NAPAPIKIT nang mariin si Jasson nang sumayad sa kaniyang lalamunan ang iniinom na whiskey, atsaka nito padarag na ibinaba ang baso na naglikha ng ingay sa counter top.
Kasalukuyan siyang nasa exclusive bar at ilang gabi na siyang ganito sa hindi maipaliwanag na dahilan.
"Hi…" isang malamyos na tinig at mainit na hininga ang tumama sa kaniyang leeg, ngunit hindi niya ito pinansin.
"Alone, huh?" Inabot ng babaeng nasa kaniyang gilid ang panibagong whiskey na dapat ay sa kaniya. Bahagya iyong sinimsim at nang matapos ay dinala sa kaniyang mga labi. "You cannot enjoy the night by yourself, handsome," muli nitong usal sa nang-aakit na boses. Halos ipagduldulan nito ang mayamang dibdib na litaw na ang mga pisngi dahil sa malalim na uka roon ng suot nitong bestida.
Kung sa ibang pagkakataon, baka agad na siyang nag-init. Ngunit hindi na niya maintindihan ang sarili. Pakiramdam niya ay isa na siyang impotent o wala nang kakayahang mag-init. At nagsimula lamang iyon nang gabing iyon.
Damn it!
Bahagyang sinulyapan ni Jasson ang babae. She knew her anyway. Daisy Rosie, sikat na artista at modelo. Maputi ang malaporselana nitong kutis; his kind of girl. Pero pati yata ang taste niya, nagbago na.
"Come on, be alone with me," anito na pinapungay pa ang mga matang nakatitig sa binata. Pinadausdos ang mga daliri sa perpektong panga pababa sa leeg hanggang sa humantong sa braso at tuluyang iniangkla roon ang kamay nito, bahagyang hinihila siya.
Mabigat ang buntong-hiningang pinakawalan ni Jasson at mabigat ang katawang nagpaubaya rito. Matapos bayaran ang bill ay humantong ang dalawa sa sasakyan ng binata. Ilang sandali lang ay nasa loob na sila ng condo unit niya– kung saan siya namamalagi kapag ayaw niyang umuwi sa sariling bahay.
Animo gutom na hayop ang naging pagkilos ng modelo. Agad nitong sinunggaban ang mga labi ng binata nang makapasok sila sa loob. Ang mga kamay nito ay naging pangahas na inalis isa-isa ang mga butones ng suot nitong itim na longsleeve polo.
Mariing ipinikit ni Jasson ang mga mata. Hinayaan ang babae sa ginagawa. Sinubukang damahin ang sensasyong dapat ay nararamdaman niya.
Hindi siya nabigo. He felt aroused. Ngunit mabilis siyang napadilat at malutong na napamura!
"Damn it!" Bahagya niyang naitulak ang babaeng humahalik sa kaniyang h***d na dibdib. Saglit niya itong pinakatitigan at tila nasisiraang nasabunutan ang papalago ng buhok.
"Leave." Tinalikuran niya ito.
"But—" Hindi na nagawang ituloy ng modelo ang nais sabihin nang marahas na isinara ng binata ang pinto ng isa sa mga silid na naroon, ang silid nito.
Damn! Yes, he felt his arousal, but f*ck! Nag-init siya hindi dahil sa babaeng kaulayaw niya kani-kanina lang. Nag-init siya dahil sa mukhang rumehistro sa kaniyang isipan habang mariin siyang nakapikit.
Hinihingal na akala mo ay nakipagkarerahang naupo siya sa kaniyang kama. Ang mga siko ay nasa kaniyang mga hita habang sapo ng mga kamay ang mukha.
His sinful thoughts started when Samara live in his house for a short vacation and that was two years ago. He saw Samara again after a year. At hindi niya inaasahan ang naging pagbabago nito. She was invited on Anastacia's wedding, and she couldn't believe that Samara could have grown up fast like that.
Malaking bulas na ito noong huling kita nila, noong kasal ng kapatid niyang si Peter Ross. At hindi niya inaasahan nang mas humulma ang katawan nito sa paglipas lamang ng isang taon.
Nasaksihan niya kung paano itong pinagkaguluhan ng mga kaedaran nitong lalaki na bisita ng napangasawa ng kaniyang kapatid. Maging ang mga kalalakihang wala pang mga sabit at mas bata lamang sa kaniya ng ilang taon ay hindi naiwasang mapahanga sa dalagita.
Gumalaw ang mga kalamnan ni Jasson dahil sa emosyong hindi maintindihan, nag-igting ang prominente nitong panga nang magtagis ang mga bagang. Muli nitong ipinikit ang mga mata at naroon na naman ang imahe ng dalagita.
Kinalma niya ang sarili at hinayaang pagsawain ang isip sa imaheng nakikita. Ang mga ngiti nitong animo nang-aakit, ngunit batid niyang hindi. He knew her very well. Kung paano ito humalakhak kapag sila ang magkasama. At kung paano ito pinong ngumiti sa bagong kakilala. Ang tuwid, makintab at itim na itim nitong buhok na hanggang gitna ng likod ang haba ay sumasaliw sa bawat paggalaw nito.
They never had a chance to talk nor meet that night. Sinadya niya itong iwasan, dahil hindi na niya nagugustuhan ang hindi maipaliwanag na nararamdaman.
It is dangerous, he knew that. Hindi siya bulag sa katotohanang milya ang layo ng edad niya sa dalagita. And having an attraction like what he's feeling towards Samara right now is such a shameful.
Hindi pa siya nababaliw para pumatol sa menor de edad and worst— sa higit na nakababata sa kaniya ng labing walong taon.
"Damn, Ara!" he cursed as his sinful mind continues to draw her pretty face.
Hinilot niya ang magkabilang sentido gamit ang gitna at hinlalaking daliri ng kanang kamay. Kumikirot na iyon sa labis na pag-iisip. Hanggang sa tuluyan niya iyong nakatulugan.
ALUMPIHIT SI SAMARA sa kaniyang silid. Nais niyang kausapin ang kaniyang ama tungkol sa nalalapit niyang pagtuntong sa Senior High School. Ilang buwan na lang at mag-gi-grade 10 na siya at gusto niyang malaman ang desisyon ng mga magulang kung saan siya kukuha ng senior high. Magbabakasakali siyang makumbinsi niyang sa bansang kinalakhan ng kaniyang ina siya mag-aaral. Ang Pilipinas.
Tumigil siya buhat sa pagpaparoo't parito at lumapit sa malaking bintana. Mula roon ay tanaw niya ang likod ng matayog na mansion ng mga Luther.
Ilang metro mula sa likod ng mansion, ay matatagpuan ang isang maliit na villa na kinatitirikan ng labinlimang bahay. Ipinagawa iyon ng senior kasabay ng mansion para siyang tuluyan ng mga tauhan at pamilya ng mga ito habang nagtatrabaho ang mga ito roon.
Humugo't siya nang malalim na hininga at iniwan ang bintana upang lumabas ng silid. Hindi niya nadatnan sa sala ang mga magulang kaya naman nahinuha niyang nasa beranda sa likod bahay ang mga ito. Nagtuloy-tuloy siya sa pintuang katabi ng kanilang kusina. Nang buksan niya ang pinto ay ang malamig na simoy ng hangin ang bumati sa kaniya.
Napalilibutan ng matataas at nagyayabungang mga puno ang labas ng kanilang villa kaya naman gano'n na lamang kalamig ang simoy doon. Habang ang loob ay pawang mga ligaw na bulaklak. May bahagi rin ng lupa na natataniman ng iba't ibang uri ng mga gulay; kung saan sila kumukuha ng pangrekado sa mga lutuin; sa mga bahay man o para sa mansion.
"Pa, Ma," tawag niya sa mga magulang. Abala ang ina sa ginagantsilyo nito, habang ang ama ay nagbabasa ng diyaryo. Kapag ganitong walang tao sa mansion, nagtutungo lamang ang kaniyang ina kasama ang iba pang mga kasambahay sa malaking bahay upang maglinis, pagkatapos ay maaari na ang mga itong manatili sa villa.
Ang mga kalalakihan naman ang abala sa palitang pagbabantay sa buong isla. At dahil madalang nang magtungo roon ang senyor at senyora, maging ang magkakapatid, ay mas magaan na ang trabaho ng lahat, ngunit sumisweldo pa rin nang tama.
"Natapos ka na sa mga assignment mo?" bungad ng kaniyang ina.
"Opo." Sinulyapan niya ang ama na hindi man lamang nag-abalang tingnan siya.
"Nagugutom ka na?"
"Hindi pa po." Naupo siya sa bakanteng upuang yari sa katawan ng malaking puno.
Hindi niya alam kung paano niyang sisimulan ang pakikipag-usap sa mga ito. Istrikto ang kaniyang ina, ngunit mas mahigpit naman ang kaniyang ama. Sa isang tingin pa lamang ay malalaman mo na. Maramot ang mga labi nito sa pagngiti at kung tumingin ay nanunuri. Kaya naman malaki ang takot niyang suwayin ito.
"Next term ay grade 10 na po ako," panimula niya sa salitang Bengali, ang lengguwahe ng ama, na kumuha sa atensiyon nito, bagama't saglit lang itong sumulyap sa kaniya.
"M-may plano po ba kayo kung saan ako mag-i-enroll? G-gusto ko po sanang—"
"Inaasahan ka na ng lola mo. Sa kaniya ka pagkatapos mo ng grade 10," suweto ng kaniyang ama sa iba pa niyang sasabihin nang hindi siya nito sinusulyapan.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa pagtutol. Nababasa niya ang pinalidad sa tinig nito kaya wala siyang lakas ng loob upang suwayin ang desisyon ng ama. Batid niyang ang ikabubuti lamang niya ang iniisip ng mga magulang.
Tumikhim siya upang alisin ang bikig sa kaniyang lalamunan bago muling nagsalita, "Kung gano'n po sa India na po ako mag-aaral." Tumango-tango siya.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan nilang tatlo. Bumalik ang atensiyon ng mag-asawa sa kani-kanilang gawain, habang ang dalagita'y nakamasid lang sa mga ito at nakuntento na lang sa pagtapik-tapik ng mga daliri sa armchair ng kinauupuan.
Hindi rin siya nagtagal at naisipan na niyang tumayo at magpaalam sa mga ito.
"Ako na po ang magluluto ng hapunan, Mama," hinging permiso niya sa ina. Nang tumango ito matapos mag-angat ng ulo ay tumayo na siya at nagpaalam sa ama bago iniwan ang mga magulang.
"GOOD MORNING, MASTER, ito na po ang mga dokumentong kailangan ninyong pirmahan." Inilapag ng bagong sekretarya ang ilang folder sa ibabaw ng table sa harapan niya.Nag-igting ang panga ng binata ngunit hindi na ito pinansin pa. Hinintay niya itong umalis ngunit nanatili itong nakatayo sa harapan ng kaniyang mesa."Yes, Miss Ebasitas?" puna niya nang hindi pa rin ito tinatapunan ng tingin.Nagsalubong ang mga kilay ni Jasson nang itukod ng babae ang mga kamay sa mesa at bahagyang yumukod."Do you have anything else?""You look tired, Master," aniya sa nang-aakit na tinig. Lalo pa itong yumuko dahilan upang bahagyang lumuwa ang pisngi ng dibdib nito sa pulang blusa nitong nakababa ang zipper hanggang gitnang dibdib.Naiiling na muling itinuon ni Jasson ang paningin sa mga papeles, ngunit hindi nakuntento ang kaniyang sekretarya. Tumayo ito nnag tuwid at may kaartehang naglakad patungo sa likuran ng binata.Idinantay nito ang mga kamay
PINAGMASDAN NI SAMARA ang kabuuan ng mansion. Ito ang araw ng alis niya patungong India. Parang kailan lang ay hindi niya alintana ang pag-usad ng panahon. Halos ipagdasal pa nga niya na sana huwag munang matapos ang taon niya sa grade 10.Ngunit sadyang gano'n nga yata. Hindi lahat ng kahilingan ay ibinibigay ng tadhana. Sa halip na bumagal, tila bumilis ang pag-usad ng bawat oras. Hindi niya namalayang tapos na niya ang junior high. At kailangan na niyang iwanan ang islang kaniyang kinamulatan.Hindi niya alam kung makatutuntong pa ba siyang muli roon, o baka ito na ang huling beses na masisilayan niya ang kagandahan ng buong isla.Tiningala niya ang engrandeng hagdan na nasa kaniyang harapan. It was covered of red carpet at sa dulo ng hagdan ay may panibagong mga baitang sa magkabilang panig kung nasaan ang bawat silid. Maliban sa labindalawang kuwarto na inookupahan ng magkakapatid na Luther, ay mayroon pang limang guestrooms. At ang bawat silid ay hindi bir
"NICE TO MEET YOU, MISS RUTH," aniya nang may tipid na ngiti at yumukod dito. "Please enjoy your breakfast," wika pa nito at tumalikod na."Ara," tawag sa kaniya ni Jasson na nagpatigil sa kaniyang paghakbang. "Why don't you sit here and have your breakfast with us?" salubong ang kilay na pigil dito ng binata."Ahm….""Oo nga naman, hija. Please join us here," pagsang-ayon ng ginang na sinang-ayunan pa ng tatlo.Tiningnan niya ang mga ito na pawang naghihintay sa kaniya. Sa hiya ay lumapit siyang muli ngunit nag-aalinlangan kung saan siya uupo. Tanging ang upuang nasa kanan na lamang ni Jasson ang bakante roon.Marahil ay nabasa ng binata ang nasa isip ng dalagita, ito na mismo ang humila sa upuan at tinapik iyon. Agad namang tumalima ang dalagita at naupo doon."Alam mo na ba kung anong strand ang kukunin mo? Ano nga pala ang course na gusto mo after senior high?"Napatingin si Samara kay Hannah na siyang nagbukas ng usapin.
"REALLY, JASSON? You cancelled our schedule just to be with that kid? Katulong n'yo lang iyon, `di ba?" kunot na kunot ang noo ni Ruth habang kinokompronta ang binata. Ngunit ilang sandali lang ay nanlalaki na ang chinita nitong mga mata nang tila may mahinuha sa tinging ipinukol sa kaniya ng kaharap."Oh no! Don't tell me? Jasson, are you out of your mind? She's only sixteen, for Godsake!""Shut up, Ruth. Kung ano-ano na ang pumapasok diyan sa isip mo," kalmadong tugon ng binata, nasa laptop ang atensiyon."My instinct never fail me, Jasson. Iyan ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa nag-aasawa?""I'm not yet ready to get married, Ruth, and that is my reason.""You are not ready? Or she isn't ready?"Bagot na isinandig ni Jasson ang likod sa backrest ng kinauupuan at inihalukipkip ang mga braso, bago walang emosyong tinitigan ang dalagang nakatayo sa harap ng kaniyang mesa."She's eighteen years way younger than me
"GOOD EVENING, Senyor at Senyora," bati ni Samara sa mag-asawang nadatnan niya sa hapag-kainan."Good evening too, hija. Mabuti at dumating ka na," nakangiting tugon ng ginang."Opo. Pasensiya na po kung ginabi ako, senyora. May kinailangan lang kaming tapusin sa library.""That's fine, hija. Sinabi nga ni Mara na gagabihin ka. Change now and have dinner with us.""Sige po, senyora." Pumihit si Samara patungo sa kitchen, ngunit bago pa siya nakahakbang ay ikinagulat na lamang niya ang presensiya ni Jasson na nakatayo sa hamba ng pintuan. Nakasandig ang isa nitong balikat at nakahalukipkip ang isang braso, habang ang isang kamay ay may hawak na baso."M-Master— nandito po pala kayo," puna niya rito.Nilagok ni Jasson ang laman ng baso at diretso itong tumayo. Sinulyapan ang relong pambisig bago madilim ang mukhang binalingan ang dalagita."It's already past seven, Ara. Your class is until five, right?" malamig ang tinig nitong na
TIKOM ANG BIBIG at nagtatagis ang bagang na sinundan ng tanaw ni Jasson si Samara. Batid niyang nagtatampo ang dalagita. Gusto niya itong suyuin at bumawi rito, ngunit oras na ginawa niya iyon… mawawala ang pader na binuo niya.Mariin niyang ipinikit ang mga mata, naikuyom ang mga kamay at marahas siyang napabuga ng hangin bago tumalikod at tinungo ang mansion.Muling tinungo ni Jasson ang mini bar ng ama at kumuha sa koleksiyon ng alak na naroon atsaka iyon dinala sa silid na kaniyang tutulugan."KUMUSTA?" bati ng kaklase ni Samara na si Cristine matapos nitong umupo sa upuan sa likuran niya atsaka ito pumangalumbaba sa armdesk."Ayos lang.""Hmm, hindi ka na ba kinukulit nila Kurt?"Umiling siya."Mabuti naman at nakuha sila sa usapan ni Jayson. At mabuti na lang din na hindi ka talaga pumayag. You didn't know what they can do to you.""Salamat." Magaang sa loob na nginitian niya ito. Nakatutuwang isipin na tuluyan na
"YOU CAN STILL PLAY with me even you are reserved. Play with me while waiting for her to bloom," ani Ruth sa namamaos na tinig habang panay ang haplos nito sa braso ng binata.Napapailing na lamang na inalis ni Jasson ang naglilikot na kamay ng dalaga. Kinabig niya ang manibela papasok sa basement parking ng The Luther's Empire condotel at ipinarada iyon sa parking lot na laan para sa kaniya. Ihahatid lang niya ito sa pad niya at aalis na rin siya. Muli niya itong pinangko at tahimik na dinala paakyat sakay ng elevator."Uhmmm, come on, Jasson. I'm craving for you," ungot ni Ruth nang naalimpungatan at hinaplos-haplos ang dibdib na bakat sa suot na t-shirt ng binata.Napapabuntong-hiningang lumabas si Jasson ng lift nang bumukas ang metal na pintuan at tinahak ang nag-iisang unit sa floor na iyon. Buhat-buhat man ang dalaga ay nagawa pa rin niyang ilapat ang kanang hinlalaki sa lock device ng pintuan upang mabuksan iyon. Atsaka siya nagtuloy-tuloy sa nag-iisang
ABALA SA pagsi-set up ng desktop computer ang tatlong binatilyo, habang si Samara ay naghanap sa bookshelves ng mga librong maaari nilang gawing reference. Samantalang sina Elizha at Cristine ay animo may mga sariling mundong kinikilig sa kinauupuan. "I really can't imagine! Akala ko talaga, Ara, nagpapaka-humble ka lang nang sabihin mong anak ka lang ng mayordoma. And what is more exciting is ang panganay na Luther ang pinagsisilbihan mo! O. M. G! Kung siya rin lang ang magiging amo ko, magpapakaalipin na rin ako!" bulalas ni Cristine na hindi mapaniwalaan ni Samara na may ganoong side ang kaibigan. Kilala niya itong madaldal, ngunit hindi ganito kabulgar. "Hmmm! And you know what? Ate Gerlie cannot get over him until now! Iyon nga lang, hindi na raw niya ito natitiyempuhan doon sa exclusive bar kung saan sila nagkakilala ni Master Jasson. Alam mo `yon? I just saw him in magazines at naka-formal attire, but the hell! Luwang panty ko kapag nakikita ko mga picture niya. Then boom! Ma
Hello, Dragonlings and Lutherians! Finally, we have come this far. Thank you for supporting my stories. I hope you enjoyed reading every part of the story. I want to greet everyone with a Prosperous and Healthy New Year for all of us. Q&A Q: Why I called my readers Dragonlings and Lutherians? A: I am a writer on a reading page on F******k, and one of my supporters called me or tagged me as IzangDragona bcoz of being a fighter and having an attitude of a dragon. So, I searched for what I can call my readers/supporters, and I came into Dragonlings since it means 'baby dragons'. So, my readers are my baby dragons because they're my treasure, the way I treasure my characters. And of course, Lutherians is for the readers of The Luther's Empire Series. Happy and Prosperous New Year to all! Good Bless, everyone!
NAGING mahaba ang linggong iyon para kina Samara at Jasson. Hindi sa gabi ng kasal na iyon nagtatapos ang lahat. They have to perform different rituals na naaayon sa tradisyon ng mga ito. At sa loob ng mga araw na dumaan, hindi man lang sila inimik ng matandang Chakrabarti kahit pa nakakasama nila ito sa hapag-kainan. Nakikipag-usap ito sa iba, ngunit hindi sa bagong mag-asawa.Not until that night, kung saan nabuksan ni Dawood ang paksa sa pag-alis ni Jasson.“Anong plano ninyo ni Samara? Susunod ba siya sa `yo sa Britanya?”“Processing her papers will take time. Since I have to stay in Britain for just less than a month, we both decided na
LOVE isn't just about happiness. Isn't just about kilig, roses, and chocolates, I love you's and I miss you's. Isn't just about lovers.Love is about friendship, families, and neighbors. It's about pain, trials, problems, and tears. It's about giving up or fighting.Matibay ang pundasyon ng isang pagmamahalan kung ang lahat ng negatibong aspeto ng pag-ibig ay mararanasan. That is what she learned about love, about life.Hindi sapat na masaya ka lang. Hindi sapat na mahal ninyo ang isa't isa. Hindi sapat na puro kilig lang. Dahil kung puro positibong bahagi lang ng pag-ibig ang ating mararanasan, paano natin malalaman if it's worth to fight for, to wait for. Hindi natin malalaman kung gaano katatag
"Anyway. Ang kasiyahang ito ay hindi naman tungkol sa isla. Kung nalalaman ko nga lang na ang bastardong iyan ang pinagkakautangan ko ngayon, hindi ko na sana siya inimbita pa at sa ibang pagkakataon na lamang kinausap."Kumuyom ang mga kamay ni Samara at halos magsalubong na ang kaniyang mga kilay. She truly love her olds but hearing him throwing disgusting words… halo-halo na ang kaniyang nadarama. Lungkot, galit at pagkapahiya. Nahihiya siya sa kaniyang master. Ang tungkol palang sa isla ang pinag-uusapan at gano'n na ang mga salitang ibinabato rito, paano pa kaya kung malaman na ng mga ito ang tunay nilang relasyon?Sumulyap ang dalaga sa kinauupuan ng binata. Nakatitig din pala ito sa kaniya. Walang bahid ng kahit ano sa mga mata nito, kaya hindi malaman ni Samara kung galit na rin ba ito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya— mga tinging tila sinasabing wala nang atrasan pa.Pasimple niya itong tinanguan at binigyan ng alanganing ngiti, ngiti
DUMATING ang araw na nagpapakaba kay Samara. Naging abala ang lahat ng tao sa mansiyon ng mga Chakrabarti dahil sa inihandang munting salo-salo para sa isasagawang pangalawang pag-aanunsiyo ng kasal nila ni Raj Kumar.Dadalo ang kaniyang Master na siyang kasalukuyang humahawak ng titulo ng islang pagmamay-ari ng kaniyang lolo. Sigurado rin siyang pupunta ang punong ministro na ama ni Raj at ang ikalawa nitong asawa.Alam niya ang mangyayari, ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. Isa lang ang nalalaman niya, magkakaroon ng gulo sa pagitan ng kani-kanilang pamilya sa magiging desisyon niya.Tulad ng inaasahan, hindi simple ang simpleng hapunan na iyon. Bumabaha ng iba't ibang putahe ang mahabang mesang nababalutan ng pula at gintong mantel. Mula sa panghimagas, hanggang sa pangunahing putahe, iba't ibang hugis at kulay ng mga prutas. Ang malawak na bulwagan ay napupuno ng mga bandiritas at mga sariwang bulaklak. Sa magkabilang gilid n
"PA, totoo bang may bumili noong islang naisanla natin noong nakaraang eleksiyon?"Nilingon ni Samara ang auntie niyang nagsalita sa kalagitnaan ng pagkain nila."Nakasanla lang iyon, ate, kaya hindi pwedeng ipagbili," sansala naman ng auntie Harini niya."Inilipat ni Mr. Khan ang pagkakasanla ng isla dahil kailangan daw ng pera," tugon ng matandang Chakrabarti."Paano `yon, Pa? Papayag ba iyong pinaglipatan na tutubusin natin ang isla oras na makabawi ang ilan sa ating kumpaniya?"Tumango ang matanda matapos nitong ibaba ang kubyertos na hawak at punasan ang bibig."Sino na pala ang bagong may-ari, Pa?""Ayaw i-disclose ang pangalan niya. Pero nais nitong makipagkita ng personal." Umayos ito sa pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang mga kasama sa hapag-kainan."Masiyado nang matagal buhat nang ianunsiyo ang engagement ni Samara kay Raj, Dawood. Kaya naisip kong sa darating na linggo ay magkakaroon ng munting kasiyahan para sa
"I'M SORRY, Baby." Dumako ang kanang kamay ni Jasson sa batok ni Samara upang mas mailapit pa ito atsaka nito kinintilan ng halik ang tuktok ng ulo ng dalaga.Kasabay nang paglaglag ng mga luha, mahigpit na niyapos ni Samara sa baywang ang binata at sa dibdib nito umiyak nang umiyak na parang bata."I'm— I'm sorry, Master. I'm sorry if I didn't give you a chance to explain. I just… couldn't believe." Akma siyang ilalayo ni Jasson buhat sa pagkakayapos niya rito ngunit mas idiniin pa niya ang sarili dito.Marami pa siyang gustong sabihin dito at alam niyang hindi niya iyon masasabi oras na tumingin na siya sa mga mata nito. His gray eyes are her weakness, and looking on it will make her shiver and speechless. Kaya naman mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito."H-hindi naman ako galit sa iyo, eh. That's the last thing that I will feel. I was shocked, yes. I got a hint that I am with someone that is not Raj, that I am really with you, pero
"MISS SAMARA, dumating na po ang Master Raj," pagbibigay alam ng tagapangalagang naka-assign sa dalaga.Tumango siya at pinanood ang muli nitong paglabas sa kaniyang silid. Nang maipinid nito ang pinto ay isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.Hindi niya alam kung paanong haharapin ang binata. Magpahanggang ngayon, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat. Minsan na ngang pumasok sa isip niya na may multiple personality disorder ito dahil sa dalawang katauhang ipinapakita nito.Not until their last day on Nakki Lake. When he revealed his true identity."Ara, anak? Ayos ka lang ba?"Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Samara pagkarinig sa boses ng ina. Mula sa malalim na pagkakatitig sa kisame ng kaniyang silid ay dumako ang tingin niya rito. Hindi niya namalayan na muli pala siyang nahiga nang mahulog sa malalim na pag-iisip. At hindi rin niya namalayan ang pagpasok ng ina sa kaniyang silid"Kanina pa kita kinakatok, hi
"WHERE are you going?" takang tanong sa kaniya ni Raj matapos ng tahimik na hapunan at tumayo siya."Powder room lang."Agad niya itong iniwan nang tumango ito bilang tugon. Tinungo niya ang powder room na nasa malayong likuran ng binata.Gumaang ang pakiramdam ni Samara nang makapasok doon. Tila hapo ang pakiramdam niya nang inilapag sa espasyo ng lababo ang maliit na bag at itinukod ang mga kamay sa malamig na marmol. Pinagmasdan niya ang repleksiyon sa salamin.Hindi niya gusto ang klase ng bilis at lakas ng tibok ng kaniyang puso. Iyong pakiramdam na kapag hindi ito naging normal ay magkaka-heart attack siya.Is it normal? O baka naman may sakit na siya sa puso?Hindi naman ito ang unang beses na naramdaman niya ang abnormal na pagtibok niyon. Ang pamilyar na pagkalabog niyon ay maihahalintulad niya sa paraan ng pagtibok niyon noong mga panahong kasa-kasama niya ang kaniyang master.At muli lang itong nagsimula after years being a