Mutya POVPugto ang aking mga mata nang humarap ako sa salamin. Wala ako halos tulog buong magdamag. Pinili kong huwag munang pumasok ngayon sa school dahil sa puyat at sa laki ng aking eyebags. Napakarami nang nangyari kahapon. Hindi ko akalaing matatapos ang gabi sa ganung paraan. Galit na galit si Drake sa akin. Nagsisimula na namang magpatakan ang aking mga luha nang maalala ko siya.Kasalanan ko naman talaga kung bakit siya nagalit ng ganun. Hindi ko na alam kung ano pa ang sunod na mangyayari sa akin. Isusumbong ba niya ako kay Don Antonio? Bigla akong nakaramdam nang matinding takot nang maalala si don Antonio. Tandang tanda ko pa noong binalaan niya ako na hindi ko magugustuhan kapag nagalit ito. Nangangamba akong baka ipakulong nila ako. Hindi ko lubos akalain na sa ganito mauuwi ang aking pamimikot at walang ibang dapat sisihin kundi ako at nakahanda naman akong tanggapin lahat ng kaparusahanng ipapataw nila sa akin.“Patawad kuya. Hindi ako nag-iisip. Masyado akong naging ma
Mutya POVNagkasakit ka ba? Two days kang wala.” agad kong nakita si Andrew habang papasok ako ng school. As usual ay lalapitan agad ako nito para kausapin. Nginitian ko siya.“Pasensya ka na kung tinaraytarayan kita nung una tayong nagkita. Diko alam na anak ka pala ni mommy Agatha.”“Siguro ako dapat ang mag sorry dahil hindi agad ako nagpakilala sayo.” ani Andrew. So, matagal na pala niya ako kilala.“Paano mo ako nakilala? May picture ba ako sa mansion?” pag-uusisa ko. Para namang wala akong maalala na may picture ako sa mansion.“Matagal na. Sa tagal nga mas kilala pa kita kesa sa asawa mo.” anito. Natawa ako sa sinabi nito. Kahit kelan ay pala biro talaga si Andrew. Bigla tuloy ako napa-isip, maging mabait pa rin kaya siya sa akin kapag nalaman niya kay Drake ang totoo? “Okay ka lang ba Mutya?” parang bigla akong natauhan ng tapikin nya ako sa balikat.“H-ha… oo, o-okay lang..” tugon ko. “Mutya, I told you… kapag may problema ka lapitan mo lang ako.”Tumango ako bilang pagtugo
Mutya POV“It’s still early. Mind if I take you somewhere?” wika ni Andrew habang nasa biyahe na kami. “Saan?” tanong ko sa kanya.“You’ll see. I promise you’ll totally like it there.” Hindi ako nagdalawang isip na umoo sa kaniya dahil ang totoo ay talagang ayaw ko pang umuwi. Malulungkot lang ako pagdating sa condo lalo na at huling gabi ko nang matutulog dun. Baka umiyak lang ako ng umiyak. Tutal ay Friday naman ngayon kaya okay lang kahit gabi na ako matulog mamaya.Sumandal ako sa aking inuupuan at ipinikit ko ang aking mata. Nais ko sanang umidlip muna upang makapagpahinga, hindi ng katawan kundi ng aking kaisipan. Dumurugo pa rin ang aking puso kapag rumirehistro sa aking utak ang nakita kong halikan nina Drake at Audrey kanina. Hindi naman nakakagulat yun dahil magkarelasyon sila pero ang makita mismo ng dalawang mata ko ang eksenang yun ay napaka sakit sa akin. Naramdaman ko ang mahihinang tapik sa aking balikat.“Mutya… We’re here…” mahinang boses ni Andrew. Unti unti akon
Mutya POV “Did you enjoy my brother’s company?” Napalundag ako sa gulat ng marinig ang malamig na boses ni Drake. Hindi ko siya nakikita dahil patay ang ilaw. Ngunit parang sa living room nanggagaling ang boses nito. Nakahanda na akong marinig ang mga pang iinsulto niya. Tutal ay huling gabi ko na naman dito kaya insultuhin na niya ako hangga’t gusto niya. Tuloy lang ako sa paghubad ng aking sapatos. Hindi ko kailangang magmadali kagaya ng nakagawian ko na kapag nagagalit si Drake ay tatakbo ako upang iwasan siya. Naglakad ako patungo sa aking kwarto. “Did you like my brother’s kiss?” hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin at mabilis niyang nahawakan ang aking braso dahilan para mapahinto ako. “Was his kiss better than mine?” naamoy ko ang alak mula sa kaniyang hininga. Lasing siya kaya mas lalo akong hindi makikipagtalo sa kanya. Marahan kong kinabig ang aking braso ngunit mas hinigpitan pa nito ang paghawak sa akin. “Answer me!” mariing nitong sabi. “Wala akong sasa
Mutya POVTumawag ako ng Uber at nagpahatid sa aking apartment. Nakatulog agad ako pagkarating ko dun. Nagising ako sa tunog ng alarm. Mabilis akong nagbihis at muling nag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa charity program ni mommy Agatha. Bilin ni Andrew ay magsuot daw ako ng komportable kaya kupas na capri jeans at white t-shirt ang isinuot ko, katerno ng white sneakers. Lahat ay komportable sa katawan. Sinabi sa akin kagabi ni Andrew na dadaanan daw niya ako sa condo namin ni Drake ngayon ngunit ayaw ko nang bumalik pa dun kaya tumawag na lang ako ng taxi upang magpahatid sa mansion. Inagahan ko na lang para hindi kami magkasalisi nina mommy Agatha at Andrew. Sa isang public school sa Liliw Laguna pala ginaganap ang volunteer program. Hindi ko inaasahan na ganitong karami ang mga mga taong daratnan namin. Marami rin ang mga volunteers na dumating. Humiwalay sa amin si Andrew at nagtungo ito sa medical volunteer group. Kami naman ni mommy Agatha ay naiwan sa grupo ng mga nag-aasi
Mutya POV“Umuwi na tayo.” wika ni Drake.“Pasensya na kung nakalimutan kong pirmahan. Kung ganyan ka ka-atat na madivorce saken sana dinala mo na lang yung papel tutal papunta ka rin naman pala rito.” mahina kong tugon dahil ayaw kong marinig ng kambal ang usapan namin.Itinuloy ko lang ang pagliligpit upang iwasan siya at baka pagsalitaan na naman niya ako ng masasakit. Andami pa namang tao rito. Hindi pa rin umaalis ni Drake at nakamasid lang ito sa akin. “Hindi mo ba ako sasandukan ng pagkain? Sabi ni mommy ikaw raw ang nagluto ng lahat.” wika ni Drake. Napatingin ako sa kanya. Himala, mahinahon yata siyang magsalita ngayon. Kagabi lang ay kung ano-anong panlalait ang sinabi nya sa akin. Umalis lang ako sa condo gumanda na agad ang mood nito.“Hindi ka naman kumakain ng luto ko. Diba mas gusto mong kumain sa labas? Magpabili ka na lang, maraming restaurant dyan sa bayan.” tugon ko.Yun naman talaga ang sinabi niya sa akin noong ipinagluluto ko siya sa condo. Wag na daw akong mag
3rd Person POV“Sir, galing po sa abogado nyo.” inabot ng sekretarya ni Drake ang envelope.Hindi pa man niya nabubuksan ay alam na ni Drake kung ano ang laman nun. Yun ang divorce paper na ipinaayos niya sa kanyang abogado. Pagkarating na pagkarating niya kaninang umaga sa opisina ay agad niyang tinawagan ang kaniyang abogado upang asikasuhin agad yun.Kuyom ang kamao niya ng maalala ang ginawang panloloko ni Mutya. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng maamo nitong mukha ay magagawa nito ang bagay na yun.Noong una ay pinigilan niya ang kaniyang nararamdaman para kay Mutya dahil ayaw nyang magtaksil sa girlfriend. Kahit emotionally ay wala siyang romantic attachment kay Audrey, he still respects her for saving his life ngunit kahit anung gawin nya ay mabilis na nahulog ang loob niya sa napaka bata nyang asawa at halos mabaliw siya kapag may ibang mga lalaki ang umaaligid dito. He knew from the beginning that she wasn’t into him ngunit binalewala niya yun dahil akala niya ay may na
3rd Person POVSinigurado ni Audrey na siya ang pinakamaganda ng gabing yun sa party. Last month pa siya nasabihan ni Drake. Kaya pala last week ay ayaw na siya nitong papuntahin dahil may kinahuhumalingan na itong ibang babae. Pero dahil sa ginawa ni Drake kagabi ay hindi siya makakapayag na hindi siya ang kasama nito. Naghisterical siya sa telepono at kunwari’y naninikip ang dibdib kaya di nagtagal ay pumayag rin si Drake na sumama siya.Isinuot ni Audrey ang pinakasexy at pinakamaganda niyang gown nang gabing yun. Kung naroon man si Mutya ay sisiguraduhin niyang magmumukha itong katulong sa harapan niya.Samantala ay walang gana si Drake na umattend ng Annual Party ng kanilang kompanya ngunit hindi ito pwedeng matuloy nang wala siya lalo na at nasa Amerika ang kaniyang ama ngayon.He saw Audrey all prepared when he picked her up. Naiiling siya ng makita niya ito. Mukhang pinaghandaan talaga ni Audrey ang gabing ito which he doesn’t understand dahil wala naman masyadong ganap sa par
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat sipat
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POVMainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin.For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her.Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag.“So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wife h
Drake POVDali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito.“You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko.“Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti.“May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nitoNapakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas.“Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin.“ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Darren. Bahagya
3rd Person POVSinabi kanina ng doktor kay Drake na may temporary amnesia ito at ang naaalala nya ay ang naganap 2 years ago pa. Kunot ang noo si Drake na nakatingin sa babaeng sinasabi nilang asawa daw niya. Sa isip isip niya ay paano mangyayari yun hindi naman siya ang tipo ng lalaking nakikipag date kahit kanino, asawa pa kaya? He's like the king of one night stands and never goes on second dates. “Seriously, is this some kind of prank? 'Cause it's not funny at all.” irritable tanong ni Drake.Nalilito si Mutya sa kung anong nagyayari sa mga oras na yun. Maging si Andrew ay nagulat din sa nadatnan ngunit madali niyang naintindihan ang nangyayari. “Ano pong nangyayari sa asawa ko?” maluha luhang tanong ni Mutya.Nilingon ni Andrew si Mutya at bumulong.“Doon muna tayo sa labas.” anito kay Mutya at tumingin sa kanyang mga magulang upang ipagpaalam na ilalabas niya muna sa pag-aalalang baka mabigla ito. Inalalayan niya si Mutya para lumabas.“Wait, if she’s my wife, why the hell a
Mutya POVNadatnan ko sina mommy Agatha at don Antonio sa silid kung saan naka confine si Drake. Ni hindi ko na nagawang batiin ang mga ito dahil nagtatakbo na ako sa tabi ni Drake. Tulog na tulog ito. Muli na namang nagpatakan ang aking mga luha ng makita ko siya. Awang awa ako sa kinahinatnan ng aking asawa. Hinalikan ko siya sa labi. Hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok at sinuklay suklay yun.Lumapit si Andrew sa akin at inabutan ako ng mauupuan. Umupo ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Drake at hinalikan yun. Isinubsob ko ang aking ulo sa higaan nito. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan.“Andito nako babe, gumising ka na please… Kakainin pa natin yung inihanda mo.” usal ko habang nakapikit ang aking mga mata at walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.Tahimik lang ang mga magulang ni Drake at hinayaan lang nila ako na ilabas lahat ng bigat sa loob na nararamdaman ko. Nakamasid at nakabantay lang ang mga ito sa am
Mutya POVPara akong nabingi sa narinig at biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang sinabi ni Andrew. May mga medical term pa itong sinabi na hindi na rumehistro sa utak ko dahil nang sabihin nitong unconscious ngayon si Drake sa hospital ay parang namanhid na ang buong katawan ko.“Noon una akala ng sekretarya nya, malalim lang itong nag-iisip dahil tulala daw ito. He didn’t respond the entire time she was talking to him and she find it strange. He was awake but not responding at all, ilang minuto daw na ganun then bigla na lang siya nag collapse mabuti na lang at naka-upo siya at napasubsob lang siya sa table at hindi bumagsak sa sahig. They sent him to hospital immediately after that. Right now, he is still in an unconscious state.”Tumahimik sandali si Andrew upang siguraduhing okay lang ako. Nakita kasi niyang nanginginig ako.“Okay lang siya diba?” tanong ko na umaasa na sasabihin ni Andrew na okay lang ang asawa ko. Una unahang nagpagpat