halika at pag-usapan natin iyan,” mahinahon niyang sambit ngunit may ibig sabihin kaya lumawak ang ngisi ng dalaga at dinaluhan ang reyna sa pagkakaupo. CELESTE’S POV PAGOD na pagod akong napaupo sa malaking bato malapit rito sa may lawa. Hingal man dahil sa walang pahinga na pag-iigib ng tubig ay napangiti pa rin ako habang tinatanaw ang papalubog na a
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 33

CHAPTER 33 CELESTE’S POV HUMUGOT muna ako ako ng lakas ng loob bago maglakad patungo sa silid ng reyna. Medyo malayo ito sa mismong silid kung saan naroroon kami.“Ano kaya ang dahilan at bakit ako gustong makita ng reyna?” sambit ko sa sarili habang dahan-dahan ang ginawang paglalakad. Maya’t maya kong itinataas ang laylayan ng mahaba kong damit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay sa ganitong kasuotan. Napakahaba, ang hirap maglakad!“Fudge!” Muntikan na ako matisod. Mabuti na lamang at may mabuting kamay ang biglaang napahawak sa braso ko kaya napatungo lamang ako. Agad kong iniangat ang tingin ko. Nakita ko ang unang prinsipe na seryosong nakatitig sa akin. Si Jin.“Napakalampa talaga,” naiiling nitong sambit kaya napaayos ako ng tayo.“S-salamat,” naiilang ak
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 34

  CHAPTER 34 THIRD PERSON’S POV NAGMAMADALING naglakad palabas si Tsuyu bitbit ang sama ng loob sa kamahalan. Habol naman siya ni Takumi. Agad nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ng binata at pinilit iniharap sa kanya. Ngunit wala itong emosyon nang titigan siya.“Hindi kita pakakasalan. Kung iyan ang iniisip mo,” determinadong saad ng prinsipe. Kumirot ang puso ni Takumi at napahigpit ang hawak sa pulso ng binata.“Bakit? Si Hera ba ang gusto mong pakasalan?” sarkastikong tanong nito at hindi makapaniwalang tinitigan ang prinsipeng matagal na niyang gusto.“Hindi kayo pwede. Ako ‘to, Tsuyu! Ako ‘yung nandito pero bakit ang ilap mo? Tsuyu, ako ang pakasalan mo.” Tila nagsusumamo ang prinsesa. Kitang-kita ang kagustuhang makaisang-dibdib ang binata pero hindi natinag si Tsu
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more

CHAPTER 35

CHAPTER 35 CELESTE’S POV BAKIT ako umiiyak? Bakit may luha?Pinahid ko ito at bumangon habang nakatitig sa pintong nakasarado. Mayamaya ay bumukas ito at nakita ko ang nag-aalalang si Mira.“Mira---” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sunggaban niya ako ng isang napakahigpit na yakap. Pagkaraa’y narinig ko ang pag-iyak niya.“Akala ko tuluyan ka nang mawawala. Nakakainis ka, Hera!” aniya sa pagitan ng pag-iyak kaya hinagod ko na lamang ang likod niya at napangiti. The thought of how sweet is this lady infront of me, reminds me of someone from the other world. It’s none other than, Patrice. My one and only girl bestfriend.“Hindi ako mawawala. Bakit naman kita iiwan?” sambit ko na lamang matapos siyang kumawala sa yakap.“May lason ang tsaa na ipinainom sa&rs
last updateLast Updated : 2021-09-14
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status