“This is the last, Drake,” bulong niya sa kanyang sarili. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay halos mapakanta pa siya sa loob ng kanyang kotse habang pinupuntahan si Lumiere sa eskwelahan kung saan volunteer art teacher ito. Ito rin kasi ang eskwelahan kung saan sila nagkasama ni Lumiere. Isa siyang basketball player noon. Una niyang binisita ang gym. Napaupo siya sa upuan at isinandal niya ang kanyang likod sabay inalala ang nakaraan. Noon nabalik sa kanyang alaala ang isang dalagang nakabob-cut at may makakapal na eyeglasses. Madalas itong binu-bully ng mga babaeng nasa fans club niya pero ni hindi niya magawang lapitan ang dalaga dahil sa takot na lalo lamang itong ma-bully. Si Lumiere ang dalagang iyon. Napailing na lamang siya at ikinahihiya niya ang sariling siya ang lalaking iyon. Noon pa ay binalewala na niya ang babaeng hindi niya inaasahang kababaliwan niya rin.‘Ang nakaraan ay nakaraan na,’ sabi niya sa kanyang sarili. Tumayo siya at hinanap ang Art Gallery kung saan nagtu
NADATNAN niya si Khia na naka-arm-folded at nakasimangot sa kaniya. Nilagpasan niya lamang ito habang dire-diretso sa kusina.“Let’s eat. May dala akong pasta. Iinitin ko lang sa microwave saglit,” sabi niya.Lumapit at umupo naman si Khia ngunit hindi parin ito nagsasalita.Agad niya itong napansin kaya matapos kuhanin ang pagkain sa microwave ay hinarap niya si Khia. Hindi ganito ang kaibigan sa tuwing uuwi siya. Madalas ay yakap siya nito papasok sa loob ng bahay.“May problema ba?” tanong niya. At inirapan lang siya ni Khia. Alam na niyang siya ang problema nito.“Hindi ako manghuhula. Kung may problema ka tell it to my face. Hindi ako marunong bumasa ng mukha at wala sa noo mo ang dahilan,” may konting biro ‘ron pero hindi ito tumalab. Namungay narin ang mata niya pero wala parin hanggang sa magulat nalang siya sa sinabi nito.“Nakita kita kanina, with him?” sabi ni Khia. Napatango ito. Pumunta pala ito sa school ngunit ng makita na magkasama si Lumiere at Drake ay hindi na niya
Drake POV I’m still attracted to her! Alam kong unti-unti akong kinakain ng aking sistema at paniniwalang gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing pumapasok siya sa isip ko. I want to see her today! Kaya ako pumunta dito. Niloloko ko lang ang sarili ko pati na ang mga taong nakapaligid sa amin ni Lumiere. Naging anino niya ako sa loob ng dalawang taon. Sa bawat exhibits at achievements niya nasa likod lang niya ako at katulad niya ay nagsisikap na makasabay sa mabilis na pagbabago ng mundo. Hindi ko maintindihan pero lalo akong naging mas malapit sa kaniya ngayon kahit in reality milya-milya ang layo namin sa isat-isa dahil sa nararamdaman niya para sa akin. “L-Lumiere,” sabi ko sa kaniya ng makita ko siyang natatakot dahil sa malakas na kulog at kidlat. Kasabay ‘non ay namatay ang ilaw kaya binuksan ko ang flashlight ng phone ko. Hindi siya nakapagsalita ngunit nararamdaman ko ang takot niya. Ilang saglit pa ay bumalik na ang ilaw. Parehas kaming nakahinga ng maluwag. Hindi siya takot
MAGKAKASUNOD na katok ang sumunod nilang narinig. Agad namang pumunta sa pintuan si Drake para siguraduhin na isa sa mga guard ng School ang nasa labas.“Sorry po hindi po kami nakapagcheck ng mga room malakas po kasi ang ulan kaya hindi kami makalabas ng guardhouse,” paliwanag ng lalaki.“Okay lang po,” sabi ni Drake.“Halika na po kayo sa baba baka po bumugso na naman ang ulan,” sumunod sila sa lalaki para makalabas ng school. Nagpaalam ang guard ng maihatid sila sa kotse.“Sumakay kana. Wala ka ng aabutang tren or bus ngayon. Sabay pa tayong kakain diba?” sabi ni Drake.“May pinangako ba akong sasabay ako?” sabi ni Lumiere. Sumakay si Lumiere sa kotse ni Drake.“Wala kang pinangako, Miss Ramirez pero nagugutom narin ako kaya mas mabuting sa isang restaurant nalang tayo kumain,” may pagsusungit na sabi nito.Nagikot-ikot sila sa lugar ngunit ang lahat ay sarado na. Kaya hininto na lamang niya sa isang convenient store at bumili ng noodles. Hindi naman tumigil ng kakatipa sa telepono
Nakita ko ang isang bugkos ng mga pulang rosas malapit sa aking desk. Naisip ko agad na ipinadala ni Drake ang mga iyon kaya bago ko paman hawakan ang mga rosas ay tinawagan ko siya.“Hey, Mr. Hernandez para saan ang mga rosas na ipinadala mo?” bungad ko.Matagal siya bago nakasagot pero lalo lamang ako nagulat sa isinagot niya. Kasunod ay ang nakahihiyang pakiramdam. “Roses? A-Ahhmm If you don’t like then throw it. Anyway it’s not mine,” ani nito.“S-Sorry. B-Bye!” sa sobrang hiya ko ay agad akong nagpaalam. Dali-dali kong tinignan ang bugkos ng mga bulaklak at nabitawan ko ang mga ito ng bigla akong natusok ng mga tinik. Agad kong kinuha ang first aid kit at nilagyan ng gamot. Medyo malalim ang sugat na nagawa ng tinik na iyon. Muli kong binalikan ang bulaklak na nasa sahig at binuklat ang card.Still love him? Huh. Magsaya ka dahil may araw ka rin. Wala akong ideya kung sino ito pero isang tao lamang ang tinutukoy nito. ‘Si Drake!’ Siya lang naman ang nakasama kong lalaki nitong m
HINDI na nila mapigilan ang matawa kasabay ay pagagos ng kanilang mga luha. Parang isang biro ng tadhana ang nangyari sa kanila.“I regret that night,” sabi ni Drake habang inuubos ang alak sa kaniyang baso.“Dala ng pagiging immatured ko at galit. I left. Hindi ko naramdaman na matutunan mo din akong mahalin. I’m sorry being not good enough!” pinunasan niya ang kaniyang luha at muling uminom.“No. Kasalanan ko ang lahat, Lumiere,” sabi nito.Parehas sila ulit nagtawanan ngunit ang mga luha ay hindi maampat. Nagsalin ng alak si Drake ngunit hindi na niya binigyan si Lumiere kaya tumayo ito para kumuha ng bagong bote. Sa kaniyang pagtayo ay nawalan siya ng balanse buti nalang ay mabilis siyang nahawakan sa braso.“Lumiere!” sabi nito. Saglit silang nagkatinginan at napako ang mga mata nila sa isat-isa. Ngunit alam nilang dala lamang iyon ng kalasingan.“Thanks. Okay lang ako. Kukuha pa ako ng isa pang bote wait ka lang diyan,”“Huwag na. Okay na ito baka hindi na ako makapagmaneho,” sa
NAIHAMPAS ni Laila ang kaniyang kamay sa lamesa ng malaman ang pagtatanong ng isang imbestigador sa nabili niyang property.“B-Bakit ba nila pilit na inuungkat ang nakaraan? Tapos na ang lahat hindi ba? Napaghiwalay ko na sila at ngayon magkasama na naman sila ulit!” nagsusumigaw siya sa kaniyang maliit na opisina.Dali-dali niyang kinuha ang bote ng alak at nagsalin sa kaniyang kopita. Hindi siya papayag na mahuli siya at maging dahilan ng pagbabalikan nila Drake at Lumiere.Matapos niyang lagukin ang halos kalahati sa kopita ay napangiti siya sa naisip.“It’s time to say goodbye, My dear cousin,” naiusal niya.+++ISANG bisita ang nakita ni Lumiere sa kaniyang pintuan ng umaga ding iyon. Agad niya itong nilapitan at pinagbuksan. Si Laila.“Couz,”“Laila, Anong ginagawa mo dito?” direkta niyang tanong.“Hmm..masama bang bisitahin ka? Ikaw lang ang natitira kong kakilala dito sa Syudad. Alam mo namang nag-migrate na ibang bansa si Mom,” dire-diretso itong pumasok sa loob ng gallery.T
PAGMULAT niya ng kaniyang mga mata, bumungad sa kaniya ang malamlam na liwanag nagmumula sa maliit na lampshade ng kuwartong iyon. ‘Non lang niya naalala ang nangyari ng nagdaang gabi. May kamay na nakahawak sa kaniyang pulsuhan na para bang hindi siya makaaalis ng basta-basta. Nakita niya si Lumiere na nakadukdok sa gilid ng kama. Hindi niya napigilang ang pagsungaw na mga luha sa kaniyang mata. Hindi niya akalain na si Lumiere ang bubungad sa kaniya. Ang tangi lamang niyang naaalala ay ang pagsandal sa gilid habang nagpipinta ito.Iniabot niya ang mukha ni Lumiere at hinaplos ang pisngi nito gayundin ang labi nito. Kumislot ito. Binitiwan ang kaniyang mga kamay kaya siya naman ay unti-unting umupo.“L-Lumiere,” bulong niya.“hmm..”L-Lumiere..nagugutom ako,” sambit ni Drake. Unti-unting nagising si Lumiere. Hinipo agad nito ang noo niya para macheck ang temperature nito at napangiti siya ng bumalik na sa dati.“W-Wala ka ng lagnat.”“S-Salamat! nagugutom ako,” ibig-ibig ni Lumiere