CHAPTER 47Yaya Lingling and the Billionaire's twin Sakay ang sasakyan ni Carpo ay umalis kami sa mall, malalim akong napabuntong hininga. “Are you okay?" “What happened earlier? Bakit bigla nalang silang naging gano'n? Nagpaalam lang kayo tapos ganoon na ang nangyari?" tanong ko kay Carpo instead na sagutin siya dahil for sure alam ko na alam niya that I'm not okay.“I'm not really sure. Hindi ko alam kung saan sa pinag-uusapan namin ng mga kapatid mo ang naging rason kung bakit ganoon nalang agad ang atake ng boss mo sa kuya mo. Halos magkasabay lang kami na pumunta sa banyo and then it happened. Nabigla nga ako eh.”"Oh really, nabigla ka, hindi halata." "Grabe ka!" "Nabigla pero nagawa mo pang mag-video?” pang-aasar ko ulit."Uhmm…iyon? For reference lang, if ever may malalang nangyari at magreklamo sila sa kapulisan ay alam mo na, we have a strong evidence for him na siya ang unang nag-amba ng suntukan." aniya kaya mas lalong akong nainis. Bakit siya nanuntok? Anong pumasok
CHAPTER 48Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Are you okay bunso?" hinihingal pa ako na inangat ko ang aking katawan para makita si kuya Danzekiel, umiling agad ako sa kanya at napapailing habang hinihingal pa rin. Gosh, I need water after this.“Of course hindi…paano ako maging okay kung bago palang tayo bumaba sa sinasakyan natin? Loko ka! Narinig mo ang panginginig at paos na boses ko?” singhal ko. Akala ko ba hindi nakakatakot, bakit parang lumulutang na ang kaluluwa ko at humiwalay na ang katawan ko sa aking mga paa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakabalik sa normal ang aking katawan at paghinga. Una naming sinakyan ay ferris wheel and then boat ride at dahil may oras pa at mapilit si kuya Danzekiel ay napasakay kami sa pirate ship at panghuli ang drop tower. Nakasakay naman kami nito sa probinsya na mga klaseng rides pero grabe na itong sinasakyan namin kanina, ito palang ang hindi namin nasubukan. “Sabi mo kasi for experience ang gusto mo na mangyari sa buhay mo,
CHAPTER 49Yaya Lingling and the Billionaire's twin " I ask you again, who really are you?” ulit niya sa malamig na boses. Kanina pa kaya siya sa labas simula nung sinabi ko na umalis na siya? Bakit niya ako hinintay? Para lang tanungin sa akin kung sino ba ako?"Uhmmm….I'm Lingling I mean Chaldenne Montaño po sir…uhmm…ano po, tama po ang pangalan na nakalagay sa aking resume na pinasa ko po sa inyo, promise,” sabi ko sa nanginginig na boses. Kanina ang saya ko tapos ngayon ganito pa ang nangyari at kinakabahan ako lalo sa mga titig niya sa akin na parang sa isang saglit lang ay malalaman niya ang buong pagkatao ko at mga pangalan ng mga magulang ko. Pero kahit anong mangyari ay hindi ko sasagutin kapag magtanong siya kung sino ang totoong mga magulang ko. Sana isipin niya na maraming pangalan ang ganyan. Ang mahalaga hindi ako masamang tao, may mga bagay ba ayoko lang sabihin sa kanya lalo sa estado ng buhay ko, hindi ko lang alam kung bakit ayoko munang umalis dito, marahil hindi
CHAPTER 50Yaya Lingling and the Billionaire's twin “What?" “Anong what…what ka pa riyan. Ano…pinagbantaan niyo ba ang boss ko ng hindi maganda kaya—" “What? What are you talking about bunso? Wala kaming ginagawang masama sa kanya or even a threat. Pagkatapos mong umalis noong kamuntikan ka nang masagasaan ay umalis na rin siya sa harapan namin.” hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ni kuya Danzekiel pero hindi naman siguro ito nagsisinungaling sa akin di ba? “Bakit ba, anong ginawa niya? Parang boyfriend mo siya na ganyan ang concern mo, if he's say sorry and then good for him, but sad to say na hindi siya humingi ng sorry sa amin kaya may atraso pa rin siya." dagdag niya pa pero sa sinabi niya na parang concern boyfriend ako ay napapintig ng tenga ko.“Luhh, ayos ka lang kuya Danzekiel? Ilang beses ko bang sabihin sa inyo na hindi ko yan gusto no-" mariin kong sabi. "Iyon naman pala eh, kaso kung makatanong ka…”"Whatever…." “Who's that?" Narinig ko sa kabilang linya ang bo
CHAPTER 51Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Shhh….I'm here….let me carry you. Dont move,” aniya kaya hindi na rin ako nagreklamo at agad pinulupot sa leeg niya ang mga braso ko habang namimilipit sa sakit ng tuhod ko."Ang sakit ng tuhod ko…" Maiyak ko na sabi. Parang naghahabulan ang kuryente paakyat sa aking ulo at bigla nalang akong na paralyzed.Binaba niya ako sa aking kama at pinaupo ng maayos, agad siyang lumuhod para makita ang tuhod ko na natamaan, hinilot niya ito at hindi pa nakuntento kumuha siya ng cold compress sa kusina, namimilipit parin ako sa sakit dahil sa mismong buto ko tumama ang glass table na square sa aking tuhod. Pakiramdam ko may ugat na natamaan kaya ganito kasakit. “How's that?" kinuha ko kay boss ang cold compress at ako na ang naglagay sa tuhod ko, wala naman itong pasa o baka mamaya pa, kaso nakakahiya na siya ang gumawa."Medyo okay na boss, yung cream nabitawan ko yata, wala na sa kamay ko, baka nahulog lang sa may carpet, mind yourself
CHAPTER 52Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Uhmmm…oo nagkita kami…natuloy ba kayo kina granny niyo kahapon?” umiling ang dalawa habang sinusuklayan ko ang kanilang buhok hanggang balikat na haba. "Hindi na Yaya…sabi kasi ni daddy na baka matagalan siya para bantayan ka." Napatigil ang pagsusuklay ko ng buhok nila. Bantayan ako?“What…what did you say guys?” nalilito kong tanong sa kanya. “Iyan po sabi ni daddy kahapon po, baka gabihin siya pag-uwi dahil babantayan ka raw niya baka ano ang mangyari sa'yo. At ayaw ko rin pumunta sa bahay ni grandma same kami ni kambal kaya sa bahay na lang kami kahapon." What the hell, he did that? Pero may kasama siyang barkada, impossible. Creepy naman niya kapag tama ang mga bata or baka naman iyon lang ang paalam niya sa mga bata para makaalis siya pero ang totoo mga barkada niya ang kikitain niya at hindi ako para bantayan, tama…tama. “Ganoon ba…nagkita naman kami kahapon pero wala naman siyang sinabi na babantayan niya ako, di ko al
CHAPTER 53Yaya Lingling and the Billionaire's twin “This Friday pakihanda ang mga gamit ng mga bata. May pupuntahan tayo.” narinig kong sabi ni sir Kale pero nauna na ang mga bata papasok dahil may classmates na kasabayan.."Kasama po ako?” tinuro ko ang sarili ko. Bumaba siya sa kanyang kotse at naglakad kami papasok sa school para sumama na ihatid ang mga bata sa gate. Mostly kasi kapag late na siya sa trabaho ay hindi niya na hinahatid ang mga bata sa loob, nagpapaalam lang ang mga ito sa loob ng kotse pero ngayon ay sumama siya. “Of course, I want to treat them somewhere. Alam ko na namimiss nila." “Beach po?" hula ko lang."Bye daddy, take care po..." Naputol ang usapan namin na marinig ang mga boses ni Amalthea and Lysithea, nasa tapat na kami ng gate at dahil may classmates kaya hindi na sila nagpasama."Goodbye my two princesses... have fun, okay?" paalam n'ya sa mga bata. Tanaw namin ang masaya nilang mga ngiti habang may kausap na kaklase habang naglalakad patungo sa ka
CHAPTER 54Yaya Lingling and the Billionaire's twin Bigla akong nataranta na marinig ang phone ko na tumutunog. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking sling bag at napalunok nalang ako ng laway na makita ang pangalan ni boss Kale sa screen sa isang tawag. Napabuga ako ng hangin dahil bigla nalang tumatambol ng malakas ang dibdib ko. Gosh, what is the meaning of this? Tumikhim ako ng ilang beses dahil pakiramdam ko lahat ng plema ay nasa lalamunan ko na. Pinindot ko ang answer button at baka importante ang tawag ni boss sa akin.“H-hello….” bati ko sa kanya. "Hi!” hi palang ang narinig ko pero bakit biglang nanayo ang mga balahibo ko? Kasalanan talaga ito lahat ni Diwata. No…no…wala lang ito, mahangin lang kaya ako parang nilalamig. “Yes boss-" masiglang sabi ko para kumalma naman ang buto-buto ko na marinig ang malamig niya na boses. “I forgot to tell you, I have a meeting to attend later this afternoon around three o'clock, it means wala na ako sa loob ng office ng ganyang mga oras
CHAPTER 88Yaya Lingling and the Billionaire's twin (Matured warning)“Saan mo nakuha ang impormasyon na iyan huh?" galit nitong tanong sa akin, mas lalo pa akong lumayo sa kanya dahil ibang-iba siya ngayon. “I always find ways, Jeniza, sa simula palang na dumating ka, may kakaiba sa kinikilos mo. Sa tingin mo ba palampasin ko lang lahat na ginawa mo? Hindi!" " Wala kang alam!” "Marahil tama ka, wala pa akong masyadong alam kung bakit mo ginawa ang bagay na ‘yon. Alam mo na masama pero anong ginawa mo, dahil lang sa ambisyon mo na mapasa iyo si Mr. Callisto ay ginawa mo iyon sa ina ng mga bata! Nakipaglaban ang tao sa sakit sa puso kahit mahirap pero sinikap niya na ipaganak ang kambal, nakipaglaban siya kahit mahirap pero anong ginawa mo? You killed her habang nasa hospital pa siya! Anong klase kang kaibigan ha Jeniza, kung hindi mo man siya itinuturing na kaibigan but still, anong klase kang tao huh para gawin sa kanya ang bagay na iyon?” Walang preno ko na salita sa kanya. “Ba
CHAPTER 87Yaya Lingling and the Billionaire's twin “I asked you again, what are you doing here? Sa pagkakaalam ko bawal pumasok sa kwarto na hindi sa kanya, unless... if needed. Tumayo ako ng matuwid habang titig na titig sa kanya. Balisa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Halos hindi makatingin sa akin.Pilit itong tumawa. “Ako pa ang tatanungin mo ng ganyan? Hindi ba dapat iyan ang itanong mo sa sarili mo kung bakit ka pumasok sa kwarto ng boyfriend ko?" giit niya pa na ako dapat ang may kasalanan. “Are you sure, dahil ba boyfriend mo siya ay malaya kang makapasok sa kwarto niya kung sa simula palang doon ka nga sa guess room pinapatulog?" Galit itong bumaling sa akin. “Ano bang pakialaman mo kung pumasok ako, eh sa namimiss ko siya kaya may karapatan ako." “Pumayag ba siya?" “What?" “Pumayag ba siya na dito ka dapat pupunta kapag namimiss mo siya?" Tanong ko sa kanya at tingnan mo ang bruha pumunta pa talaga sa kama at humiga.“Oh common Lingling, kahit hindi ko sabihi
CHAPTER 86Yaya Lingling and the Billionaire's twin Umalis si Yaya Marivic kasama si Lysithea papunta sa kanyang dentist ngayong hapon at si Amalthea ay nasa kanyang kwarto at natutulog. Nasa kwarto ako habang naghihintay na magising si Amal para sabay kaming kumain ng merienda. Samantalang si Jeniza ay nasa guess room at hindi namin alam kung ano ang ginagawa, two days na ngayon at bukas ng gabi ang balik ni boss sa Pinas. Kaya siguro hindi lumalabas madalas si Jeniza sa kanyang kwarto dahil alam niya na wala siyang kakampi rito sa bahay. Kasalanan naman niya kung bakit niya nilalayo ang sarili niya lalo sa mga bata, umaalis naman ng bahay at babalik lang para dito matulog. Wala rin akong natanggap na tawag galing kay boss para pagalitan ako na sinagot sagot ko ang girlfriend niya. Hindi ko alam kung nagsumbong ba o hindi ang bruha, at isa pa, wala naman kaming kasalanan, kung tutuusin may kasalanan pa nga siya sa mga bata. Lahat na nakalap ko na impormasyon kay Jeniza ay pi
CHAPTER 85 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Isusumbong kita kay Kale, ang lakas ng loob mo para kalabanin ako, hoy babae ka na isa lang naman na Yaya sa mga maiingay na batang iyan! Wala kang karapatan na ganyanin ako, hindi mo ako kilala! You don't even know what can I do for you kapag sinagad mo ang pasensya ko,” halos lumabas na ang ugat nito sa kanyang leeg habang gigil na gigil na magsalita sa harapan ko. “Sabihin mo bilis, ang bagal naman. Kahit ngayon mo na tawagan." utos ko." Talaga.... isusumbong kita." aniya na nakapamewang na galit na galit kung makatingin sa akin. Sasagutin ko pa sana ngunit tinalikuran niya ako. Aba! Duwag ang bruha? Gusto ko man siyang sugurin pero hindi ko na nagawa at nagsasayang lang ako ng oras. “Are you alright, Yaya?" Saka palang ako lumingon sa mga bata na nasa tabi ko lang pala. Nag-alala sila sa akin na hindi naman ako nasaktan na dapat ako ang magtanong sa kanila, dahil sila na naman ang nakikita ni Jeniza. “I'm okay, sinak
CHAPTER 84 Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Pagbalik ko, sabihan niyo ako kung saan tayo ulit magbabakasyon, okay? Para alam ni daddy." “Really daddy…kahit saan po?" “Yes baby…kahit saan. Babawi ako sa inyo pagbalik ko galing sa business trip. Magpakabait kayong dalawa rito, okay?" Malapad ang mga ngiti ng dalawang bata sa kanilang ama. "Yes daddy, and you too po, take care kayo kung saan po kayo pupunta.” "Do you want pasalubong?” tanong pa nito sa mga bata at lumingon sa akin. Nasa kwarto kami ng mga bata at nagpaalam ito na aalis na. May business trip ito na pupuntahan sa Dubai for three days kaya ito siya at pinapapili ang mga bata na kung gusto magbakasyon tulad noong pumunta kami sa Negros ay magsabi lang sila kung saan ang gusto naman nila na puntahan. Mabuti naman at kahit busy siya ay binigyan niya na nang oras ang mga bata, pwera lang ngayon dahil may pupuntahan nga siya. “No na po daddy, umuwi ka lang po na safe sa amin ni Lysithea po ay masay
CHAPTER 83Yaya Lingling and the Billionaire's twin “Really kuya?" “Yes bunso, ayon sa nakalap namin na impormasyon tungkol sa lalaki niya ay may mga illegal ito na gawain sa ibang bansa." Malalim akong napabuntong hininga dahil sa mga iilang impormasyon na binigay ni kuya Danzekiel sa akin. Kakagising ko lang at ito agad ang nalalaman ko. “At ngayon, ginamit niya ang bruha na ito para lang mas lumago at maraming connection ang baliw na iyon kuya." Natawa siya sa ginamit ko na salita. “I must say yes or depende na rin kung in love na talaga siya dahil look alam mo na ganyan ang gawain ng partner mo and then nariyan ka pa rin sa kanya? Kabaliwan iyan.” Hindi ko rin kayang sagutin ang sinabi ni kuya. Marahil tama siya o may dahilan pa ang lahat kung bakit niya ginagawa ang mali."Sige kuya, thank you for telling me about this. Maging mapagmatyag na rin ako dito sa mga kinikilos niya at baka mamaya ano pa ang gagawin niya.”"Kailan mo sasabihin sa crush mo….I mean sa amo mo ang tungk
CHAPTER 82Yaya Lingling and the Billionaire's twin Bumangon ako dahil nagugutom. Madaling araw na at nagising lang dahil nagrereklamo ang tiyan ko. Kumain naman ako kanina pero hindi ko alam kung bakit umiiyak ang mga alaga ko sa tiyan. Nasa guess room natutulog si Yaya nanay, hindi ko siya pinatabi sa akin matulog dahil ayokong magkasakit siya at mahawa sa akin. Gabi na at hindi ko na muna pinauwi kaya bukas nalang. Tumatawag nga si mommy at daddy sa kanya at kinu-kumusta ako noong mag-isa nalang kami sa kwarto. Pinihit ko ang doorknob para makalabas ng kwarto at pumunta ng kusina, dahan-dahan ang kilos ko lalo at bababa pa ako ng hagdan, medyo mabigat pa ang pakiramdam ko pero carry na , hindi ko na gigisingin si nanay dahil alam ko na pagod din siya sa kababantay sa akin kanina. Naging pangalawang nanay ko na talaga siya at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako iniiwan.“Where are you going?" Napalundag ako na may narinig na boses lalaki pagbaba ko mismo ng hagdan. Muntik na
CHAPTER 81Yaya Lingling and the Billionaire's twin Kinapa ko kung nasaan ang cellphone ko nakalagay para matawagan si Yaya nanay. “Oh hija, bakit napatawag ka?”“Yaya nanay, come to my room please…I think I have a fever po.” “Nilagnat ka? Bakit naman, dahil ba yan kahapon sa school ng mga bata?" “Siguro po…" sagot ko sa kanya.“Sige, tatawagin ko lang ang driver para pupunta ako diyan," aniya at saka lang ako natauhan, pilit kong binubuksan ang mga mata ko kung totoo bang hindi ako nanaginip. “Sorry Yaya, nasa ibang bahay pala ako, akala ko nasa sariling room ako ngayon. Huwag ka na lang pumunta yaya. I can take care of myself naman po.” “No. Pupunta ako ngayon, wait lang kinuha ko lang ang mga gamot mo." Napangiti nalang ako kahit nasa kabilang linya ang kausap ko na alam ko na nagmamadali ang mga kilos ni Yaya. Dati ko pa kasi ginagawa ito na kapag may gusto ako o may sakit ay tinatawagan ko nalang si Yaya nanay. Malaki na ako pero bini-baby pa rin ako. “Thank you yaya-" “
CHAPTER 80Yaya Lingling and the Billionaire's twin "Do you?" “I did. Nag-sorry na ako sa mga bata, and we are both okay.” pilit kong pinapasok sa utak ko ang salitang sinabi niya. “Sincere ba ang sorry mo?" Nakita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata sa tanong ko. “What do you mean? Of course, I apologized to them and were both okay na nga, and why I'm here because I know, I made mistakes with you too.”"Wala naman akong pakialam kung hindi ka humingi ng sorry sa akin boss, dahil una palang hindi ka sa akin dapat magsosorry kung di sa mga bata, sa mismong anak mo, kasi sila po ang nasasaktan sa ginagawa mo kaninang umaga. That's why I'm asking you kung sincere ba talaga ang sorry mo dahil kung paulit-ulit lang din ang paghingi mo ng sorry but still you're breaking their hearts, masasaktan at masasaktan pa rin sila boss Kale.”"Nag-sorry na nga ako. I already apologized! I said sorry to them na hindi na mauulit, don't you get it?” Pabulong ngunit may galit nitong banggit sa aki