Share

Kabanata 2

Author: corasv
last update Last Updated: 2022-11-03 18:44:14

TITIG na titig si Arthur sa maamong mukha ng babaeng natutulog sa harapan niya. Maamo, napakaganda at kaakit-akit na mukha. Mistula itong isang anghel habang pinagmamasdan.

     Napabungtong hininga si Arthur bago kinumutan ang dalaga. Muli siyang napatitig sa mukha nito. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. Makipot ang mapupulang mga labi.

     Lumabas si Arthur sa private hospital room na ‘yon. Kinausap niya ang nakatagalang doktor sa dalaga. Ayon naman sa manggagamot, ligtas sa kapahamakan ang pasyente.

     “May sugat siya sa ulo. Wala ho ba siyang brain damage, doctor?” Nasa tinig ni Arthur ang pag-aalala.

     “According to Dr. Sheryl Sambere–Specialization. Radiology. After the Head Ct (Computed Tomography, CAT Scan) was performed, no injury or blood clot was found in the patient's skull or brain.”

     “Thanks, God!” sambit ni Arthur. Gumaan ang pakiramdam ng lalaki sa kaalamang iyon.

     “What is your relationship with the patient?”

     Sandaling natahimik ang binata. Umubo muna siya bago magsalita. “A-ako po ang responsable sa nangyari sa pasyente.”

     Tinapik siya sa balikat ng doktor.

     “Sa susunod, mag-iingat ka na sa pagmamaneho. Pasalamat na lang tayo na hindi malubha ang tinamong sugat ng pasyente.”

     Tumango siya bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap nila ng manggagamot, nagpaalam ito sa kanya na sisilipin ang ibang pasyente na naroon din sa ospital.

MASAKIT na masakit ang ulo at katawan ni Raquel nang magkaroon ng malay. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Napasinghap siya sa pagkabigla nang makita ang pares ng mga matang matamang nakatingin sa kanya.

     “I’m glad you’re awake now. Ang akala ko’y matatagalan pa bago ka magkamalay.”

     “N-nasaan ako?” Sinikap niyang bumangon pero hindi niya magawa. Saka pinipigilan siya ng lalaki.

     “Narito ka sa ospital. At huwag mo munang piliting tumayo dahil hindi mo pa kaya.”

     “S-sino ka? Doktor ka ba?”

     “Ako ang nagmamaneho ng sasakyang nakahagip sa iyo. Dinala kita rito sa ospital.”

     “So, Ikaw pala ang nakahagip sa akin? At sa tingin mo’y sapat na iyong dinala mo ako rito sa ospital? Huwag mong sabihin sa akin na naghihintay kang pasasalamatan pa kita? No way!” galit na wika ni Raquel. Pero nasapo niya ang kanyang ulo dahil biglang sumakit ito.

     “Ang mabuti pa’y mahiga ka na lang muna.” Tinulungan siyang mahiga ng lalaki at kinumutan pa siya nito. Kita niya sa mga mata nito ang pag-aalala. Sa tingin niya’y totoong nagmamalasakit ito sa kanya. “Ano ang nararamdaman mo? Gusto mo bang tawagin ko ang dok–”

     “Hindi na,” sansala niya sa sasabihin pa sana nito.

     “Sino ang pwede kong tawagan sa iyong pamilya para malaman nilang nasa ospital ka ngayon?”

     “Wala,” wala sa sariling sagot niya.

     Nagtaka ang lalaki sa isinagot niya.

     “Wala? Sigurado ka?”

     Napakurap siya nang maalala ang bunsong kapatid.

     “S-si Mark…”

     “Mark? Asawa mo ba siya?”

     “H-hindi…” nanginginig ang boses na sagot niya. “Kapatid ko siya.”

     Mabilis siyang pinigilan ng lalaki nang akmang babangon siya.

     “Hey,” anito. “Hindi ka pa magaling. Kailangan mo pang magpahinga.”

     “H-hindi ako pwedeng magtagal sa ospital na ito. Kailangan ako ng kapatid ko!” Nag-unahang tumulo ang luha sa magkabilang mata niya. “Ano ba? Bitiwan mo nga ako!”

     “Are you okay?” nagtatakang tanong ng lalaki sa kanya.

     “No, I’m not okay!” matapat niyang sagot saka inis na pinahid ang kanyang luha. “Hindi mo naiintindihan, e…”

     “Sabihin mo sa 'kin para maintindihan kita.”

     “N-nasa ospital ang kapatid ko. Ayon sa doktor na tumingin sa kanya… May leukemia siya. Kailangan niyang manatili sa ospital para sa series of test. At–God!”

     “What?”

     “Hindi ko alam ang gagawin ko. Kasalanan ko kung bakit nahagip ako ng iyong sasakyan. Marami akong iniisip habang tumatawid sa kalsada.”

     Niyakap siya ng lalaki na ikinagulat niya. Masuyo nitong hinaplos ang likod niya.

     “May awa ang diyos. Gagaling ang kapatid mo.”

     “How?”

     “What do you mean, how?” nababaghang tanong nito sa kanya.

     “Ulila na kami sa ama. Ngayon naman ay pinabayaan na kami ng aming ina. Ayokong mawala ang kapatid ko…” Umiyak siya nang umiyak sa balikat nito. “Ang sakit! Dahil ako ang panganay pero wala naman akong magawa para tulungan siya.”

     Inilayo ni Raquel ang katawan sa lalaki nang may kumatok sa pinto. Isang babae ang pumasok sa silid.

     “Oras na ho para kumain ang pasyente.” Inilapag ng babae ang dala nitong tray sa maliit na mesang naroon.

     Nang makalabas na ang babae ay dumating ang isang lalaki. May dala itong basket na puno ng prutas. Ang lalaking kasama niya sa loob ng silid ang tumanggap ng basket.

     “Kumain ka muna,” anang lalaki at inilapag sa ibabaw ng mesa ang basket. “Lalabas na muna ako.”

     Tumango lang siya bilang tugon.

KINAIN ni Raquel ang pagkaing dinala sa silid niya. Pagkatapos niyang kumain ay may pumasok na nurse sa silid niya.

     “Oras na ho para uminom ng gamot niyo, ma’am.”

     Tiningnan ni Raquel ang dextrose.

     “Papalitan mo pa ba ang dextrose ko?”

     “Hindi na ho, ma’am. Ang sabi naman ni doc bukas ng umaga ay pwede na kayong lumabas dito sa ospital.”

     Ininom niya ang gamot na binigay ng nurse. Antibiotic lang naman iyon dahil sa maliit na sugat na tinamo niya sa may ulo. Bukod do’n ay may galos pa siya sa kanan niyang braso. May pasa rin siya sa hita at binti niya. Kaya kanina ay may sinat siya. Pero ngayon ay okay na siya at lumabas na rin naman ang resulta ng x-ray sa skull niya at wala naman iyong problema.

     Matapos uminom ng gamot ay nakatulog si Raquel. Hindi na tuloy niya namalayan ang pagdating ng lalaking nakahagip at nagdala sa kanya rito sa ospital. Pero umalis din ito agad nang makitang tulog na siya.

Related chapters

  • You're The One I Love   Kabanata 3

    KINABUKASAN nang magising si Raquel ay agad niyang napansin ang isang basket na naglalaman ng pink roses sa ibabaw ng mesa. Awtomatikong napakunot ang noo niya habang iniisip kung sino ang maaaring nagdala niyon dahil sigurado siyang bago natulog kagabi’y wala pa ang mga bulaklak. Marahan siyang bumangon. Medyo kumikirot pa ang sugat niya kapag nabibigla ang kanyang paggalaw. Pumasok siya sa banyo. Inayos niya at nilinis ang sarili. Pero habang nasa harap siya ng salamin at matamang nakatitig sa sariling repleksyon ay nakaramdam siya ng pag-aalala. Tatlong libong piso lang ang laman ng wallet niya. Paano kung kulang iyon para sa hospital bill niya? Ang perang ‘yon ay natirang allowance nila ng kapatid. Nasapo niya ang sariling noo. Ang perang ‘yon ay pandagdag sana sa pambili ng gamot ng kanyang kapatid. Kung hindi pumayag ang ospital na paalisin siya kung hindi sapat ang kanyang pera para sa hospital bill ay iiwan niya ang kanyang gold necklace. Regalo iyon sa kanya ng in

    Last Updated : 2022-11-03
  • You're The One I Love   Kabanata 4

    NANG bumalik si Raquel sa hospital room ng kapatid ay nagulat siya nang makita ang isang pamilyar na mukha. “I-ikaw?” naisatinig niya nang isara ang dahon ng pinto. “A-anong ginagawa mo rito?” “Hi!” nakangiting bati sa kanya ng lalaki. Ito ang lalaki na nagdala sa kanya sa ospital. “Si Aling Lolita, b-bakit wala siya rito?” “Ang tinutukoy mo ba iyong matandang babae na may nunal sa kanang pisngi?” “Oo. Nasaan siya at bakit ikaw ang naririto sa silid ng kapatid ko? Sinusundan mo ba ako?” “Maaari ba kitang makausap ng masinsinan?” sa halip ay ito ang isinagot nito sa kanya. “Wala akong panahon para e-entertain ka lalaki,” matapat niyang sabi. Itinuro niya ang natutulog na kapatid. “May malubhang sakit ang kapatid ko–” “May sakit na leukemia ang kapatid mo,” mabilis na sansala nito sa sasabihin niya. Nangunot ang noo ni Raquel. Marahil ay nabanggit ni Aling Lolita sa lalaki ang tungkol sa sakit ng kapatid niya. “Ngayong alam mo na ay maaa

    Last Updated : 2022-11-03
  • You're The One I Love   Kabanata 5

    INILAPAG ni Raquel sa ibabaw ng mesa ang dalawang card na pag-aari ng lalaki. “Sorry, nabawasan ko ang pera mo.” Nahihiyang nagyuko siya ng ulo. “Ginamit–” “Ssh…. Hindi mo naman kailangan magpaliwanag, Raquel. Kakailanganin mo pa ang bagay na ito.” Ibinalik nito sa kamay niya ang ATM card. “Huwag kang mag-alala, dadagdagan ko pa ang perang nasa ATM card na ‘yan.” Nag-angat siya ng mukha. Malaking halaga ang nilalaman ng ATM card, nakita niya iyon kahapon nang mag-withdraw siya ng pera. “S-salamat,” she said tearfully. Kinapalan niya na ang mukha. Totoong kailangan niya ng pera para sa mga test na gagawin pa sa kapatid. Ang pagpayag na magpakasal siya kay Arthur ang naiisip niyang kasagutan upang mailigtas sa tiyak na kamatayan ang kapatid. Ipinaliwanag ni Arthur ang magiging kasunduan nila sa kasal. Puro tango lang ang ginawa niya. Ang totoo ay hindi naman pumapasok sa utak niya ang mga sinasabi ng lalaki. Pakiwari niya’y naiwan sa ospital ang kalahating

    Last Updated : 2022-11-03
  • You're The One I Love   Kabanata 6

    SUMANDAL si Raquel sa railing ng balkonahe upang may sumuporta sa nanlalambot niyang katawan. Nagpapahiwatig ang tono ni Zeus na hindi maganda ang sasabihin nito sa kanya. “Tungkol saan naman ang pag-uusapan natin?” “Stay away from my brother, opportunist!” “Ano ulit?” tanong niyang nabingi sa sinabi nito. “Darn it! Sabi ko layuan mo ang kapatid ko. Hindi niya kailangan magpakasal sa isang hampaslupang katulad mo!” matigas na sabi nito. Napatuwid siya nang tayo. Humigpit ang hawak niya sa telepono. “Sandali, Mr. Del Prado! Sumosobra ka na,” sagot niya sa kontroladong boses. “Ang iyong dila ay parang tabak at tulis. Hindi dahil mahirap ako pwede niyo na akong pagsalitaan ng masakit. Ni hindi niyo nga ako kilala.” Inaasahan na niyang palalayuin siya nito kay Arthur subalit hindi niya inaasahang tahasan na iinsultuhin nito ang pagiging mahirap niya. Ayaw niya sa lahat ay ang mga mayayaman na kung umasta ay pag-aari ang buong mundo. Na ang mahihirap ay p

    Last Updated : 2022-11-09
  • You're The One I Love   Kabanata 7

    DAHIL walang investor para simulan ang farm ay isa na lang ang naisip na solusyon ni Arthur. Ayon sa testamento na iniwan ng ina nito ay nag-iwan ito ng malaking halaga para sa magkapatid na makukuha lang oras na mag-asawa ang mga ito. Marriage for convenience lang ang kasunduan nila. Walang sekswal na magaganap sa pagitan nila dahil wala silang pisikal na relasyon. Matutupad ni Arthur ang pangarap ng ina nito. Samantalang maliligtas naman ni Raquel ang buhay ng kapatid niya. Kinuha ni Arthur sa mga kamay ni Raquel ang cordless phone at sinenyasan ang dumaan na kasambahay na kunin iyon. “I wonder if I made the right decision,” sambit ni Raquel habang nakatingin sa kawalan. Humugot siya ng isang malalim na hininga. Pakiramdam niya naninikip ang kanyang dibdib pagkatapos makausap sa telepono ang kuya ni Arthur. “Natatakot ako na baka hindi ko magampanan ang role ko bilang iyong asawa.” Hindi kaila sa kanya na maraming babae ang gustong makipagpalit sa pwesto niya. Mg

    Last Updated : 2022-11-09
  • You're The One I Love   Kabanata 8

    MULA sa pagdalaw kay Mark sa ospital ay tumuloy si Raquel sa Baguio. Pagpasok niya sa villa ay nagulat siya nang makita ang dalawang kasambahay na pababa ng hagdan at bitbit ang mga maleta niya. “Akin ang mga ‘yan, ah?” Tukoy niya sa mga maleta. “Saan n’yo dadalhin ang mga ‘yan?” “Ma’am, sabi po ni senyorito, 'pag nakabalik ka ng villa puntahan mo raw siya sa library,” sa halip ‘yon ang sinagot sa kanya ng isang kasambahay. Napakurap siya. Nasundan niya pa ng tingin ang dalawang kasambahay na ngayon ay patungo sa maluwag na sala. Isang buntong hininga ang kumawala sa lalamunan niya. Mahigpit ang hawak niya sa handrail ng hagdan bago nagsimulang humakbang. Nang marating ang library, kumatok muna siya bago pinihit ang seradura. Nakita niyang kausap ni Arthur si Dianna. “She’s here,” si Dianna. “Mabuti at dumating ka na,” ani Arthur na puno ng pag-aalala ang mukha. “Ipinahanda ko ang mga gamit mo. Kailangan mong umuwi sa San Ruiz ngayon din.” “San Ruiz?

    Last Updated : 2022-11-09
  • You're The One I Love   Kabanata 9

    NANG makarating si Raquel sa city limits ng Baguio City, dumilim ang langit. Tila uulan, naisip niya. Kailangan siyang magmadali dahil ayaw niyang abutin ng malakas na ulan sa zigzag roads ng Mountain Province. Hindi niya kabisado ang daan, umaasa lang siya sa waze map. Nakalampas na siya sa zigzag pero pababa at pataas pa rin ang makipot na mga daan. Nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan at malalaki ang mga patak nito sa windshield ng kotse. Mula sa loob ng sasakyan ay narinig ni Raquel ang kulog at nakikita niya rin ang paminsan-minsang pagguhit ng kidlat sa kalangitan. Natensyon siya. Ninais niyang sana ay naroon siya sa ospital kasama ang kapatid. Binabantayan ito habang gumuguhit sa kanyang sketch pad. O kaya ay nagbabasa ng isang horror story na akda ni Miss Contessa. Hindi talaga siya mahilig magbasa ng love story, wala naman siyang love life. Biglang gumuhit sa kanyang isipan si Zeus. Damn him! Ito ang may kasalanan kaya naroon siya ngayon sa gitn

    Last Updated : 2022-11-09
  • You're The One I Love   Kabanata 10

    NALIGO si Raquel at nagpasalamat siya dahil may cold and hot water sa shower. Napakaginaw ng panahon at tiyak na mangangatog siya kapag malamig ang ipinaligo niya. Binuksan niya ang isang maleta at kumuha ng isusuot. Nagbihis siya ng pambahay at nagsuot ng sweater. Inilipat niya sa dresser ang mga damit niya. Pagkatapos ay saka pinagmasdan muli ang loob ng kuwarto. Malinis ang bedsheet at pillowcases. Parang laging nakahanda ang mga ito sa magiging panauhin. Lumabas siya ng kuwarto at pumanaog. Nalanghap niya ang masarap na aroma ng pagkain. Sinundan ng pang-amoy niya ang pinanggagalingan nito. Bigla siyang nagutom nang makita ang pagkain sa mesa. Pakbet, inihaw na isda at ensaladang talbos ng kamote na may ginayat na kamatis at sibuyas. May ginisang bagoong alamang pa. “Hmmm, ang sarap ng mga ito, Aling Tonyang!” “Ganyan lamang kasimple ang mga ulam dito sa kabundukan. Isda, gulay. Pero may alagang mga manok at baboy kami. Kabuhayan na binigay sa ‘m

    Last Updated : 2022-11-09

Latest chapter

  • You're The One I Love   Wakas

    MAGKAHALONG nerbiyos, excitement at tuwa ang nararamdaman ni Raquel habang sakay sila ng bridal car ng kanyang inay. Bago ang kasal ay nag-hire si Zeus ng private detective para hanapin sa Davao ang kanyang inay. Wala pang isang buwan ay nakatanggap sila ng balita. Ang galit at sama ng loob niya para sa ina ay parang yelong nalusaw nang malaman ang mapait na dinanas nito sa piling ng bagong asawa. Sinasaktan at ginugutom ni Ricardo Alvarez ang kanyang inay. Nagkaroon ng anak na babae ang dalawa, edad isang taon at dalawang buwan. Nang malaman niyang binenta ng lalaki ang kapatid niya sa halagang bente mil, halos magwala siya sa galit. Naghain sila ng reklamo laban kay Ricardo Alvarez. Nakapiit ito pansamantala sa Davao Provincial Jail habang patuloy pa ring dinidinig ang kaso. Sa tulong ni Zeus ay nahanap nila ang mag-asawang bumili sa kapatid niya. Nang una ay ayaw pang ibalik sa kanila ang bata, ngunit sa takot na makulong ang mga ito ay napilitan na ibalik s

  • You're The One I Love   Kabanata 48 – The Proposal

    PAGKAGALING sa simbahan ay sakay na siya ng kotse ni Zeus. “Sweetheart, wake up.” Mainit na labi ni Zeus na dumampi sa kanyang labi ang nagpagising sa kanya. Nakangiti ang kanyang mga mata nang titigan ang lalaking minamahal. Hindi niya akalaing nakaidlip pala siya sa biyahe. Isang mabilis na halik sa labi ang iginawad niya rito. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng halik sa labi. Malalim. Mapusok. Madiin. May pag-ibig. Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay nalulunod siya sa sensasyong hatid ng mga halik ni Zeus. Nang imulat niya ang mga mata ay may napansin siyang kakaiba sa paligid. Kahit tented ang salamin ng sasakyan ay malinaw naman niyang nakikita ang ilang puno ng niyog sa labas. “Nasaan tayo?” nababaghang tanong niya. Patuloy sa paghalik sa kanya si Zeus. Suot pa rin niya ang wedding gown. Pinanggigilan nito ang kanyang leeg pababa sa nakalitaw niyang cleavage. Muli niya itong tinanong pero umungol lang. Na

  • You're The One I Love   Kabanata 47

    LUMUWAG ang yakap sa kanya ni Zeus. Dahan-dahang nilingon nito ang kapatid. Napalunok si Arthur na parang nahihirapan magsalita. “Ayokong bigyan ka ng sama ng loob, Kuya. At kahit kailan ay hindi ko ginustong saktan ka. Kaya naman hindi na ako magpapakasal kay Raquel.” Gulat na napatingin siya kay Arthur. “Ano bang sinasabi mo?” “Isa ba itong kalokohan, Arthur?” tanong din ni Zeus. Lumapit sa kanya si Arthur. “Raquel, ‘wag mo akong piliin dahil lang sa utang na loob. Tinawagan ko na kagabi ang mga bisita. I told them the wedding is off.” Napanganga siya sa pagkabigla. “Wala akong planong anihin ang galit mo at magdusa ka habambuhay, Kuya. Kaya ibinabalik ko na sa ‘yo ang babaeng minamahal mo,” paliwanag nito nang balingan si Zeus. “I didn't consider you a competitor. I don't want you to consider me an enemy either. Gusto ko lang ay maramdaman na mayroon akong kapatid.” “Arthur. . .” mahinang sambit ni Zeus subalit nanatiling nakatitig sa kapatid.

  • You're The One I Love   Kabanata 46

    “OKAY ka lang ba, Miss Raquel? Gusto mong lakasan pa natin ang aircon?” tanong ng baklang makeup artist habang inaayusan ang bride sa loob ng kanyang silid. Kaibigan ito ni Levi na siya namang designer ng gown na isusuot niya. “Yes, please,” sabi niya na sandaling tumingin dito. Nararamdaman niya ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Lumapit sa kanya si Levi at sinilip ang repleksyon niya sa harap ng salamin. Kumuha ito ng tissue at maingat na pinahid ang pawisan niyang noo. “Raquel, try not to get too nervous. Pinagpapawisan ka, baka masisira ang makeup mo.” “S-sorry, hindi ko talaga mapigilan.” Pinilit niyang i-practice iyong visualization technique na natutunan sa isang libro noong nakaraang gabi sa kagustuhan na makalimot sa mga unnecessary thoughts ukol kay Zeus. Nang mga nakaraang gabi ay ginawa niyang isantabi ang lahat ng mga bagay na may kaugnayan dito at nag-focus lamang sa magiging kasal nila ni Arthur. She thought she had been successful in doi

  • You're The One I Love   Kabanata 45

    MARAHAS na pinahid ni Raquel ang luha sa mga mata. Taas-noo na tumingin siya sa mukha si Zeus. “Natatakot ako para sa anak ko kapag pinili kita. Ayokong maging malamig siyang tao tulad ng kanyang ama. Ayokong mamulat siya sa buhay kung saan pera lang ang sinasamba.” Nagyuko ng ulo si Zeus habang nakakuyom ang palad. “I’m sorry, Zeus. Hindi mo ako mapipilit na magpakasal sa iyo, kahit gumamit ka pa ng salapi at ikulong ako sa lugar na ‘to.” Naisubsob niya ang mukha sa palad at nagpatuloy sa pagluha. Mahal niya pa rin si Zeus kahit ilang beses niya pa itong tanggihan. Handa siyang baliin ang pangako kay Arthur na hindi niya ito bibigyan ng kahihiyan kahit kailan. Na hindi na niya uulitin pa ang pagkakamali. Ngunit pinili na niya si Arthur. Wala nang pag-asa si Zeus. Dapat malaman nito na hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. Hindi lahat ng babae ay interesado sa yaman nito. “You won,” anito sa malamig na boses. Kasing lamig ng mga mata nitong nakat

  • You're The One I Love   Kabanata 44

    BUMUKA ang bibig ni Raquel pero hindi nagawang sagutin ang tanong ni Zeus. Oo at hindi lang naman ang pwedeng isagot niya pero parang hirap siyang bigkasin kahit ang isa sa mga 'yon. Tinalikuran niya ito. Walang lingon-likod na tinungo niya ang pinto at lumabas ng silid na 'yon. “Sabihin mo nga sa akin kung bakit ayaw mo akong pakasalan!” Hindi niya namalayan na sinundan siya ni Zeus. Hinaklit nito ang braso niya dahilan para lingunin ito. “Sabihin mo muna sa akin kung bakit gusto mo akong pakasalan,” balik niya sa tanong nito. “I was the first. You should answer first,” giit nito. Nag-isang guhit ang mga kilay nito at lalong dumilim ang anyo. Tumaas ang sulok ng labi niya. Sarkatikong nginitian ito. “Ayokong magpakasal sa ‘yo dahil wala ka naman matinong rason para pakasalan ako.” “Hindi pa ba rason na magkakaroon na tayo ng anak?” Nasaktan siya nang dumiin ang mga daliri nito sa braso niya pero hindi siya nagpahalata. Ayaw niyang bigyan ng dahilan

  • You're The One I Love   Kabanata 43

    HUMUPA na ang kanina lang ay nagniningas na apoy sa kanilang katawan. At ngayon naman ay kailangan nilang harapin ang reyalidad. Bumangon mula sa kama si Raquel. Walang namutawing salita sa bibig niya habang isa-isang dinampot ang mga kasuotan na nasa sahig. Nagbihis siya sa harap ni Zeus na ngayon ay nakaupo sa gilid ng kama. Natitiyak niyang nag-aalala na sa kanya si Arthur. Baka nag-report na ito sa pulisya para ipahanap siya. Kailangang makaalis na siya sa lugar na ‘yon. Ayaw niyang magdulot pa ng malaking gulo. Hindi na siya nag-abalang suklayin ang kanyang buhok. Dinampot niya ang kanyang shoulder bag na nasa ibabaw ng tokador. Tinangka niyang buksan ang pinto subalit naging maagap si Zeus at agad na humarang sa harap niya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa ‘kin, ha? Napagbigyan na natin ang isa’t isa!” Tukoy niya sa mainit na naganap sa kanila kanina lang sa silid na ‘yon. “Mag-usap muna tayo.” “Wala na tayong dapat pag-usapan.” Tinabig niya ang

  • You're The One I Love   Kabanata 42 [ R-18️ ]

    ANG mabangong aroma ng kape ang nagpagising kay Raquel. “Good morning, sleepyhead.” “Good morning–” Hindi natuloy ang sasabihin niya. Boses ni Zeus ang kanyang narinig. Tuluyang nagising ang diwa niya nang may humalik sa labi niya. Noong una ay naisip niyang nananaginip pa rin siya. Kinurot niya ang sarili at nasaktan siya. Nang imulat niya ang mga mata ay sinalubong ng liwanag ang kanyang paningin. Ikinurap niya ang mga mata at nang masanay siya sa liwanag ay nakita niya si Zeus na nakangiti habang pinagmamasdan siya. Nasundan pa ng tingin niya ang hawak na tasa nito na inilapag sa bedside table. Napabalikwas siya ng bangon. Iginala niya ang paningin sa paligid. Simple lang ang kinaroroonan nilang silid. Ngunit napakaaliwas dahil sa kulay puting mga kurtina at kagamitan. Akmang bababa siya ng kama nang matigilan. Agad niyang nasapo ang magkabilang sintido dahil nakadama siya ng pagkahilo. Saka unti-unting bumalik sa alaala niya ang magandang panagin

  • You're The One I Love   Kabanata 41

    INULIT ni Mark ang tanong. “Ikaw, Ate? Excited ka rin ba sa kasal mo?” Natigilan si Raquel sa tanong na ‘yon ng kapatid. Umiwas siya ng tingin dito. “Bakit mo naman naitanong ‘yan? Hindi ba ako mukhang excited?” Kunwari ay abala siya sa pag-aayos ng mga prutas sa basket. “Ewan ko. Wala kasi akong makitang kislap sa ‘yong mga mata. Habang narito ako sa ospital ay nanonood ako ng mga movie at kagabi lang ay napanood ko ang ‘Marry Me Or I Will Marry You’. Nakita ko sa mukha ng mga ikakasal ang kinang at excitement sa kanilang mga mata. At iyon ang hindi ko makita sa mga mata mo, Ate.” “Kay bata-bata mo pa para manood sa mga ganoong bagay.” Pilit siyang ngumiti upang itago ang katotohanan mula sa mga mata nito. Tama nga ang kanyang kapatid, hindi siya tulad ng ibang babaeng ikakasal na nasasabik na maikasal. Dahil mahal nito ang lalaking pakakasalan. Wala siyang nakikitang hindi kaibig-ibig kay Arthur. Wala siyang mairereklamo rito. Ngunit wala siyang nararamdaman para

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status