Please leave a comment po. Thank you <3
TUMINDIG si Clarence mula sa kinauupuan niya at saka dahan-dahan naglakad papunta kay Mari. Hindi maigalaw ni Mari ang kanyang sarili habang pinagmamasdan niyang papalapit na si Clarence. Seryosong nakatitig lang si Clarence hanggang sa huminto ito sa harap niya. “C-Clarence. . .” nauutal niyang bigkas dito. Napalunok na lang si Mari nang tumingala siyang tingnan ang mukha ng boss niya. “I know you already knew it, Mari. Pinaglalaruan mo ba ako dahil mag-asawa tayo?” Namilog ang mata ni Mari at napataas siya ng kilay. She didn’t expect that Clarence would say that. “Ano? Pinaglalaruan? Anong ibig sabihin no’n, Sir? Saka oo, inaamin kong alam kong mag-asawa tayo simula pa no’ng kumuha ako ng cenomar at malaman ang status ko,” inis na sabi niya rito. Ngumiwi si Clarence saka nanliit ang mata. “Why didn’t you tell me that? Huh? Bakit kailangan ko pang malaman sa HR?” Napabuga ng hangin si Mari. “Sir, please lang. H’wag mong isisi sa akin ang nangyari. No’ng nalaman ko ‘yon, I
PAUWI na sana si Mari nang bigla siyang tinawag nina Lina at Olivia. “Saglit lang, Mari! Uuwi ka na?” gulat na tanong ni Lina. Kumunot lang ang noo ni Mari. Napatingin tuloy siya sa kanyang cell phone saka tiningnan ang dalawa. “E alas singko na ng hapon, tapos na shift natin. Bakit? Hindi ba kayo uuwi?” Tumikhim si Lina nang lapitan si Mari. “Nakalimutan mo bang may dinner tayo kay. . .” Mas lalong nilapit ni Lina ang sarili niya sa kaibigan. “. . .Sir Clarence?” Napalayo bigla si Mari. Wala siyang maalala na may dinner sila kay Clarence. “Anooo? S-Seryoso ba kayo? O baka naman gawa-gawa niyo lang? Wala akong maalala na sinabi niya ‘yon!” naguguluhang sabi ni Mari. Lumapit si Olivia sa dalawa at inakbayan ang mga ito. “Lumabas na tayo at baka marinig pa tayo ng mga kasama natin,” pabulong niyang sabi. “Saglit lang! Hindi ko maintindihan, bakit may dinner tayo kay S—” Biglang tinakpan ni Olivia ang bibig ni Mari. “Ano ka ba! Bawal nga sabihin ‘yon kasi nga exclusive
HINDI matanggap ni Kate ang sagot ni Clarence kanina sa labas ng restaurant. Kitang-kita naman sa mga mata ng nobyo niya na may gusto ito sa kapatid niya. Hindi siya papayag na maagaw ni Mari si Clarence. Kailangan niyang gumawa ng paraan. But how? Kanina pa siya palakad-lakad sa hotel room niya. Kararating niya lang ng Baguio no’ng hapon mula Maynila gamit ang private helicopter ng Harrington para bisitahin si Clarence, ‘tapos madadatnan niya lang na kasama ang kapatid na kinamumuhian niya? Maya-maya pa ay biglang tumawag si Lydia na secretary ng lolo niyang si Cielo Harrington na ngayon ay chairman pa ng Harrington Group. “Yes, Lydia? Anong mero’n at napatawag ka?” inis niyang sagot dito. “Uh, Miss Kate. . . Wa-Wala na po si Don Cielo. Patay na po ang lolo niyo. Kailangan po kayo ngayon sa Manila.” Halos mabitawan ni Kate ang cell phone niya nang mapaupo siya sa kama. “Ano?! P-Paanong wala na si lolo? Anong nangyari?” mangiyak-ngiyak niyang tanong. Ang alam niya lang ay n
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Kate nang makita niya si Clarence na sinusundan si Mari. Muling namuo sa puso niya ang galit dito dahil napapansin niyang nagkakamabutihan na ang dalawa. Inis na tumindig si Kate. “That bitch!” giit niyang sabi saka napakuyom ng kamay. Huminga siya nang malalim at nilapitan ang ina niyang si Silvana. “Mom, we need to talk,” aniya nang hawakan ang kamay nito saka hinila palayo sa mga bisita at kamag-anak. “What’s wrong, hija?” nababahalang tanong ng ina. Huminto sila sa likod ng chapel saka humarap si Kate kay Silvana. “Gusto ko nang magpakasal kay Clarence. Hindi ko na kayang maghintay, Mom!” Bahagyang napadilat ng mata si Silvana sa gulat. She didn’t expect that Kate would say this. Ngumiti siya rito saka nagsalita, “Why are you being hasty, my dear daughter?”“Ilang beses ko nang nakikita sina Clarence at Mari na magkasama, Mom. Hindi ko matiis na malayo si Clarence. Baka mamaya niyan ay maagaw pa ni Mari ang dapat sa akin!” desperadang salaysay
BIGLANG natahimik sina Clarence at Mari nang umalingawngaw sa apartment ang boses ni Kate. Nag-panic si Mari at natatarantang kinuha niya ang kanyang bag at ginala ang kwarto kung saan siya pwedeng magtago. She could feel her heart pounding in her chest. Agad na lumapit si Mari kay Clarence. “Sir Clarence? Anong gagawin natin? Saan ako magtatago?” “Hindi mo kailangan magtago, Mari.” Namilog ang mata ni Mari sa sinabi nito. “Ha? B-Bakit naman? Paano kung malaman ni Kate na nandito ako sa apartment mo?” “I don’t usually stay here kapag nasa Manila ako.Umuuwi ako palagi sa mansyon, so I have a reason naman. You don’t have to worry, Mari, ako na bahalang mag-explain.” Napapikit ng mata si Mari nang sampalin niya ang kanyang noo. Palagay niyang hindi tama ang ginawa niyang nag-stay siya ng isang gabi sa apartment ni Clarence. Mas lalong magagalit si Kate sa kanya. Mas lalong gugulo.“Clarence, where are you?” Lalong lumakas ang boses ni Kate na may pag-aalala at magpakadismayang tono.
PAGKABALIK nina Clarence at Kate sa Hotel de Sinclair ay hindi na nag-aksaya pa ng oras si Kate na ipasapubliko ang kanilang engagement. She posted on social media sharing a photo of them together with smiles with a caption. Thrilled to announce our engagement! Excited for this next chapter together. #MyForever #SoonMrsSinclair. Nagdagsa ng mga mensahe ng pagbati mula sa mga kaibigan, pamilya, at mga kakilala sa post ni Kate sa I*******m. The comment section was filled with heart emojis and expression of excitement. Minsan nakaka-receive sila ng tawag sa mga kilalang tao sa industriya, mga text messages, at kahit bulaklak ay pinapadalhan sila ng mga ito. “Omg! Guys look! Trending ngayon sa I*******m or even on other social media platforms ang engagement nina Kate kay Sir Clarence!” excited na sabi ni Lina nang mapahinto siya sa pag-scroll sa cell phone. Hindi makapaniwala si Mari sa narinig niya, agad siyang lumapit kay Lina at hinablot ang cell phone ni Lina. Napakunot na lang
NAMUTLA sa gulat si Kate dahil sa nangyari kasabay no’n ang pagsikip ng dibdib niya. Pinipilit niya ang sarili niyang intindihin lahat ng sinabi ni Clarence pero ni isang rason ay walang pumapasok sa isip niya. Parang gusto niya na lang mamatay dahil sa kahihiyan. How can her boyfriend humiliate her? At sa harap pa mismo ng mga bisita niya. Tila naging dramatiko ang paligid dahil sa nangyaring rebelasyon. Kahit si Mari ay hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Clarence. Maya-maya pa’y nilapitan ni Kate si Clarence. Bigla na lang gumilid ang luha sa mata niya habang nakatingin siya rito. “C-Clarence, hindi ito totoo, hindi ba? Y-You can’t be married. We’re engaged!” nauutal niyang sabi habang pinipigilang h’wag tumulo ang luha. Sinulyapan lang ni Clarence ng masama si Kate. “Huli ko na rin nalaman na kasal pala ako, Kate. The guy you're talking last time, the fuck-buddy guy was actually me.” Halos manghina ang mga tuhod ni Kate sa narinig niya, mabuti na lang ay agad na naibalik
“CLARENCE . .” gulat na sambit ni Mari sa pangalan nito. Agad na iniwasan ni Mari ang tingin niya kay Clarence. May kung anong init siyang naramdaman sa buo niyang katawan kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib niya. Pulang-pula na ang mukha ni Mari. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Clarence pagkatapos ng confession nito. Nang maramdaman ni Clarence ang pag-aalinlangan ni Mari ay napakamot siya sa likod ng kanyang ulo saka napatingin rin sa malayo. The atmosphere fell into an awkward silence. Hindi inaasahan ni Mari na ibubunyag ni Clarence ang feelings na ‘yon. Sino ba siya para magustuhan ni Clarence? Isa lang naman siyang hamak na empleyado, at itinakwil na rin siya ng Harrington. Wala siyang maipagmamalaki rito. Nakakahiya para sa kanya na maging asawa ni Clarence. Nagbaba ng tingin si Mari, iniiwasan niyang makipag-eye contact kay Clarence. Hindi rin siya sigurado sa isasagot niya rito. Tumikhim si Clarence para basagin ang katahimikan. Nilakasan niya na lan
HAWAK ni Mari ang tablet niya nang maupo siya sa sala. Pinapanuod niya mula rito ang video na nakuha ng dalawang hidden camera; ang sa opisina niya at sa apartment ni Bitsy. Naikuyom ni Mari ang kaniyang kamay kasabay ng pag gilid ng luha niya nang makita kung paanong sinaksak ng tauhan ni Kate ang walang kalaban-labang Bitsy. Napalunok siya upang pigilan ang h’wag humikbi.Halos tatlong araw na walang maayos na tulog sina Clarence at Mari dahil sinamahan nila ang technician habang inaayos ang laptop at ma-restore ang video. “Stop it, Mari,” sabi ni Clarence. Kinuha niya ang tablet kay Mari at nilagay ito sa center table saka siya tumabi rito.“I don’t get the point, Clarence. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang kasama si Kate. Na bakit kailangan pa niyang mangdamay ng ibang tao?” mangiyak-ngiyak na wika ni Mari. “H’wag mo na isipin iyon, Mari. Basta alam na nating masamang tao si Kate.” Napabuntong-hininga si Clarence at sa mukha niya ay may halong pag-aalala ay pagkadismaya
HULING araw na ni Bitsy nang bumisita si Mari sa chapel. Mabuti na lang ay nakahabol siya pagkatapos ng limang araw na pagpapahinga niya sa ospital. Umuwi na rin ang mga kaibigan niya sa Baguio. Hindi na niya sinama pa ang mga kaibigan at pamilya niya sa lamay dahil gusto niyang mapag-isa.Pagpasok ni Mari sa loob ay dinig niya hikbi ng pamilya sa pagkawala ng sekretarya niya. Sa bawat paghakbang niya patungo sa kabaong ni Bitsy ay unti-unti niyang nararamdaman ang matinding bigat at panghihinayang. “I’m sorry, Bitsy.” Iyon lamang ang lumabas sa bibig niya at saka tumulo ang kanyang luha. Pagkatapos niyang tingnan ang labi ng sekretarya ay lumapit siya sa ina nito upang makiramay. “I am sorry for your loss, M’am Merideth. Nakikiramay ako,” malungkot niyang sabi sa ina ni Bitsy. Hahawakan niya sana ang balikat nito nang bigla siyang tinulak palayo. “Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang anak ko!” sigaw ng nanay ni Bitsy na may halong pagbibintang. Nagdulot ng malak
HABANG busy ang mga tauhan ni Inspector Cruz sa paghahanap ng mga hidden camera sa loob ng apartment ay naroon si Bogart, nagpapanggap ito biglang isang parte ng team. Isang bulalas ang bumasag sa katahimikan nang matagumpay na itinaas ng isang pulis ang isang maliit na camera na nakita niya mula sa tv. “May nahanap akong hidden camera!” anunsyo niya. Napatingin ang lahat sa pulis na iyon at saka lumapit si Bogart dala ang ziplock na ang laman ay mga nakolektang hidden cameras ng apartment. Binuksan niya ang ziplock at ipinasok ng pulis camera.Malalim na ang gabi at pagod na pagod na ang mga pulis dahil umabot ng alas dos ng madaling araw ang imbestigasyon.Sa wakas ay nagsalita na si Inspector Cruz upang tapusin na ang operasyon. “Alright, let’s wrap up!” sabi niya.Bumaling ang tingin ni Inspector Cruz kay Bogart na nakatayo pa rin habang hawak ang ziplock. Nakaramdam siya ng lamig at napalunok. Nanlilisik ang mga mata ng inspektor na may halong panghihinala. May kung anong likid
TAHIMIK na nakahiga si Mari sa kama nang pumasok bigla si Clarence sa kwarto niya. Napansin ni Mari ang pagod at paghahabol hininga nito. Kunot ang noong pinagmasdan niya ang asawa. “Anong nangyayari sa’yo?” tanong niya. Huminga nang malalim si Clarence. “Bitsy is dead. Someone killed her!” nginig ang boses niyang sinabi iyon. Napasinghap si Mari. Pumasok sa loob ang mga kasama niya nang marinig iyon. Lahat sila ay hindi makapaniwala sa balita.Pagod at pinagpapawisan si Clarence dahil sa kamamadali niyang bumalik sa ospital. Umupo siya sa tabi ni Mari upang magpahinga.“And how about the video?” tanong ni Mari.“Inspector Cruz is trying to locate Bitsy's corporate laptop. They might call any moment. They're still investigating,” tugon niya.Napatingin sa malayo si Mari at biglang gumilid ang luha niya. Hindi niya inakalang madadamay ang secretary niya rito. Malaking responsibilidad din ito sa kanya at kasabay no’n ay nakokonsensya siya.“This is all my fault,” ani Mari sa sarili.
One hour ago… Madilim ang kalye habang naglalakad si Bitsy pabalik sa apartment niya. Wala na kasi siyang oras magluto kaya sa convenience store na lang siya bumili ng dinner. Habang naglalakad sa pasilyo patungong apartment ay may nakita siyang anino at yapak na tantya niyang isang lalaki na parang sinusundan siya. Nagmadali siyang lumakad hanggang sa nakabalik siya. Pagdating niya sa loob ay agad siyang dumiretso sa kusina. Nahagip ng kanyang mata ang mahinang liwanag mula sa nakabukas na corporate laptop ng Harrington sa ibabaw ng lamesa. Hindi pa kasi niya nai-su-surrender ito dahil may mga importanteng files pa siyang kailangan kunin upang matulungan niya ang boss niyang si Mari. Umupo siya sa lamesa at sinuri ang laptop niya. May mga nakatagong footage ang laptop niya galing sa hidden camera at kailangan niya i-upload ito sa email at maipadala kay Mari. Nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa progress bar sa screen. “Sixty five percent pa lang?” reklamo niya rito haban
KUNOT ang noo at palakad-lakad si Kate sa gilid ng pool habang hawak niya ang red wine glass. Patuloy na ginugulo ang isip niya nang dahil sa sinabi ni Mari tungkol sa hidden camera sa opisina nito. Napahinto siya sa ginagawa niya nang magsitindig ang mga balahibong ma-realize na baka iyon ang magpapabagsak sa kanya. “What’s the problem, Kate?” tanong ni Silvana na kanina pa nakaupo sa foldable lounge chair habang pinagmamasdan ang anak. Nang pagod na ang mga paa ni Kate ay umupo siya katabi ng mommy niya. “I have a big problem, Mom. May hidden camera sa opisina ni Mari at kailangan ko iyon mabura,” nababahalang sabi ni Kate. Ngumisi lang si Silvana. Kinuha niya ang kanyang kape sa side table saka niya sinimsim iyon. Napatingin si Kate sa mommy niya habang inaabangan ang sunod nitong sasabihin. “Malaki ang posibilidad na ang secretary ni Mari ang may hawak no’n. Nabalitaan kong naaksidente si Mari at sinugod sa ospital.” Nanlaki ang mata ni Kate. Natuwa siya nang marinig iyon.
NASA mansyon na si Clarence at halos mag-iisang oras na siyang naghihintay ngunit wala pa ang asawa niya. Panay lakad niya sa sala at patuloy ang pag-usisa niya sa labas nagbabakasakaling nakaparada na ang sasakyan ni Mari. Nakailang tawag na siya sa kanyang cell phone pero hindi siya nito sinasagot. Napansin ni Epiphania ang bawat galaw ni Clarence. Pati siya ay nababahala na rin dahil wala na siyang balita kay Mari. “Wala pa rin ba ang apo ko?” tanong niya nang lapitan niya ito. Umiling si Clarence. “Hindi po siya sumasagot.” Nginig ang kamay ni Clarence. At sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo siyang kinakabahan. Binalik niya ang kanyang isip kanina nang pumasok siya sa opisina. Dala-dala ni Mike ang tablet niya habang nagmamadaling pumasok ito sa opisina ni Clarence. Kunot ang noo niyang binigay iyon sa boss. “Sir, trending ngayon si Mari sa social media,” wika ni Mike nang ipakita ang article. Hinawakan ni Clarence ang tablet at napahinto siya nang bumungad sa k
MATAGUMPAY na ngiti ang ginawa ni Kate. Masaya siyang makitang nababalisa na si Mari. “See? Ang DNA na mismo ang nasabi na hindi ka parte ng pamilyang ito, Mari,” sabi ni Kate na may halong pangungutyang boses. "You've caused enough trouble, Mari. Leave this house and never come back," utos ni Silvana rito. Ilang segundo ang nakalipas ay kumunot ang noo ni Silvana. Hindi pa rin kasi umaalis ito. “Ano? Hindi ka pa aalis sa mansyon?” Nilakasan ni Silvana ang boses niya. “Guard!” Agad na pumasok sa sala ang gwardya nila. “Yes po, Ma’am?” “Kaladkarin niyo nga palabas itong kutong lupa. Siguraduhin niyo lang na hindi na siya makakaapak pa sa mansyong ito!” inis na sabi ni Silvana. Agad na hinawakan ng gwardya ang braso ni Mari. “Bitawan mo ako! Kaya kong maglakad palabas ng mansyon!” pagpumiglas na sabi ni Mari kaya agad naman siyang binitawan ng gwardya. Bago umalis si Mari ay lumingon muna siya sa kanila. "Someday, you'll regret treating me like this. And I'll make sure of it.
NGINIG ang kamay at halos mabitawan ni Mari ang cell phone niya at napaupo siya muli sa kanyang kama. Hindi siya makapaniwala sa balitang si Kate pala ang tunay na Harrington at hindi siya. Nag-trending pa sa social media ang nangyari sa kanila ni Estefan. Umiling si Mari. “That’s not true. Ako ang totoong Harrington, hindi si Kate,” aniya habang nakatingin siya sa malayo.Naguguluhan siya. Paano nalaman ni Estefan ang tungkol kay Mr. X? May kinalaman ba si Kate rito? Ilang sandali pa ay muling bumalik si Epiphania sa kwarto. “Mari,” malungkot na sabi ng matanda saka hinagkan ang apo. “Narinig ko ang balita sa TV tungkol sa nangyari. Alam kong na-frame up ka. Alam kong hindi totoo ang sinasabi nila. Hindi totoong hindi ikaw ang Harrington. Mabait si Sharon, hindi niya magagawa ang lokohin ang pamilya niya lalo na si Robert.” Tulalang bumagsak ang mga luha ni Mari habang yakap siya ni Epiphania. May takot na bumabalot sa isipan niya. Nag-aalala siya sa kung ano ang iisipin ng mga