Dumating din si Belinda ng makalipas ang mahigit limang minuto mula nang makaupo ako sa aking upuan. Suot niya pang-ibaba ang isang sayang itim na aabot hanggang sa itaas ng kanyang tuhod ang haba habang isang T-shirt na kulay dilaw naman ang suot niyang pang-itaas na pinarisan ng itim ding sapatos.
Nakatali ang may kahabaan niyang buhok at mayroon kaunting kolorete ang kanyang mukha. Maganda naman ang kaibigan kong ito, sa katunayan nga ay may mga binatang may gusto rito ngunit hindi naman niya binibigyan ng pagkakataon ang mga iyon.
Mga binatang taga siyudad daw ang gusto niya kaya gano'n. Hindi ko alam kung bakit gusto niya ang mga kalalakihang galing siyudad gayung may mga itsura at masasabi naman ang mga binatang nandito sa aming bayan. Pero kung sabagay, isa rin naman ako sa mga dalagang kagaya niya na hindi magawang gustuhin ang mga lalaki rito. Ni minsan hindi magawang tumibok ng aking puso para sa kanila.
Nang makababa ako ay naabutan kong tapos ng kumain sila nanay at naligpit na rin ang mga pinggang kanilang ginamit. Dahil hindi ko na naman sila naabutan pa ay mag-isa na lamang akong kumain. Adobong kangkong na hinaluan ng tokwa ang ulam na nakahain ngayon sa lamesa namin. Umupo na ako sa aking upuan at tahimik na nagsalin ng kanin sa aking pinggan at kumain. Matapos kong kumain ay nagpasya akong magtungo na muna sa likod bahay para makapagpahangin at makapag-isip-isip. Patuloy pa rin kasi akong binabagabag ng isiping iyon patungkol sa narinig ko kaninang pinag-usapan ng mga estudyante sa library. Grupo ng mga kalalakihang galing siyudad daw na nakita nila kanina lamang. Alam ko naman na imposibli talagang sila iyon dahil marami rin namang mga taga siyudad ang nagpupunta dito sa bayan namin para magliwaliw. Ang kaso nga lang ay hindi ako sigurado roon. Kahit pa sabihing marami at hindi lang naman sila ang nagagawi rito ay may posibilida
Agad namang pumayag si nanay nang magpaalam si Belinda at Jones na isasama nila ako sa isang pagdiriwang kaya hindi na rin kami nahirapan pa. Ang akala ko'y hindi nila ako papayagan dahil iniisip ko ang tungkol sa kanilang pinag-usapan kanina patungkol sa pamilya Buenasesca na hindi ko naman kilala.Mabuti na lamang at mukhang wala namang kaso iyon kay nanay at bigla naman siyang pumayag doon. Matapos nilang makapagpaalam kay nanay ay agad din silang umuwi dahil maghahanda pa rin daw sila para sa gaganaping pagdiriwang mamaya at dadaanan na lamang ulit nila ako para isabay.Bandang alas singko y medya na ng bumalik sila sa amin para daanan ako. I was wearing a simple white floral dress just above my knees partnered with my school white shoes.Hinayaan ko lamang na nakaladlad ang itim at medyo kulot kong buhok na aabot hanggang sa aking balikat upang dumagdag naman ng kaunting komplemeto sa aking kabuoan. Nang dumating na
"V-Vaughn..." Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nakikita ko ngayon. Kung ano ang magiging reaksyon ng aking puso at katawan. Ang makita siyang tumatawa sa harap ng maraming tao ay bago sa aking paningin. Ang makita siyang masaya dahil sa kaganapan sa kanyang buhay ay masakit para sa akin kung hindi ako ang kanyang kasama. Ang mga nangyayari sa oras na ito ay hindi ko inaasahan. Ang makita siya sa ganitong sitwasyon ay nakakabigla para sa akin. Higit dahil sa siya ang nakatakdang maging kanya. Kung ibabase lamang sa mga salitang aking ginagamit para ipahayag ang aking bawat nais ay maaaring tawagin akong isang ipokrita. I'm maybe a hypocrite in the eyes of many, yes, but I won't give a damn because it's him we're talking. Alam kong dahil sa aking mga nagiging reaksyon, salita at kilos pagdating sa kanya ay hindi na lamang simpling paghanga ang aking nararamdaman. Dahil ala
Nang makalabas na siya ng kanilang mansion ay sumunod pa rin ako kahit hindi ko alam kung saan nga ba siya patutungo. Mabuti na lamang at hindi rin siya gumamit ng sasakyan kung di ay hindi ko rin alam kung ano nga ba ang gagawin ko para lamang masundan siya. Bandang alas otso na rin yata ng gabi base sa lamig na aking nararamdaman. Ang daster kase na suot ko ay medyo manipis at walang manggas kaya ako nilalamig. Kahit malamig ay hindi ko na lamang iyon ininda, ang mahalaga ay magawa ko ang bagay na gusto kong gawin. At iyon ay ang maka-usap siya sa kahit na anong paraan. Natigil ako sa aking paglalakad nang makita kong tumigil siya sa harap ng isang tricycle na naroroon. Ang akala ko'y sasakay siya doon ngunit laking pasasalamat ko nang mukhang kinausap lang yata niya ang driver no'n. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad matapos kausapin ang mamang iyon kaya naglakad na rin ako. Sampung minuto rin yata ang lumipas ba
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa ingay ng katok na nagmumula sa pintuan ng aking silid at tawag ni nanay sa aking pangalan. Kahit inaantok pa ay bumangon pa rin ako para puntahan si nanay. "Rie...?" "Anak..." Naabutan ko siyang nakaabang sa hamba ng pintuan sa aking kwarto. Bagong paligo at nakasuot ng kanyang paboritong daster na bigay daw sa kanya ng kanyang kaibigan. "Magandang umaga, nay..." Mahina ang boses na bati ko kay nanay. "Hmm. Hindi ka yata nagising ng kusa, anak? Anong oras na ba kayo nakauwi kagabi?" Tanong sa akin ni nanay at tumalikod sa gawi ko. "Ah, mga alas otso y medya na ho kase, nay, eh." Agarang sagot ko sa tanong niya. "Gano'n ba? Kaya naman pala. Teka, hinatid ka naman ba nina Jones?" Ani nanay na nakapagpahinto sa akin sa pagsunod sa kanya. "Ha? Ah! Oho nay!" Sabi ko big
Nang makapasok kami sa kanyang kwarto ay dumiretso siya sa kanyang kama habang ako naman ay umupo sa upuang malapit sa bintana. "O, ano ba sasabihin mo, ganda?" Inirapan ko si Belinda ng tawagin niya akong gano'n dahil halata na namang nang-aasar siya ngunit inirapan niya rin lang ako. "Kagabi." "O bakit? Anong meron kagabi?" Hindi pa man ako nagsisimulang magsabi tungkol sa nangyari kagabi ay parang gusto ko ng tumigil dahil sa posibling maging reaksyon niya sa aking sasabihin. Natatakot akong kapag nalaman niya ang nangyari pati na rin ang naging reaksyon ko doon ay husgahan niya ako kaagad . I am scared that if she knew about my feelings towards him, she will judge me in a way that I couldn't even fathom. Yes, she's my friend, I even treat her as my sister and that's the thing that fears me. Dahil maliban sa aking mga magulang ay tanging siya n
Nang makabalik kami ni Belinda sa kung nasaan sina Jones at Vaughn ay naabutan namin silang nag-uusap pa rin ng tungkol sa kung saan. Doon ko lamang napansin kung ano ang suot niyang damit. Isang kulay asul na polo na pinarisan ng itim na pang-ibaba at nakasuot din ng itim na sapatos na sa tingin ko ay mamahalin. Akala ko ay hindi pa sila titigil sa pag-uusap ngunit ng mapansin nilang nakabalik na kami ay bigla na lamang tumayo si Vaughn na sinundan naman ni Jones. "I gotta go, Jones, Linda." Nang sabihin niya iyon ay bigla na lamang akong naging alerto at humarap kay Belinda para ipaalam na aalis na rin ako. Wala sa isip ko kanina ang sumabay sa kanya ngunit ngayon ay mayroon na. Balak kong gawing ikalawang pagkakataon ito para pormal na maka-usap ko siya. Gusto kong makilala niya ako kahit na sa anong paraan, ang mahalaga ay makilala niya lamang ako. "A-ah Belinda, Jones, aalis na rin pala
Hapon na nang makauwi ako sa amin. Naabutan kong nandoon na si nanay at naglalaba. Hindi ko na lamang siya inabala pa sa kanyang ginagawa dahil dumiretso na ako papasok sa bahay. Nang makapasok na ako ay dumiretso ako nang tungo sa kusina para makapagsaing na bago pa man dumating si tatay galing dagat. Habang nagsasaing ay pinili kong linisin na rin ang lababo dahil sa dumi na mayroon iyon pati na rin ang buong kusina. Naglilinis ako nang makarinig ako ng yabag galing sa aking likuran. Dahil doon ay itinigil ko muna ang aking ginagawa para tignan kung sino iyon. Si nanay. "Tapos ka na, nay?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa may kalan. "Hindi pa nga e." Sagot niya sa tanong ko sa kanya. "Hapon na ho, ah!" Sabi ko habang tinitignan ang aking sinaing na kanin. "Oo nga't hapon na, diba? Kaya saan ka ba nagpunta ha, anak?" Kanina lamang ay iniisip kong
It was in the month of August when I saw her the first time. We were hanging in the province of Laoang in the street near the market. It was the first time I lead my eyes with such kind of a beauty.It was somewhat kind of breath of fresh air for me. It was so angelic and light. Her almond eyes with a hazel brown eyeballs shade, it was so alluring. Her heart shaped face that covered with sweats. Her tanned skin was shining because of the rays of the sun that was kissing her. And her black and wavy hair that reached until her shoulder added her beauty.She was staring at me that time, ang bilugan niyang mga mata ay unti-unting nanliliit habang nakatitig siya sa amin. I could say that she was curious about us, dahil sa uri ng tingin na ibinibigay niya sa amin."Dude, let's tour around. I heard that there's an famous island here!" I heard Attic said.I diverted my gaze away from her and lo
Nakaupo ako ngayon sa loob ng kanyang kwarto habang nakatanaw sa labas na unti-unti nang dumidilim. Kanina pa ako rito kaya hindi na rin ako mapakali. Ang akala ko kase kanina ay kung ano na ang mangyayari sa amin dahil sa paraan ng kanyang pagsasalita kanina.It's not that I'm expecting that something will happen between us, but...yeah, I kinda expect! Mahigit apat na taon ko rin siyang hindi nakita, at sa loob ng halos limang taon na iyon ay ni minsan hindi ko ginawa ang bagay na iyon. I should be embarrass because of my own thinking but I just can't deny the fact that I want him. I know that he know that, hindi ko nga lang alam kung bakit tila wala naman siyang ginagawa.Tita Esther and tito Saimon are not yet home. Kaya hindi ko rin maiwasan isipin si Myxelle ngayon. Kung hindi ba siya naiilang kasama ang mga magulang ni Vaughn? Gayung ito pa lang naman ang unang beses na nakita at nakakasama niya sina tita. But then I remember wha
Malalim akong bumuntong hininga habang hawak ko sa aking kaliwang kamay ang anak ko at nakatanaw sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mamaya sa oras na kaharap ko na muli sila. Kung ano ang kanilang sasabihin sa ginawa kong iyon.I squeezed Myxelle's hand softly. "Are you ready, baby?" I asked my daughter.Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa labas ng bintana. "Who lives there, mama?" Seryosong tanong niya.I looked at Vaughn who's now looking at us too from the driver seat. "It's my parents house, princess." Sagot niya sa naging tanong ni Myxelle.She pouted her lips while scratching her nose. "Do you live there, daddy?" She asked again.I heard Vaughn's laughed because of it. "My princess is curious, isn't she?" Balik na tanong niya sa anak ko."Such a big house, daddy.""Hmm..."
I don't know what to say because of what he said. I don't even know if he's asking or what. And what does he mean by that? That I should accept him not only as Myxelle's father? Does he want us to accept him with wide open arms? It's that it?Or maybe, he wants me to accept him? Huh. I shooked my head because of that thought. How in hell that he's going to say it, Rie? Not because he said he loves you means that he want you? I laughed without humor. Am I that foolish? Or am I that assuming?"W-what do you mean?" Nagawa ko pa rin ang itanong iyon sa kanya sa kabila ng ideyang mayroon ako sa aking isipan.He cleared his throat before looking at me with soft eyes. "Baby, let's start a new...""Vaughn, paano ako papayag sa gusto mong mangyari kung wala akong panghahawakan? How am I going to trust you and your words when you're not giving me any assurance?" Mababa ang tinig na saad ko.
Nakatitig ako ngayon sa kanila. Kaya kita ko ang bawat galaw at reaksyon ni Vaughn sa harap ng anak ko. Na kahit ultimo ang galaw ng kanyang lalamunan habang titig na titig kay Myxelle ay kitang-kita ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon. Ang makita silang dalawa ay siyang nagpapasaya sa akin ng higit sa sayang naramdaman ko noon.My daughter, Myxelle, is talking nonstop since Vaughn introduced her as her father. She's talking about her likes and loves. That even I am trying to stop her I just can't. She's not that bubbly if she's not comfortable with the person she's talking too. So I know that she feel light with Vaughn's presence."You know what, daddy, sometimes, I heard mama crying in the middle of the night." Rinig kong sabi ng anak ko.He looked at me. "Why is that?"Hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya. Kung ako ba o si Myxelle, gayung ang kausap niya ay ang
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa aking nakita kanina. Alam kong nakatalikod siya mula sa gawi namin kaya malaki pa rin ang posibilidad na hindi niya ako nakita, kami, ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang kabahan at matakot. He's here! I saw him awhile ago! Nasa iisang lugar na naman kami.Yakap-yakap ko ang aking anak habang patuloy ko pa rin na iniisip iyon. Ang lakas ng pagkabog ng aking dibdib ay gano'n pa rin. Kagaya kanina nang muli kong makita ang pamilyar na pigura niyang iyon, na sa sobrang lakas ay dinig na dinig ko ang pagkabog no'n na halos mabingi ako.Lumipas man ang mahigit apat na taon magmula nang huli ko siyang makita, ay hindi no'n mababago o maaalis sa akin ang pagkakakilanlan niya pagdating sa akin. Sapagkat kahit sa loob ng mahigit apat na taong iyon, ay araw-araw ko siyang nakikita. Hindi man bilang siya sa pisikal niyang katawan, ay ang bawat hugis at detalye naman ng kanyang mukha. Lalong-lalo na ang kan
"Mama..."Napalingon ako nang marinig ko ang maliit na boses niyang iyon. Nang makita ko siyang nakanguso habang nakatanaw sa akin at kinukusot ang kanyang bilugang mga mata ay animo'y may mainit na mga kamay ang bumalot sa aking puso. Ang makita ko siya sa kahit na anong itsura at marinig ang maliit ngunit malambing niyang tinig ay siyang nagpapagaan sa aking pakiramdam."Good morning, baby!" I said in a joyful voice.Naglakad siya patungo sa akin at agad na ipinalibot ang kanyang maliliit na mga braso sa aking hita. Agad akong tumigil sa ginagawa kong pag-aayos ng mga halaman sa aming bakuran at nagyuko bago ko siya inangat at binuhat. Nang karga-karga ko na siya ay sa leeg ko naman niya ipinalibot ang kanyang mga braso at agad akong binigyan ng halik sa aking pisngi.I smiled because of contentment and happiness. "Did you sleep well, baby? Hmm?" I asked her while sniffing her neck th
Nagising ako kinaumagahan dahil sa pakiramdam na animo'y hinahalukay ang aking tiyan. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa lababo para dumuwal. Pakiramdam ko ay gusto kong sumuka ng sumuka ngunit wala namang lumalabas.Hawak ko sa aking kanang kamay ang aking buhok na inaangat ko pataas habang nakahawak naman sa aking tiyan ang kaliwa. I was forcing myself continuously to release what's inside my tummy that made me want to vomit. Sa patuloy kong ginagawa iyon ay pakiramdam ko nanghihina ako.I couldn't stand straight while I was holding the sink. I felt like, I was draining my energy early in the morning because of it. Tumagal siguro ako ng halos sampung minuto sa ganoong sitwasyon bago ako nakaramdam ng kaginhawaan. Tumalikod ako at naglakad papunta sa may lamesa, when I was about to drag a chair, my vision suddenly went blurred. Pakiramdam ko ay umiikot naman ang aking paningin kaya agad akong tumigil kung saan ako nak
It's been three weeks since that night happened. At sa loob ng tatlong linggong iyon ay masasabi kong isa 'yon sa mga araw na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. I was beyond happy on those days, that I forgot to think about her. Her comeback, as Abby's called it. Na sa loob ng tatlongng linggong iyon ay hindi ko ni minsan naisip ang tungkol sa kanya.Hindi dahil sa pinilit kong kalimutan muna iyon sa loob ng maikling panahon, kung hindi ay dahil sa mga bagay na ginagawa ni Vaughn na nagtutulak sa akin para makalimutan ko iyon. We did the things we haven't done before. He always came at my place every after his work, he even slept there sometimes. I'd say that, many things had changed from what we were. And I am hoping that it would last longer than I thought.It was five thirty in the afternoon that day, and I was walking on my way to his condo unit at BGC in Taguig. I was planning to surprise him, the reason why I didn'