Umiling pa si Yara. Ngunit ngayon ay sa wakas ay nabawi niya ang kanyang katinuan."Wala lang. Sadyang hindi lang maganda ang negosyo nitong mga nagdaang araw, at sobrang tagal ko nag tatrabaho. Nag-o-overthink lang ako kanina."Tumingin siya kay Calista at pumikit."Ikaw naman. Blooming at sobrang ganda mo ngayong umaga. Kakabangon mo lang ba sa higaan ng hottie?"Pinapatawa lamang ni Yara si Calista, parang gawain lang nila noon. Akala niya ay titig na titig si Calista sa kanya.Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, tumango si Calista, at sinabi pa ang pangalan na ikinagulat niya, "Si Lucian.""Nagkabalikan ba kayo?"Nanlaki ang mata ni Yara sa gulat."Hindi, hindi kami."Oo naman. Ito ay parang mas nakakagulat kaysa sa kanilang muling pagsasama."So ano kayo ngayon? Friends with benefits? O one-night stand lang?" Sumagi sa isip ni Yara ang hitsura ni Lucian. "Hindi ka masyadong nakikinabang sa isang one-night stand. Bagama't hindi siya loyal na lalaki, top-tier ang hitsu
Ito ay isang banta at babala. Pagkasabi ni Vivian ay tinakpan niya ang bibig niya ng bongga."Ay, tignan mo ako. Hindi ko na pala dapat binanggit pa ‘yon. Dahil hiwalay na kayo ni Lucian, edi ngayon wala na ang mata natin sa iisang lalaki, di ba?"Saglit na natigilan si Calista nang marinig ang pangalan nito na binabanggit ng masinsinan ng ibang babae. Hindi siya nakasagot agad.Napakaromantiko ni Vivian, katulad ng isang inosenteng babae na nagkaka-gusto sa isang tao."Dahil pinag-uusapan na natin siya, medyo may koneksyon din ako kay Lucian. Ngayon ko lang nalaman na nag-aral pala siya sa school namin apat na taon na ang nakalipas. At sikat na sikat siya sa school namin. Sayang lang at sick leave ako sa bahay ng isang buong taon. Aw, kung alam kong magkikita kami ngayon, sana sinundan ko na siya ng mga oras na iyon para hindi masayang ang apat na taon.""May girlfriend siya nung panahon na ‘yon. Kung nanalo ka sa puso niya, hindi nasayang ang oras, pero makikilala ka bilang ka
Pagdating ni Vivian sa Northwood Corporation, lumabas siya ng elevator. Bago pa siya makapunta sa opisina ni Lucian, hinarang siya ni David."Ms. Jacquez, ihahatid na kita sa meeting room."Hindi siya nasisiyahan dito."May bisita ba si Mr. Northwood ngayon?"Ilang beses na niyang binisita ang Northwood Corporation. Ngunit maliban sa unang pagkakataon nang sumama siya sa kanyang ama, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa opisina nito.Palagi siyang sinasama sa meeting room. Ang silid ng pagpupulong ay may mga transparent na salamin na dingding, na hindi nag-iiwan ng puwang para sa privacy. Ito ay isang halos bukas na espasyo kung saan malinaw na makikita ang lahat.Mahihirapan siyang lumikha ng intimate atmosphere sa pagitan nila ni Lucian. "Wala naman," sagot ni David, "ngunit si Mr. Northwood ay kadalasang nakikipagkita sa mga babaeng kliyente sa meeting room. Ito ang aming tradisyon, kaya't hinihiling ko ang iyong mabuting pang-unawa, Ms. Jacquez.""Dahil sinab
"Hindi pwede."Tumanggi si Calista pagkatapos niyang mag-alok. Siya ay nabalisa na ang kanyang boses ay hindi sinasadyang tumaas ng ilang decibel. Diniinan ni Lucian ang medyo masakit na tenga at tumayo ng tuwid."Nakiki-usap ako sayo na lumipat sakin para mas madali kita maprotektahan. Bagama't hindi ganoon kalakas ang impluwensya ng pamilyang Jacquez sa Capeton , madali lang para sa kanila kung may gusto silang gawin sayo."Diretso ang mukha niya, " At hindi ibig sabihin na sa iisang kwarto tayo matutulog kung magkakasama tayo. Tsaka kahit matulog tayo sa iisang kwarto, hindi rin ako mahihirapan. Hindi ko kaya gawin mo ang kahit ano sa iyo sa kabila ng mga pagpupumilit ko. Kaya hindi mo na kailangang mag-alala."Tahimik lang niyang sinabi iyon tungkol sa isang bagay na may kinalaman sa ego ng isang lalaki. Hindi siya nagpakita ng kahit isang bakas ng kamalayan sa sarili o kahihiyan.Hindi sigurado si Calista kung dapat ba niya itong purihin sa katapangan nito o kung gaano siya k
Nagsimulang magduda si Calista sa sarili kung nasa edad na ba talaga siya kung saan siya nagsimulang maging desperado. Kung hindi, paano masisira ang kanyang mga iniisip sa isang iglap? Sa pag-aalala na baka maramdaman ni Lucian ang kanyang pangit na pag-iisip, dali-dali niyang ibinaba ang kanyang ulo."Hindi na kailangan, matutulog na ako."Pinikit ni Lucian ang mga mata habang nagmamadaling umakyat sa itaas. Hinigpitan niya ang kanyang mga labi habang ang pananabik na pagnanasa ay umusbong sa kanyang kalooban. Ayaw niyang gulatin si Calista.Bumalik siya sa kanyang kwarto at naligo. Medyo natagalan siya, dahil nananatili pa rin sa kama sa kwarto ang presensya ni Calista mula noong nakaraang gabi.Humiga siya at pumikit. Kagabi, nakatulog siya sa ganoong posisyon at mabilis siyang nakatulog ng mahimbing. Pero ngayon, hindi siya makatulog ng maayos.Ang parehong amoy na bumabalot sa kanya kagabi ay ngayon ay marahang humihila sa kanyang mga iniisip. Hindi lang siya nahirapang ma
Tumingin si Lucian sa kanya. Hindi nabawasan ni katiting ang kanyang eleganteng aura dahil sa suot niyang kaswal na damit."May kailangan ka ba sa kanya?""Oo," sagot ni Calista, "Gusto kong tulungan niya ang kapatid ng kaibigan ko sa kanyang lawsuit.""Si Yara ba?"Wala siyang masyadong kaibigan, lalo na ang mga kaibigan na magpapalabas sa kanya ng ganitong gabi."Anong kaso niya?""Self-defense, pero gusto ng kabilang partido na kasuhan siya ng intentional assault."Nagtaas ng kilay si Lucian."Hindi siya humahawak ng mga kasong kriminal."Kilala si Timothy para sa mga economic lawsuitsiya, lalo na sa mga pagpanalo ng kaso kapag ang lahat ng posibilidad ay laban sa kanya. Pagkatapos nito, maraming mayayamang tao ang pumunta sa kanya para sa mga kaso ng economic law.Dahil ito ay madalas mangyari, lahat ay ituturing na lamang siya bilang isang abogado na dalubhasa sa mga kaso ng batas sa ekonomiya.Matapos maging pinuno ng legal na departamento sa Northwood Corporation, bih
Hindi gaanong kilala ni Calista si Timothy, kaya hindi siya sigurado kung pumayag ba ito sa kanyang kahilingan. Nakatitig siya kay Lucian, nalilito. Inihagis ni Lucian ang kanyang telepono sa coffee table."Matulog ka na. Pumayag naman siya."Sa wakas, nakaramdam si Calista na nabawasan ang bigat sa kanyang isipan. Ngumiti siya, nakakarelax. Nang makamit ang kanyang layunin, hindi siya nagtagal. Agad siyang nagtungo sa pinto. Hinawakan siya ni Lucian."Bakit ka aalis?""Hinihintay pa ako ni Yara sa apartment. Hindi siya good mood kaya makikipagkwentuhan muna ako saglit. Hindi muna akodito matutulog.""Pupunta si Timothy.""Hindi naman sila close. Kahit mag-usap sila, kaso ang usapan lang nila. Hihintayin ko silang matapos."Medyo hindi maganda ang boses ni Yara kanina.Napangiti si Lucian, at walang pakialam na sinabi, "Kung ikukumpara sa iyong aliw, mas matutuwa siyang kausapin si Timothy tungkol sa kaso. At nangako ka lang na makitulog ka sa akin ngayong gabi. Kaya hindi mo b
Hindi sinasang-ayunan ni Selena ang tingin kay Calista at sinabing, "Sabihin mo sa akin, gaano na ba katagal mula noong huli mo akong binisita sa bahay? Kapag masama ba ako at naospital, saka lang ako magkakaroon ng pagkakataon na makita ka?""Tita Selena," emosyonal na sagot ni Calista, habang nagsimulang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata matapos marinig ang tila pasaway pero mapagmalasakit na salita nito, "Naging busy lang po ako recently, pasensya na po.""Ayaw mo ba akong tawaging 'mom' ngayon?""Hindi naman sa ganun. Hiniwalayan ko na si Lucian, at baka hindi maintindihan ng mga tao kung tatawagin kitang mom ulit," sabi ni Calista, habang hawak niya ang kamay ni Selena. "Sa tawag lang naman po yun. Sa puso ko kayo pa rin palagi ang mom ko.""Edi siya na lang ang tumawag sakin na tita para mom pa din ang tawag mo sa'kin. Ipaalam mo sa walang ingat na batang 'yan kung ano ang na-miss niya!" sigaw ni Selena.Bigla siyang napaatras mula sa kagalakan na makaharap si Calista
Nagpadala siya sa kanya ng mga liham sa loob ng isang buwan ngunit walang tugon. Noong panahong iyon, hindi siya gusto ni Paul, kaya't makatuwiran na itinapon niya ang kanyang mga sulat. Agad na natigilan si Lucian. Gayunpaman, kaswal na tanong lamang ni Calista. Hindi niya inaasahan ang isang tugon at hindi niya namalayan na nanigas si Lucian. Hindi niya alam na pinag-iisipan niya kung sasabihin sa kanya ang totoo. Bagama't maaaring maging katanggap-tanggap ang ilang paraan na ginagamit upang ituloy ang mga babae, niloko na niya ito tungkol sa insidente sa relo.Makakahanap pa siya ng mga dahilan noon. Pero pagdating sa love letters, ibang usapan. Bago niya ito maisip, inabot ni Calista at iniligpit ang credit cards, itinulak ang mga ito patungo kay Lucian."Sige, ingatan mo sila." Nakaupo sila sa tabi ng bintana sa unang palapag, at masyadong kitang-kita ang mga credit cards. Nakikita ni Calista ang ilang dumadaan na sumulyap sa kanilang pwesto.Ayaw niyang mawalan ng mala
"Kailan ako … "Nakalimutan na ni Calista ang ganoong maliit na insidente.Bigla niyang naalala at nagpaliwanag, " Noon ay tinutulungan ko ang isang direktor na maghanap ng artista para sa kanyang bagong drama. Agad ko siyang binlock pagkatapos kong ibigay sa direktor ang contact niya." Lumiwanag ang mga mata ni Lucian, ngunit tumahimik siya at walang tigil na tumugon."Hmm." Ang kanyang sumunod na sinabi ay nakapukaw ng atensyon ni Lucian, "Naka-blind date mo si Ms. Turner noon." Mukhang naguguluhan si Lucian, "Ms. Turner? Sino iyon?" Pinanlakihan siya ng mata ni Calista."Nakipag-date ka sa kanya at hindi mo na matandaan ang pangalan niya. Nadamay pa niya ang negosyo ng kanyang ama dahil sa iyo." Nang marinig ito, naalala ni Lucian ang pangyayari.Kumunot ang noo niya at nagtanong, "Yung hindi sinasadyang mapaso ang kamay mo ng kumukulong tubig?" Puno pa rin ng galit ang tono nito kahit na matagal na, at nakalimutan na niya ang hitsura nito. ... Nagpareserba si D
Sabi ni Calista, "May isang beses ka lang para magsalita, kaya pagbutihin mo. Marami rin akong natuklasan sa mga taon na ito. Huwag mo ng subukan mag sinungaling pa. Isipin mo ang ginawa ni Nikolette ngayon. Baka kailanganin ko kumuha ng doktor para tingnan ang mga natamo ko. Pagkatapos non, tsaka ka lang pwede bumalik sa iyong anak na babae." Ipinakita pa nito sa kanya ang isang larawang kuha ng mga nanonood sa restaurant, na kinukunan nang hilahin ni Nikolette ang kanyang buhok.Sa larawan, lumitaw si Calista na mahina, nakakaawa, at walang magawa. Ito ay maliwanag na siya ay tinatakot. Hindi nakaimik si Zachary. Naisip ni Zachary na si Nikolette ay hindi nag-iisip na ibigay sa kanya ang ebidensya ng ganon kadali, ngunit naramdaman din niya na dapat ay mas pahirapan niya si Calista, tinitingnan ang kanyang mapagmataas na kilos. "May lumapit sa akin noon, humihingi ng tulong sa nanay mo sa pagpapanumbalik ng isang painting. Akala ko wala lang, kaya pumayag ako." Nilaktawan ni
Mabilis na sinagot ni Calista ang telepono na bahagyang nagpawi ng galit sa puso ni Lucian. "Nagpareserve ako sa isang restaurant. Mag dinner tayong dalawa ngayong gabi. Asan ka? Susunduin kita." Kung narinig ito ni David, iikutin niya lang ang kanyang mga mata. Si Lucian ang nagpumilit na hindi niya pallaambutin ang kanyang puso. Akala niya ay tumigas na puso ng kanyang amo, ngunit hindi iyon totoo. Ang malumanay na tono ni Lucian ay wala sa lahat ng kumpiyansa niya noong kausap niya si David kanina. “Sige, ibigay mo sakin ang address ng restaurant, at magta-taxi ako papunta doon,” tuwang tugon ni Calista. Nakahinga si Lucian, at may ngiti sa labi. Alam niyang, sa pagitan niya at ng matanda, mas pinili siya ni Calista. Marahil ay dahil sa kawalan niya ng karanasan sa pakikipag-date kaya nagkaroon ng pagkakataon ang isang may karanasang nakatatandang lalaki. Walang ideya si Calista tungkol sa kaguluhan sa kanyang puso ngayon. Nakaupo siya sa harap ng kulungan, nag-sketch.
Kakapasok lang ni Calista sa pinto ng pumasok si Liam. Sinalubong niya ito ng bahagyang pagtagilid ng ulo bago mabilis na nilapitan si Hugo."Napagmasdan ko ito, Mr. Jacquez. Kamakailan ay kumunsulta si Nikolette sa isang abogado. Tinitingnan niya kung ang pera na ginastos sa isang bata ay maaaring bawiin o hindi pagkatapos na mapatunayang hindi sila bahagi ng pamilya. Inamin niya na kaya niyang hinila ang buhok ni Ms.Calista ay dahil inutusan siya ni Zachary. Ayaw ni Zachary na makulong. Ayaw niyang susundan siya ng mga loan shark kapag nakalaya na rin siya. Kaya, naisip niya na pilitin si Ms. Calista na tulungan siya sa ganitong paraan."Nagiging awkward na ito. Gayunpaman, mabilis na inamin ni Calista ang kanyang mga pagkakamali. Lumingon siya at nag-alok ng isang pilit ngunit humihingi ng tawad na ngiti."I'm sorry. Mukhang mali ang pagkakakilala ko sainyo ni Vivian. Gabi na rin. Maghahanda ako ng regalo sa ibang pagkakataon bilang paghingi ng tawad.""Maliit na hindi hindi pag
Napansin ni David ang nakakatakot na ekspresyon sa mukha ni Lucian nang lumabas siya ng police station. Parang may namumuong gulo.Sa katunayan, nang ilibot ni Lucian ang lugar ngunit walang nakitang palatandaan ni Calista, mas lalong nagdilim ang kanyang ekspresyon."Nasaan si Calista?""Nakatanggap ng tawag si Madam Calista at..." Itinuro ni David ang direksyon kung saan siya umalis. "Pumara siya ng taxi at umalis.""Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong ni Lucian na nagngangalit ang mga ngipin."Pinigilan ko. Pero, hindi siya nagpatinag." Sinubukan ni David na ipaliwanag ang sarili. "Susundan ko sana siya pero sinabi ni Madam Calista na kung susubukan ko, babalikin lang niya ako sayo. Nagbanta pa siya na paalisin ako para mag manual labor.""Sino ang tumawag sa kanya?" Tanong ni Lucian pero hindi niya inaasahan na malalaman ni David ang sagot.Mukhang naiipit ang assistant. Pinagsalubong niya ang kanyang mga kilay. Kahit hindi siya nagsasalita, sumisigaw ang buong pagkatao n
Sinamaan sila ni Nikolette ng mapang-asar na titig."Kayo ang may balak. Pareho kayo ni Calista. Mapanlinlang ka..."Agad na pinasok ni Yara ang tuwalya na ginamit niya sa pagpunas ng kanyang mga kamay sa bibig ni Nikolette .Nagpupunas siya ng kamay bago siya lumabas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya sinasadyang nailabas niya ito.Ilang sandali pa, iniisip niya kung saan niya maaaring ilagay ang tuwalya. Ngayon, nakita niyang medyo madali pala ito dalhin.Napatitig siya kay Calista na nakaluhod sa sahig na para bang may hinahanap."Anong ginagawa mo? Anong hinahanap mo dyan sa tapat ng cr?""Naghahanap ako ng buhok," sagot ni Calista.Nagkaroon ng biglaang naisip si Calista. Ngunit hindi siya lubos na sigurado kung tama ang kanyang hula.Si Vivian ay nagpunta sa Everglade Manor noong upang manipulahin siya at si Hugo na sumailalim sa isang paternity test.Base sa reaksyon niya, siya ay tunay na umaasa na anak siya ng Jacquez family.Dahil sa kanyang ugali, tiyak na h
Hindi naman gaanong maaabala si Calista kung hindi niya ito pinansin. Ngunit napagtanto niya na wala siyang nakitang anumang mga pagbabago sa kabila ng kanyang mahabang pagsisiyasat.Si Julia ay tila naglaho sa hangin pagkatapos ng kanilang minamadaling pagkikita pabalik sa Apthon . Maging ang pribadong detective na binayaran niya sa mataas na halaga ay hindi niya natunton kung nasaan siya.Pinasadahan ni Calista ng daliri ang buhok niya sa inis."Natanong mo na ba si Zachary tungkol dito?" tanong ni Yara."Oo. Pero, nag maang-maangan siya na parang wala siyang alam.""Wala kang ebidensya. Pero sa diary ng nanay mo, hindi maikakaila ang pagkakasangkot niya. Kung makonsensya siya, makakahanap ka ng butas sakanya."Ipinatong ni Calista ang kanyang baba sa kanyang kamay at mahinang sinabi, "Si Zachary ay nasa detensyon at naghihintay ng paglilitis. Walang sinuman maliban sa kanyang abogado ang pinapayagang makipagkita sa kanya.""Puntahan mo si Lucian. Sabi mo bawal makipagkita sa
Hindi na kailangang i-rehash ang mga nalalaman na nila. Kaya naman umiling si Calista."Mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Tara na."Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sasabihin pa lang niya na nagugutom siya pero pinigilan niya ang sarili bago umalis ang mga salita sa kanya.Sa halip ay sinabi niya, "Hindi pa tayo naghahapunan."Para sa isang tulad ni Lucian, na ang isip ay napuno ng mga maling kaisipan, ang pariralang "Nagugutom ako" ay may nagpapahiwatig na kahulugan.Si Elizabeth ay kumikilos nang palihim kaya't isinantabi niya si Calista para lamang makausap ito. Wala itong kinalaman sa trabaho.Pero si Calista ay tila hindi interesadong magbahagi. Sa kabila ng sama ng loob ni Lucian, hindi siya nagpilit ng mga sagot. Boyfriend pa rin siya sa trial run. Wala siyang karapatang makialam sa mga gawain nito."Tara na. Ano ang gusto mong kainin?"Wala siyang pakialam sa pagkain. Nakatuon lang siya sa kamay ni Calista na nakalaylay sa gilid niya. Hindi niya maiwasang hawakan a