Mutya POV Tumawag ako ng Uber at nagpahatid sa aking apartment. Nakatulog agad ako pagkarating ko dun. Nagising ako sa tunog ng alarm. Mabilis akong nagbihis at muling nag-impake ng mga damit na dadalhin ko sa charity program ni mommy Agatha. Bilin ni Andrew ay magsuot daw ako ng komportable kaya kupas na capri jeans at white t-shirt ang isinuot ko, katerno ng white sneakers. Lahat ay komportable sa katawan. Sinabi sa akin kagabi ni Andrew na dadaanan daw niya ako sa condo namin ni Drake ngayon ngunit ayaw ko nang bumalik pa dun kaya tumawag na lang ako ng taxi upang magpahatid sa mansion. Inagahan ko na lang para hindi kami magkasalisi nina mommy Agatha at Andrew. Sa isang public school sa Liliw Laguna pala ginaganap ang volunteer program. Hindi ko inaasahan na ganitong karami ang mga mga taong daratnan namin. Marami rin ang mga volunteers na dumating. Humiwalay sa amin si Andrew at nagtungo ito sa medical volunteer group. Kami naman ni mommy Agatha ay naiwan sa grupo ng mga nag-aa
Mutya POV“Umuwi na tayo.” wika ni Drake.“Pasensya na kung nakalimutan kong pirmahan. Kung ganyan ka ka-atat na madivorce saken sana dinala mo na lang yung papel tutal papunta ka rin naman pala rito.” mahina kong tugon dahil ayaw kong marinig ng kambal ang usapan namin.Itinuloy ko lang ang pagliligpit upang iwasan siya at baka pagsalitaan na naman niya ako ng masasakit. Andami pa namang tao rito. Hindi pa rin umaalis ni Drake at nakamasid lang ito sa akin. “Hindi mo ba ako sasandukan ng pagkain? Sabi ni mommy ikaw raw ang nagluto ng lahat.” wika ni Drake. Napatingin ako sa kanya. Himala, mahinahon yata siyang magsalita ngayon. Kagabi lang ay kung ano-anong panlalait ang sinabi nya sa akin. Umalis lang ako sa condo gumanda na agad ang mood nito.“Hindi ka naman kumakain ng luto ko. Diba mas gusto mong kumain sa labas? Magpabili ka na lang, maraming restaurant dyan sa bayan.” tugon ko.Yun naman talaga ang sinabi niya sa akin noong ipinagluluto ko siya sa condo. Wag na daw akong mag
3rd Person POV“Sir, galing po sa abogado nyo.” inabot ng sekretarya ni Drake ang envelope.Hindi pa man niya nabubuksan ay alam na ni Drake kung ano ang laman nun. Yun ang divorce paper na ipinaayos niya sa kanyang abogado. Pagkarating na pagkarating niya kaninang umaga sa opisina ay agad niyang tinawagan ang kaniyang abogado upang asikasuhin agad yun.Kuyom ang kamao niya ng maalala ang ginawang panloloko ni Mutya. Hindi siya makapaniwala na sa kabila ng maamo nitong mukha ay magagawa nito ang bagay na yun.Noong una ay pinigilan niya ang kaniyang nararamdaman para kay Mutya dahil ayaw nyang magtaksil sa girlfriend. Kahit emotionally ay wala siyang romantic attachment kay Audrey, he still respects her for saving his life ngunit kahit anung gawin nya ay mabilis na nahulog ang loob niya sa napaka bata nyang asawa at halos mabaliw siya kapag may ibang mga lalaki ang umaaligid dito. He knew from the beginning that she wasn’t into him ngunit binalewala niya yun dahil akala niya ay may na
3rd Person POVSinigurado ni Audrey na siya ang pinakamaganda ng gabing yun sa party. Last month pa siya nasabihan ni Drake. Kaya pala last week ay ayaw na siya nitong papuntahin dahil may kinahuhumalingan na itong ibang babae. Pero dahil sa ginawa ni Drake kagabi ay hindi siya makakapayag na hindi siya ang kasama nito. Naghisterical siya sa telepono at kunwari’y naninikip ang dibdib kaya di nagtagal ay pumayag rin si Drake na sumama siya.Isinuot ni Audrey ang pinakasexy at pinakamaganda niyang gown nang gabing yun. Kung naroon man si Mutya ay sisiguraduhin niyang magmumukha itong katulong sa harapan niya.Samantala ay walang gana si Drake na umattend ng Annual Party ng kanilang kompanya ngunit hindi ito pwedeng matuloy nang wala siya lalo na at nasa Amerika ang kaniyang ama ngayon.He saw Audrey all prepared when he picked her up. Naiiling siya ng makita niya ito. Mukhang pinaghandaan talaga ni Audrey ang gabing ito which he doesn’t understand dahil wala naman masyadong ganap sa par
Back to Liliw, Laguna..... Mutya POV May mga dumating na politiko habang abala kami sa aming mga ginagawa. Narinig ko na Congressman Garcia daw yung dumating. Nagpaalam sa amin si mommy Agatha upang puntahan ang grupo ni Congressman. Naiwan kami ni Drake na magkatabi. Lumipat ako sa upuan ni mommy Agatha upang lumayo sa kaniya. Tiningnan lang ako nito at napailing. Maya maya pa ay sinenyasan ni mommy Agatha si Drake na lumapit sa kaniya. Tumayo si Drake sa kinauupuan nito. “Let’s go.” anito. Hinawakan niya ang aking braso. Nagtataka akong napatingin ako sa kanya. “C’mon naghihintay si mommy.” anito ng makitang hindi ako kumikilos. “Ikaw lang ang tinawag niya tsaka anu namang gagawin ko dun?” wika ko sa kaniya at wala akong balak na umalis sa kinauupuan ko. “I’m not leaving kung hindi ka sasama. Bahala nang maghintay si mommy dun.” at bumalik ito sa pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Napalingon ako kay mommy Agatha na pasulyap sulyap sa pwesto namin at hinihintay
Mutya POV “I’m awake.” Sabay kaming napalingon ni mommy Agatha ng marinig ang boses ni Drake. Naka suot pa ito ng gray light sleep pants at white tank top. Mukhang nagtoothbrush at hilamos lang ito dahil medyo basa ang buhok at parang hindi pa nagsusuklay. Ilang buwan na kaming kasal pero ngayon ko lang siya nakitang bagong gising. Ang gwapo pa rin nito kahit magulo ang buhok. Lumapit ito sa akin at walang sabi-sabing hinalikan ako sa labi. Mabilis lang ang halik nito ngunit pinamulahan ako ng mukha dahil nasa harap namin si mommy Agatha. “Good morning mom.” ani Drake at hinalikan nito sa pisngi ang kaniyang ina. “Bakit para kang nagmamadaling bumaba dyan? Magsuklay ka kaya muna ng buhok.” ani mommy Agatha. “Kukuha lang po ako ng kape.” nagpaalam ako sa dalawa at nagdiretso ako sa kusina. Nakita ko agad ang coffee pot. May nakahanda ng kape dun. Kumuha ako ng creamer at asukal at inihalo ko sa aking kape. Pinaikot ikot ko ang kutsarita sa tasa. Hindi naman talaga kape ang ipi
Mutya POV“Ano daw?” gulat na tanong ni mommy Agatha ng sabihin ko sa kaniya ang gustong mangyari ni Drake.“He’s losing his mind. Where is he?” anito at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Siya namang pagdating ni Drake na nakapantalon at simpleng polo shirt.“Bakit kailangan niyang magpalit eh hindi naman masagwa ang suot niya?” “Maraming lalaki dun.” nilagpasan niya kami at umupo sa sofa. Parang hindi makapaniwalang napatitig si mommy Agatha rito. Ako naman ay walang naiintindihan sa nangyayari kung bakit nagtatalo ang dalawa at bakit parang big deal ang usapang ito dahil lang sa suot ko. Napansin naman ni Drake na nakatitig sa kaniya ang ina nito.“What?” takang tanong nito sa ina. “I’m just trying to protect my wife.” anito pa.“Seriously Drake? You're trying to protect her? Nakita mo ba kung anong ginawa mo sa leeg ng asawa mo?” wika ni mommy Agatha. Nagtataka naman akong napakapa sa aking leeg. Anung merun? Nilingon ako ni Drake dahil nakatalikod ito sa akin. Pinasadahan nito ng t
Mutya POV“Kala ko kameeting mo si Congressman.” tanong ko kay Drake at bumalik ako sa pagbabalot ng mga de lata. Hindi ito sumagot sa halip ay tinanong niya ako.“Ano yung usapan nyo ni Andrew?” anito.“Hindi ko alam.”“Anong hindi mo alam?” iritableng tanong nito.“Hindi ko nga alam, baka nagbibiro lang yun.” sagot ko.Palabiro naman talaga si Andrew. Hindi lang talaga makarelate si Drake dahil napakasungit nito. Ilang sandaling tumahimik si Drake.“So, gusto mong matutong sumakay sa kabayo?” pag-iiba nito. Napatingin ako sa kaniya. Wag niyang sabihing tuturuan nga nya ako?“You can’t… your pus*y is still sore” bulong nito. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Balisa akong lumingon lingon sa paligid dahil baka may ibang nakarinig. Mabuti na lang at malayo sa amin ang ibang volunteers.“Ang bastos ng bibig mo.” inis kong sabi sa kaniya.Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin at may ibinulong.“Pero kung gusto mo talagang matuto mangabayo… I can teach you a lesson in my bed tonig
Mutya POV Matapos umalis kaninang umaga ay muli na namang bumisita ngayong hapon ang pamilya ni Drake. Nadatnan sila ng pamilya ni kuya Carding na bumiyahe pa mula sa Batangas. Finally ay nakilala ng pamilya ni Drake ang mga taong parang pamilya ko na. Magiliw na inistima ni mommy Agatha ang pamilya nina Tintin. Ang don Antonio na kilala kong nakaka-intimida ay ibang iba ang ipinakita sa kanila. Nakikipagbiruan pa ito kay kuya Carding. Nagulat ako na may side palang ganun ang aking byenan. Sa kanya nga siguro nakamana si Drake. Suplado pero kung kikilalanin mo ay napakababa ng loob. Mukhang napagsabihan na si Gigi na magbehave dahil napakatahimik nito at halatang pigil na pigil sa pagsasalita. Kabalikataran naman ni Tintin na kanina pa nakatingin kay Andrew. Nakalimutan na yata nito na ako ang binibisita niya. Kapansin pansin naman na hindi kinakausap ni kuya Carding ang aking bayaw. Iwas na iwas kasi ito kay Andrew. Lumapit si Tintin sa crib at sinilip si baby Luke. Sinipat sipat
Mutya POV Buong pagmamahal kong pinagmamasdan ang aking mag-ama. Kapapanganak ko lang kagabi. Buhat buhat ni Drake ang baby namin. Titig na titig ito sa mukha ni baby habang ipinaghehele. Bawat facial expression na gagawin ng anak namin ay mangingiti si Drake at amuse na amuse sa nakikita. Bawat details ay pinagmamasdan niya. Hindi pa rin bumabalik ang memorya nito. Simula ng ikwento ko sa kanya ang tungkol kay kuya Lucas ay ilang beses ko pa yung inulit ulit na ikwento hanggang sa makabisado na niya ang bawat detalye at siniguro kong nauunawan din niya kung gaano kahalaga na dumating siya sa buhay ko. Iniligtas ko nga siya sa sunog ngunit iniligtas naman nya ako sa matinding kalungkutan ng buhay. Hindi ko alam kung anong mangyayari pag balik ng kanyang memorya. Ang mahalaga, kahit ngayon lang ay maramdaman ni Drake kung gaano kaimportante na dumating siya sa buhay namin ni kuya. Nakikita ko rin ngayon kung gaano niya kamahal ang aming anak at malaking tulong din ito upang marealiz
Mutya POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa opisina ni Drake ay napansin ko na agad na wala ang painting ng mga mata ni kuya Lucas. Narito kasi ako ngayon upang dalhan siya ng pagkain na niluto ko para sabay na rin kaming mag lunch. Nasa meeting pa siya at ayon sa sekretarya nito ay malapit na raw yung matapos. Naglakad lakad ako upang hanapin yung painting ko dahil baka inilipat lang ni Drake yun ng pwesto. Napaigtad ako ng biglang may yumakap sa akin. “Kanina ka pa baby ko?” malambing na wika ni Drake. Kung dati ay babe, ngayon ay baby na nya ako kung tawagin. Humarap ako sa kanya at dinampian siya ng halik sa labi. As usual, nakakaalala man o hindi.., ay hindi sapat sa kanya ang dampi lang. Binigyan niya ako ng mahaba at mainit na halik. “Nasaan yun painting ko?” tanong ko agad sa kanya pagkatapos nya akong halikan. Naglumikot ang mga mata ni Drake na parang nahuling may ginawang kasalanan. Kumalas ito sa akin at umupo sa kanyang swivel chair. Tinapunan ko lang siya ng
Drake POV Nagpapasalamat ako at reliable ang aking sekretarya. Hindi naging mahirap para sa akin na ipagpatuloy ang pagtatrabaho dahil naipaliwanag nya sa akin ng malinaw ang lahat ng mga kailangan kong malaman. “Sir, 6:30 na po, hindi pa ba kayo uuwi?” tanong ng sekretarya ko. Bahagya akong natawa rito. “Ano ako, senior citizen maagang matulog? Mauna ka na, pag-aaralan ko lang ito. ” I said sarcastically. “Baka hintayin kayo ng asawa nyo, usually 5pm umaalis na kayo, minsan mas maaga pa, sinusundo nyo siya sa school.” Parang bigla akong nabalisa dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at inayos ang aking gamit at humakbang papalabas ng kwarto. Agad akong nagdrive papalayo ng building. While driving I begin to wonder what in the world am I doing right now? Is it because of my wife? Nah, that’s not me. That’s the lame Drake who’s obsessed with his wife. Pinihit ko ang manibela at iniba ang ruta ng aking pupuntahan. Later, I found myself at Darren’s bar. “What are you doing here?
3rd Person POVMainit nilang pinagsaluhan ang magdamag. Para kay Mutya habang tumatagal ang kanilang pagniniig ay nararamdaman niya ang pagbabalik ng kanyang asawa. Hindi man siya naaalala nito ay wala pa rin itong ipinagkaiba sa paraan kung paano siya nito angkinin.For Drake, having sěx with young wife, whom he barely knew, was a completely different experience but his body reacts to her like it recognizes her in bed. It went on all night and it was way better than anyone else he’d been with. He’s totally surprised that he can’t get enough of her.Kung ibang babae lang ito ay nagbibihis na siya sa mga oras nato and ready to leave the place pero ngayon ay siya pa itong nakayakap sa nakatalikod na hub0t hubad nitong katawan at ngayon ay himbing na himbing sa pagtulog dahil sa pagod…, dahil ilang ulit niya itong inangkin buong magdamag.“So, ito ba ang pinagdaraan ko bago ako nagka-amnesia?” tanong niya sa sarili dahil narealized niya na simula pa sa hospital hanggang ngayon, his wife h
Drake POVDali daling pinulot ni Mutya ang mga prutas at isa-isang inilagay sa loob ng basket. Lumapit si Darren upang tulungan sana ito.“You should probably head out, Darren. It's getting late.” saad ko.“Kadarating ko lang, pinapaalis mo na ako? Alas dos pa lang ng hapon.” wika ni Darren at nagpoprotestang tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng nagbabantang tingin. In the end, napailing na lang si Darren at makahulugang napangiti.“May amnesia ka na nga’t lahat, seloso ka pa rin.” nakangising winika nitoNapakunot ang aking noo nang maalala na ganitong ganito rin ang sinabi Andrew sa akin kanina. Palihim kong pinalapit si Darren. Humakbang nga ito papalapit ngunit ang mga mata naman ay nakamasid pa rin kay Mutya na abala pa rin sa paglimot ng mga prutas.“Gusto mong dukutin ko yang mga mata mo!” mariin kong sabi sa kaibigan ko. Napatawa lang ito at umiling iling na lumapit sa akin.“ I need a serious answer from you. Seloso ba talaga ako?” pabulong na tanong ko kay Darren. Bahagya
3rd Person POVSinabi kanina ng doktor kay Drake na may temporary amnesia ito at ang naaalala nya ay ang naganap 2 years ago pa. Kunot ang noo si Drake na nakatingin sa babaeng sinasabi nilang asawa daw niya. Sa isip isip niya ay paano mangyayari yun hindi naman siya ang tipo ng lalaking nakikipag date kahit kanino, asawa pa kaya? He's like the king of one night stands and never goes on second dates. “Seriously, is this some kind of prank? 'Cause it's not funny at all.” irritable tanong ni Drake.Nalilito si Mutya sa kung anong nagyayari sa mga oras na yun. Maging si Andrew ay nagulat din sa nadatnan ngunit madali niyang naintindihan ang nangyayari. “Ano pong nangyayari sa asawa ko?” maluha luhang tanong ni Mutya.Nilingon ni Andrew si Mutya at bumulong.“Doon muna tayo sa labas.” anito kay Mutya at tumingin sa kanyang mga magulang upang ipagpaalam na ilalabas niya muna sa pag-aalalang baka mabigla ito. Inalalayan niya si Mutya para lumabas.“Wait, if she’s my wife, why the hell a
Mutya POVNadatnan ko sina mommy Agatha at don Antonio sa silid kung saan naka confine si Drake. Ni hindi ko na nagawang batiin ang mga ito dahil nagtatakbo na ako sa tabi ni Drake. Tulog na tulog ito. Muli na namang nagpatakan ang aking mga luha ng makita ko siya. Awang awa ako sa kinahinatnan ng aking asawa. Hinalikan ko siya sa labi. Hinagod ng mga daliri ko ang kaniyang buhok at sinuklay suklay yun.Lumapit si Andrew sa akin at inabutan ako ng mauupuan. Umupo ako at agad kong hinawakan ang kamay ni Drake at hinalikan yun. Isinubsob ko ang aking ulo sa higaan nito. Walang tigil ang pagbuhos ng aking mga luha habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan.“Andito nako babe, gumising ka na please… Kakainin pa natin yung inihanda mo.” usal ko habang nakapikit ang aking mga mata at walang tigil ang pagdaloy ng aking mga luha.Tahimik lang ang mga magulang ni Drake at hinayaan lang nila ako na ilabas lahat ng bigat sa loob na nararamdaman ko. Nakamasid at nakabantay lang ang mga ito sa am
Mutya POVPara akong nabingi sa narinig at biglang nanginig ang mga tuhod ko. Ni hindi ko na nga naintindihan ang iba pang sinabi ni Andrew. May mga medical term pa itong sinabi na hindi na rumehistro sa utak ko dahil nang sabihin nitong unconscious ngayon si Drake sa hospital ay parang namanhid na ang buong katawan ko.“Noon una akala ng sekretarya nya, malalim lang itong nag-iisip dahil tulala daw ito. He didn’t respond the entire time she was talking to him and she find it strange. He was awake but not responding at all, ilang minuto daw na ganun then bigla na lang siya nag collapse mabuti na lang at naka-upo siya at napasubsob lang siya sa table at hindi bumagsak sa sahig. They sent him to hospital immediately after that. Right now, he is still in an unconscious state.”Tumahimik sandali si Andrew upang siguraduhing okay lang ako. Nakita kasi niyang nanginginig ako.“Okay lang siya diba?” tanong ko na umaasa na sasabihin ni Andrew na okay lang ang asawa ko. Una unahang nagpagpat