CHAPTER 41Yaya Lingling and the Billionaire's twin I can't wait for your birthday yaya. We have a gift for you, bukod sa food.” bungisngis ni Amalthea. Hmmm…duda ako kung ano ang ibibigay ng mga bata na ito.“I can't wait kung ano ang gift niyo na yan mga babies, sana magustuhan ko.” saad ko pero nagkibit-balikat lang ang dalawa at ngumisi. Duda talaga ako sa dalawang ito. “Basta….for sure magugustuhan mo Yaya.” " Sabi niyo yan ha, aasahan ko iyan, kapag hindi ko nagustuhan ang ireregalo niyo, ibabalik ko sa inyo-”"Hala…Yaya!" “Just kidding, swim pa tayo?" “Of course - Daddy!” “Daddy!" Napalingon ako sa aking likuran dahil tinawag ng mga bata ang kanilang ama.Ngumiti si boss sa kanyang mga anak, hindi na naka-business suit ang kanyang suot tulad kanina kundi trunk at itim na sando. Napasinghap ako na makita ang ayos ni bossing ngayon kesa na laging naka t-shirt. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang muscle dahil walang sleeve. For sure my abs Yan tulad sa mga nakikita
CHAPTER 42Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Saan ka na ba?” tanong ko kay Carpo. Tumawag kasi siya sa akin noong kailan pa dahil gustong makipagkita sa akin. Sa sobrang kulit ng kaibigan kaya narito ako sa kilalang mall sa Pasig. "Saan ka ba, doon tayo magkita sa may fountain? Alam mo iyan di ba?” Aniya sa kabilang linya. "Sige…bilisan mo ha, kung mainip ako at baka 5 minutes nakaalis na ako para umuwi ng bahay.” doon ako uuwi sa condo unit namin ni nanay at buong maghapon matutulog bago umuwi ng mansion. Kubg hindi ko lang kaibigan ang lalaking iyon ay hindi ako mag-aksaya na puntahan siya."Ay grabe, ganyan kana ngayon sa akin? Wala ka na talagang gana na makipagbonding sa akin ano? Isusumbong kita sa Lola mo-" aba tinatakot pa ako ng baliw na ito. “Hoy di porket close kayo ni granny ay palagi kang nakiki-chismis sa kanya lalo sa kaganapan ko rito, make sure mo lang na tama. Pasalamat ka hindi kita type at baka ngayon palang basted ka na-” “What the heck, you know what
CHAPTER 43Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Kuya!”"Oh my God, kuya..." parang bata kong tawag sa kanila.Agad akong tumayo sa kinaupuan ko na bench at agad pumunta kung saan sila nakatayo na tatlo na parang model at iniwan si Carpo. Agad naman nilang ibinuka ang kanilang mga braso para sa isang yakap. I bit my lips para hindi umiyak sa harapan nila but then I failed. Sa sobrang namimiss ko sila ay napaiyak nalang ako na makita sila. Bago kasi ako umalis sa probinsya ay wala ang mga kuya ko kasi ang panganay nagtatrabaho sa Europe dahil may business siya roon na dating business ng lolo namin sa ama ni daddy and then my two brothers went there para mag-aral at tumulong na rin kay kuya sa negosyo o sinasabi nila na kasosyo sa trabaho. At ang balita ko ay mga single pa ang mga kuya ko na ito. Wala pa raw silang natitipuhan na mga babae kahit marami namang magaganda sa Europe, fling lang daw pero walang attachment na nagaganap o feeling na involved at focus lang sila sa trabah
CHAPTER 44YAya Lingling and the Billionaire's twin “What? Ano ba iyang mga pinagsasabi niyo kuya, bakit ko naman magugustuhan ang amo ko? Amo ko iyan ha, take note...amo...tapos may anak siya, ano ba kayo? Baka mamaya niyan mumultuhin ako ng asawa nila dahil pinatulan ko ang asawa niya." giit ko. “And so what? Sabi mo matagal nang patay ang asawa ng amo mo, so pwede kayong-?" “And what do you mean by that? Na baka nagustuhan ko na rin siya? Impossible yan kuya dahil malabo, sobrang malabo laging masungit ang amo ko sa akin at sobrang strict sa kanyang mga anak kaya ayoko sa ugali niya.”"And so what nga- what if magustuhan mo siya?" “Hindi…malabo nga kuya." “What if siya ang may gusto sa iyo?" “Stop!" Napalingon kami sa kuya namin na si Deion. “ Bakit naman ganyan ang mga tanungan niyo sa bunso natin, imbes magtagal siya na makikipag-usap sa atin ay uuwi pa ito agad.” tama….buti pa si kuya Deion.“Kung sakaling lang naman iyon bro-" si kuya Dazton talaga oh, chismoso din, nam
CHAPTER 45Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Ayos ka lang ba Chaldenne?" tanong si kuya Deion sa akin. Dinagdagan ko pa ang plato ko ng salad at naging busy habang kumakain.“Oo naman…a-ayos lang po ako. Gusto ko pa po ng hipon.” ani ko at sabay naman silang kumuha ng hipon sa bowl at bago binigay sa akin ay binalatan na muna nila na may suot sila ng plastic gloves. Hindi na ako lumingon sa direction ni boss dahil ayokong ma distract sa kinakain ko. Baka narito siya sa restaurant para kumain din dahil baka nagyaya ang mga barkada niya kaya siya narito. At iniwan na muna ang mga bata, baka mabilis lang sila at maya-maya ay uuwi rin para samahan ni boss ang mga bata sa kanilang kamag-anak.“Next year, gusto mo bang sumama sa amin Cha?" binaling ko ang attention kay kuya Danzekiel dahil sa tanong niya. Nagkibit-balikat ako.“Not sure kuya, anong gagawin ko roon? Tapos na akong mag-aral." “Para magtrabaho? Or mamasyal lang?" "Mamasyal lang? Ang ganda ng buhay mo sis-” pinalo
CHAPTER 46 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Dali-dali kaming pumasok sa loob ng restroom, sinabihan ako ni kuya na sa labas na lang maghintay pero hindi ako nakinig. Pagpasok namin sa loob ay naabutan ko si kuya Danzekiel na hawak si kuya Dazton sa braso dahil si kuya Dazton ay nakahawak sa kwelyo ni boss Kale at pareho silang may pasa sa mukha? Samantalang si Carpo ay may hawak na cellphone at nagvi-video? Habang ang kasama ni boss Kale kanina ay nakapamewang lang nakatingin sa tatlo at ang isa ay kakatapos lang yata umihi dahil inangat niya ang zipper ng pantalon nito. “Boss Kale?” mahinang bulong ko, nahagip niya ako kaya nakita ko na mas lalo pa siyang nagalit.“What's happening here?" malamig na boses na tanong ni kuya Deion. “Gago pa itong lalaking na ito eh, bigla-bigla nalang lalapit sa akin at may tinanong at inambahan ako ng suntok.” Pinigilan ko ang kamay ni kuya."Kuya….let go of him please…" “What? Why should I do that Chan? Gago ‘yan eh, kilala mo ba iyan a
CHAPTER 47Yaya Lingling and the Billionaire's twin Sakay ang sasakyan ni Carpo ay umalis kami sa mall, malalim akong napabuntong hininga. “Are you okay?" “What happened earlier? Bakit bigla nalang silang naging gano'n? Nagpaalam lang kayo tapos ganoon na ang nangyari?" tanong ko kay Carpo instead na sagutin siya dahil for sure alam ko na alam niya that I'm not okay.“I'm not really sure. Hindi ko alam kung saan sa pinag-uusapan namin ng mga kapatid mo ang naging rason kung bakit ganoon nalang agad ang atake ng boss mo sa kuya mo. Halos magkasabay lang kami na pumunta sa banyo and then it happened. Nabigla nga ako eh.”"Oh really, nabigla ka, hindi halata." "Grabe ka!" "Nabigla pero nagawa mo pang mag-video?” pang-aasar ko ulit."Uhmm…iyon? For reference lang, if ever may malalang nangyari at magreklamo sila sa kapulisan ay alam mo na, we have a strong evidence for him na siya ang unang nag-amba ng suntukan." aniya kaya mas lalong akong nainis. Bakit siya nanuntok? Anong pumasok
CHAPTER 48Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Are you okay bunso?" hinihingal pa ako na inangat ko ang aking katawan para makita si kuya Danzekiel, umiling agad ako sa kanya at napapailing habang hinihingal pa rin. Gosh, I need water after this.“Of course hindi…paano ako maging okay kung bago palang tayo bumaba sa sinasakyan natin? Loko ka! Narinig mo ang panginginig at paos na boses ko?” singhal ko. Akala ko ba hindi nakakatakot, bakit parang lumulutang na ang kaluluwa ko at humiwalay na ang katawan ko sa aking mga paa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakabalik sa normal ang aking katawan at paghinga. Una naming sinakyan ay ferris wheel and then boat ride at dahil may oras pa at mapilit si kuya Danzekiel ay napasakay kami sa pirate ship at panghuli ang drop tower. Nakasakay naman kami nito sa probinsya na mga klaseng rides pero grabe na itong sinasakyan namin kanina, ito palang ang hindi namin nasubukan. “Sabi mo kasi for experience ang gusto mo na mangyari sa buhay mo,
CHAPTER 131 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Hanggang sa natapos na ang video ay hindi pa rin maiwasan na humikbi sa harapan nila. Lumapit si Kale sa akin at kinuha sa kanyang bulsa ang isang panyo at pinahiran ang pisngi ko na may hilam na luha. Gusto ko mang umalma dahil naalala ko na naman ang ginawa niyang pag-iwan sa akin ay di ko na magawa na maramdaman ang palad niya sa batok ko para hindi ako pumipiglas at mapunasan ako. “Stop crying or I might kiss you right now." Bigla kong natampal ng mahina ang braso niya dahil nagawa niya pa talagang magbiro, samantalang ako, ito at kinikilig pa sa mga nangyayari sa paligid tapos dagdagan niya pa, mukha na akong baliw nito, umiiyak habang kinikilig. “Alam mo ba na galit at nagtatampo talaga ako sa'yo kaya dapat panindigan ko iyon." Sabi ko sabay irap. "Kiss lang katapat niyang tampo na yan but before we do that, let's hear first what our babies want to tell you." aniya pero hinalikan pa rin ako pero smack lang. At dah
CHAPTER 130 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kagigising ko lang pero ang layo na nang narating ng ngiti ko. Hindi ako sigurado kung dahil ba maganda ang gising ko na hindi ako ginigising? O di kaya, nang dahil kagabi kaya ganito ako? Wait? Ano bang nangyari kagabi? Hinawakan ko ang labi ko habang nakangiti dahil naalala ko na kung ano ang nangyari kagabi sa aming dalawa ni Kale. “The heck, Chaldenne–" We kissed and kissed and kissed and kissed na umabot yata ng dalawang oras bago niya tinigilan ang mga labi ko. “Oh my…” agad kong tinakpan ng kumot ang buong mukha ko at impit na sumigaw at parang isang bulate na binudburan ng asin dahil nangingisay ako sa kilig. Bigla kasing lumitaw ang lahat ng kaganapan kagabi. Narinig ko na may bumukas ng pinto sa kwarto namin na kung saan tinuluan namin ni Kale kaya napatigil ako sa kakalikot ng aking katawan sa ibabaw ng kama at hinayaan si Kale na lapitan ako at siya na ang bumaba ng blanket. At ganoon nga ang ginawa niya,
CHAPTER 129 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “What? Kanina ko pa naramdaman ang kanyang palad na hinahaplos ang likod ko. Nagpalit ako ng dress pero hindi niya nagustuhan ang suot ko dahil walang ka tela-tela ang bandang likuran ko raw at tama nga naman siya dahil design nga na backless dress. “Hindi ka ba nalalamigan?" Mahinang bulong niya. Tinagilid ko ang ulo ko para makaharap siya at umiling. “Suotin mo na kasi ang polo suit na binigay ko kanina." “Mamaya na, hindi bagay at isa pa kakabili ko lang nito noong isang linggo at nagustuhan ko ang design kaya dapat ipagmalaki ko.” Sagot ko habang nakapuppy eyes. Nasa tabi kami ng dalampasigan at marami pa kaming kasamahan na mag-asawa ang narito at nagsama-sama. Kakatapos lang ng kasal at nagpahinga na ang mga bagong kasal dahil maaga silang pupunta sa ibang bansa bukas para sa kanilang honeymoon. At ang mga matatanda naman ay bumalik sa hotel kung saan kami naka-book para doon na sila matulog muna kasama ang mga bata
CHAPTER 128Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I'm sorry–” Lumingon ako sa mga taong narito sa reception at nakita ko kung paano bumagsak ang balikat nila. Dismayado sa sagot ko or ano ba? Hanggang nalipat ang mga mata ko sa taong gusto kong makita, gusto kong humingi ng tawad. Si Glenda.“I'm really sorry Glenda for ruining your supposedly special moments because it's your wedding day, right? But…but I wanna take this opportunity to let everybody know that ....” Nakita ko kung paano sila kinakabahan habang inaabangan ang sasabihin ko na para bang binagsakan sila ng bati kung ang sagot ko ay hindi naaayon sa gusto nilang marinig. Binalik ko ang attention kay Kale na hindi pa rin tumayo at nakaluhod habang hinihintay din ang iba ko pang sasabihin at sagot sa sinabi niya kanina. Ngumiti ako sa kanya, kahit may hilam pa rin na luha ang mga mata ko pinilit kong maging maayos ang sasabihin ko para marinig niya. "Na mahal na mahal ko po si Kale Arcus Callisto. And yes, I wil
CHAPTER 127 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Hi Glenda, congratulations." Saad ko sa pinsan ni Carpo na ikakasal ngayong araw. “Oh my Gosh, you look so beautiful-" dagdag ko pa. Gandang–ganda ako sa wedding gown na suot niya na off-shoulder lace dress. She looks like a princess with her gown. So perfect. Bago ako pumanhik kung saan ang mga kasamahan ko kanina ay pinuntahan ko rin muna siya dito kung saan siya nagbibihis na room para batiin sa araw ng kasal niya. "Thank you so much, Chaldenne. Ang saya ko na nakahabol ka.” napanganga ako sa sinabi niya, so, sinabi ni Carpo kung bakit hindi ako nakasama niya? Marahil dahil ang alam ni Glenda na invited ako at kasama ko si Carpo pero ibang tao ang kasama ko papunta rito sa Batangas. “Of course naman, ikaw pa, minsan lang ako invited sa kasal no, kaya masaya ako at masaya rin ako para sa'yo." Saad ko. Hanggang sa tinawag na si Glenda ng kanyang wedding coordinator kaya hindi ko na inabala. Nasa isang resort kami ngayon
CHAPTER 126 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Mr. Callisto-” saad ng lalaking kulay gray ang mata at nakipagkamay sila ni Kale. "Zup, pare?" "Hi miss, I'm Devi and my wife-” turo niya sa kanyang asawa. "Hello…Shemaia," bati nito sa akin at humalik sa pisngi ko kaya ganoon din ang ginawa ko at nagpakilala. “Ignacio and my wife, Michaella." “Hi, nice meeting you Chaldeenne." “Nice meeting you too." “Carlos…ang pinaka-pogi sa lahat at ang magandang asawa ko, my only love Clovett." Napabaling ang tingin ko sa lalaking kulot ang buhok at sa asawa niya at nakipagkamay. “Maniwala ka na lang na pogi si Carlos, magtatampo iyan." “Gago ka Lance….totoong pogi ako, huwag kang epal." Natawa ako, nakakatawa kasi sila eh. “Tingnan mo, inaway na ako, anyway Lance and my beautiful love of my life, Sunny." “Hi, welcome sa grupo namin." Tumango at ngumiti lang ako sa sinabi sa pangalang Sunny. “Hi! Ryker and my beautiful wife-" "Hello, just call me Aubree Lynn, at depend
CHAPTER 125 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Thank you kuya Edgar!!" sabi ko kay kuya Edgar na siyang tauhan at piloto ni Dark Romanoz na naghatid sa amin sa Batangas. Ang alam ko ay lumaki si Romanoz sa Russia na kung saan, pinagmalupitan siya sa kinikilala niya na ama na isang mafia. Narito siya sa Pilipinas dahil nakapag-asawa ito ng Pinay. Pagka-alis ni kuya Edgar ay saka palang kami bumaba ng building gamit ang elevator, hinatid lang kami sa Batangas at itong building na kakilala ni Kale na may helipad ang meron dito na malapit sa kung saan ikakasal ang pinsan ni Carpo. Tanghali na kami nakarating at susunduin kami sa isa sa driver ni Carpo para maghatid sa amin sa kabilang hotel. “Where are we?" Tanong ko kay Kale na mahigpit ang hawak ng kamay ko na akala mo naman tatakas ako. “San Juan Batangas,” sagot niya at tumango ako. Wala akong masyadong alam sa lugar na ito dahil hindi pa namin ito na puntahan kapag gusto naming magtravel. Most of the time kasi, we
CHAPTER 124 Yaya Lingling and the Billionaire's twin Napabalikwas ako ng gising dahil sa masarap na panaginip, I mean what the hell, masarap ba iyon? Pakiramdam ko oo. Wait…nanaginip ba ako? Hinawakan ko ang mga labi ko. We kissed again, right? Hindi niya tinigilan ang labi ko sa kakahalik. “at ….at…hanggang oh my God!” inangat ko ang bedsheet para makita kung may dugo ba pero wala naman, pinakiramdaman ko ang sarili ko, wala namang nangyari, hindi naman masakit ang katawan ko. Hindi rin masakit ang pagkababae ko, so, ibig sabihin lahat na nangyari ay panaginip lamang. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko, binigay ko na ang aking bataan kay Kale…oh my goodness. Bumaling ako sa kabilang higaan at wala ni anino niya ang nakikita ko. Nasaan na naman siya? Lagi nalang niya akong iniiwan, pwede naman akong gisingin kung may ginagawa siya. Pero napanganga nalang ako na makita si Kale na kalalabas lang ng banyo, tanging tuwalya lang ang nakatabon sa kanyang bewang na kung
CHAPTER 123Yaya Lingling and the Billionaire's twin “You can use my boxer, I have an unused boxer in my suitcase-”Matalim ang tingin ko sa kanya, hindi ko alam at siya pa ang napagbuntungan ko ng galit dahil lang sa wala akong masusuot kahit panty at bra. Tinawagan ko si kuya Danzekiel at Carpo, tapos malalaman ko lang nauna ng nakarating sa Batangas ang maleta ko kaysa sa akin.Pwede namang bumalik ang helicopter kaso nga lang wala ang piloto dahil nakauwi na sa kanila, gusto ko sanang pabalikin ngunit naawa naman ako kaya ito, maghahanap ako sa maleta niya na pwede kong suotin ngayong gabi at bukas nalang ako magbibihis ng bagong damit. Ngunit pagbukas ko ng kanyang maleta ay nakita ko sa kabilang side ang mga damit niya, t-shirt and some long sleeve polo, pants, at mga gamit para sa mukha at pansaksakan like charger para sa kanyang cellphone at laptop ang nakikita ko sa kabilang side ng kanyang maleta, at nang napunta ang mga mata sa kabilang side ay nanlaki ang mga mata ko n