BITBIT ang puting tuwalya at abuhing roba, tinungo ni Samara ang swimming pool kung saan naglulunoy ang kaniyang master.
Inilapag niya ang mga dala sa steel bench na naroon at nakahalukipkip na pinanood ang pabalik-balik na langoy ng binatang amo. Hindi naman siya nainip sa paghihintay, dahil nang pangalawang balik nito mula sa kabilang dulo ay huminto ito sa tapat ng kaniyang kinatatayuan at umahon.
"Just fall for me, baby." Natigagal si Samara kapagdaka'y umawang nang bahagya ang bibig, ngunit hindi nakapagsalita. Huminto ang sinasakyan nila sa basement parking ng isang prestihiyosong mall, pagkaraan ng isang oras na biyahe.
BUMALATAY sa mukha ni Samara ang pagtataka nang huminto sila sa harapan ng isang prestihiyosong beauty salon and spa na naroon sa mall. Nilingon niya ang binatang amo ngunit iginiya lamang siya nito papasok. Masiglang bumati ang staff ng naturang establisimyento dahilan upang magsilingunan ang iba pang kliyente ng mga ito. "Where is Zia?" tanong ni Jasson sa babaeng naka-assign sa reception desk. "She's inside the spa area, Mr. Luther. I will just inform her your arrival, Sir," tugon nito na tinanguan ng binata. Ilang sandali lang, isang matangkad, may balingkinitang katawan at maputing balat ang lumabas sa pintuang tinutukoy kanina ng receptionist. Malawak ang mga ngiti nito habang papalapit sa gawi nila. "Hey there, Master." Lumapit ito kay Jasson at humalik sa pisngi nito. "Glad to see you here. What can I do for you?" aniya na hindi tinatapunan ng tingin si Samara. Hinawakan ni Jasson sa baywang ang dalagita at bahagyang hinigit palapit dito. "Ikaw na ang bahala sa kaniya,"
Pigil ang ngiti at tinatambol ang dibdib, mabibilis ang mga hakbang na tinalunton ni Samara ang may kahabaang pathway patungo sa malaking bahay. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha at hindi lang pagtatapat sa nararamdaman ang kaniyang ginawa— hinalikan pa niya ito! Damn! Hindi tuloy niya alam kung paano pa itong haharapin at kakausapin. Balot ng kahihiyan ang buong pagkatao, kagat ang kuko sa hintuturo, patakbo na niyang tinungo ang bungad ng kabahayan upang huwag lamang siyang maabutan ng binatang amo. Pinihit niya ang seradura ng pandalawahang pinto, bumungad sa kaniya ang kadiliman ng kabahayan na siya niyang ipinagtaka. Kung bukas ang pinto,nakasisiguro siyang gising pa ang kasamahan niyang si Renz, at isa pa alas siyete pasado pa lamang ng gabi. "Ate Renz?!" tawag niya rito habang maingat na pumasok sa kabahayan. Tanging mga ilaw buhat sa labas ng bahay lamang ang kaniyang tanglaw. Nasa kalagitnaan na siya ng mansion nang lumiwanag at…
"My ghaaad! Ang sweet, sweet talaga ni Master Jasson! Konti na lang talaga mapapaisip na ako kung father-daughter o girlfriend-boyfriend ang relasyon ninyo," bulalas nito na bahagya pang napapatalon sa kinatatayuan nito habang hawak ang dalawang kamay ni Samara. "Anyway, let's change our outfit na!" aniya pa. "Ha?" "Ha-hakdog! Duh! Pool party ito, kaya dapat naka-swimming attire tayo, Ara! Laking isla ka kaya hindi ako maniniwalang hindi ka nagsu-swimsuit!" "Nagsusuot ako. Pero wala naman ako no'n dito." Ngumisi si Elizha at binitiwan ang isa niyang kamay bago itinaas ang sariling kamay na may tangan na paper bag. "Charan! Ako ang pumili nito para sa `yo. Medyo conservative dahil ayaw ng master mo ng revealing. Tara na!" Hinila nito si Samara patungo sa common bathroom na nasa loob ng mansion. Iniabot ni Elizha ang paper bag sa kaniya atsaka walang sabi-sabing hinubad ang suot nitong bestida. "See? I'm ready!" aniya na nag-post pa. Suot nito ang pulang two-piece string swimsuit
Muli siyang sumimsim sa sariling wine glass nang bumalik siya sa dating pwesto at muling lumangoy sa kabilang dulo. Nagpaulit-ulit siya sa gano'n. Simpleng titingnan ang binatang amo. Hinihintay niyang suwayin siya nito sa ginagawang pag-inom, ngunit maliban sa paninitig sa ginagawa niya, na animo binabantayan ang bawat kilos niya ay wala na itong ibang naging aksiyon. May pagkakataong nilalapitan ito nina Elizha at Cristine, at nang ilan pa sa mga kaklase niyang babae upang makipag-usap dito, ngunit ang paningin nito ay nanatiling nakapako sa kung nasaan siya. Iginala niya ang mga mata, nang mapadako iyon sa mini bar na inilagay malapit sa pintuan patungong kabahayan, ay nagtama ang paningin nila ni Miss Ruth. Hindi niya inaasahan ang talim ng mga titig nito na nagpapalipat-lipat sa kaniya at sa kinauupuan ng binatang amo. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Ngunit base sa paniningkit ng singkit na nitong mga mata, alam niya at dama niya ang galit nito. Nagpakawala nang ma
"Master…" usal niya pagkakita sa binatang amo. Nakatayo ito malapit sa malaking bintana at nakahalukipkip.Just wearing a black cotton short, nahihipnotismong natitigan lang niya ang likod nito. His back is broad and wide. She couldn't take off of her eyes on him. Hindi ito nagsalita o nag-abalang lingunin man lang siya."A-ayos ka lang ba? Totoo bang ikaw ang nakatabig ng mga ba—" Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili sa dapat pang sasabihin. Pakiramdam niya, hindi iyon akmang itanong dito.Bahagyang napaatras si Samara nang gumalaw si Jasson. Sa bawat simpleng pagkilos nito, kumikislot ang mga ugat at muscles nito. At nang humarap ito sa kaniya nang may malamig na titig ay para na niyang gustong lumabas sa silid na iyon.Agad na dumaloy ang lamig sa buo niyang sistema sa klase ng tinging ipinukol nito sa kaniya. Nanginig tuloy ang buo niyang katawan at nanlambot na parang gulaman ang kaniyang mga tuhod."Iniwan
DAHAN-DAHANG iminulat ni Samara ang mga mata at nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana ay muli siyang pumikit. Napapangiti nang maalala ang nangyari ng nagdaang gabi.Ilang segundo ang kaniyang pinalipas at nang masanay sa liwanag ay muli siyang dumilat, ngunit nang mapagtanto kung nasaan siya ay unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Naroon siya sa sariling silid!Nanaginip lang ba siya?Panaginip lang ba ang lahat? Ang birthday party. Ang pagbabasag ng kaniyang master dahil sa galit. Ang pagtatapat nito sa kaniya ng pag-ibig. At ang mainit na halik na kanilang pinagsaluhan. Ang lahat ba ng iyon ay isa lamang panaginip?Halos magsalubong ang kaniyang mga kilay sa kakaisip dahil parang totoong nangyari ang lahat. Magpahanggang ngayon ay ramdam pa nga niya ang mga labi ng binatang amo, para ngang nakayakap pa rin sa kaniya ang matigas nitong braso at ramdam pa rin niya ang init ng matipuno nitong dibdib.Ngunit mag-isa lamang si
MABILIS NA LUMIPAS ang panahon. Agad na dumaan ang unang buwan sa relasyon ni Samara sa kaniyang master. At sa mga araw na nasa loob ng buwan na iyon, daig pa niya ang araw-araw na lumulutang.Hindi mapasubalian ang sayang nararamdaman nito sa kislap ng mga mata at sa mga ngiti nitong bigla-bigla na lang gumuguhit sa mga labi.Tulad ng araw na iyon, kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilin ang pagguhit ng ngiti roon nang maalala ang nangyari nang umagang iyon.Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mga mata, masarap ang naging tulog niya dahil laman ng kaniyang panaginip ang lalaking nabubungaran niya ngayon."Mmmm, m-master…" ungot niya habang sinasanay ang mga mata sa liwanag na sumisilaw sa kaniya."Good morning, baby," ang pang-umagang tinig ng binatang amo ang tuluyang pumukaw sa aandap-andap pa niyang huwisyo.Nakaupo ito sa gilid ng kama, pormal sa suot-suot nitong puting longsleeve at itim na slacks. Humahalimuyak ang
Hello, Dragonlings and Lutherians! Finally, we have come this far. Thank you for supporting my stories. I hope you enjoyed reading every part of the story. I want to greet everyone with a Prosperous and Healthy New Year for all of us. Q&A Q: Why I called my readers Dragonlings and Lutherians? A: I am a writer on a reading page on F******k, and one of my supporters called me or tagged me as IzangDragona bcoz of being a fighter and having an attitude of a dragon. So, I searched for what I can call my readers/supporters, and I came into Dragonlings since it means 'baby dragons'. So, my readers are my baby dragons because they're my treasure, the way I treasure my characters. And of course, Lutherians is for the readers of The Luther's Empire Series. Happy and Prosperous New Year to all! Good Bless, everyone!
NAGING mahaba ang linggong iyon para kina Samara at Jasson. Hindi sa gabi ng kasal na iyon nagtatapos ang lahat. They have to perform different rituals na naaayon sa tradisyon ng mga ito. At sa loob ng mga araw na dumaan, hindi man lang sila inimik ng matandang Chakrabarti kahit pa nakakasama nila ito sa hapag-kainan. Nakikipag-usap ito sa iba, ngunit hindi sa bagong mag-asawa.Not until that night, kung saan nabuksan ni Dawood ang paksa sa pag-alis ni Jasson.“Anong plano ninyo ni Samara? Susunod ba siya sa `yo sa Britanya?”“Processing her papers will take time. Since I have to stay in Britain for just less than a month, we both decided na
LOVE isn't just about happiness. Isn't just about kilig, roses, and chocolates, I love you's and I miss you's. Isn't just about lovers.Love is about friendship, families, and neighbors. It's about pain, trials, problems, and tears. It's about giving up or fighting.Matibay ang pundasyon ng isang pagmamahalan kung ang lahat ng negatibong aspeto ng pag-ibig ay mararanasan. That is what she learned about love, about life.Hindi sapat na masaya ka lang. Hindi sapat na mahal ninyo ang isa't isa. Hindi sapat na puro kilig lang. Dahil kung puro positibong bahagi lang ng pag-ibig ang ating mararanasan, paano natin malalaman if it's worth to fight for, to wait for. Hindi natin malalaman kung gaano katatag
"Anyway. Ang kasiyahang ito ay hindi naman tungkol sa isla. Kung nalalaman ko nga lang na ang bastardong iyan ang pinagkakautangan ko ngayon, hindi ko na sana siya inimbita pa at sa ibang pagkakataon na lamang kinausap."Kumuyom ang mga kamay ni Samara at halos magsalubong na ang kaniyang mga kilay. She truly love her olds but hearing him throwing disgusting words… halo-halo na ang kaniyang nadarama. Lungkot, galit at pagkapahiya. Nahihiya siya sa kaniyang master. Ang tungkol palang sa isla ang pinag-uusapan at gano'n na ang mga salitang ibinabato rito, paano pa kaya kung malaman na ng mga ito ang tunay nilang relasyon?Sumulyap ang dalaga sa kinauupuan ng binata. Nakatitig din pala ito sa kaniya. Walang bahid ng kahit ano sa mga mata nito, kaya hindi malaman ni Samara kung galit na rin ba ito. Basta lang itong nakatitig sa kaniya— mga tinging tila sinasabing wala nang atrasan pa.Pasimple niya itong tinanguan at binigyan ng alanganing ngiti, ngiti
DUMATING ang araw na nagpapakaba kay Samara. Naging abala ang lahat ng tao sa mansiyon ng mga Chakrabarti dahil sa inihandang munting salo-salo para sa isasagawang pangalawang pag-aanunsiyo ng kasal nila ni Raj Kumar.Dadalo ang kaniyang Master na siyang kasalukuyang humahawak ng titulo ng islang pagmamay-ari ng kaniyang lolo. Sigurado rin siyang pupunta ang punong ministro na ama ni Raj at ang ikalawa nitong asawa.Alam niya ang mangyayari, ngunit hindi niya alam kung ano ang magiging kahihinatnan ng lahat. Isa lang ang nalalaman niya, magkakaroon ng gulo sa pagitan ng kani-kanilang pamilya sa magiging desisyon niya.Tulad ng inaasahan, hindi simple ang simpleng hapunan na iyon. Bumabaha ng iba't ibang putahe ang mahabang mesang nababalutan ng pula at gintong mantel. Mula sa panghimagas, hanggang sa pangunahing putahe, iba't ibang hugis at kulay ng mga prutas. Ang malawak na bulwagan ay napupuno ng mga bandiritas at mga sariwang bulaklak. Sa magkabilang gilid n
"PA, totoo bang may bumili noong islang naisanla natin noong nakaraang eleksiyon?"Nilingon ni Samara ang auntie niyang nagsalita sa kalagitnaan ng pagkain nila."Nakasanla lang iyon, ate, kaya hindi pwedeng ipagbili," sansala naman ng auntie Harini niya."Inilipat ni Mr. Khan ang pagkakasanla ng isla dahil kailangan daw ng pera," tugon ng matandang Chakrabarti."Paano `yon, Pa? Papayag ba iyong pinaglipatan na tutubusin natin ang isla oras na makabawi ang ilan sa ating kumpaniya?"Tumango ang matanda matapos nitong ibaba ang kubyertos na hawak at punasan ang bibig."Sino na pala ang bagong may-ari, Pa?""Ayaw i-disclose ang pangalan niya. Pero nais nitong makipagkita ng personal." Umayos ito sa pagkakaupo at pinasadahan ng tingin ang mga kasama sa hapag-kainan."Masiyado nang matagal buhat nang ianunsiyo ang engagement ni Samara kay Raj, Dawood. Kaya naisip kong sa darating na linggo ay magkakaroon ng munting kasiyahan para sa
"I'M SORRY, Baby." Dumako ang kanang kamay ni Jasson sa batok ni Samara upang mas mailapit pa ito atsaka nito kinintilan ng halik ang tuktok ng ulo ng dalaga.Kasabay nang paglaglag ng mga luha, mahigpit na niyapos ni Samara sa baywang ang binata at sa dibdib nito umiyak nang umiyak na parang bata."I'm— I'm sorry, Master. I'm sorry if I didn't give you a chance to explain. I just… couldn't believe." Akma siyang ilalayo ni Jasson buhat sa pagkakayapos niya rito ngunit mas idiniin pa niya ang sarili dito.Marami pa siyang gustong sabihin dito at alam niyang hindi niya iyon masasabi oras na tumingin na siya sa mga mata nito. His gray eyes are her weakness, and looking on it will make her shiver and speechless. Kaya naman mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito."H-hindi naman ako galit sa iyo, eh. That's the last thing that I will feel. I was shocked, yes. I got a hint that I am with someone that is not Raj, that I am really with you, pero
"MISS SAMARA, dumating na po ang Master Raj," pagbibigay alam ng tagapangalagang naka-assign sa dalaga.Tumango siya at pinanood ang muli nitong paglabas sa kaniyang silid. Nang maipinid nito ang pinto ay isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan.Hindi niya alam kung paanong haharapin ang binata. Magpahanggang ngayon, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat. Minsan na ngang pumasok sa isip niya na may multiple personality disorder ito dahil sa dalawang katauhang ipinapakita nito.Not until their last day on Nakki Lake. When he revealed his true identity."Ara, anak? Ayos ka lang ba?"Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Samara pagkarinig sa boses ng ina. Mula sa malalim na pagkakatitig sa kisame ng kaniyang silid ay dumako ang tingin niya rito. Hindi niya namalayan na muli pala siyang nahiga nang mahulog sa malalim na pag-iisip. At hindi rin niya namalayan ang pagpasok ng ina sa kaniyang silid"Kanina pa kita kinakatok, hi
"WHERE are you going?" takang tanong sa kaniya ni Raj matapos ng tahimik na hapunan at tumayo siya."Powder room lang."Agad niya itong iniwan nang tumango ito bilang tugon. Tinungo niya ang powder room na nasa malayong likuran ng binata.Gumaang ang pakiramdam ni Samara nang makapasok doon. Tila hapo ang pakiramdam niya nang inilapag sa espasyo ng lababo ang maliit na bag at itinukod ang mga kamay sa malamig na marmol. Pinagmasdan niya ang repleksiyon sa salamin.Hindi niya gusto ang klase ng bilis at lakas ng tibok ng kaniyang puso. Iyong pakiramdam na kapag hindi ito naging normal ay magkaka-heart attack siya.Is it normal? O baka naman may sakit na siya sa puso?Hindi naman ito ang unang beses na naramdaman niya ang abnormal na pagtibok niyon. Ang pamilyar na pagkalabog niyon ay maihahalintulad niya sa paraan ng pagtibok niyon noong mga panahong kasa-kasama niya ang kaniyang master.At muli lang itong nagsimula after years being a