Share

Chapter 23: Father's Instinct

MABILIS NA LUMIPAS ang panahon. Agad na dumaan ang unang buwan sa relasyon ni Samara sa kaniyang master. At sa mga araw na nasa loob ng buwan na iyon, daig pa niya ang araw-araw na lumulutang.

Hindi mapasubalian ang sayang nararamdaman nito sa kislap ng mga mata at sa mga ngiti nitong bigla-bigla na lang gumuguhit sa mga labi.

Tulad ng araw na iyon, kagat-kagat nito ang pang-ibabang labi upang pigilin ang pagguhit ng ngiti roon nang maalala ang nangyari nang umagang iyon.

Pupungas-pungas siyang nagmulat ng mga mata, masarap ang naging tulog niya dahil laman ng kaniyang panaginip ang lalaking nabubungaran niya ngayon.

"Mmmm, m-master…" ungot niya habang sinasanay ang mga mata sa liwanag na sumisilaw sa kaniya.

"Good morning, baby," ang pang-umagang tinig ng binatang amo ang tuluyang pumukaw sa aandap-andap pa niyang huwisyo.

Nakaupo ito sa gilid ng kama, pormal sa suot-suot nitong puting longsleeve at itim na slacks. Humahalimuyak ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Bella Liam
Ay ang sweet ng Master ko..
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update hnd tlaga mapigilan Jasson hehehe NASA labas LNG ang Ama
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status